Larisa POV - a few minutes later - Naglalakad ako ngayon sa deparment store. Naghahanap ako ng sumbrero kaso ang mamahal. “Miss, wala ba kayong mumurahin na sumbrero?” tanong ko sa saleslady. Syempre, hindi ko siya kilala. Kahit nasa iisang mall kami ay hindi namin kilala ang isa’t isa. Kasi ako, nasa sapatusan ako nakalagay pero syempre, bukas pa naman pasok ko kaya ito ako. Gala mode muna. “Wait lang po, mam,” sabi niya sa akin at naghanap ng mumurahin na sombrero. Nagtingin-tingin muna ako ng ibang sumbrero. Pero syempre, pahapyaw-hapyaw akong tumitingin sa saleslady na pinagtanungan ko. Hanggang sa may lumapit sa kanyang salelady na isa. Pa-simple akong lumapit baka kasi makipag-chismisan pa ‘yung isa sa kanya. “Diba, ‘yun ‘yung babaeng nasa Utube? ‘Yung asawa ng may-ari ng mall

