Chapter 12

2599 Words
"H-ha…?" Hatdog. Parang automatic na sagot ng utak ko. Ang ganda niya kasi, she looks young dun sa nakita kong picture nila ni Soo Hyun but now? She looks like a f*****g angel. Kaya naman pala patay na patay dito si Soo Hyun eh. "A-Ah what I mean is...nice meeting you too," I tried to smile and shake her hands. Ang lambot naman ng kamay nito. And she's smiling so warmly at me! "Do you have time today para pag-usapan yung designs ng mga isusuot mo? If you're busy, okay lang naman sa'kin. I can always comeback tomorrow," mahinhin niyang sabi. Bakit kaya designer 'to at hindi singer? Ang lambing ng boses niya eh. She's a little bit taller than me but that's because she's wearing heels. Her long black shiny hair was in a ponytail at parang wala siyang suot na make-up. O kung meron man, super light lang. She looks like a super model in her black belted coat paired with a high-waist jeans. She's also wearing a pair of black ankle boots at may dala siyang bag at portfolios. Mukha na talaga siyang mature while I look like a teenager na hindi pinayagan sumama sa fieldtrip. Badtrip! "No, it's okay." Hindi na rin kami nagtagal sa conference room at naglakad na papunta sa isa mga studio para makapag-usap. The portfolios she's holding looks heavy so I offered to help. "Oh no, kaya ko naman. Nasanay na rin ako kasi lagi ko namang dala 'tong mga 'to," she smilingly said at mahinhin pang tumawa. "And I heard that you were recently injured?" she asked kaya tumango naman ako. "Kaya 'wag mo na 'ko tulungan, baka mabinat ka eh," she added.  She looks really worried and concern kasi napatingin pa talaga siya sa may paa ko. Why is she so nice? Hindi ko tuloy magawang magalit sakanya, hayst. "Buti nalang matangkad ka noh? Hindi mo na kailangan mag-heels. I actually adjusted my designs based on your condition. Puro flats lang ang kailangan mong suotin," patuloy pa siya sa pagkukwento.  I was about to answer her nang makita ko si Soo Hyun na papasok sa isang studio. Tatawagin ko na sana siya pero naunahan na 'ko ng katabi ko. "Soo Hyun Oppa?" parang hindi pa siya makapaniwala sa nakita niya because her forehead was creased. Her voice was so low and soft but Soo Hyun still turned his head. Our eyes met and I smiled at him. He was about to smile back at me but his gaze turned to the woman beside me. Shocked was evident in his eyes at parang nag-loading muna siya ng sampung segundo bago nakapagsalita.  "T-Theia?" his shocked face quickly turned into a smiling one at mabilis na naglakad papunta sa amin. Kay Theia lang pala. "I didn't expect to see you here," Theia exclaimed then transfer the portfolios in her other hand para mayakap si Soo Hyun. He was quick to hug her back. Bagay sila. Bagay na bagay. "Anong ginagawa mo dito?" Soo Hyun asked. Nakatingin lang siya kay Theia na parang walang ibang tao sa paligid nila.  "Oh, I'm here for Miss Lee. I'm in-charge of her comeback outfits," pagkatapos sumagot ni Theia, parang doon lang ako napansin ni Soo Hyun.  He looked at me pero agad din namang binalik kay Theia ang tingin. Naka-move on na pala ha. Hindi niya ata alam kung anong ibig sabihin ng mga salitang 'yon. "Miss Soo, okay lang naman kung bukas na tayo mag-usap. You two can talk for now," sumingit na 'ko kasi parang hindi na mapuputol yung tinginan at ngitian nila. Ayoko namang mag-mukhang tanga na nakatayo sa gitna ng taong mahal ko at ng taong mahal pa niya.  "What? Oh no! I'm sorry Miss Lee," she looked at me apologetically. "I'll talk to you later. Call me ha," she turned his gaze at Soo Hyun para magpaalam.  "Let's go?" she asked me. Tumango naman ako at magsisimula na sana kaming maglakad nang magsalita ulit si Soo Hyun. "San ba kayo? Hatid ko na kayo," he said tapos kinuha niya yung dalang mga portfolio ni Theia at siya na ang nagbuhat.  Nagsimula na kaming maglakad at talagang ang saya saya pa nila habang nagkukwentuhan. Theia was trying to include me in their conversation pero tipid nalang akong sumasagot kasi ang sama sama ng loob ko.  Nakakasama ng loob na ang ganda pa rin ng samahan nila kahit mag-ex na. They still look at each other with affection. At mas lalong sumasama yung loob ko kasi ang bait bait ni Theia! Ang hirap pilitin yung sarili ko na magalit sakanya.  Sa wakas, nakarating na kami sa isa sa mga bakanteng studio kaya umalis na si Soo Hyun. Umupo naman kami sa may mesa at sinimulan na niyang buksan ang mga dala niyang portfolio. Her designs are exquisite. Hindi ko maitatangging magaling talaga siya. Sobrang dami niyang pinakita sa'kin pero kahit isa wala akong mapintasan.  "You have really nice figure kaya babagay sayo to," she said while pointing at one of the short and backless dresses. "But if you're not comfortable in showing too much skin, marami namang designs dito na hindi gaanong showy," she added habang nagbuklat pa ng ibang portfolio para ipakita sa'kin.  "These are all really good. Ang galing mo," I sincerely told her while smiling.  Tuwang tuwa naman siya at umakto pang parang kinikilig kaya natawa nalang kami pareho. We continued discussing on my possible looks for the comeback. May staff na rin na nagdala ng merienda kaya kumain na rin kami habang nag-uusap pa rin.  "Sabagay mas bagay nga sa angel image mo yung mga pastel colors. Sa states kasi, mostly ng clients ko gusto bold colors tapos yung revealing talaga," she was elaborately telling me stories at may pa hand gesture pa talaga. Para rin tuloy siyang bata.  After almost 3 hours, natapos na rin kami at nakapili na ng mga isusuot ko. Nag-schedule na rin kami next week para masukatan niya ako at kung may mga kailangang adjustments.  It's almost 7pm already  kaya nagdesisyon na rin siyang umalis. We were walking down the hallway nang makasalubong ulit namin si Soo Hyun and some members of Axis.  Nakita ko pang sinisiko siko ni Nathan si Soo Hyun at pangiti ngiti pa. Alam na alam ko yang mga ganyang galawan. Ganyan ang ginagawa ko kay Sassy kapag nakakasalubong namin yung mga crush niya sa ibang banda. Nasabi na siguro ni Soo Hyun na ex niya si Theia kaya inaasar siya nila Nathan.  "Hi, I'm Nathan and these are my bandmates," pagpapakilala ni Nathan kay Theia. Isa isa naman niyang kinamayan ang Axis tapos nagpaalam na din sila kaagad. Nakita ko pang kumindat kay Soo Hyun si Nathan as a sign siguro. Ewan ko sakanila. "Hey….I already booked a reservation in your favorite restaurant," Soo Hyun said while looking at Theia. Talaga namang alam na alam pa niya kung anong mga paborito. "Really?" Theia looked so excited. Nagulat naman ako nang lumingon siya sa'kin. "Erina, you should join us!" Ha? Bakit naman niya ako aayain sa alone time nila ng ex niya?  I was supposed to decline when Soo Hyun cut me off. "Wag na, ano ka ba. Baka busy si Miss Lee." Miss Lee? Miss Lee! At talagang ang pormal pa niya ha at halatang ayaw akong isama sa date nila. Dahil sa inis ko, napapayag ako ng wala sa oras. "Sure!" I smiled awkwardly. Bruha ka, Erina. Kung ano-ano pinapasok mo. Theia looked happy at ngiting ngiti pa siya. We walked towards the parking lot. Naguusap silang dalawa habang nakasunod lang ako sa likod. Mukha akong alalay, putcha! "Where's your car?" Soo Hyun asked her. "Sinundo lang ako ng company car eh. Wala pa kasi yung sasakyan ko," sagot naman ni Theia.  "Susunod nalang ako sainyo. Saan ba yung restaurant?" Singit ko. Theia would surely ride with Soo Hyun kaya wala akong choice kundi magpahatid nalang sa driver. Nasan ba yung kotse ko kung kailan ko naman kailangan, hayst! "What? Sabay ka na sa'min. SUV naman dala mo di ba?" she asked Soo Hyun casually. The latter just nodded kaya wala tuloy akong choice kung hindi sumabay nalang. Theia obviously sat on the front seat habang mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa sa may back seat.  