Legend POV ‘Tootootoo-Tootootoot’ ‘Tootootoo-Tootootoot’ ‘Tootootoo-Tootootoot’ Kinapa-kapa ko ang alarm clock ko sa bedside table ko at pinatay. May interview ako ngayon at dapat ay hindi ako ma-late. Bumangon ako sa kama at sinuot ang tsinelas ko. Kinuha ko ang tuwalya ko na nakasabit sa pinto at lumabas ng kwarto. Pumunta ako ng banyo at nagsimula na kong maligo. - a few minutes later - Matapos kong maligo ay lumabas na ko ng banyo at dumiretso sa kwarto para magbihis na. Matapos na ko sa lahat ay lumabas na ako ng kwarto at nagsimulang magluto ng almusal. As usual, ano nga ba niluluto sa umaga? Hotdog at itlog. Samahan pa ng sinangag. Matapos na ko sa lahat ay tiningnan ko ang orasan. Alas-nueve na ng umaga ah. Hindi pa gising si Ate? Pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto. Akma

