C7- Claire

1701 Words
Labag man sa loob ko ay mariin akong pumikit at tumingalang bumuga ng hangin. "Tuso talaga ang bwesit." Asar kong bulong bago padaskol na tumayo at lumabas ng kwarto para magtimpla ng kape. Pagkapasok ko sa kitchen ay kitang-kita ko agad ang malaking ngisi ng bwesit. Pakiramdam ko ay parang nang-aasar pa siya sa akin na para bang sinasabi niyang wala akong kawala sa mga tricks niya. Nauto niya ako para ipagtimpla ko siya ng kape sa umagang ito. Sino ba naman ang hindi mauto? E, binantaan niya ako kagabi na hahalikan niya ako kapag tinapon ko ang pagkain o hindi uubusin. Kaya no choice ako kung hindi ubusin ang pagkaing bigay niya kaysa lumapat sa akin ang marumi niyang bibig. Sinu-sino na lang ang kahalikan niya tapos hahalik siya sa akin? No way! Hindi ako papayag na lumapat ang bibig niya sa akin! Baka buhusan ko siya ng zonrox kapag nangyari 'yun. "Akala ko hindi mo nakita. Nakaramdam na ako ng lungkot dahil akala ko, hindi ko na matitikman ang kape mo." Wow, ha? Nag-drama pa talaga ang tusong 'to. Sinamaan ko siya nang tingin bago inirapang naglakad papuntang cabinet para kumuha ng tasa at kutsara. Tahimik akong nagtimpla ng kape niya na hindi ko siya sinulyapan. Kahit naman kasi hindi ko siya tingnan ay alam ko naman na sinusundan niya ang bawat galaw ko. Pero wala akong pakialam hanggang sa matapos ako. Humarap agad ako sa kanya at gaya ng lagi kong nakikita, huling-huli ko na naman ang mala-xray niyang mata na tuwang-tuwa sa pang-eye raping sa katawan ko habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Tuso na, sobrang manyak pa ng bwesit na 'to. "Heto na." tagpo ang kilay kong saad sa kanya at inurong ng kaunti ang kape papunta sa kanya. Kulang na lang ay mapunit ang bibig niya sa laki ng ngisi niya sa akin. "Thank you, Claire." ngising-ngisi pa niyang saad na halatang satisfied sa katusuhan niya. Tuwang-tuwa talaga ang bwesit na 'to na maisahan ako. "Hmm… ang bango." Komento niya ulit na alam ko naman na nang-uuto lang. Imbes na matuwa ako ay lalo lang akong naiinis sa kanya nang hindi ko mapigilan na pumasada sa katawan niyang sinasadya na yata niyang ibalandra sa akin. Nakakainis dahil hindi ko siya malait. Ang perfect din naman kasi ng katawan ng manyak na 'to. Maganda rin naman ang katawan ni Paul pero kung ikumpara sa kanya? Walang panama talaga at hindi ko alam kung paano nangyari dahil hindi ko pa siya nakikitang nag-exercise kahit isang beses. Dapat nga malaki ang tiyan niya dahil panay ang inom nila ni Kuya. Halos araw-araw at kulang na lang at iiyak ang araw kung hindi sila makainom at makagawa ng kabulastugan. At ang mas nakakainis pa ay ang fresh niyang tignan ng ganito kaaga. Basa kasi ang buhok niya at amoy ko ang sabong gamit ni Kuya na ginamit niya. Umirap ako nang mapansin kong tumutok siya sa akin. Mahirap na at baka isipan niyang tuwang-tuwa akong pagmasdan ang katawan niya. Never! Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya agad ang tasa saka hinipan ito bago uminom. Wala man akong balak na panoorin siya pero parang minamagnet ang mata ko na titigan siya habang nakapikit na humigop ng kape at nakangiting tumingala matapos niya itong lagukin. "Ahh… sarap!" pasinghap niyang komento na parang timang lang kung makangiti. Sarap buhusan ng kape ang bwesit na 'to! May pa-hubad-hubad pa! Akala mo naman ay maaakit ako sa laspag niyang katawan. Yuck! Perfect nga, laspag naman. "Wow! It really tasted like my mom's coffee." Tila namamanghang sambit niya pa at tumingin sa akin. "Mamaya ulit, ha." dagdag pa na lalong uminit ang ulo ko. Leche! Anong akala niya? May kasunod pa? "Ano ka? Sinuswerte? Baka nakalimutan mo na hindi sana mangyayari ito kung hindi niyo inubos ang ulam kagabi!" Irap kong tugon bago ko siya nilagpasan. Ngunit bago pa ako makalabas sa kusina, hinarangan niya na ako sa pintuan. "Ano na naman ba?" Paasik kong tanong. Pinanlisikan ko siya nang tingin habang hinintay ko ang sasabihin niya. "'Yong…" Naputol ang sasabihin niya at tumingin sa akin nang mabilis akong dumistansya sa kanya nang maramdaman kong dumaiti ang balat niya sa akin. "Ano?!" Nandidilat kong pukaw sa kanya dahil parang nalunok niya na yata ang dila niya. "'Yong egg... na kinain mo kagabi, masarap ba 'yon?" tanong niya pero kitang-kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na halatang may namumuo na namang kalokohang sa kanyang utak. Pinanliitan ko siya ng mata dahil alam ko na naman ang gusto niyang puntuhin. Ayaw na lang akong diretsuhin. "Baka naman pwede mo rin akong lutuan niyon, Claire." See? Tama nga ako. Gusto niyang tikman ang kinain kong itlog kagabi sa mga hirit niya ngayon. Napaka-inggitero talaga! Ano, hindi pa nakakain ng itlog? Edi wow! "Please…" Pakiusap niya pa na may kasamang papungay ng mga mata. "Hindi masarap! Wala lang akong choice dahil gutom na ako at inubusan niyo ako ng ulam!" Asar kong singhal sa kanya bago ko siya marahas na hinawi para makadaan ako diretso sa kwarto ko. Mas maigi ng magsinungaling kaysa paglutuin na naman niya ako. Ano ako? Katulong niya? Sobrang swerte na niya kung gano'n. Mga babae niya ang paglutuin niya at h'wag ako kung ayaw niyang makarinig ng pagit na salita sa akin. Humigop muna ako ng kape bago pumasok ng banyo upang maligo. Balak ko sanang mag-review ulit pero naisip kong sa canteen na lang habang kumakain ng almusal. Makakaiwas pa ako kay JD kung sakaling makita ako't maisipan na naman akong bwesitin. Baka imbes na marami akong malaman ay mauwi pa kami sa bangayan kapag nagkataon. Nang matapos kong maligo ay nagbihis agad ako at naghanda para pumasok na sa school. Inubos ko muna ang kape bago lumabas ng kwarto at nilagay muna sa lababo ang ang tasa. Wala na si JD at hindi ko alam kung umuwi na ba siya o bumalik sa kwarto kung saan siya natulog kasama ang iba pa. Nagsusuklay akong lumabas ng bahay papuntang gate. Subalit paglabas ko, napahinto ako sa paghakbang at bahagya akong nagulat nang makita ko siyang nakasakay sa kanyang motor at tila naghihintay. Nakadamit na siya ng outfit niyang all black. Parang isang kulay lang yata ang kilala niya dahil ni minsan ay hindi ko siya nakitang nagsuot ng iba. Kahit puti ay hindi rin. Itim talaga ang suot niya magmula noong makita ko siyang kasama ni Kuya sa bahay. Tumingin siya sa akin kaya sumimangot ako't tinuloy ang pagsuklay sa buhok ko. Lumabas rin ako sa gate at hinila ito pasara. "Do you always do that?" Narinig kong tanong niya kaya lumingon ako sa kanya at kinunutan ko siya ng noo. "Ang alin?" nagtatakang tanong ko. Napansin kong sa buhok ko siya nakatingin kaya mukhang alam ko na agad ang tinutukoy niya. "That. Iyang pagsusuklay mo habang papunta ka sa