Jake Fuentabella's POV: Naka-recover na si Gabriel sa nangyari sa kanya na muntikang pagka overdose. Na akala ko'y, pati siya ay mawawala din sa'kin. Bumalik na ang pagiging malambing niya. Halos mag iisang buwan na din nung nawala yung anak namin sa sinapupunan niya. Nakita ko yung pagbabago sa kanya. Naging mataray sya at masungit. Pero sa ibang tao lang na nakakasalamuha niya. Hindi sa amin na mga malalapit sa kanya. Kadalasan nga, napapa-away pa siya dahil sa pagiging mataray niya. Kung baga wala sa lugar minsan. Kapag sinisita ko naman siya sa mga inaasta niya, sa'kin naman niya ibinabaling ang inis niya. Nakahiga kami ngayon habang nagkukwentuhan ng kung ano, dahil eto minsan ang gusto niyang libangan. "Mahal. Turuan mo naman ako gumamit ng mga armas." Biglang sabi niya. Nun

