C6- Claire

3627 Words
"Where are you going?" Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang tanong na iyon. At kahit anong pigil ko ay nag-umpisa na naman kumulo ang dugo ko dahil sa tono ng boses niya na akala mo ay si Kuya Marco kung makatanong. Humarap ako sa kanya at tinagpuan ko siya ng kilay nang mag-abot ang mga tingin namin. Sa itsura niya, halatang curious siya kung saan ang punta ko dahil pinasadahan niya pa ang katawan ko. Bumuga ako nang marahas sa harapan niya para ipakitang naiinis ako bago ko siya pairap na tinalikuran. Wala akong balak na sagutin siya at baka hindi na naman ako makapagtimpi, kung ano pa ang masasabi ko sa kanyang hindi niya gustong marinig sa bibig ko. Narinig ko ang mahina niyang tawa pero wala akong balak na lingunin siya. Nagtuloy lang ako sa paglalakad palabas ng sala. "Salamat sa kape mo, ha. Next time ulit." Pahabol pa niya pero wala pa rin akong balak na lingunin siya dahil mas lalo lang akong nabwesit ng maalala 'yun. At talagang humirit pa ang bwesit. Kaya sa inis ko, nilakihan ko pa ang hakbang ko at dumiretso ako palabas ng bahay saka pabagsak kong sinara ang pinto bago tumuloy sa may gate. "Claire, saan ka pupunta?" Narinig kong tanong ni kuya kaya wala akong choice kung hindi ang huminto at lingunin siya. Katulad ni JD, nagtagpo rin ang kilay niya nang tumingin sa akin. Halatang iisa lang ang nasa isip ng mga ito dahil sinuri rin niya ang suot ko. "Kay Jamaila lang ako, Kuya. May… may hihiramin lang ako." alibi ko sa kanya. "Sandali lang ako, Kuya Marco." Dugtong ko at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at baka tatagal ako lalo. Tinalikuran ko na siya at tinuloy ko na ang naudlot kong lakad. "Wala kang dalang payong? Baka uulan!" Pasigaw niya pang saad. "Hindi 'yan, Kuya," sagot ko at dumiretso lang ako nang lakad. Kahit tinatamad ako ngayon ay kailangan kong puntahan si Jamaila para malaman ko kung bakit hindi siya nakapasok kanina. Nag-aalala ako at baka may nangyaring hindi maganda sa kanya. Sa bilis at laki ng hakbang ko ay nasa harapan agad ako ng bahay nila. "Jamaila?" tawag ko. Ngunit wala akong narinig na sagot kaya tumawag ulit ako. "Besh?" "Claire…" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na tinawag rin ako pabalik. Si Tita ang nalingunan ko. "Hi, Tita…" bati ko at sabay ngiti. Ngumiti rin siya sa akin. "Si Jamaila ba?" "Opo, Tita. Nariyan na ba siya?" tanong ko ulit na kumunot agad ang noo niya. Pero halata sa mukha niya ang labis na pag-alala. "Wala pa, Claire, eh. Kanina pa nga ako tumatawag pero naka-off pa rin ang phone niya." "Totoo po ba, Tita?" nagtataka ko ng tanong. Kumunot rin ang noo ko nang marinig iyon. Ngayon lang ito nangyari na nag-overnight siya at inabot pa ulit ng gabi. Anong nangyari? Nasaan ba siya? Saan ba siya nagpupunta at sino ang kasama niya? Pailalim akong tumingin kay Tita dahil hindi ko talaga alam kung ano ang trip ni Jamaila ngayon. "Sayo ba, hindi siya tumawag?" "Hindi po, Tita, eh. Kaya pumunta na ako dito at baka narito na siya," sagot ko na lalo lamang lumungkot ang kanyang mukha. Mukhang nadagdagan ko pa yata ang pag-alala niya. "Sige po, Tita. Uuwi na po muna ako. Bukas na lang po siguro kami mag-usap. H'wag na po kayong mag-alala at baka po mamaya-maya lang ay darating na rin po siya. Baka po na-trapik lang po siguro." Sa halip ay magalang kong paalam at alibi na rin para pagaanin ang kalooban niya. "Sige, Claire…" sambit