"Are you okay?" alalang tanong ni Gabriel kay Rima nang makalapit siya rito. Bahagya niyang pinisil ang palad nito ngunit pumiksi ang dalaga. Pagkababang-pagkababa niya kasi ay ito kaagad ang nilapitan niya habang ang mga magulang ay masayang nag-uusap sa mga pwesto nito. "You're asking me if I'm okay? What a cosmic joke!" anang dalaga. Umiling-iling ito habang nagtatagis ang mga bagang. Napansin niyang iritable ang dalaga kaya kinausap niya ito ng mahinahon. "Rima, hindi ako kalaban rito." "Bakit Gabriel, kung ikaw ang tatanungin, are you okay with this?" malamlam ang mga matang tanong ng dalaga. Tumingin si Gabriel sa kinaroroonan ni Lorraine. Malungkot niyang nginitian ang dalaga. Kung siya ang masusunod, si Lorraine ang pangarap niya. "Of course not," sagot niya. "Then, why bother

