Chapter 17

2980 Words
"May galit ka ba sa'kin?" I just had to ask while staring intently at him. Baka kasi may tinatagong sama pala siya ng loob sa'kin kasi bakit naman niya ako gugulatin ng ganito kung wala? May balak ba siyang bigyan ako ng heart attack? "What?" "Anong what what? Tinatanong kita." He was just staring at me like I'm a patient na kakalabas lang sa mental hospital. Ako pa talaga yung baliw? Eh siya 'tong kung manggulat dinaig pa yung fireworks kapag new year. Feeling ko tuloy aso ako na gusto nalang magtago sa ilalim ng mesa. "I'm not mad at you." "Hindi ka pa galit sa lagay na 'yan? Parang biglang sumikip yung dibdib ko sa sinabi mo." I glared at him while clutching my chest and breathing heavily. Nahigh blood ata ako ng wala sa oras.  "It's just my parents," he shrugged his shoulders. "They don't bite." "Ah hindi ba sila nangangagat? Ako kasi feel kitang kagatin at pagpira-pirasuhin ngayon." He just laughed then removed his seatbelt to face me. He was smiling widely na para bang nakakatawa na takot akong ma-meet ang mga magulang niya. Ni wala nga akong make-up! Tapos para lang akong nasa bahay dahil sa outfit ko. Kung na-inform ako ng mas maaga edi sana nakapagdala man lang ako ng mga regalo. "Huminga ka nga," he laughed at me again.  "Pano nga ulit huminga?"  Para kasing nawala ako sa sarili bigla. Of course I want to meet his family but I wasn't expecting it to be this soon. And I really didn't think na ipapakilala niya ako! Nakakakilig pero at the same time parang lalabas na yung puso ko sa lakas ng t***k. "Why are you even scared?" "Hindi kasi ako ready! Para akong lalaban sa giyera na ganda lang ang dala," I was histerical pero tinawanan lang ako.  "Love," he held both my cheeks. "I'm here for you. Whether they approve of our relationship or not, I love you kaya wala rin silang magagawa. And besides, I see no reason for them to not like you," he added. Naniniwala naman ako sakanya. Naiisip ko pa lang na hindi ako magugustuhan ng mga magulang niya tapos paghihiwalayin nila kami, nalulungkot na 'ko. Para naman kasing eksena sa drama 'yon. Mukha siguro akong natatae sa kaba kaya nakakunot na yung noo niya.  He sighed heavily kaya napalingon nanaman ako sakanya. "Drive ka na love," he said kaya kumunot na yung noo ko. "Ha?" Hindi na ba kami tutuloy? He just smiled kaya medyo nakonsensya naman ako. Para naman kasing tanga, Erina! Ikaw na nga yung ipapakilala, ikaw pa yung maarte.  "Sige na nga," I said which made him turned his head. "Pasok na tayo sa loob," I smiled.  "We don't have to. We still have a lot of chances," he kissed my forehead then brought out his phone. "What are you doing?" "Calling my mom." "Why?" "Uh...to inform her we're not going?" He looks at me na parang bobong bobo siya sa'kin. Diyos ko naman! Baka mas lalo akong hindi magustuhan ng mga magulang niya kapag nalaman nilang ganito ako kaarte.  "Wait!" I stopped him to dial tapos hinablot ko yung cellphone niya. Huminga ako ng malalim tapos tinitigan siya sa mata. He stared back at me with his confuse eyes. "Okay basta ganito," I held his shoulders. "Promise me na kapag hindi nila ako nagustuhan, hindi mo 'ko hihiwalayan." "What?" "Kanina pa yang what what mo. Mag promise ka nalang!" Nakakainis kasi naman seryoso naman yung mga sinasabi ko pero tinatawanan niya lang ako.  "Okay fine. I promise," he finally agreed. "Promise 'yan ha! Tapos promise ko din sayo na kahit alukin nila ako ng bahay at lupa kasama pati kotse, hindi ko tatanggapin." "Sometimes…..sometimes hindi ko na talaga alam kung saan mo nakukuha 'yang mga ideya mo." He said tapos inirapan ko nalang. Huminga pa ako ng malalim bago bumusina. Nakakaloka kasi automatic na bumukas yung gate tapos pakiramdam ko pumapasok ako sa aking huling hantungan. Ito na ba ang katapusan ng buhay ng isang dyosang tulad ko? "Come on." Sabay kaming bumaba sa kotse tapos may maid na nagbukas ng pinto nila. Nginitian niya ako at binati kaya syempre I greeted her back.  "Kuya!" Hindi ko pa fully na-aapreciate kung gaano kaganda yung bahay nila nang may hyper na babae ang tumatakbo pababa ng hagdan.  "Careful!" Sigaw din naman ng katabi ko kasi may balak atang sumali sa race yung babae tapos muntik pa siyang madapa at tumambling sa sosyal nilang hagdanan. Nang tuluyan ng makalapit samin yung babae, I immediately recognized her as one of Soo Hyun's sister. Ang ganda eh, lahi talaga sila ng magaganda at gwapo kaya bagay lang ako sa pamilya nila, chos! "I miss you," she tiptoed to kiss Soo Hyun's cheek. Ngumiti lang naman yung boyfriend ko tapos niyakap niya na yung kapatid niya. Halatang halata na close sila hindi parang kami ni Lara, yung stepsister ko. Para kaming magpapatayan lagi eh samantalang si Soo Hyun at yung kapatid niya halatang nagmamalasakit sa isa't isa. "Sorry baby. Kuya's been busy lately." "Yeah, I noticed." His sister said tapos tinitigan ako. Hindi na ako magtataka kung magiging artista o idol din 'tong batang 'to. Her dark black orbs stared at me innocently. Ang cute ng maliit niyang ilong tapos yung itim niyang buhok naka-braid pa. She's almost as tall as me pero halos magsing payat lang naman kami. "Hi ate Erina, I'm Se Na," she extended her hand while smiling widely. "It's nice to finally meet you." Medyo nagloading pa yung utak ko kasi nagulat ata na kilala na ako ng kapatid niya. Kaya feeling ko kinwento na 'ko ni Soo Hyun. Pero ang tanong ano ano naman kaya mga pinagsasabi niya? Baka naman siniraan na ako nito? Sinabi ba niya kung gaano ako kaingay? Balak ko pa namang magpanggap na mahinhin. "Hi Se Na, you look lovely." Inabot ko naman yung kamay niya. Medyo nabawasan yung kaba ko kasi mabait naman si Se Na.  We were about to go to the kitchen nang may isa pang babae ang bumaba sa hagdan. But this time, mahinahon lang naman siya na lumapit samin. She looks exactly like Se Na except her eyes are like Soo Hyun. Kulay gray yung mga mata niya tapos maikli ang buhok. She's also wearing glasses tapos may hawak na libro sa isang kamay.  "Kuya," she kissed Soo Hyun in the cheek tapos lumingon sakin. "I'm Su Li," she didn't held out her hands kaya nginitian ko nalang din siya.  Kambal sila pero halatang halata yung pagkakaiba lalo na sa ugali. Se Na's the bubbly type while Su Li was very timid.  Kwento nang kwento si Se Na habang papunta kami sa kusina. Sobrang daldal niya tapos si Su Li naman ngumingiti lang kapag tinitignan ko.  "Mom." Napatingin ako dun sa medyo may edad na babaeng naghahanda sa may kusina. She looks so radiant at halatang hands on siya sa pamilya niya kasi naman naka-apron pa habang naglalapag ng mga pagkain sa mesa. "You're here!" She excitedly exclaimed then removed her apron. Nakangiti siyang lumapit sa'min tapos niyakap si Soo Hyun. Lumingon siya sa'kin kaya bigla nanaman akong nanlamig. Mukha siyang mabait pero kinakabahan pa rin ako. Bakit si Soo Hyun? Mukha din namang mabait pero boyfriend ko na sinusungitan pa rin ako! Siya ata yung may dalaw sa'min every month eh.  "You must be Erina?" she said then kissed my cheeks.  "P-Po?" Para akong tanga na nakatulala lang sakanya. Natatakot din akong magsalita kasi baka may masabi akong mali.  "You must be starving already. Let's eat?" Hindi pa rin ako sumasagot tapos nagpahila nalang ako sa may dining table. Hindi pa man ako nakaka-recover nang may biglang bumabang gwapong nilalang. He kissed Soo Hyun's mom and the twins in the cheeks tapos umupo sa may pinakadulo ng table. Tumabi naman sakanya yung mom ni Soo Hyun tapos sa kabilang side ay si Soo Hyun naman yung umupo. The twins sat beside their mother while I sat beside Soo Hyun.  "Hi, dad." Patay. Mukhang strict yung tatay nila. Pero buti nalang nginitian naman niya ako kaya hindi pa ako tuluyang naihi dito sa magandang dining area nila.  "Anak, would you mind introducing the young lady?" His dad looked at me then smiled. Kamukhang kamukha siya si Soo Hyun. I actually think I've seen him before but I can't pinpoint where and when.  Bago pa magsalita si Soo Hyun, pinilit ko na yung sarili ko na sumagot. Baka akalain kasi nila na pipe ako dahil kanina pa ako walang imik.  "Sir," I tried to keep a straight face. "I'm Erina Leila Castelo Lee. Wala po akong criminal record at mataas po grades ko nung high school." Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali kasi bakit bigla silang nagtawanan? Tumatawa ba sila tapos bigla nalang nila akong papalayasin? Yung tipong calm before the storm. "Ay bakit po kayo tumatawa?" I asked them seriously pero talagang tawa pa rin sila ng tawa. "Seryoso naman po ako. Tsaka maniwala po kayo o sa hindi, hindi ko po ginamitan ng gayuma ang anak nyo. Muntik lang po pero buti nalang napansin niya na yung ganda ko kaya hindi ko na tinuloy." "I actually think na ikaw ang ginayuma ng anak ko." "Dad!" What Mr. Kim said made me laugh kaya kahit papano gumaan yung atmosphere sa dining room. Medyo nakakahinga na ako ng maluwag kasi sinasali naman nila ako sa conversations at kinakausap ng maayos. Hindi na rin ako nahiya kasi kain talaga ako ng kain. Ang sasarap naman kasi ng niluto ng mom niya kaya hindi na ako nakatiis. Nawala tuloy yung poise ko.  "I'm really curious about how you two met pero ayaw sabihin ng tatlong 'to," Soo Hyun's mom pointed at her children tapos tinignan pa sila ng masama.  "Ma'am kasi ganito po 'yo---" "Tita. You can call me Tita Jieun. But I prefer tita nalang," she said tapos inabutan nanaman ako ng mga ulam. "T-Tita," I stuttered because I'm not used to it yet but she smiled to encourage me. "Tita ganito po kasi 'yon……" The next 30 minutes were spent with me telling them the story of how we met and them laughing at every sentence. Nagmukhang circus yung dining area kasi puro lang talaga sila tawanan. Kahit nga si Su Li na tahimik lang natatawa na din.  "Ang arte arte naman pala ni kuya," Se Na teased her brother. "Sinabi mo pa! Akala mo naman hindi gandang ganda sa'kin," I answered kaya natawa nanaman sila lahat. Halos tapos na kaming kumain lahat at umiinom nalang ng tsaa sina tito at tita. Nahihiya naman akong tumayo kasi nga ang dami pa nilang tinatanong. Wala naman silang nabanggit about sa pagiging tago ng relasyon namin. Siguro gets na rin nila. Their son is an actor, tapos may girlfriend na idol. Keeping our relationship in private is the best decision we made. "Buti naman nagawi kayo dito," Tito exclaimed. Yes, tito na din daw ang itawag ko sakanya. Para nga akong aatakihin kanina kasi kung gusto ko daw pwedeng mom and dad na rin yung itawag ko. Agad naman akong tumanggi kasi ang awkward lang. "I taught her how to drive, dad." "You don't know how to drive?" "Before po tito," I answered honestly. "Why?" Soo Hyun's mom asked while eating the blueberry cheesecake she baked for dessert. Hinintay ko talaga silang matapos kumain lahat bago ako sumagot. "I didn't have the time to learn po. And besides, driving is really scary and hassle," I answered then they looked at me like urging me to continue speaking, so I did. "I have this constant worry na baka maihi or worse, matae ako while driving." Hindi pa man ako tapos magsalita, tumatawa nanaman sila. Grabe, pwede na talaga akong maging clown.  After kong magkwento, si tita naman yung dumaldal about kay Soo Hyun. Kung gaano siya ka mahiyain nung bata at talagang hindi daw nila inakala na papasok siya sa pag-aartista. Patayo na kaming lahat dahil may lakad pa pala sila tito at tita nang bigla ulit akong mapaupo. "I like you, Erina." Soo Hyun's father smiled at me. Nakita ko din na nginitian ako ng mom niya pati nung kambal. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi akala ko talaga bigla nalang silang maglalabas ng cheque para lang layuan ko ang anak nila.  "Dad," Soo Hyun looked at Tito. Nagtinginan sila na parang nag-uusap sa mata tapos nagulat nalang ako nang biglang tumawa si Tito. "I mean I like you for my son." "I like me for your son too, tito." We finished eating lunch then Se Na dragged me upstairs to see her room. Hindi na ako nagulat nang makitang puro pink 'yon at sobrang girly talaga. She made me sit on the bed tapos dumapa siya habang yakap yung malaki niyang stuff toy.  "Ate," I looked at her when she spoke. "Thank you." She was smiling kaya kahit nagtataka, nginitian ko nalang siya pabalik.  "Thank you for making my brother happy." "I'm happy when he's happy." "When he broked up with ate Theia, I thought he would sulk forever. But seeing him now, he looks so damn happy." Nagkwentuhan lang kami ng mga random na bagay then she asked me about GreyArea. Kinwento ko naman sakanya sila Kesha at kung gaano sila kabaliw. Sinabi na din pala sakanila ni Soo Hyun before yung tungkol sa pagsisikreto ng relasyon namin. "We know how showbiz works. Dad's a director while mom's an actress before. So no worries." Kaya pala pamilyar yung mga magulang nila because I've seen them before sa mga shows siguro or sa mga awards show.  "You should visit us more oft---" We were interrupted when someone knocked then opened the door. Pumasok si Soo Hyun sa kwarto tapos lumapit sa'kin para halikan ako sa noo. "Grabe, hindi ka na makatiis kuya? Sandali ko pa lang nakakakwentuhan si ate eh." "What? I'm not saying anything." "Wala ka ngang sinasabi pero yung body language mo, parang gusto mo akong palayasin sa sarili kong kwarto," Se Na said while pouting but her brother just laughed at her. "Sige na nga. Labas na kayo! Humayo at magpakarami," she jokingly said pero sinaway naman kaagad siya ni Soo Hyun.  "Where are we going?"  I ask him while we're walking down the hallway. He just smiled at me but did not answer. Ganyan naman 'yan palagi. Parang napakahirap magsalita for him.  We entered a room tapos napatalon ako sa gulat dahil may biglang tumahol. A very cute dog run towards us tapos niyakap naman kaagad ni Soo Hyun. I bet this is his dog because I can recognize it from the pictures I saw in his car before. "This is Theodore," he said tapos pinaupo ako sa sahig para mas mapalapit dun sa aso. "But you can call him Theo." "What's his breed?" I asked while looking at the light brown dog. Ang laki ng tenga niya tapos sobrang mabalahibo. Mostly light brown siya pero puti yung sa may bandang paa.  "He's an American Cocker Spaniel. He's already six and next month we'll be celebrating his 7th birthday," he look at the dog with so much affection.  "No offense but is there something wrong with his eyes?" Hindi ko na napigilan yung sarili ko na magtanong kasi bluish yung mata niya tapos may white sa gilid.  "He's blind. Since birth." "Poor baby," hinaplos haplos ko nalang si Theo habang nakahiga siya sa may sahig.  "Theia and I…...we adopted him six years ago." He looks anxious while talking. Akala niya siguro magagalit ako. I mean syempre may konting selos na ang dami talaga nilang pinagsamahan ni Theia pero past is past. Wala na akong magagawa don. The only thing I can do is to create memories with him now and in the future.  "You both have a good heart. Kung hindi niyo siya inampon, I bet walang kukuha sakanyang iba," I smilingly said. He smiled back then held my hand. "I love you." "I love you more." We stayed in his room for almost an hour kasi parang sabik na sabik sakanya si Theo. Talagang kailangang pagurin sa kakalaro kaya kahit ako parang hinihingal.  "Are you okay?" Soo Hyun handed me a bottled water na kinuha niya sa mini fridge niya dito sa kwarto. Theo's already sleeping peacefully in his bed.  "Yup, just tired," I answered tapos umupo muna sa may kama kasi napagod talaga ako. Parang ang hirap huminga kasi tawa din ako ng tawa kanina eh. "Uwi na tayo?" "Hindi ba talaga natin pwede isama si Theo?" "He has special needs and we're both busy." Malungkot nalang akong tumango tapos tumayo na. Almost 5 pm na at ang hirap maabutan ng traffic kaya kailangan na naming umalis.  We didn't have the chance na magpaalam sa mga magulang niya dahil kanina pa sila umalis. Yung kambal naman parehong tulog kaya nagbilin nalang si Soo Hyun dun sa isa sa mga katulong nila.  "We'll visit him more often." He must have noticed na malungkot pa rin ako dahil hindi namin naisama si Theo. He was the one driving tapos mukha akong nagsesenti na nakatingin lang sa bintana. I've always wanted a pet. Yung maituturing ko talagang pamilya. Lalo na dati nung pakiramdam ko mag-isa lang ako.  "I have something for you in the backseat." "Ha?" Nakakunot noo ko siyang tinignan pero inabot ko naman yung puting paper bag saka binuklat. "What's this?" Hindi ko alam kung matatawa ako kasi bakit niya ako binibigyan ng slacks na halatang sakanya. Ang laki laki kaya hindi ko naman panigurado kasya.  "Slacks." "Tanga, I mean why?" "You said what." "Di mo sure." "I'm sure, hindi naman ako bingi." "Ang dami dami mo nang sinabi, bakit mo nga ako binibigyan nito?!" Nainis na ako kaya hinampas ko na sakanya yung paper bag. Tumatawa lang naman siya habang nakatingin pa rin sa may daan. "You asked for it." "What? Kailan? Tsaka kung hihingi nalang ako ng damit mo, boxers or brief na noh!" Tinawanan nanaman ako. Feeling niya ba nagjojoke ako? Seryoso kaya! Kapag kinapos ako sa pera, pwede ko pa yung ibenta sa ebay. Kim Soo Hyun's boxer brief for sale!  "Before," he glanced at me. "Sabi mo bakit hindi ko nalang din ibigay yung slacks tutal na sayo naman na yung coat." Nanlaki naman yung mata ko nung maalala na yung sinasabi niya. Parang tanga naman 'to. Sineryoso niya talaga? "Bigay mo na lahat para total package na." I was laughing at him nang magulat ako nang bigla kaming huminto sa gilid ng kalsada. Buti nalang hindi masyadong traffic kaya hindi naman siguro kami makakaabala.  "I already gave you everything, Erina." He held my cheeks then looked deeply in my eyes. Malulunod ata ako sa tingin niya. "So please. Don't ever leave me." "I won't lea---" "....because I'd be left with nothing. You have my heart, Erina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD