Jake Fuentabella's POV: Pagdating namin dito sa private clinic ng family doctor namin, kaagad naman akong tinanong ni Doc kung ano bang problema. "Madalas siyang magtantrums. Tapos, nag iiba din hugis ng katawan niya. Pero, malala talaga yung pagtotoyo niya eh. Tapos Doc, nahihilo din siya minsan." Sabi ko. Napaisip siya habang nakatingin kay Gabriel na ngayon ay nagcecellphone at hindi nakikinig sa usapan namin ni Doc. Tinotoyo nanaman. "May iba ka pa bang napapansin sa kanya bukod dyan?" Tanong niya pa sa'kin. Nagtaka naman ako. "Wala naman, Doc. Yun lang po." Sabi ko. Tumango tango siya habang ang mga kamay niya ay nasa ilalim ng baba niya. "We need to do some test, para makasiguro tayo. I also need to ask him some question, para naman malaman ko din kung ano bang nararamdaman

