Gabriel Hernandez's POV: Kinabukasan, maaga akong ginising ni Jake dahil naka-appointment daw ako para sa weekly check up ko sa Doctor. "Sasama daw ba sila Mama?" Tanong ko sa kanya habang nag aayos ng mga gamit ko. Sineryoso niya kasi yung sinabi niyang dito na ako magku-kwarto sa kwarto niya. Kaya naman lahat ng gamit ko inilipat nila Nanay Inday dito. Kung susumahin, parang dalawang kwarto ang sukat ng kwarto ni Jake. Kaya kahit siguro mga gamit sa buong bahay namin ilagay dito e maluwag pa din. "Hindi daw sila makakasama eh. Pero sabi ni Mama tawagan ko siya kapag tapos ka nang makausap ng Doctor mo." Sagot niya naman habang nag aayos ng buhok niya. Napaka gwapo niya sa suot niya ngayon. Fitted white tshirt na plain, black pants at black shoes. Hindi kasi siya yung tipo nang ta

