Larisa POV Nakarating ako ng bahay na basing-basa. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay naabutan kong nanonood ng t.v si Legend. “Oh Ate? Bakit ngayon ka lang? Napanood kita kanina sa news. Asawa mo pala ‘yung may-ari ng Pafrika Mall?” sunud-sunod niyang sabi. Umupo akong tamad sa single couch na nakahilata ha. “Hindi ‘no,” sabi ko sa kanya sabay tingin ng masama sa kanya. Pinaliit ko talaga ‘yung mata ko ha. “Paano mo nalaman na ako ‘yan? Eh, naka-blurr ‘yung mukha,” tanong ko nang tumayo ako at dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Ramdam kong sumunod siya sa akin. “Paanong hindi ko malalaman? Eh, ‘yang damit na ‘yan ang suot mo, diba?” sarkastikong sabi niya sa akin. “Isa pa, para confirm nga na ikaw ‘yun. Tumingin na rin ako sa Utube at talagang positive ako na ikaw ‘yu

