Larisa POV “Ewan ko sa iyo. Pag ‘yang mga sinabi mo nagkatotoo. Humanda ka talaga sa akin,” babala ko sa kanya. “As if, nagsisimula na nga kamalasan mo. Ay… Teka, wala na kayong communication nung may-ari ng mall?” pag-iiba niya. “Ah… Meron pa. Iyon ngang tumawag siya kagabi bago ako ma-holdap. Sabi niya mag-usap daw kami bukas,” sagot ko sa kanya. “Ano daw pag-uusapan niyo?” curious niyang tanong. “Alam mo… Napaka-chismoso mo. Sagot ko lang sa iyo? Hindi ko alam. Sabi niya bukas, kaya BUKAS,” paglilinaw ko. Biglang nagkasalubong ang mga kilay niya. “Alam mo… Para kang si Mang Maw, chismoso.” Pagkukumpara ko sa kanilang dalawa. “Lilinawin ko lang ha. Magka-iba kami ni Mang Maw. Si Mang Maw, kahit kanino nangangalap ng balita ‘yun. Eh ‘yung sa atin. Sa atin lang,” sabi niya sabay ro

