Gabriel Hernandez's POV: Tinawag na kami ni Mama para mag lunch. Habang nasa hapag napag usapan na kung anong magiging plano. "Pasensya na po talaga kayo sa naging asta ko nung nakaraang pagpunta ko dito. Sana po maintindihan ninyo ang mga nangyari sa akin lalo na po sa mga magulang ko. Pero gusto ko po sanang magkaron kayo ng tiwala sa akin na aalagaan ko si Gabby. At yung magiging anak namin." Nakangiting malungkot niyang sabi sa mga magulang ko. Si Mama at Papa napangiti naman. "Alam naman namin na mabuti kang bata. 'Wag kang mag alala at hindi naman namin pagbabawalan si Gabriel na maging asawa ka. Masaya nga kami at sa wakas nakilala nyo na ulit ang isa't isa. Kahit hindi maganda yung panimula. Siguro matutuwa si Kumare at Kumpare kung nasaan man sila ngayon." Sabi ni Mama. Napa

