Jake Fuentabella's POV: Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng mag start ang 2nd semester pero hindi pa din kami nakakapasok ni Gabriel. Medyo hindi pa sya nakaka recover sa nangyari sa amin last week. Pero unti unti na syang nakakabalik sa dati. "Mommy? Hindi pa ba tayo papasok? Nangungulit na ang tropa." Tanong ko sa kanya. Kasalukuyan siyang nanonood ngayon ng cartoons sa TV sa salas ng mansyon namin. Tumingin siya sa akin. "Sige, bukas papasok na tayo. Pasensya kana ha?" Malungkot niyang sabi. "Ano ka ba! Kahit hindi pa tayo kasal, asawa na kita kaya responsibilidad ko 'to. Responsibilidad kita." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Salamat." Biglang pumasok si Tito Clyde sa loob ng bahay. "Oh, Tito? Ngayon ka lang nagpakita? Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya. "Wala

