Gabriel Hernandez's POV: Naandito ako sa ospital at binabantayan ko si Walter. Sabi ni Kuya Zion, nung dinala niya kahapon si Walter dito hindi pa din daw nagigising. Sobra na ang pag aalala ko para sa kanya. Hindi ko lubos maisip na, mararanasan niya ang ganitong kasakit na pangyayari. Nakatulog ako habang nakasubsob sa gilid ng kama niya at, naramdaman ko na may humahaplos sa buhok ko. Kahit na antok at pupungas pungas pa, iniangat ko ang tingin ko. Si Walter, nakatingin siya sa akin habang natulo ang mga luha niya. Napaayos ako ng upo dahil sa taranta. "W-Walter? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Nasasaktan ako habang nakikita ko siyang ganito. He used to be the most cheerful person I've known. Napaka jolly at napaka kulit na tao ni Walter. He was full of fun an

