Pagkatapos kong kumain ay bumalik na rin agad ako sa classroom namin. Walang ibang tao roon maliban kay Kate na kumakain mag-isa habang nagbabasa ng libro. “Rachelle. Nandiyan ka na pala.” Saad niya nang makita niya ako. Mukhang hindi niya inaasahan na papasok ako roon. Mabilis niyang isinara ang baunan na may lamang kanin at ulam. Alanganin siyang ngumiti at nilinis ang kaniyang table. May isang klase pa kami bago mag-lunch pero kumakain na agad siya ng kanin? “Hindi ka nag-breakfast” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin. “Ha?” gulat niyang tanong sa akin. “Tinatanong ko kung hindi ka ba nag-breakfast.” Tumango siya nang marahan. Napabuntong-hininga ako at bumaling sa aking bag para kunin ang mint tablet na kinakain ko tuwing pagkatapos kong kumain at hindi nakakapag

