"Ang saya ng bruha, sarap sapakin."
Kesha was staring at me with her hawk eyes. Hindi ako sigurado kung masaya siya para sa'kin o gusto niya akong saktan.
"Mas masarap humalik yung bago kong jowa," I answered while smirking.
Hindi na ako nakaiwas nang tinalon nila ako sa sofa at sabay sabay sinabunutan. Para akong na-harass ng mga fans at kulang nalang ingudngod nila ako sa sahig.
"Bwisit! Hindi naman ako nagmamadaling magka-lovelife pero dahil sa kapokpokan ng dalawang 'to, I feel pressured!"
Sassy exclaimed.
I laughed hard and even flipped my hair para mas lalong mang-asar. Tipid lang namang ngumiti si Raqi.
After eating dinner with us, Soo Hyun left to go home. He has an early appointment tomorrow for an advertisement kaya baka hindi kami makapagkita dahil busy nga siya buong araw.
"Ang landi landi! Talagang yung ganitong mukha, hinarana ng isang Kim Soo Hyun? Anong ginamit mong gayuma, Erina?"
"Ganto gawin mo," I leaned forward para magkatapat ang mga mukha namin ni Leina. "Kumuha ka ng insenso tapos sumayaw ka ng jolibee dance habang kumakanta ng happy birthday sad version."
"Gagu," tinulak niya naman kaagad ang noo ko kaya nagtawanan nanaman kaming lahat.
"Haay, kailangan ko na ata talagang magka-boyfriend para naman sumaya ako ng ganyan. Wait nga," Kesha took her phone out at nagkunwaring may dina-dial. "Hello Chris? Baby kailangan na natin sabihin yung totoo na ako talaga ang mahal mo!"
Hindi na kami magkamayaw sa kakatawa dahil ang galing ni Kesha umarte. "Honey, one way or another malalaman din naman ng mundo na ako talaga ang original na humahampas sa pwet ni Captain America!" She continued talking to her phone kahit wala naman talaga siyang kausap.
"Chris? Chris Evans? Answer me! Steve? Chris? Pucha you're so confusing break na tayo dahil kami nalang ni Hulk! Buti pa 'yon hindi lang pwet ang malaki kundi pati yung ano niya!"
I fell down the sofa because of laughing too hard. Binato naman ni Leina at Sassy ng unan si Kesha.
"Ang kapal ng mukha mo eh balakubak ka lang naman ni Captain America!"
I shouted at her habang tawang tawa pa rin. I missed this. I missed hanging out with them.
"Malay niyo naman! Masama bang pangarapin na mahaplos ang pwet ni Captain America ha?"
Kesha shrugged her shoulders.
"Gaga feeling ko mas magiging interested sayo si Thor kasi mukha kang alien," Sassy exclaimed.
"Akala mo naman ang ganda mo eh talampakan lang naman tayong lahat ni Erina. Pinataob niya lang naman si Rapunzel sa haba ng buhok," Kesha answered.
"Hoy, Raquelle! Ba't ang tahimik mo dyan? Namimiss mo si Nathan noh?"
Leina teased Raqi. Tumawa naman ng mahina si Raqi sabay hampas kay Leina.
"Baka iniisip niya ang unang tikim sa labi ni Nathan mga beshy 'wag nyo nalang istorbohin," Sassy said.
"Anong lasa, Raqi?" I tried to ask.
"Lasang hindi matitikman ng mga single na 'to," Raqi answered then stuck her tongue out towards the three.
"Gagu! Sana maubusan ka ng wings at thigh part kapag nag-order ka ng manok!"
Kesha shouted pero tumawa din naman sa huli. Raqi gave her the middle finger then laugh out loud.
The next few days became busy because I already started recording my first solo song. Maraming producers and lyricist ang umalalay but I was still the one in charge and has the last say in everything. Buti naman pinagkakatiwalaan na nila ako. Mas kilala ko naman ang sarili ko kaysa sakanila at mas alam ko kung hanggang saan ang kaya ng boses ko.
"What do you think of putting some Electronic beat for the chorus?"
One of the producers asked. Agad naman akong umiling dahil gusto kong maging pure pop ang kanta. I want the message of the song to be the one that captures the listeners heart, not some random techno beat na halos lahat naman ng kanta ngayon ay meron.
"I'd rather not. I want to keep the song simple but meaningful. I want my voice to speak my soul and I really believe that, that is what the people would want to hear," I smilingly answered.
People inside the recording studio all nod their head in approval. Dahil pare-pareho naman kami ng gusto, pinagpatuloy na namin ang recording.
We were almost done with the first part of the song when the producers called for a break. They offered me food but I refused and started walking towards the studio where the girls are practicing.
Naabutan ko naman silang sumasayaw pa rin kaya umupo muna ako sa gilid to check my phone. Na-excite naman ako kaagad when I received a message from Soo Hyun.
From: soohyun_k216
Hi, love. How's recording?
Grabe naman yung may pa-love na kaming paandar ngayon! Umaariba na talaga ang road to honeymoon este road to forever namin ng first and hopefully last love ko.
Habang nag-iisip ng isasagot, I suddenly remembered na hanggang ngayon wala pa rin akong phone number niya. Grabe lang, mag-jowa na pero i********: lang ang mode of communication. Kami na talaga!
To: soohyun_k216
love need help asap
Not even 10 seconds later, I received his reply.
From: soohyun_k216
ARE YOU OKAY? SAN KA?
Natawa naman ako nung may pacapslock pa talaga siya. Ang sarap sa feeling kapag may nag-aalala sayo.
To: soohyun_k216
relax love ang puso mo hahahahaha
From: soohyun_k216
Love, it's not funny. Don't make me worry like that.
Naguilty naman ako kasi baka kinabahan talaga siya. Hindi pa naman maganda sa pakiramdam yung sobrang paranoid at pag-aalala sa mahal sa buhay.
To: soohyun_k216
sorry bb yung phone ko kasi hindi ko makita, nakikigamit lang ako sa assistant, pwede paki call para tumunog
Ang lame ng excuse pero malay niyo naman kumagat siya diba.
From: soohyun_k216
Why don't you call it through your assistant's phone?
Yun lang. Hindi naman tatanga-tanga 'to kaya malamang takang taka na siya ba't ang bobo ko at hindi ko naisip 'yon. But because I'm desperate, I said the lamest excuse.
To: soohyun_k216
bb wala siya load ih
Just as my phone rang, saktong natapos yung apat kaya nagsilapit na sila sa akin.
"Hello?"
I said shyly kaya napalingon sa'kin yung apat na parang nakakita ng multo. Nagtaka siguro kung bakit ang hinhin ko. Hindi ko naman sila pinansin at tumayo muna para lumayo nang kaunti. Maharot ako pero syempre gusto ko din naman ng privacy!
"Hi, girlfriend."
Ang lamig ng boses. Para akong hinehele pero hindi ko pa rin mapigilan ang kilig kaya dinaan ko nalang sa tawa.
"Stalker ka talaga! Ba't mo alam number ko?"
"Love, before you start teasing me, let me break it up to you na alam kong kalokohan mo lang yung kunwaring nawawalang phone para utuin ako," he said kaya hindi ko nanaman napigilang matawa.
"Kunwari pa gustong gusto naman."
"Gusto talaga. Gustong gusto kita."
"Hala ba't bigla kang lumandi?"
"Nahawa sayo, ang hilig mo magpasa ng laway eh"
"Gagu, pasmado bibig!"
I heard him laugh so loud kaya naisip kong baka akalain ng mga kasama niya sa commercial shoot na baliw siya. Well, baliw naman talaga. Baliw na baliw sa alindog ko, charot!
"I'll pick you up later."
"Okay, saan tayo pupunta?"
"Sa langit."
"Hindi ko alam kung bastos yang bibig mo o iba lang talaga mag-isip utak ko," I said habang parang pinipilipit na sa kilig. I even crossed my leg kasi para akong matutumba every time na bumabanat siya. Ang lakas ni Kim Soo Hyun!
"Answer properly or else hindi ako sasama," I tried to sound serious just to see how he'll react.
"Kapag hindi ka sumama malulungkot ako"
"Oh tapos?"
I arched my brow kahit na hindi naman niya nakikita.
"Kapag nalungkot ako mapapagod ka"
Ano ba 'tong utak ko! Puro lumot na ata kasi kung ano-ano na naisip ko. Totoo yata na ako ang pokpok ng taon.
"Ha?"
"Kasi tatakbo ka sa utak ko hanggang sumaya na 'ko ulit," I can hear na parang natatawa siya habang nagsasalita. Hindi rin siguro siya sanay na nagsasabi ng mga cornying salita.
"Baby yung quota mo sa kacornyhan lampas na hanggang next month"
We both laughed with what I said. Narinig ko naman na may nagsalita sa linya na direktor pala nila kaya kinailangan na niyang ibaba ang tawag.
Pangiti-ngiti naman akong bumalik sa kinauupuan nila Kesha. Nakataas ang mga kilay nila at para akong babalatan ng buhay.
"Your kaharutan is radiating all the way here," Sassy said habang umiinom sa tumbler niya.
"Wala man lang respeto sa mga single, ang sarap lang manghampas ng babaeng may pangalang nagsisimula sa E at nagtatapos sa A," Kesha said habang iniirapan ako.
"Emilia?"
Parang tangang sabi naman ni Leila. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o tuluyan na siyang naubusan ng brain cells.
"Boba mo, yung kabanda natin!"
Raqi moved to pull Leina's hair. Hindi naman nagbago ang facial expression ni Leina at parang takang taka pa rin.
"Emilia ang ating kabandA?"
"Yung nakatira sa GreyHouse at minsan nagluluto ng pagkain mo!"
Nakisali na rin ako kahit na gusto ko nang ibato ang cellphone kay Leina.
"Emilia ang ating yayA?"
"Yung malanding inunahan tayo na magkaron ng jowa! Boba ka kapag hindi mo pa rin alam ibabalik kita sa tyan ng nanay mo!"
Sumisigaw na talaga si Sassy at parang konti nalang mananapak na. Umusod naman ako palayo sakanya kasi mahirap na, ayoko magkapasa kasi may date kami ng bebe ko later!
"Ahhhh! Si Erina," tumango tango pa talaga si Leina kaya mas lalo kaming naasar. "Oh tapos?"
Hindi na kami nakatiis at sabay sabay na siyang sinapak at sinabunutan.
"Uy gago, nagbibiro lang ako!" Hindi pa rin namin siya tinigilan at dinagdagan pa namin ng kiliti para mas lalo siyang pahirapan. "Hoy tama na, magkakapasa ako mas lalo akong hindi makakahanap ng jowa!"
We finally stopped nung halos hindi na siya makahinga. My break's almost over kaya nagpaalam na din ako para bumalik sa recording studio.
After 2 hours, we've produced the first version of the song. Ipapa-approve bukas sa big bosses and if we're lucky at ma-approve agad, hindi na namin kailangang mag-record ulit.
I said goodbye to the producers after thanking them for a job well done. Nag-text na sakin si Soo Hyun na nasa parking lot na siya kaya nagmadali muna akong dumaan kila Kesha para magpaalam.
"Hindi ka uuwi?" she asked.
"I'm not sure pa eh," I answered habang isa isa na silang bineso.
"I bet my favorite Channel bag na hindi ka na virgin pag-uwi mo bukas!"
Sassy exclaimed na tinawanan ko lang naman.
Bago ako tuluyang lumabas sa studio kung nasan sila, narinig ko pang sumigaw si Leina.
"Enjoyin ang pagkawasak!"
I was still smiling from ear to ear nang makarating sa parking. I tried looking for Soo Hyun's Range Rover pero hindi ko talaga makita. I took my phone out to call him but even before I could dial, a black Bugatti Veyron flashed its head lights.
Agad naman akong lumapit at binuksan ang pinto ng passenger seat. Soo Hyun looks dashing kahit naka plain blue shirt lang naman siya. I kissed his cheek at nagsimula na din siyang mag-drive.
"How many cars do you own?"
"How many cars do you want?"
"Ha? Labo mo kausap," sinimangutan ko siya kasi hindi nanaman sumasagot ng maayos.
"I'm asking how many cars you want so I can buy more kung kulang man yung mga sasakyan ko ngayon."
He said then took my left hand to intertwined our fingers. His other hand's in the steering wheel habang seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Ang gwapo. Makahulog panty at matres.
"Okay na sa'kin yung dalawa para lang may extra just in case masira yung isa."
I shrugged my shoulder after answering him.
"What am I gonna do with the other 13? Should I sell them?"
Sinulyapan niya ako ng tingin pero mabilis ding binalik ang atensyon sa daan.
Doña pala ang magiging dating ko dito. Yummy na nga ang mukha at katawan, yummy pa ang wallet. Ako na talaga ang tumama sa lotto.
"What's this?"
Inabot ko naman ang mini metal thermos na nasa gitna namin. Tinignan naman niya kung ano ang tinutukoy ko.
"That's for you. It's a homemade lemon ginger detox tea, I just thought na baka napagod yang lalamunan mo kakakanta so I made you one."
Napangiti naman ako at binawi saglit ang kamay para mabuksan ang thermos at makainom. Ang sweet at caring naman ng baby ko.
"It's good. Thank you, baby."
He just smiled at me at nag-concentrate na sa pagda-drive.
Nagulat ako nang pumasok kami sa parking lot ng isang mall. Mag-aalas syete palang kaya paniguradong puno pa ang mall. We parked on the highest floor at inabutan niya ako ng mask at cap bago kami bumaba.
He intertwined our fingers again at sabay na naglakad. Ang sarap sa pakiramdam na lumabas in public with him, kahit hindi naman kami nakikilala ng mga tao, feeling ko pa rin normal couple lang kami.
He led me on one of the cinemas. Pinapili niya ako ng pwesto then nagulat ako nang magsimula na ang show eh kaming dalawa palang naman ang tao sa loob.
"Bakit tayo lang ang nandito?"
"I rented the whole place."
"What? Why?"
Umayos siya ng upo at hinarap ako.
"You were telling me last night how you've always wanted to be just a normal person. And I also remembered that you wanted to watch this movie, so I thought that by taking you to the cinema - where normal people go - you'd atleast be happy," he said then moved to kiss my forehead.
I remembered telling him those habang magkausap kami sa telepono kapag gabi, but I didn't expect him to actually bring me here. I'm touched.
"Love, kahit naman nasa kotse lang tayo basta kasama kita masaya na 'ko eh."
"I know love. Kahit naman ako, but you are worth more, Erina. You are worth all the risks of coming here, you are worth all the effort. Please let me pamper you."
I smiled and just kiss him on the lips as my response. Nagsimula na ang palabas kaya nag-focus na kami at nanuod.
Movie credits nalang ang pinapalabas sa malaking screen kaya nagdecide na kaming tumayo. Hindi kami agad umuwi at naglakad lakad pa sa mall. Iniwasan kong makipag-interact sa kahit sino kaya hindi ko na nagawang bumili ng kahit ano.
We ordered Chinese for dinner at nag-drive na pauwi sa condo niya. I helped him in setting up the food on the center table. Since we're both hungry, nilantakan na namin ang pagkain. I was chewing my last piece of xiao long bao when I felt his hand on the side of my lips.
"W-Why?"
I felt him removing something but I was too drowned in his stares to even care.
"May kanin ka…"
It seems like he's also flustered just like me at hindi namamalayang lumalapit na ang mukha namin sa isa't isa.
"Ahhhh...ganun b--"
I didn't finish what I was saying because he grabbed my face and kiss me passionately in the lips.
I moved to hold his nape while he encircled his hands around my waist.
I tried nibbling his lower lip and he responded with a groan.
He was about to carry me nang marinig namin ang pinto.
"Fucker! What's up---"
Natigilan naman kaming tatlo at nagkatitigan. The guy who just entered and disturbed us looked so flushed at parang hiyang hiya siya sa nakita.
He smiled awkwardly pero nawala din agad nang mapatingin kay Soo Hyun. Parang natakot siya bigla kaya liningon ko na din ang katabi ko and I saw how angry and irritated he was.
"Run now i***t because I will not spare your life when I catch you," Soo Hyun said with so much anger in his voice.
Tumayo siya at sinimulang habulin yung lalaki. Para silang mga batang naglalaro sa kalye kaya napatawa nalang ako ng malakas.
I never knew that I'm capable of feeling this much of happiness. Being with him was like living the best dream. Maybe that's also the reason why leaving him was my worst nightmare.