Kabanata 10

1632 Words
Hindi lang ako ang napanganga sa aking narinig. Maging ang mga kaklase ko, hindi rin inexpect na sasabihin iyon ng lalaking transferee na ‘yon. Mukhang nasisiraan na yata siya ng bait. “Why her?” Shane asked. Oo nga naman, bakit ako? Eh samantalang ayoko siyang katabi. Kaya nga ako lumayo sa kaniya he. Hindi pa ba obvious iyon? “Because she’s pretty and I’m interested in her.” Kulang na lang ay malaglag nang tuluyan ang panga ng mga kaklase ko dahil sa sinabi nito. Si Shane naman ay sandaling bumaling sa akin para tingnan ang reaksiyon ko. Napangisi na lang ako. Ano bang mayroon sa araw na ito at umagang-umaga pa lang ganito na ang nangyayari sa akin. “And what about me?” Shane asked the guy, showing her pore less face. The guy chuckled and shakes his head. “You’re hopeless. You’re no match over Rachelle Dela Luna…whoever you are.” Shane scoffed. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib at hindi makapaniwalang napatingin sa mga tao sa classroom. Maya-maya ay nakita ko na naluluha na siya. Uh-oh. I’ve known Shane for months at ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung hindi na-aappreciate ng mga tao ang ganda niya. Well, I have to fact check that she’s pretty. Ilang beses na rin siyang naging representative ng College of Marketing Management at nanalo naman siya. At kapag sinabihan siya na may mas maganda sa kaniya, para na rin siyang sinampal. Saktong pagpasok ng professor namin sa subject na Taxation ay padabog na lumabas si Shane sa classroom bitbit ang kaniyang bag. Sinubukan siyang tawagin ng Professor namin sa subject na iyon pero hindi na ito bumalik. Napatingin naman si Prof. Ortiz sa lalaking nakatayo. “You must be the transferee.” Tumango ang lalaki. “Yes, Ma’am. I’m Nikolai Santos.” The Prof gestured him to sit down. Umayos naman ako nang upo dahil alam kong maya-maya lang ay magro-roll call na for attendance ang professor namin. “Nakapag-advance reading ka ba?” Napabaling naman ako kay Kate na bigla na lang nagsalita sa tabi ko. I’m not used to talk to my classmates during class hours but I nodded as my response. “You must like to sit with me.” may bahid na saya sa tono ng kaniyang boses. Ngumiti ako at tipid na tumango. I like it here better than my previous seat. Mas okay pala rito dahil kita mo lahat ng nangyayari sa paligid mo. I think I can focus in here more. Huwag lang sanang maging makulit at maging madaldal si Kate. Nang magsimula ang klase namin ay naka-focus lang ako sa dini-discuss ng professor namin. We had exchange of discussions. Dahil sanay na akong natatawag for recitations, hindi na bago sa akin ang tumayo sa harapan para ipaliwanag ko ang isang lesson ayon sa aking pagkakaintindi. Walang may ibang lakas ng loob na salungatin paminsan-minsan ang aming prof kundi ako. Siguro ay malaking tulong din sa akin ang pagkakaroon ng first-hand experience sa kompanya at pagsi-sit in sa mga board members meeting. Talagang lumawak ang perspective ko sa kung paano ang tax na binabayaran ng mga empleyado at ng kumpanya. Pagkatapos kong mag-discuss sa harap ay nagtanong ako kung may mga nais bang ibahagi ang mga kaklase ko. I asked even the professor if she have questions in mind pero umiling lang siya. “Well done, Miss Dela Luna. I can see that your company will grow better with you being its future CEO and owner.” I smiled because of the professor’s remark. Kahit labag sa loob ng mga kaklase ko ay nagpalakpakan ang mga ito. Pagbalik ko sa upuan ko ay panay ang tingin sa akin ni Kate. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. “Pareho lang naman tayo ng librong ginagamit, pero bakit ang ganda at mas malinaw pa yung explanation mo sa lesson kumpara sa pagpapaliwanag dito sa libro. How did you do that?” Tumawa ako nang mahina at napailing. “I just expand my knowledge through asking, reading different books and exploring the web. Hindi naman kasi porke may libro tayong hawak, eh doon lang tayo dedepende.” Sagot ko naman. Tipid siyang ngumiti sa akin at napatango. “Can you list down the site kung saan ka nagsu-surf?” aniya sabay abot sa akin ng notebook niya. Napatitig ako sa kaniya. She’s really asking me to do it huh? “I’m afraid I can’t. Hindi ko na rin kasi saulo lahat.” Napaismid naman siya sa sinabi ko. “Ayaw mo lang sabihin kasi ayaw mong malamangan.” Imbes na ma-offend sa sinabi niya at natawa na lang ako at umiling. I know right. Siguro nga totoo rin iyong sinabi niya. Pinaghirapan kong hanapin at ipunin ang mga legit na site na iniexplore ko tapos hihingiin niya lang ang listahan? Hindi ko na siya pinansin. Ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa professor na nagsasalita sa harap. “For your assignment, please do page 134.” Mabilis kong binuklat ang pahina nang libro at kinuha ang bookmark na nakaipit sa likuran ng aking libro saka inipit sa pahinang binanggit ng prof. “That’s all for today, class dismiss.” Pag-alis ng prof ay nagmadali ako sa pagliligpit ng gamit ko para mailagay iyon sa aking bag. May dalawang oras kaming vacant at una kong naisip na puntahan ay ang cafeteria para bumili ng kape. Minsan kasi ay inaantok ako sa klase kaya kailangan kong magkape para magising ang diwa ko. Paglabas ko ng classroom namin ay sumabay naman sa akin si Nikolai. “Hindi ka lang pala maganda, matalino ka rin. Bagay tayo.” Tumawa ako saka umiling. “Sorry, hindi ako intresado sa’yo.” Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Pero dahil makulit siya, binilisan niya rin ang paglalakad para masabayan ako. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kapwa namin estudyante. “Puwede ba, huwag mo akong sundan?” Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti. “Why not? Naiilang ka ba? Kung ganoon, pumayag ka nang magpaligaw sa akin.” I scoffed upon hearing what he just said. Dinaig pa pala niya si Dash ng D’ Incredibles sa sobrang bilis niya sa babae. Mukha ba akong easy to get at papatulan siya? Lumapit ako sa kaniya. I snap my fingers in front of him dahilan para mapaatras siya. “Hindi ako mahilig makipaglaro sa mga gaya mo. I’m not even interested in you.” Napakamot siya sa kaniyang batok at ngumisi. “Edi hindi kita lulubayan.” Inayos ko ang pagkakasuot ng aking bag at ipinag-ekis ko ang aking braso. “Edi huwag. Tingnan natin kung hindi ka magsawa.” Mabuti na lang din talaga at backpack ang ginagamit ko kapag papasok ako kaya hindi ako mahihirapan sa naisip kong gawin. And one of the advantage ng isang Marketing student ay dalawa ang uri ng aming uniform. Isang blouse-skirt type at isa namang blouse-slacks type. I am wearing blouse and slacks today. Kaya alam kong kung tatakbuhan ko ang lalaking ito ay hindi niya ako maaabutan. “Magsasawa? Ako? Hindi ako madaling magsawa, Rachelle.” Halos mapangiwi ako nang tawagin niya ako sa first name ko. It feels really weird. Inirapan ko siya at naglakad ako papasok sa cafeteria. Nakasunod pa rin siya sa akin. Naririnig ko ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Akala pa yata ng iba ay boyfriend ko siya dahil halos dumikit na siya sa akin. Ako naman ay todo layo sa kaniya. “Ano ang sa’yo Miss?” tanong ng staff ng cafeteria nang makarating ako sa unahang pila. Pasimpleng sumulyap ito sa lalaking katabi ko at nakita kong bahagyang pumula ang pisngi nito. Mukhang kinilig yata dahil nakakita ng guwapo. Don’t get me wrong, this guy beside me is handsome enough to make girls fell for him. Pero iba ako. Sinabi ko na lang kung anong pagkain ang o-orderin ko. “Ikaw? Anong sa’yo?” alanganing tanong ng staff kay Nikolai. “Kung anong inorder niya, ganoon din sa akin.” Dahil sa sinabi niya at nagpalipat-lipat nang tingin sa amin ang staff. “Ah, sure Sir.” Mag-aabot sana ako nang bayad pero biglang hinawi ni Nikolai ang kamay ko at inabutan ng isang libo ang staff. “Pakisama na rin diyan yung bayad ng order niya.” Tumango naman agad ang staff at kumuha ng numero na ibibigay sa aming dalawa. “Here’s your number Ma’am. Tatawagin na lang po namin yung number niyo once we’re done preparing your food.” Tumango naman ako at naiiling na naglakad patungo sa bakanteng table. Pag-upo ni Nikolai sa bakanteng upuan ay agad kong inilapag sa harapan niya ang 500-peso bill. “’Yan ang bayad ko.” Kumunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa perang nasa harapan niya. “Why?” he asked. “Hindi ako nagpapalibre. Kung marami kang pera, marami rin ako. At kung isa iyan sa paraan mo para magpasikat sa akin, sorry ka na lang dahil hindi uubra iyan.” pagkasabi ko niyon ay umupo na rin ako. Gustuhin ko man kasing lumipat ng upuan, wala nang bakante. Ayaw ko namang tumayo dahil paniguradong mapapagod lang ako.s “You’re really something.” mahina niyang sambit habang nakatitig sa akin. Sinalubong ko ang kaniyang tingin. “Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng tinanggihan ka?” tanong ko sa kaniya. Napangisi ako nang makitang natigilan siya sa sinabi ko. “Hindi ako basta-basta nagkakagusto sa isang tao, kahit gaano pa yan kayaman, kaguwapo at kasikat. Tandaan mo ‘yan.” Nang marinig kong tinawag na ng staff ang pangalan ko ay tumayo na ako at naglakad patungo sa counter para kunin ang pagkain ko. Hindi na rin ako bumalik sa upuan. Mas gugustuhin ko pang kumain sa waiting bench kaysa naman makasabay ang lalaking ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD