Ilang minuto nang nakatitig si Lorraine sa hawak na invitation na iniabot pa sa kanya ni Vera. Parang hindi niya kayang pumunta sa engagement na iyon ni Gabriel. Oo at crush niya lamang ang binata, but she considers him as her first love. She is totally naïve with what is going through her heart and mind. She is confused and hurt at the same time. "Anak, tara na?" yakag ni Mang Ipe. Suot nito ang may kalumaang asul na pulo at itim na slacks na binili pa nito sa ukay-ukay nang nagdaang araw. Lahat kasi ng mga tauhan sa buong hacienda ay imbitado. Para daw makita ng publiko na may puso para sa mahirap ang mga Gutierrez which is far from the truth. Iyon nga lamang, sino naman ang maniniwala sa kanila? "Parang hindi ko kaya, 'tay... Kayo na lang po kaya ang pumunta?" "Gustuhin ko man pero

