He was grinning ear to ear when he saw me. Dahil sa akin lang siya nakatingin ay maging sina Tita Patrice at Julie ay napatingin na rin sa akin. Marahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan namin. “Good evening po, Mrs. San Miguel.” bati niya kay Tita saka agad namang bumaling sa akin. “And of course, sa’yo rin. My girl, Rachelle.” The moment Julie heard him calling me “my girl” ay napanganga ito at naitakip ang kaniyang palad sa kaniyang bibig. Mabilis ako nitong kinalabit. “S-siya yung nagbigay sa’yo ng dress, Miss Rachelle.” nauutal pa nitong sabi. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Julie. Gustuhin ko manng irapan itong lalaking ito, hindi ko naman iyon kayang gawin lalo na at kaharap namin ngayon ang kaniyang ama at si Tita Patrice. Nang iabot niya ang hawak na bouquet sa akin a