niya rin at halata sa boses niya na hindi siya kumbinsi sa sinabi ko. Kaya humanda talaga sa akin ang bruha na 'yan at masabunot ko talaga ang buhok niya sa ibaba kapag nagkita kami bukas! Tumango ako at tumalikod na rin pauwi. Pero naisip kong dumaan sa plaza at baka naroon lang ang bruha. Minsan kasi ay nakikita ko sila doon ni Romnick bago siya ihatid sa bahay nila. Ngunit pagdating ko sa plaza ay ni anino niya ay hindi ko mamataan. Ayoko mang mag-isip ng hindi maganda pero hindi ko maiwasan dahil simula pa kagabi siya nawala. Ni isang text ay wala akong natanggap mula sa kanya. Kahit hanggang ngayon ay nakailang tawag na ako sa kanya habang papunta ako dito sa plaza ay naka-off rin talaga ang phone niya na labis ko na talagang ipinagtataka. Kinakabahan na talaga ako dahil ngayon lang ito nangyari sa tagal namin na magkaibigan. Nang hindi pa rin siya makontak ay binulsa ko na ang phone saka lumakad na pauwi. Naisip kong bukas ko na lang siya kakausapin sa school. Siguro naman papasok na siya bukas. Habang pauwi ay naisip kong tawagan si Paul. Isa rin kasi siya. Kanina pa ako tawag nang tawag pero hindi rin siya sumasagot. Nag-riring naman ang phone niya pero ayaw niyang sagutin. Nakakabadtrip na sa totoo lang. Pero iniisip ko na lang na baka nasa meeting siya kanina. Iyon kasi ang message niya sa akin kanina. Siguro naman ngayon ay tapos na. Gabi na, eh. Alangan overtime pa din. Tahimik akong nagbuntong hininga nang mag-ring ang phone niya. Subalit hanggang matapos na lang ito ay gano'n pa rin. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Inulit ko ulit ngunit gano'n pa rin kaya asar kong binalik sa bulsa ang phone. Siguraduhin niya lang talaga na may maganda siyang paliwanag sa akin dahil hindi na ako natutuwa sa kanya. Ayaw ko mang mag-isip ng third party pero hindi ko talaga maiwasan dahil hindi naman siya ganito dati. Siya pa nga ang panay tawag sa akin kapag hindi ko agad sinagot ang tawag at text niya. At kung busy naman siya ay sasabihin niya muna sa akin na maging busy siya. Kaya ano pa ba ang ibang dahilan ko kung bakit hindi na niya nagagawa ang bagay na iyon sa akin? Pero hanggat wala akong napatunayan ay ayoko munang pangunahan. Tama na muna ang duda sa ngayon. Nakakainis lang dahil napapaisip na talaga ako sa kanya ng hindi maganda. Pagpasok ko sa gate ay sumimangot agad ako nang makitang, nag-iinuman na naman sila. Dumami na naman kasi sila. Grabe, wala na yatang pagbabago ang mga ito. Halos gabi-gabi na lang at parang may birthday palagi. "Claire, ang sarap talaga ng luto mong adobo. Kuhang-kuha mo ang timpla ni Mommy." Papuri pa sa akin ng bwesit na si JD na kahit ayaw ko ay natuwa naman ako kahit papano. "But sad to say, naubos na namin ang niluto mo. Ang sarap kasi." dugtong pa niya na agad uminit ang ulo ko dahil nagugutom na nga ako. "Sorry, bunso, parang ngayon lang yata nakatikim ng adobo ang mga ito. Luto ka na lang ng ulam mo." Narinig ko pang sabad ni Kuya kaya sa halip na sumagot pa ay padabog akong pumasok sa loob diretso sa kusina. Mabilis kong binuksan ang kaserola at parang gusto kong ipalipad sa kanila ang walang laman na kaserola sa sobrang inis ko. Kinuyom ko ang kamao at huminga ako nang malalim sabay pikit para pakalmahin ang sarili. Pero hindi talaga, eh. Gutom na ako at sa dami ng niluto ko ay hindi man lang talaga sila nagtira kahit isang piraso. O, kaya'y sabaw man lang! Simot na simot talaga. Nakakabwisit