school," tugon niya. At tama nga ako ng hinala… ang pagsusuklay ko ang tinatanong niya. Napaka- pakialamero talaga! Ayaw na lang manahimik! Sa halip na sagutin ko siya ay tinaliman ko siya ng tingin at tumuloy na ako ng lakad habang nagsusuklaypa rin. Bakit ba, e nakasanayan ko ng magsuklay, eh. "Claire, hatid na kita." Narinig ko pang alok niya pero dumiretso lang ako at malaking hakbang ang ginawa ko para makalayo agad sa kanya. Ngunit matapos niyang paandarin ang motor at bago pa ako makalingon sa kanya ay nasa gilid ko na siya na umaagapay sa paglalakad ko. "C'mon… dadaan rin naman ako doon." giit niya pa. "No, thanks." tanggi ko sa matigas na boses. "Hindi ko na bibilisan." pamimilit niya pa kaya huminto ako't marahas na bumaling sa kanya. "Ayoko nga." inis kong sagot at pilit kong kinontrol ang sarili. "Ba't ba ang kulit mo. Ayaw ko nga–" "Hindi ako aalis hangga't hindi ka pumayag." Putol niya at mukhang determinado pa yata siya na totohanin iyon. Kaya malalim akong huminga habang matalim ang tingin sa kanya. "What's wrong with that? Ihahatid lang naman kita." puno ng pagtataka niyang lahad. "Why? May magagalit ba kapag ihahatid kita?" Dagdag niya pa na agad uminit ang ulo ko matapos kong marinig iyon kaya hindi ko mapigilan ang pumadyak sa pagka-asar. "Ano ba ang problema mo?! Bakit ka ba mamimilit? Ayaw ko nga 'di ba?! A. Yaw. Ko! Mahirap bang intindihin 'yun?!" pikon na pikon ko nang bulyaw sa kanya. Ang aga pa pero hina-highblood na agad ako ng bwesit na JD na ito. Nakakaubos na talaga ng pasensya. Bahagya siyang napadilat nang tumitig sa akin. "Tell me… may boyfriend ka na ba at hinihintay ka niya doon?" tanong niya pero kita ko ang pagbabago ng mukha niya nang sabihin iyon. Seryoso at hindi kumukurap. Pansin ko rin ang paggalaw ng kanyang panga. Bahagya akong nagulat dahil sa pagkurap ko ay parang nakakatakot siyang tingnan. Para kasing bumagsik ang kanyang mukha sa paningin ko. Ano ba ang problema niya? "Wala. May dadaanan pa ako." Sa halip ay paismid kong tugon at agad ko siyang iniwan saka nagpatuloy sa paglalakad. Diretso at malaking hakbang pa ang ginawa ko dahil biglang tumaas ang balahibo ko na hindi ko alam kung bakit. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakalayo ay nasasabayan na naman niya ako. Kaya muli ko siyang hinarap at bubweltahan ko na naman sana siya pero naunahan niya ako sa pagsasalita. "Sorry. Gusto lang naman kitang ihatid para makabawi ako sa'yo kahapon. Don't worry hindi na kita pipilitin sa ayaw mo. Huwag mo na lang akong pansinin." Mahina niyang saad na sa kalsada ang tingin bago mabilis na umalis sa aking harapan nang hindi pa ako nakasagot. Kaya tagpo na lang ang kilay kong nasundan siya nang tingin habang papalayo na sa akin. Tahimik akong bumuntong hininga nang ilang segundo lang ay hindi ko na siya makita dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Napailing ako dahil kahit anong kontrol ko sa aking sarili ay hindi ko talaga kayang magtimpi pagdating sa kanya. Hindi ko alam kung bakit dahil lalo pa yatang nadagdagan ang pagkainis ko sa kanya nitong sumunod na mga araw. Pero nagtataka rin talaga ako sa kanya ngayon dahil namimilit na siya. Samantalang hindi naman siya usually namimilit dati. Siguro baka nabibitin na sa mga babae niya kaya gano'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD