"Lay on your side then spread your arms like this….."
I was trying to do what the director instructed but I'm having difficulty because of the pouring water. Para kasing waterfalls ang peg ng music video para sa first solo ko.
"Can we maybe put a transparent platform here? Kahit glass lang?"
Sir Leo asked the directors because he noticed how I'm struggling on keeping my posture. Hindi kasi pantay yung kinahihigaan ko tapos ang lakas pa ng tubig. Hindi ako sure kung gusto nila akong lunurin or what.
The directors heed to Sir Leo's request and provided a glass platform where I can lie on. Wow lang, kanina ko pa sinasabing nahihirapan ako pero walang pumapansin.
We shot the whole song in five different locations to convey the meaning of the song properly. From being lost to growth and maturity.
"Sulitin mo na mga pahinga mo," Sir Leo handed me a bottled water while we're in a break. "You won't be getting enough rest for the next month dahil halos araw-araw kang magpe-perform."
He's right. For the next four weeks, I'd do nothing but perform in music shows. I'd even do guesting in some morning talk shows at baka pati sa radio magkaroon ako ng guesting.
Thankfully, wala namang choreography ang kanta ko. I'd mostly sit or just stand-up. This would probably be easier than the usual performances I do kapag kaming GreyArea ang nagpe-perform.
"Break's Over! Balik sa set," We heard the assistant director shout kaya tumayo na ako agad at inalalayan naman ako ni Sir Leo at ng assistant ko.
"Kaya mo bang umiyak ngayon?"
The director asked me because the next frame would be me crying my hearts out and begging for help para sa 'lost' part ng music video. So dramatic.
"I've been trying kanina pa kaso wala talaga direk, pahingi nalang ng eyemo."
Pagkatapos patakan ng eyemo yung mata ko, dumiretso na ako ulit dun sa next scene kung saan ako kukunan. Hindi ko alam kung sobrang clumsy ko lang o talagang hassle na puro tubig yung set kaya ako nadulas.
"Aray!"
The staff rushed towards me pagkatapos nilang marinig yung pagsigaw ko. Yung tuhod ko naman yung tumama kaya medyo nabawasan yung kaba ko. I thought my ankle would be injured again.
"Lagyan niyo ng yelo!"
Sir Leo instructed the staff nang makitang may pasa ako sa bandang tuhod. Buti nalang mahaba yung dress kaya hindi makikita. Medyo masakit pero kayang kaya naman. Though it really looked bad kasi nagsisimula nang mangitim yung mamula mulang pasa.
"I'm okay," paulit ulit kong sagot dun sa mga nagtatanong na staff. Kabado din siguro sila kasi pare-pareho kaming mapapagalitan ng mga boss.
Pagkatapos magsisigaw ni sir Hades dahil nadelay ang shoot, sinabihan ko sila na okay naman na ako at kaya ko na ulit bumalik sa set. This time, may umalalay na sa aking dalawang assistant para masigurong hindi na mauulit yung kanina.
After a series of forced crying and being dramatic, natapos na rin kami. I was thankful na yung buong video natapos namin ng isang araw lang which is unusual lalo na at nasanay ako na almost one week yung mga previous music videos.
"We'll eat out after mag pack-up. Sama ka?"
"No," I smiled at one of the producers. "I'm kind of tired already and all I can think now is sleep."
Nginitian naman niya ako pabalik at nagpaalam na rin dahil may lakad pa nga sila. After changing into comfortable clothes, hinintay ko nalang yung assistant na matapos magligpit ng gamit para makauwi na.
Pagdating ko sa GreyHouse, nagulat ako kasi ang daming pagkain at alak sa living room.
"Uy nandito na ang bruhang may Solo!"
Sassy shouted tapos nagsilabasan na sila Kesha mula sa kusina.
"Congrats Erina!"
Isa isa nila akong bineso tapos pinaupo na sa may living room. Kahit pagod na talaga ako, nag-effort akong huwag antukin kasi na-appreciate ko naman na pinaghanda pa talaga nila ako.
"Ang excited niyo eh hindi pa naman nare-release," I said while drinking beer.
"Boba, advance kasi kami mag-isip."
Kesha exclaimed tapos inabutan si Raqi ng alak kasi parang nakakadalawang bote na kami tapos patubig-tubig lang siya. Unfair. Dapat lahat kami bangag bukas.
"Mamaya na," tanggi ni Raqi tapos nilapag lang sa table yung inaabot ni Kesha.
"Kanina pa yang mamaya mo, baka naman umaga na tapos tubig pa lang naiinom mo?"
Leina said habang nilalantakan yung sisig. Akala ko pulutan 'yon pero parang ginawa naman niyang meryenda.
"Huwag pilitin ang ayaw, baka daw kasi magalit jowa niya, yieeeeh."
Sassy said habang nakangiting aso. Lasing na ba 'to? Weak.
Hindi naman sila pinansin ni Raqi kaya pinagpatuloy nalang namin yung pag-inom. Buti nalang wala kaming maagang appointment bukas kundi patay talaga kami sa mga boss.
"Alam mo Erina nakaka-proud ka," Sassy was grumbling her words na halos wala na akong maintindihan. Ang aga niya malasing. "You have a successful career tapos may jowa ka pa. Sana all talaga."
"Destiny talaga siguro kayo ni KSH noh?"
Sabi naman ni Kesha na parang konting ihip nalang babagsak na. Hindi ko alam kung sinong abnormal samin kasi hindi pa naman ako lasing pero sila parang isang drum na alak na yung nainom.
"KSH?" I asked kahit na alam ko naman kung sinong tinutukoy niya.
"Kiss, s*x and Hug," she sarcastically said which made us laugh. "Bobo mo malamang yung boyfriend mo tinutukoy ko," she added habang iniirapan ako.
"Hindi sapat yung destiny, ginamitan ko din ng tiyaga at dasal para masigurong sa palad ko siya babagsak," I exclaimed while laughing. Okay, may tama na din ata ako.
"Parang araw araw naman akong nagdadasal na sana maging kami na ni Captain America pero wala pa rin."
Binatukan ko nalang si Kesha kasi wala nanaman siyang kwentang kausap.
"Pano magiging kayo eh mas malaki pa pwet niya sayo?"
Raqi teased her habang nilalantakan yung ribs. Pansin ko this past few days sobrang takaw ni Raqi. I mean matakaw naman talaga siya pero parang iba ngayon eh. Ang moody niya pa. Iisipin ko sana may dalaw siya pero ano yun? Isang buwang dinudugo? Galing naman. Ni-literal niya yung monthly period.
"Tanga. Di ba nga opposites attract kaya nga booty siya tapos flat ako," Kesha replied.
"Opposites attract nga. Isang perfect at isang panget," Sassy exclaimed kaya nabatukan naman siya ni Kesha.
"Dapat talaga magkaroon ng rule na lahat ng gwapo or maganda panget ang makakatuluyan," said Leina. She looks really serious habang sinasabi 'yon pero hindi namin mapigilang matawa. "Bobo niyo. Para di ba wala ng panget sa mundo? Kung sakaling mangyari yun si Sassy na ang huling taong mukhang di tao," she added.
"So hindi kami pwede ni Soo Hyun?" I asked.
"Ay ang kapal. Feeling maganda ka 'te?" Leina exclaimed tapos inabutan nanaman ako ng vodka.
"Excuse me, maganda kaya ako!"
"Sino nagsabi?" Raqi exclaimed.
"Ako! Boba kakasabi ko nga lang. Maganda ka sana kaso bingi."
"Parang hindi naman, 'tingin nga," Raqi held both my cheeks saka niya kinurot kurot yung pisngi ko. Para niya akong pinanggigilan. Feeling ko magkakapasa nanaman ako.
"Aray naman! Brutal mo, inaano ka ba?"
I moved to get my phone para matext yung boyfriend ko. Makapagsumbong nga kasi naman inaapi nanaman ako dito. Dapat talaga dun nako sakanya tumira eh.
To: Baby
pangey dsw akuh
di ba himdi namsn babu
I was about to composed another message nung bigla siyang tumawag.
"Bebe! Why did you call?"
Hindi ako sigurado pero feeling ko ang high pitch ng boses ko na tipong yung nakakairita. Tsaka bakit parang umiikot yung bahay? Hala may lindol ba?
"Are you drunk?"
"Ha? Drug? Hindi ako nagda-drugs!" Why would I take drugs when I'm already crazy for him? Charot!
"Please tell me you're home."
"Ha? Syempre I'm home! Ayaw mo ba akong umuwi? Gusto mo dyan nalang ako yieeehh love na lo---"
"Hi. No, this is Raqi. Yes, I didn't drink. Ako na bahala, bye."
I was trying to get my phone back pero tumayo na si Raqi at nagsimulang magligpit. I tried standing up but damn gravity pulling me down the floor.
"Hindi pa ako nag I love you eh," I was even pouting while looking at Raqi. Hindi naman siya sumagot at inirapan pa ako. Sungit.
I closed my eyes to try and ease my dizziness but I was shocked when Raqi tapped my cheeks. The world's still moving in circles but the mess on the center table were now gone. Inikot ko ng tingin yung buong sala tapos pati sila Kesha hindi ko na makita.
"Where's everyone?"
"Nasa kwarto na," Raqi put my arm around her shoulder then she led me towards the bedroom.
Magrereklamo pa sana ako kasi gusto kong maglinis ng katawan pero ayaw nang makisama ng katawan ko dahil paglapag na paglapag sakin ni Raqi sa kama, nakatulog na ako kaagad.
"Putangina. Sinong nakaimbento ng alak at papatayin ko?"
Kesha exclaimed while pulling her hair. Nakaupo na kaming apat sa dining tapos si Raqi yung nagluluto. Mukha kaming mga takas sa mental because of how crazy we looked.
"Tanga, matagal ng patay."
I answered tapos uminom ulit ng tubig. Feeling ko naisuka ko na lahat ng laman loob ko kanina. Yung ulo ko parang minamartilyo sa sakit at parang nasagasaan ako ng truck kasi ang sakit ng katawan ko.
"Papatayin ko ulit para double kill," Kesha exclaimed habang inuumpog yung ulo niya sa mesa.
Sila Leina at Sassy naman nakatulala na lang. Baka tuluyan nang nabaliw kasi nalusaw na sa alak mga utak nila.
"Oh mga prinsesa, kain na kayo."
Raqi served the breakfast pero dinaig pa naming lahat ang pagong kasi wala talaga kaming energy.
"Inom pa more, saya ng mga atay niyo ha," Raqi's even laughing even though we're about to cut our heads' off dahil sobrang sakit talaga.
After lunch na nang makapasok kami sa kumpanya. Talagang nagpatanggal muna kami ng hangover para iwas sermon sa mga boss.
Since mamayang 2 pm pa naman yung rehearsal ko, sumama muna ako kila Kesha para naman mapanuod ko silang mag-practice.
"Raqi! Lead dancer ka na nyan? Mas may energy pa sayo yung patay!"
We were all shock nang sigawan si Raqi nung dance instructor nila. Pansin ko din kasi na parang hindi siya masyadong naglalagay ng energy sa pagsayaw. Parang ingat na ingat siya. Dahil badtrip pa rin yung DI nila, napa-break tuloy sila ng wala sa oras.
"Are you okay?"
I asked her habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. She just smiled and assured us na okay lang talaga siya.
After taking our orders, maghahanap na sana kami ng table when Suzy waived her hands at inaya kami sa table nila. Napangiti naman ako nang makitang nandun din yung boyfriend ko.
"Breaktime?"
Suzy asked while offering us her fruits.
"Sort of," Raqi answered tapos kumuha talaga dun sa baunan ni Suzy. Ang dami pa niyang kinuhang grapes! Bruha talaga.
"Want some?"
Nginitian ko naman yung poging katabi ko tapos kumuha na din sa baked sushi na ino-offer niya.
"What? So unfair, kanina pa kami humihingi tapos ayaw mo magbigay."
Suzy was pouting cutely na parang inapi talaga siya ni Soo Hyun. Sinamaan ko naman siya ng tingin kasi ang halatado niya masyado.
Nilapit ko naman kay Suzy yung plastic container kaya masaya na siyang kumuha. Halos wala na din akong nakain kasi kahit yung ibang friends nila tumikim din.
"I cooked that for you," Soo Hyun whispered in my ear. Napangiti nalang ako kasi nung nilingon ko siya, nakasimangot pa na parang bata.
Agad na din kaming nagpaalam kasi tapos na yung break nila Kesha tapos kailangan na din ako sa rehearsals.
The day ended well kahit na pagod ako. Soo Hyun pick me up tapos dumiretso na kami sa condo niya. Nasanay na ako na kapag saturday ng gabi, dun ako sakanya natutulog kasi wala naman akong ibang mapuntahan kapag sunday.
"What do you want for dinner?
"Chinese please," I answered while pouting.
"Again? Love, that's not healthy."
He exclaimed habang nakakunot pa yung noo. Nag-pout naman ako at talagang nagpuppy eyes pa para magpaawa. Alam ko namang hindi ako matitiis nito.
"No," he still refused kaya nagulat talaga ako.
"But babe," pamimilit ko pa rin.
"You've been eating a lot of fast food this past few weeks. Gulay naman."
He said with conviction tapos dumiretso na sa kusina. Nagdadabog naman akong sinundan siya. What the hell! Naglalabas na talaga siya ng gulay sa ref! Pano na ang chinese food?
"Baby kapag kasama lang kaya kita saka ako nakakakain ng mga unhealthy foods."
"Don't fool me. Uminom ka lang kahapon," he said habang tinataasan ako ng kilay.
"Fine! Akala ko boyfriend kita. Hindi ako aware na nagkaroon ako ng instant tatay," I'm grumbling my words habang naglalakad papunta sa sala.
After eating, he looked smug while raising his eyebrow at me.
"Ano?"
"Oo na, masarap na."
I said while pouting. Pinag-awayan kasi naman kanina na hindi masarap yung gulay. I mean hindi naman talaga pero bakit nung siya yung nagluto ang dami ko bigla nakain? Grabe lang pati yung tyan ko inlove na inlove kay Soo Hyun. Pati taste buds ko nag-aadjust eh.
Ako yung pinaghugas niya ng mga plato kasi hindi ko naman daw siya katulong. Tsk, ang sungit pa rin kahit na patay na patay naman sakin.
After maglinis ng katawan at nagkwentuhan saglit, natulog na rin kami. Pareho din kasi kaming pagod. Lalo na siya kasi malapit ng matapos yung 3 months niya sa H&H kaya grabe na yung training nila. Buti nalang kami na kaya kahit umalis siya sa company okay lang, because he's already in my heart. Charot!
"Good Morning!"
I greeted him habang inaayos na yung niluto kong breakfast sa breakfast bar. He looks so good in the morning! Ang unfair kasi kahit ang gulo gulo ng buhok niya, ang gwapo niya pa rin.
"Ayan ha! Ako na nagluto hindi na ako laging prinsesa."
Lagi kasi niya akong inaasar na spoiled. Pero siya rin naman nag-iinsist na pagsilbihan ako. Labo ng poging 'to.
"Do you want to learn how to drive now?"
"Legit?" He nodded. "Game!"
Pagkatapos kumain, naghanda na kami agad. I just wore a white cotton shorts and blue sweatshirt. After applying sunscreen and lipbalm, lumabas na rin ako kaagad. Natawa naman ako nung nakita ko siya kasi naka black cargo shorts at blue tshirt siya.
"We're matchy!"
"Idol mo talaga ako," he said smugly kaya tinaasan ko nalang ng kilay.
"Baby no offense pero bakit ganito mga shirt mo?"
Pansin ko kasi na yung mga sinusuot niya kapag kaming dalawa lang is yung mga brand na hindi gaanong kilala. I mean he's rich so afford niya naman kahit yung mga pinakamahal na t-shirt. And besides, ang dami niyang advertisements na clothing brand!
"It's not about the price. And I like supporting local brands."
He made a fair point. And besides, he wears a 5 dollar shirt but make it look like worth 5000 dollars. He's that hot. And he's mine.
We're about to go pero napahinto siya tapos bigla niya akong pinigilan para lumuhod sa harapan ko. Patay. Yung pasa ko very visible kasi nga nakashorts lang ako.
"Anong nangyari dito?"
He sounded pissed tapos nakakunot pa yung noo niya habang masamang tinitignan yung pasa ko.
Pinatayo ko naman siya then convinced him na okay lang talaga ako.
"Look baby oh," I said habang tinutusok tusok ko pa yung pasa ko sa tuhod. "Hindi talaga siya masakit promise, nagkapasa lang talaga."
I smiled at him pero nakasimangot pa rin siya. I tiptoed to reach his lips then kiss him. I made funny faces hanggang hindi niya na rin napigilang mapangiti. Arte arte nito.
"Mag-ingat ka naman kasi please," I just nodded kaya kumalma na din siya.
Bumaba na kami sa parking lot at nagulat ako nung siya naman yung sumakay sa driver's seat.
"Akala ko ako yung magda-drive?"
I asked while fixing my seatbelt.
"I'll let you drive kapag nasa subdivision na tayo. And bago lang 'tong sasakyan mo, do you really want to scratch this?"
"Wow, magagasgasan agad? Hater mo!"
He just laughed at me tapos nagsimula nang mag-drive. Almost 30 minutes din nung makarating kami sa isang exclilusive subdivision. Pinatigil kami sa may entrance kasi walang sticker yung sasakyan ko but when Soo hyun flashed them his free pass, pinapasok na kami kaagad.
We drove hanggang makarating kami dun sa part na halos wala pang bahay. Ang lalaki nga ng mga bahay dito tapos magkakalayo pa. Halatang mga milyonaryo yung nakatira.
Bumaba kami tapos nagpalit ng pwesto.
"First, check if all the doors are locked. Check the mirrors, and if possible check the engine."
Ginawa ko naman yung mga sinabi niya pwera yung sa may makina kasi sure naman na maayos 'to. Duh! It's a new car.
"Correct your sitting position," umayos naman ako ng upo. "Abot mo ba?"
Sinamaan ko naman siya ng tingin kasi talagang tinignan pa niya kung abot ba ng mga paa ko yung brakes.
"Excuse me, abot ko!"
Tinawanan lang naman niya ako. Hindi naman kasi talaga ako maliit, he's just tall! Kasalanan ng genes niya.
Nagbangayan lang kami ng nagbangayan habang tinuturuan niya ako. Hindi ko alam kung fast learner ako o talagang magaling lang siya magturo kasi nakuha ko naman agad kung paano.
Nakakabwisit lang kasi kanina niya pa ako pinagtitripan. Sayang saya siya kapag kumukunot na yung noo ko eh.
"Avoid distractions. Kailangan ko na bang bumaba?"
"Kapal mo! Hindi ka ganon ka pogi para madistract ako," I lied but I won't feed his ego more.
After almost 2 hours na binubwisit niya ako, natapos na rin kami at nakaramdam na ako ng gutom. Nakakawala talaga ng energy yung bangayan namin eh. Hindi ako sa pagda-drive napagod kundi sa pagpipigil na sapakin siya.
"Drive."
"Where?"
"I'll just tell you the directions."
"Yes, boss!"
Sumaludo pa ako sakanya tapos nagsimula nang mag-drive. Medyo mabagal lang muna kasi syempre first time. Ayoko pa mamatay noh!
"Where are we?"
I asked him nang huminto kami sa isang puting gate. Sumulyap ako tapos nakitang nasa tapat kami ng isang modern house. I mean mansion pala kasi ang laki laki tapos puro glass pa.
"Bumusina ka."
"Ha? Grabe nakakahiya naman sa may-ari ng bahay," I said habang natatawa pa sakanya. Lakas din ng tama nito eh.
"Bumusina ka para buksan nila yung gate," he insisted kaya kumunot na yung noo ko. Ang labo talaga nito kausap minsan.
"What? Sino ba nakatira dyan?"
"My parents."