Agad namang pinaandar ni Soo Hyun ang sasakyan at dumiretso na sa restaurant. Tahimik lang ako habang daldal sila nang daldal. Bahala sila dyan.  Nakarating naman kami sa isang seafood restaurant at pumasok sa VIP entrance nila. Soo Hyun talked to one of the staff para sabihing for three na ang kukuning table. Nakaupo naman kami kaagad at hindi na kinailangang mag-order dahil inorder na pala lahat ni Soo Hyun ang specials nila.  After just 10 minutes, nilapag na ang mga pagkain at nagsimula na kami.  "So...you know each other?" Theia started the conversation. Nagkatinginan naman kami ni Soo Hyun at hindi alam kung sino ang sasagot.  "Yeah. We're f-friends....."  Kaibigan? So lahat ng ginawa niya for me this past few days at dahil lang sa magkaibigan kami?  "Wow, shocking ha! Akala ko si Dustin lang ang makakapagtiis sa ugali mo, but look! You have another friend, huh?"  Theia exclaimed kaya nagtawanan nanaman sila. Nakakainggit kasi parang kilalang kilala nila ang isa't isa. Samantalang ako, ni hindi nga kilala kung sino yung Dustin na 'yon! "Erina, let me tell you a funny story. Alam mo ba nung bata pa kami, Soo Hyun here was so into me! Patay na patay sa'kin 'to," she exclaimed while laughing and teasing Soo Hyun. "Hey!" sagot naman ni Soo Hyun na nagkukunyaring galit pero hindi naman mapigilan ang ngiti. "Bakit hindi ba totoo? Ikaw pa nga ang taga tikim ng mga luto ko non tapos kahit mamatay matay ka na sa lasa, sinasabi mo masarap pa rin kasi ayaw mong ma-disappoint ako!" Hindi nalang sumagot si Soo Hyun at tumatawa nalang. "Ti-nry ko ngang lagyan ng asin yung kape mo before tapos ininom mo pa rin!" Theia added which made them laugh again.  Soo Hyun was even peeling the shrimps for her. Pati crabs, kukunin niya yung laman tapos ilalagay sa plato ni Theia. She must have noticed na nakatingin ako sa plato niya kaya ngumiti siya sa'kin at inabot ang hipon.  Tatanggihan ko na sana pero si Soo Hyun na yung umabot at binalik sa plato ni Theia. "Don't. She's allergic," he said.  "Oh, okay!" sagot naman ni Theia.  "Don't you like the food? Gusto mo ipang-order kita ng bago?" Soo Hyun asked me pero umiling nalang ako. Nawalan na ako ng ganang kumain.  Tinitigan niya ako pero inirapan ko nalang siya. Ang landi landi mo! Akala ko gandang ganda ka na sa'kin yun pala may iba kang type! "I'll just get something." Bigla siyang tumayo kaya nagulat naman kami ni Theia. Hindi na niya kami hinintay na sumagot at bigla nalang umalis.  Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain kahit na halos wala naman akong sinusubo. Theia was even apologetic na sinama niya ako sa isang seafood restaurant when I'm allergic to almost everything they served here. We were about to eat the dessert nang dumating si Soo Hyun na may dalang paper bags from a chinese resturant.  "Here," inilabas niya ang mga take-out at isa isang inilapit sa akin.  "I ordered an extra set of xiao long bao. Eat while it's still hot," he said while smiling.  Tatanggi na sana ako kaso nagugutom na talaga ako at sobrang bango ng mga pagkain. Magana akong kumakain ng xiao long bao habang nagde-dessert na si Theia. Si Soo Hyun naman umiinom nalang ng tsaa.  After an hour, natapos na kaming lahat kumain kaya tinawag na ni Soo Hyun ang waiter. He even paid extra dahil nagpasok siya ng pagkain from another restaurant.  Naglakad kami papunta sa parking lot then drove off. Una naming hinatid si Theia sa condong tinitirhan niya. She hugged Soo Hyun then waved her hands at me bago lumabas ng sasakyan.  Akala ko magdadrive na siya paalis nang nagkatinginan kami sa rear-view mirror. Umiwas naman kaagad ako ng tingin.  "Ayaw mo bang umupo dito sa harapan?" Papaupuin mo ako dyan ngayon kasi wala na yung ex girlfriend mo? Talaga bang substitute niya lang ako? "Hindi na," hindi ko pa rin siya tinitignan.  I heard him sigh pero nagdrive na din paalis. Nakarating naman kami kaagad sa condo ng hindi pa rin nag-uusap. I was about to enter my room nang lingunin ko siya ulit. "If you don't mind, mag-aayos lang ako saglit ng gamit then pwede mo ba akong ihatid sa bahay? Kung busy ka okay lang kahit hindi na, magpapasundo nalang ako sa driver," I told him without an expression in my face. Hindi ko na siya hinintay sumagot at pumasok na ako kaagad sa kwarto. Mabilisan ko lang nilagay lahat ng damit at toiletries ko sa dalang maleta. I put my guitar in it's bag at dire-diretso nang lumabas. Muntik pa akong mabungo sa dibdib niya kasi nakatayo siya sa may pinto.  "Padaan" "Erina, galit ka ba?" Tanga ba siya? Mukha ba akong masaya eh hirap na hirap na nga akong pigilan lahat ng luha ko.  "Hindi" "Then why are you leaving?" "Bakit bawal ba?"  He closed his eyes tapos ginulo ang buhok. He looks so frustrated. But so am I! Nakaka-frustrate na akala ko may something na kami pero bumalik lang yung ex niya parang nawala na ako sa eksena.  "Erina, please…" "Bakit ba ayaw mo akong padaanin?" "Because you're confusing me!" Hindi na niya napigilang sumigaw. "Ako? Ako pa talaga yung confusing dito? Eh ikaw nga yung nagsabi na its over between you two pero kung makatingin ka naman sakanya parang gusto mo na siyang halikan!" "Ikaw lang ang gusto kong halikan!" He suddenly shouted which made me stop. Pero hindi ako nagpa-apekto, napaka sinungaling niya. "Liar! Ayaw mo nga akong isama kanina kasi gusto mo siyang masolo sa date niyo!" "Ayaw kitang isama dahil seafood restaurant 'yon. Ano namang pwede mong kainin dun?"  He made sense pero ayaw pa rin makinig ng puso ko. Nasasaktan eh.  "Friends? Talaga ba ha?!" "What am I supposed to say? Hindi pa naman kita girlfriend!" "Tapos siya pa yung naka-upo sa front seat katabi mo! Pinagbalat mo pa siya ng hipon!" I know I sound like a whining teenager pero teenager pa naman talaga ako! I felt so out of place kanina. "I was supposed to ask you to sit in front pero naka-pasok na siya. What am I supposed to do? Pababain pa siya. And even if I want to feed you shrimps, alam mo namang hindi pwede."  He sounded so calm na para bang nakikipag-usap lang sa bata.  "I still want to go home," hindi ko na napigilang umiyak. Kahit na may sense lahat ng sagot niya ang sakit sakit pa rin makita silang dalawa. Kasi kahit anong tanggi ko, kitang kita naman na they look good together. "Hey, stop crying please." He tried to get near me pero umatras ako. He was trying to touch me pero umiwas ako.  "Fine," he said sabay kuha ng mga dala ko para siya na ang magbuhat.  Sinundan ko naman siya hanggang sa parking. Pumasok kami sa sasakyan ng walang imik at nakarating din sa GreyHouse nang hindi pa rin nag-uusap. He helped me carry my bags hanggang sa may gate.  "Kaya mo bang ipasok sa loob?"  Tumango nalang ako at sinenyasan siyang umalis na. He tried to smile at me but it came out forced. Tumalikod na siya at sumakay sa sasakyan. Pagkapasok ko sa gate, narinig ko nang umandar ang kotse niya.  I dragged my suitcase in front of the door at saka nagdoor bell. May susi naman ako pero wala na akong energy para kalkalin pa sa bag.  Kesha opened the door. She was shocked to see me in front of her pero nginitian din naman niya ako.  I tried to smile but I broke down into tears. She immediately hug me and tried to comfort me by caressing my back. "Kesha….." I cried.  I wanted him. I wanted him so bad. And it hurts because I can see how happy he is when he's with her. Para akong naging kontrabida sa sarili kong kwento.  Ginusto kong pakawalan siya pero nanaig yung kagustuhan ng puso kong mahalin siya. And how I regretted that decision. Kung sana hindi ko nalang siya minahal. Hindi niya rin ako mamahalin pabalik. At hindi ko siya masasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD