Chapter 13

2740 Words
"Here, drink this….." Kesha handed me a glass of water habang nakaupo ako sa sofa. Nagsilabasan naman sila Leina sa kwarto at sinusubukang aluin ako.  "What happen?" I tried to answer Sassy but my tears cannot stop from falling. Hirap na hirap akong huminga habang humihikbi. "Stop na, bb"  Leina rub my back while trying to wipe my tears. Kulang kasi ang dalawang kamay para saluhin lahat ng luhang binubuhos ng mga mata ko.  "I-I can't breathe…." Nataranta naman silang apat at pinatayo ako sabay tapik sa likod. Sinubukan kong huminga ng malalim sa bunganga para mapigilan ang paghikbi.  Tinali ni Kesha ang buhok ko at pinainom naman ako ni Raqi ng tubig. Unti-unti naman akong kumalma pero patuloy pa rin na may tumutulong luha.  "It hurts," I said while pointing at my chest. "It hurts so much." I started telling them what happen mula pa noong lumabas kami ni Soo Hyun para bumili ng sasakyan. They let me talk at kahit pahinto-hinto dahil naiiyak pa rin ako, hindi sila sumingit para magsalita.  "Erina, maybe you just got it wrong? 'Wag ka muna mag-conclude," Leina tried to convince me. "You were not there! You didn't see how his eyes sparkle while she's looking at her!" "Okay, calm down. Magpahinga ka muna, Erina." Kesha smiled warmly at me. The look on her eyes is like telling me that everything will be okay. But deep in my heart, I knew that everything's not okay. Na hindi pa man nagsisimula ang laban, talo na ako. Na hindi na kailangan ng salita kasi tinggin pa lang niya alam ko na agad na hindi ako ang pipiliin niya. The girls led me to our bedroom. Pinasok na din ni Sassy sa walk-in closet ko ang dalang maleta. Pinahiga nila ako sa kama at kinumutan. Akala ko didiretso na rin sila sa kanya-kanyang kama but I was shocked when they moved Kesha's bed para idikit sa kama ko.  The girls joined me in bed at talagang pinatong pa nila ang mga paa nila sa'kin. Kahit na ang bigat pa rin ng puso ko, hindi ko napigilang tumawa kasi nagmukha akong palaman sa sandwich.  Kinabukasan, the girls left early for rehearsals. I was in no mood to go anywhere and just wanted to sulk inside my room so I decided to call Sir Leo para i-cancel ang recording ngayong araw. Nagdahilan nalang ako na masakit ang ulo ko. I lied kasi hindi naman ulo ko yung masakit, kundi yung puso ko.  I was kind of hoping na kahit papano mag-message man lang si Soo Hyun pero natapos nalang akong magtanghalian wala pa rin akong naririnig mula sakanya.  Since ako yung walang ginagawa sa'min. Ako nalang ang nag-asikaso ng surprise para kay Raqi bukas. I ordered food at nagsimula nang maggupit gupit para sa decorations, itatago ko nalang 'to sa closet para hindi makita ni Raqi. Around 8pm na nang dumating ang girls. I already cooked dinner kaya inaya ko na sila agad kumain. Nag-uusap naman kami but Raqi was unusually quiet. Hindi nalang namin siya pinilit magsalita para mas masurpresa siya bukas.  We went to bed early pero ang hindi alam ni Raqi, ni-remove muna namin siya sa group chat at dun kami nag-uusap.  haLEINA kayo at magsaya: pano kung mas maaga siya dumating bukas sunog SASSY-mbahan: tanga diba nga ikaw ang magbabantay sakanya edi magkunwari ka nalang na natatae at magpasama ka sa cr ERINAhulog: hindi ako papasok bukas, ako na bahala dito just in case na ma-delay kayo ng punta KESHAna all: hoy bat di ka nanaman papasok, ayaw ko na din pumasok wag na tayo pumasok lahat! haLEINA kayo at magsaya: dimunyu spotted sunog SASSY-mbahan: high school all over again Napagdesisyunan na rin namin na papasok sila at uuwi nalang ng maaga para matulungan akong maghanda. Si Leina nalang yung bahala pano niya pipigilan si Raqi na umuwi.  Nasunod naman yung plano the next day except na hindi na kailangang pigilan si Raqi na umuwi kasi siya na mismo yung nagsabi na may pupuntahan daw siya at malelate ng dating.  Raqi texted na malapit na daw siya kaya nilabas ko na yung cake sa ref at sinindihan naman ni Kesha. Leina's holding a camera habang nakaready naman si Sassy sa may pinto habang may hawak na party popper.  We heard the door opened at kahit hindi namin nakikita, we know that Raqi's wondering kung bakit nakapatay ang ilaw sa buong bahay. Naglakad siya pagilid para siguro kapain ang switch ng ilaw.  "Mary Raquelle, gurang ka na!" Sabay sabay naming sigaw nang mabuksan na niya ang ilaw. Napatigil naman si Raqi at parang hindi pa nagsisink- in sakanya kung anong nangyayari.  Nagulat naman kami nung bigla nalang siyang umiyak. Agad kong binitawan ang cake at sabay sabay kaming lumapit para yakapin siya. "Huy, masyado ka bang masaya at naiyak ka pa talaga?" Leina started to tease her habang kinukuhanan pa si Raqi ng picture habang umiiyak.  "I'm sorry," Raqi said while still crying.  Halos wala nang lumalabas na salita sa bibig niya sa kakaiyak.  "Hashtag GreyArea iyakin, kahapon pa 'to ha!" Sassy said. "Tama na nga, gutom na 'ko," Kesha said saka kami hinatak papunta sa dining.  We happily ate at nagkwentuhan na rin. We were down on the dessert when Raqi suggested na manuod kami ng Crash Landing On You sa Netflix.  Lumipat naman kami kaagad sa sala para manuod.  "Si Erina parang si Yoon Se-Ri," Sassy started the conversation. "What do you mean?" I was confused so I asked her. "Mahilig maglipat bahay. Although siya from south to north, ikaw naman papunta kay Soo Hyun," she answered.  "Totoo! Opurtunista 'to. Talagang nagkaron pa ng dahilan para lumandi. Pokpok ng taon indeed!" Leina added. Nakita ko namang siniko sila ni Kesha kaya napatigil sila sa pagsasalita. I just smiled sadly at them and they must have realized na ayaw ko nang pag-usapan ang lalaking yon so they smiled apologetically at me. We just watch hanggang mag alas dose ng gabi para mabati namin ng maayos si Raqi. Natulog na din kami kaagad dahil uuwi pa nga sila ng maaga bukas. Kinabukasan, sobrang late na akong nagising. Maga-alas dose na and I'm expecting na nakaalis na silang lahat so I was shocked when I saw Raqi still sleeping in her bed.  I walked towards her para gisingin siya dahil baka napuyat lang.  "Raqi…," I tapped her back repeatedly dahil wala siyang reaksyon.  Unti-unti naman niyang minulat ang mata niya at ngumiti ng tipid sa'kin. "Hindi ka ba uuwi?" "Nope," she answered. Tatanungin ko pa sana siya kung bakit hindi siya uuwi pero pumikit na siya agad. She looks tired kaya hinayaan ko nalang siyang matulog. I checked my phone hoping to receive a message from someone but still no vail. To distract myself from the disappointment, I decided to cook for Raqi tutal birthday naman niya.  I reheat the pizza from last night then fried some chicken. I cooked different flavors pero dinamihan ko ang garlic parmesan dahil yun ang paborito ni Raqi.  Hindi pa ako tapos magluto pero nakita ko nang umupo si Raqi sa may dining table.  "Special lunch for the special birthday girl!" Masigla kong sabi sabay lapag ng mga niluto kong manok. She smiled at me pero agad ding nawala ang ngiti niya when she looked at the food on the table.  Tinakpan niya ang ilong niya at umaktong parang nasusuka.  "Okay ka la---" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil dumiretso siya sa cr. I followed her and heard na parang nagsusuka siya. Kumatok naman ako kaagad para sana tignan kung anong nangyayari nang marinig ko siyang magsalita at okay lang daw siya.  I decided to just wait for her outside the bathroom. Lumabas din naman siya pagkatapos ng halos sampung minuto. Agad naman akong nag-alala nang makitang namumutla siya. "Grabe naman, hindi mo pa nga natitikman nagsuka ka na agad. Ganun ba kasama yung luto ko?" I tried to joke around and thankfully, tumawa naman siya. "Wala 'to. Ang dami ko na kasing nakain kagabi kaya siguro sinuka ko muna," she said while smiling. Naglakad na kami papunta sa dining area para kumain. I was about to offer her the chicken dahil nga paborito niya pero tumanggi na siya kaagad. Yung pizza nalang ang nilantakan niya. Ang labo din nito, busog daw pero halos siya naman yung umubos sa pizza.  We finished eating at tinulungan naman niya akong magligpit. Aayain ko sana siyang manuod kaso lang inaantok daw siya kaya dumiretso na siya sa kwarto. Sumalampak naman ako sa sofa habang hawak ang gitara ko. I decided to check my phone para tignan kung nagparamdam na siya pero wala pa rin talaga. Ano ba Erina? Halata namang wala siyang paki sayo eh. 'Wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo. 'Wag kang tanga. The next few days, kinailangan ko nang bumalik sa kumpanya because Theia informed me through email na na-approve na ng finance department ang budget para sa mga comeback outfits ko.  Sumabay na 'ko kila Kesha papunta ng kumpanya. Sa conference room ang meeting pero dumiretso muna ako sa isa sa mga studio dahil may naiwan akong gitara nung huling punta ko dito.  I opened the door pero agad ko ding naisara because of what I saw. Para ulit akong winasak. Kaya pala hindi man lang makapag-message dahil busy siya sa pagyakap sa ex niya. Talo ka na, Erina. It's game over. Para akong tangang nakatulala lang sa may pinto nang bigla nalang itong bumukas. Nagkatinginan kami ni Soo Hyun pero agad akong tumalikod at naglakad na paalis.  Someone grabbed my right arm kaya napalingon ako ulit.  "Erina, it's not what you think." Soo Hyun was looking at me na parang mawawala ako kapag pumikit siya. Dahil sa mga titig na 'yan kaya ako nahulog eh. Dahil sa mga titig na 'yan kaya ako umasa na pwedeng magkaroon ng kami.  "Ano ba sa akala mo ang iniisip ko?" "Erina, please." "Hindi mo ako kilala at wala kang alam sa lahat ng iniisip ko!" I shouted at him then pulled my arm para makaalis na doon. Para akong tanga na umiiyak habang tumatakbo. Dumiretso ako sa cr at doon binuhos lahat ng luha ko.  "You can do this, Erina. Kaya mo 'to, sanay ka naman na diba? Sanay ka nang hindi pinipili."  I told myself in the mirror. Pilit kong pinigilan ang luha ko at naghilamos para hindi halatang mugto ang mata sa pag-iyak.  Hindi na rin ako nagtagal sa banyo because Sir Leo called at kailangan na daw ako sa conference room. Dumiretso na ako don at nakitang nandun na si Theia. She smiled awkwardly at me at sinubukan ko namang ngumiti pabalik. Wala naman siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan na siya ang pinili. Na siya ang mahal. After ma-finalize lahat ng plano para sa solo debut ko, natapos na rin ang meeting. Nagmadali na akong lumabas pero nagulat ako nang may humila sa kamay ko.  "Erina….pwede ba tayong mag-usap?"  Theia was looking at me na parang nahihiya pa siyang kausapin ako. But her eyes were begging me to agree and talk to her. Nginitian ko naman siya at agad ding pumayag. Gusto ko rin siyang makausap dahil baka isipin niya na guguluhin ko sila ni Soo Hyun. Hindi naman ako ganon ka desperada. Magkaiba kami ng sasakyan dahil nagpahatid ako sa driver samantalang dumating na daw ang kotse niya. She emailed me the address of the coffee shop kaya doon naman ako nagpahatid.  One of the staff led me to the VIP area at naabutan ko na don si Theia. Umupo naman ako at nag-order na. I just ordered a Chocolate Frappe while she was sipping her green tea. Pati taste sa mga inumin magkaibang magkaiba kami.  Halos sampung minuto ding walang nagsasalita saamin nang bigla siyang tumikhim. "Erina, thank you for giving me some of your time," she said. Nginitian ko nalang siya at hindi na nagsalita. "I'm guessing na alam mo na kung anong meron samin ni Soo Hyun dati," she started to say. "Theia, ngayon palang sinasabi ko na na wala akong balak manggulo. I'm really embarrased that you had to witness what happen earlier but that will be the last time na kakausapin ko siya so you don't ha--" Napatigil naman ako sa pagsasalita kasi nakita kong napangiti siya.  "You obviously like him," she said while still smiling. "Why is he so dumb and clueless?" she added pero dahil ang hina ng pagkakasabi niya, hindi ko na narinig. "Hindi na importante kung anong nararamdaman ko," sagot ko naman. "Erina, I'll be flying back to New York soon." She said na pinagtaka ko. Alam kong tapos na ang duties niya dito dahil approved na ang mga designs niya. Gagawin nalang at ipapadala sa company. Hindi niya na kailangang mag-stay dito pero ang akala ko magtatagal pa siya dahil syempre magba-bonding pa sila ni Soo Hyun.  "Can I ask for a favor?" she said with pleading face.  "W-What?" "Take care of him. He looks so tough but he's really a softie. 21 palang kami pero para na siyang 50 years old sa dami ng responsibilities niya. But when he's with you, and when he's looking at you, he looks so young and carefree," she said tapos hinawakan pa ang mga kamay ko. "What do you mean? He likes you di ba?" I was so confused na halos wala na akong naintindihan sa mga sinasabi niya.  "He's so smitten by you, pareho kayong slow," bulong nanaman niya na hindi ko narinig. "Ano?" "We're just friends, Erina. Matagal na kaming tapos," she smiled again.  Natapos naman ang pag-uusap namin kaya nagpaalam na rin siya pagkatapos naming magbeso beso. Nakatulala lang ako habang nasa coffee shop pa rin. I'm trying to process everything she said but I was interrupted nang marinig ko ang cellphone ko.  It was Leina so I answered the call immediately. "Hey, what--" "Erina! Uwi ka na agad please," bigla siyang sumigaw. Kinabahan naman ako kaagad. "W-What? Anong nangyari?" She was sobbing at halos wala na siyang masabi. "Si Raqi...umuwi ka na agad, parang awa mo na." I immediately ended the call at napahatid sa driver. Naiiyak na ako at halos malimutan na lahat ng nangyari kanina dahil sa sobrang pag-aalala.  Nakarating naman kami sa GreyHouse at agad agad akong bumaba. Padilim na tapos nakapatay pa lahat ng ilaw sa bahay. I opened the door at kinapa ang switch ng ilaw.  Tatakbo na sana ako sa kwarto pagkabukas ko ng ilaw nang mapatigil ako. I heard the strum of the guitar at bumuhos na kaagad ang lahat ng luha ko. "Tomorrow mornin' if you wake up And the sun does not appear I...I will be here" The living room were decorated with hanging lights and baloons. Marami ding nakakalat na bulaklak. And the man I love was in the middle singing an unfamiliar song with a guitar in his hands. "If in the dark we lose sight of love Hold my hand and have no fear 'Cause I...I will be here I will be here When you feel like bein' quiet When you need to speak your mind I will listen" Kahit paulit-ulit nang nabugbog yung puso ko, isang ngiti niya lang tumitibok ulit. Ang rupok ko. Ang hina hina ko pagdating sakanya. "I...I will be here And just as sure as seasons are made for change Our lifetimes are made for years 'Cause I... I will be here.... We'll be together, forever 'Cause I will be here I will be here" He was walking towards me while still singing. Saktong huminto siya sa harap ko nang matapos na ang kanta. Binitawan niya ang gitara at hinawakan ang mga pisngi ko. He was trying to wipe my tears pero natawa kami pareho nang tumulo na rin yung luha niya.  "I haven't heard that song before…." I said habang unti unti nang humihinto ang pag-iyak. "I wrote it," he answered while smiling. "It's not as good as the one you wrote bu---" "I love it," agad ko na siyang pinutol kasi nagustuhan ko naman talaga yung kanta. "I wasn't able to message you because I was busy learning to play the guitar and writing this song" "It's okay" Okay na 'ko. Makita ko lang siya okay na 'ko ulit. "I'm sorry about everything. I'm sorry if I unintentionally brought you pain. I'm really sorry, Erina." "I-I like you Erina," he said na nagpangiti sa'kin."No! scratch that, I don't just like you. I love you, so much that I think my heart would burst while looking at you now," he added while blushing.  "I'm sorry na hindi ko nasabi agad. But I really, really love you. And I would be honored kung papayagan mo akong liga--" "Will you be my boyfriend?"  I cut him off kasi ayoko nang maghintay. I want us to be official. "W-What?"  "Be my boyfriend. Wala kang choice." Pareho naman kaming napangiti nalang. I put my hands around his shoulder and tip toed to kiss him. Pero hindi natuloy kasi may mga bruha sa eksena. "Go, pokpok!" The girls shouted which made us all laugh. Napalingon si Soo Hyun sakanila pero hinila ko ulit ang mukha niya para matuloy na yung halik. Ang tagal tagal ko na 'tong hinihintay! I heard the girls cheered and I smiled while still kissing him. I let go of his lips and stared at his eyes. "I love you." "I love you, Erina. More than anything this world can offer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD