Larisa POV Kakatok na sana ako nang sumakit ang binti ko. Napasandal ako sa pintuan. At napa-upo. Ang sakit talaga. Huhuhu. Nang humupa na ang sakit ay pinilit kong tumayo. Bubuksan ko na ang doorknob nang biglang bumukas ito. Nanlaki ang mata ko kasi ang doorknob lang ang suporta ko para hindi ako ma-out of balance. Nag-flying trapis naman si ako. Iyong slow motion. Nakita ko si Mr. Yabang. 'Yung mukha ko? Mukhang ewan nang makita siya. Syempre, nanlaki ang mata ko. Sa kanya ako magla-landing eh. 'Yung mukha niya rin mukhang di mo masabi kasi nagulat din siya. Nanlaki din ang mata niya nang makita ako. Hindi niya alam gagawin sa akin kung sasaluhin ba niya ako o hindi. OMOOOOO!!! Sana naman saluhin niya ko, diba? Ito na nga... Ito na talaga. Mag-la-landing na ko. WAAH!!! Ito na!!!