dahil nagugutom na talaga ako. Sa inis ko ay malakas kong tinabig ang kaserola para marinig nila na hindi ako natutuwa ngayon. Bumagsak ang kaserola at lumikha ito nang malakas na tunog dahilan na agad kong narinig na bumukas ang pintuan at kahit hindi ako lumingon ay alam kong si Kuya Marco ang pumasok. "Claire, ano ba 'yan!" Sita niya agad sa akin kaya marahas ko siyang hinarap. "Kuya, naman! Sana man lang kahit isang piraso ay tinirhan mo ako!" sa halip ay bwelo ko agad sa kanya. Wala akong pakialam kung marinig sa labas ang boses ko. Nanghihina na ako sa gutom kaya hindi ko na maawat ang sarili ko. Kaya nga dinamihan ko na dahil iniisip ko na baka kakain ang mga tropa niya dito. Gano'n siya e. Mas inaalala niya ang mga tropa niya kaysa sa akin pagdating dito sa bahay. Itsapwera agad ako kahit ako itong kapatid niya. Kunot noo siyang tumitig sa akin. "Pwede ka na–" "Kuya, naman. Sana man lang naisip mo ako." Tampo kong putol sa kanya at nilagpasan ko na siya para pumasok sa kwarto. Galit ako at gutom pa. Baka hindi ko lang mapigilan na sagot-sagutin siya. Ako na naman ang lalabas na may kasalanan. Nakita ko pa si JD at mukhang narinig pa yata ang usapan namin. Tumitig siya sa akin pero matalim ko lang siyang tiningnan bago pumasok sa kwarto at pabagsak kong sinara ang pinto. Ni-lock ko pa ito para hindi ako sundan ni Kuya. Pero hula ko ay hindi iyon papasok kapag alam niyang galit ako at siya ang may kasalanan. Gano'n siya, biglang bumabait kapag alam niyang nagagalit na ako. Hindi ko kasi siya kinikibo kahit magkaharap na kami. Dedma kung dedma talaga ako. Magmumukha talaga siyang tanga sa akin kapag nagagalit ako. Kaya marunong din mag-adjust kapag galit na talaga ako. Pabagsak akong umupo sa kama at hindi ko mapigilan ang mapaluha sa galit dahil parang minalas yata ako ngayong araw na ito. Gustuhin ko man na matulog na lang ay lalo pang tumindi ang hapdi ng sikmura ko. Lalo akong nagutom at alam kong hindi rin ako makakatulog nito. Limang minuto muna ang pinalipas ko bago lumabas ulit para mag-prito na lang ng itlog. Iyon na lang ang uulamin ko. Pwede na 'yun kaysa sa wala! Pagkalabas ko ay wala na si Kuya kaya nakahinga ako nang maluwag dahil ayokong makaharap muna siya at baka lalaki pa ang topic na iyon. Dahil lang sa ulam ay nag-away na kaming magkapatid. Damay pati tropa niya. Agad kong binuksan ang kalan at sinalang ang kawali. Kumuha ako ng dalawang itlog saka binatil ito habang pinapainit ko ang kawali. Nang makita kong uminit na ay niluto ko agad ito at ilang saglit lang ay luto na agad. Pinatay ko na ang kalan at nilagay ko agad sa pinggan ang lutong itlog. Naglagay rin ako ng kaunting kanin bago ko nilagyan ng ketchup sa ibabaw. Lalo akong natakam kaya hindi ko mapigilan na sumubo ng isa. Gutom na talaga ako as in. "Masarap rin ba 'yan?" Gulat akong napatingin sa nagsasalita. And guess who, ang bwesit na JD na naman ang nakita ko. Kaya imbes na tugunin ko pa siya ay hinawakan ko ang plato at nilagpasan siya para pumasok sa kwarto. Ayaw kong pati itlog na ulam ko ay pakikialaman niya pa. Baka sasabog na talaga ako kapag hindi ako umiwas. Sunod-sunod ang naging pagsubo ko dahil nanginginig na talaga ako sa gutom. At kahit mabilaukan na ako ay pinukpok ko lang ang dibdib para mawala ang bara. Ilang saglit lang ay tapos na akong kumain. Lumabas ulit ako para uminom ng tubig at hugasan na rin ang kinainan ko. Pero ang kinainan nila, bahala na si Kuya doon! Inubusan nila ako ng ulam kaya siya ang maghuhugas! Nang matapos maghugas ay naisip kong pumasok ulit sa kwarto para mag-review dahil wala talaga akong naiintindihan kanina sa school. Ngunit pagbuklat ko ng book ay bigla na naman akong nakaramdam ng gutom. Kaunti lang kasi ang kanin ko kanina. Siguro isang sandok lang iyon at mukhang nahiya pa si Kuya na ubusin. 'Di ba, wala talagang konsiderasyon na kuya. Kagigil talaga! Naisip kong magpalaman ng tinapay. Lumabas ulit ako at kumuha ng tinapay sa ref saka pinalamanan ito. Nagtimpla na rin ako ng kape at baka antukin ako habang nagre-review. Nang matapos ay bumalik ulit ako sa kwarto pero bago pa ako makapasok ay nakita ko na naman ang bwesit na JD na sa dala ko na naman nakatingin. So what kung panay lamon ako? Gutom ako period. Matalim ko siyang tiningnan bago pumasok sa loob at gaya kanina, pabalya kong sinarado ang pinto bago umupo at sinimulan ko na ang pag-review habang ngumunguya rin ng tinapay. At lumipas lang ang minuto ay naubos na ang pagkain at kape ko pero gusto ko pa ng pagkain. Gutom pa rin talaga ako at gusto ko pang kumain. Nakakainis lang dahil wala ng tinapay at wala na ring itlog. Last na 'yun kanina dahil bukas pa ako mamalengke. Mahaba pa naman ang babasahin ko. Masarap pa naman mag-review kung may nginunguya, hindi nakakaantok. Gusto ko sanang lumabas at bumili sa tindahan kaso gabi na at ayoko rin makasalubong ang bwesit na JD at isipin pa niyang patay-gutom ako dahil puro pagkain na lang ang dala ko sa tuwing nakikita niya ako. Baka hindi na ako makapag-timpi talaga sa kanya. Sumandal ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Magtitiis na lang muna ako sa ngayon at baka lalo lang akong mabadtrip kapag lumabas pa ako ng kwarto. Ngunit wala pang limang minuto ay napatigil ako sa pagbabasa ng marinig ko ang sunod-sunod na mga katok sa pinto. Tagpo ang kilay kong hinintay ang sasabihin ng mabait kong kuya dahil wala naman ibang kakatok maliban sa kanya. Alangan naman ang isa sa mga tropa niya. Lalo na ang bwesit na JD. Alam na nila ang ugali ko kaya 'wag silang magtangka kung ayaw nilang mapahiya. At isa pa, hindi ko sila close dahil lahat sila ay hindi nakakatuwa. Nagtaka ako dahil ang tahimik at wala akong naririnig kaya paniguradong hindi si Kuya Marco ang nasa labas. Pagkatapos kasing mangatok ni Kuya ay tatawag agad siya sabay pasok sa aking silid. Kaya paniguradong hindi siya 'yan. "Sino 'yan?" tanong ko at tinuloy ko ang pagbabasa. Subalit wala pa rin akong sagot naririnig at sa halip, kumatok ulit siya sa pintuan kaya tumigil ulit ako at matalim akong tumingin sa likod ng pinto. "Sino 'yan?" tanong ko ulit sa medyo malakas na boses. Kahit ayaw ko man ay hindi ko maitago sa boses ang pagkairita dahil istorbo siya sa pagrereview ko sa totoo lang. Gusto ko kasing mag-focus dahil nga halos wala akong naintindihan kanina sa school at baka sabay pa na magpa-quiz bukas ang mga professor namin. Nakakahiya kung wala akong maisagot. Kota na nga ako sa kamalasan ngayong araw na ito, dadagdag pa talaga ang pa-suspense na nangangatok na ito. Mukhang gusto pa yatang sagarin na ang buong araw ko hanggang gabi. "Sino 'yan sabi!" Sigaw ko na dahil pangatlong tanong ko na at gusto pa yata akong gawing manghuhula ng lecheng ito. Nakalimutan na yata na may-ari ako ng bahay kung saan ginagawa na nilang cheap motel. Pero akala ba niya ay pagbubuksan ko siya? Manigas