Jake Fuentabella's POV: Hinintay kong matapos yung ginagawa kay Gabriel sa ER. Nanginginig na ako sa kaba at iyak lang ako ng iyak. Dumating na din sila Mama at Papa pati ang tropa. "Anak, anong nangyare?" Pagbungad na tanog ni Mama ng makalapit sa akin. "N-Nakita ko po siyang walang malay sa rooftop ng department building namin at may dugo na yung pants niya." Lumuluha kong sabi. "Bakit siya napunta doon?" Takang tanong naman ni Kuya Alex. "Maglalunch na dapat non Kuya Lex. Nagpaalam sa'min si Bes na mag c-CR lang siya at 'wag na daw namin siyang samahan. Kinukulit pa nga namin eh, pero nagpumilit. Tapos nung ang tagal nyang bumalik, si Jake na yung naghanap sa kanya tapos yun na yung nakita nya." Si Walter na ang nagpaliwanag dahil hindi na din ako makapag salita. "Kaya pala hindi