siya labas dahil kahit naasar na ako, wala akong balak na pagbuksan siya! Ano siya, vip ko rin? Bahala siya sa buhay niya! Tinuloy ko ulit ang pagbabasa at nagbingi-bingihan na lang ako. "It's me, Claire…" Mahina pero malinaw kong nariring ang boses na iyon na mas lalo akong nabwesit kung sino ang may-ari. Tahimik akong nakiramdam at nagdadalawang -isip ako kung haharapin ko ba siya o hindi na dahil hanggang ngayon ay hindi na mawala-wala ang inis ko nang maalala ko ang pambubwesit niya sa akin kanina. Akala niya siguro ay natutuwa ako? Leche! Ang sarap buhusan ng mainit na tubig para madala. "Can you open the door?" "Ano na naman ba ang kailangan mo?" tanong ko at matalim akong nakatingin sa pintuan kahit hindi niya ako nakikita. Nang wala akong marinig ay tinuloy ko ulit ang pagbabasa. "Just open your door." Napatingin ulit ako sa pinto nang marinig iyon. Halatang naiinip na siya nang sabihin iyon. Kaya marahas akong bumuga ng hangin at mabilis kong sinirado ang libro saka pabagsak ko itong nilapag sa table bago bumaba sa kama. Tumindi ang inis ko habang humakbang ako papunta sa pintuan. "Ano?" Pasita kong tanong sa kanya ng buksan ko ang pinto. Masama ko siyang tinignan at wala akong pakialam kung iisipin niyang masyado akong maldita o bastos na kausap. Kung siya lang din, dapat lang dahil hindi talaga ako natutuwa sa kanya kanina pa o kahit kailan. Ngunit sa halip na sagutin ako, tinaas niya sa mukha ko ang isang paper bag. "I ordered you some food… kapalit ng niluto mong adobo na inubos namin." Mula sa kanyang mukha, nalipat ang tingin ko sa paper bag at tinitigan ito. "Ayoko—" Naputol ang pagsasalita ko nang sapilitan niyang ipahawak sa akin ang paper bag kaya agad ko itong nahawakan at baka bumagsak sa sahig. "Kainin mo 'yan dahil alam kong gutom ka pa. At kapag nakita kong tinapon mo lang 'yan, hahalikan kita." Pabanta niyang saad na ikinadilat ko. At bago pa ako makakibo, tumalikod na siya. Ngunit ilang hakbang pa lang ay huminto siya at muling humarap sa akin. "I mean it, Claire. Hahalikan talaga kita, kahit paliparan mo ako ng kaserola." dagdag pa niya na bigla na lang akong natulala dahil seryoso siya nang sabihin iyon. Saka pa lang ako kumurap nang marinig ko ang pagsara ng pintuan na nilabasan niya papunta kina Kuya. Anong nangyari? Gano'n ba siya kapag nalalasing? Seryoso at nambabanta? Hindi ko akalain na may gano'n siyang ugali. Sa hindi ko rin maipaliwanag ay naging abnormal din ang tib0k ng puso ko nang mag-sink in ang banta niya sa akin. Nag- init ang pisngi kong napatingin uli ako sa pintuan. Pero no. Ayaw kong seryosohin iyon dahil alam kong sinasabi niya lang 'yun para hindi ko ito tatanggihan. Ah hindi nga dahil baka sobrang nakonsensya lang siguro dahil sa narinig niyang pagtatalo namin ni Kuya dahil lang sa ulam na inubos nila. Siguro... siya ang maraming nakain dahil sabi nga niya, parang luto daw ng mommy niya ang adobo ko. Kaya siguro binantaan pa ako para hindi ko balewalain ang pagkain niya. Yeah! Iyon lang at wala ng iba pang nakakakilig na kahulugan! Tagpo ang kilay kong sinilip ang laman ng paper bag na pagkain raw na in-order niya pa. Napansin kong tatlong piraso ito at mukhang sa mamahaling restaurant pa galing dahil kilala ko ang restaurant na ito. Smith hotel & restaurant. Ayaw man ng kaloob-looban ko, pero masyadong marupok ang sikmura ko dahil lalo pa akong nagutom ng maamoy ko ang pagkain. Pasimple akong tumingin ulit sa pintuan bago ko sinara ang pituan ko at binuksan agad ang pagkaing bigay niya. Napanganga ako at mas lalong nagwala ang mga alagad ko sa tiyan nang makita kung gaano kasarap ang mga pagkaing in-order niya. Infairness, ha. Bawing-bawi na siya dito sa pambubwesit niya sa akin sa araw na ito. Isang oras ang inabot bago ko naubos ang pagkain. At hindi ko akalain na maubos ko lahat 'yon. Grabe, gano'n ba talaga ako kagutom? Pero ayos na rin na magpakabusog muna ako ngayon at baka totohanin pa niya ang banta sa akin kapag hindi ko naubos ang pagkain niyang in-order. Niligpit ko muna ang kalat bago ako nagpatuloy sa pagbabasa. Hanggang sa matapos ako ay naririnig ko pa rin silang maingay sa labas. Pero since naka headset ako, medyo mahina lang sa pandinig ko. Malakas lang kapag nagtatanggal ako. Lumipas pa ang mga oras ay nakaramdam na ako ng antok kaya naisip kong bukas na lang ulit mag-review sa umaga. Sandali akong nagsepilyo bago humiga sa kama. As usual, naka-headset pa rin ako para hindi ko marinig ang mga kahalayan nila. Kinabukasan ay magaan ang pakiramdam ko nang magising ako. Medyo mahaba ang tulog ko kaya hindi masakit sa ulo. Lumabas agad ako ng kwarto para magtimpla ng kape. Sa canteen na lang siguro ako kakain dahil wala namang tinapay. "Good morning, Claire." Napahinto ako sa paghalo ng kape nang marinig ko ang boses na kabisadong-kabisado ko na. Ginalaw ko lang ang mata papunta sa kanya pero hindi ako lumingon. "Claire, ang sabi ko, good morning." Ulit niyang bati sa akin at mukhang umpisa na naman ng pambubwesit niya. Sabi ko na, wala talagang kahulugan ang banta niya sa akin kagabi. Mabuti na lang hate ko talaga siya kaya hindi ako assuming. "Kung ikaw agad bubungad sa umaga ko, hindi na good ang morning ko." Tugon ko na hindi ko pa rin siya nilingon. "So, ano ang gusto mong gawin ko para gumanda ang umaga mo?" Pumikit ako't bumuga ng mahina bago humarap sa kanya. "Lumayas ka sa harapan ko baka sakaling gumanda pa ang umaga ko kahit sampung segundo." Asar kong tugon at wala akong pakialam kung binigyan niya ako ng pagkain kagabi. Alam kong sobrang guilty niya lang kaya bumili. Imbes na mapikon ay ngumisi lang siya. "'Yong iba nga, kahit maaga pa lang buo na ang araw kapag ako agad ang bubungad sa umaga nila." Biglang banat niya na agad uminit ang bumbunan ko. "Sila 'yun! H'wag mo 'kong isali sa kanila dahil kahit alas dose pa lang ng hating gabi ay sira na ang araw ko kung ikaw agad ang makikita ko!" Hindi ko mapigilan na bwelta sa kanya sabay dampot ng kape at baka ubusin niya na naman. Pinandilatan ko siya bago lumabas ng kusina pero dalawang hakbang pa lang ako ay muli siyang nagsalita. "Claire, nabasa mo ba ang sulat ko sa pagkain?" Napalingon ulit ako sa kanya nang marinig iyon. Nakangisi siyang tumingin sa aking kape na ipinagtataka ko. Kaya agad akong pumasok sa loob ng kwarto at hinalungkat ang paper bag kung saan nilagyan ng pagkain. Hinanap ko ang sinasabi niyang sulat sa loob. Agad ko naman itong nakita kaya binuklat ko kaagad ito saka binasa. "Kapag naubos mo ito, titimplahan mo ako ng kape sa tuwing manghihingi ako sayo. Thank you in advance, Claire." Gano'n na lamang ang paghinga ko nang malalim matapos kong basahin iyon. At kahit anong pakalma ko ay naasar na naman ako dahil sinasabi ko na nga ba, may kapalit talaga ang pagbigay niya ng pagkain sa akin kagabi. Bwesit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD