Kabanata 9

1205 Words
“Omg! That’s Hiro Cabrera, right?” “Bakit sila magkasama?” “What’s with them? Are they in a relationship?” Those were the questions I kept on hearing the moment we enter the main gate of NU. Hindi ko alam kung yuyuko ako o magiging asiwa sa mga tingin ng mga estudyante. At some point, I expected this will happen. Saka ko lang ito na-realized noong nasa kalagitnaan na kami ng biyahe patungong NU. Mukhang wala pa siyang alam dito dahil wala naman siyang binanggit sa akin habang nasa biyahe kami. Busy lang siyang magbasa ng notes niya. He isn’t even holding his like most boys do. “Siya nga pala, thank you sa ride.” aniya saka ngumiti sa akin. Simpleng pagtango lang ang isinagot ko sa kaniya. Dahil puno ang elevator ng dumating kami roon ay nagdesisyon kaming sa mag-escalator na lang muna. Nauna akong umakyat. Hindi siya tumabi sa akin, naroon lang siya sa likuran ko at muling naging abala sa pagbabasa. Pagdating namin sa second floor ay diretso na akong naglakad patungo sa elevator. Hindi ko na siya nilingon dahil hindi naman ako ganoon kaintresado sa kaniya. Ang nasa isip ko pa rin ay kung ano ang gagawin ko kapag nagkita kami ni Shane mamaya. Taxation ang unang klase namin ngayong umaga kaya habang naglalakad patungo sa klase ay inilabas ko na agad ang libro na gagamitin namin sa klase. Dahil medyo strict ang professor namin, kailangan pagdating niya ang ready na ang lahat at magsisimula nalang ng klase. Wala pa man ako sa pintuan ng classroom namin ay dinig ko na ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. I can hear Alicia’s voice commenting something about me. Pero ang mas kinaiinis ko ay ang boses ni Shane. She’s telling stories about me on how I treated her last, last day. “I tell you, pinahiya niya ako sa harapan ng maraming tao.” she said. Huminto naman ako para pakinggan ang kanilang pag-uusap. Alam ko namang karamihan sa kanila ay bina-back stab ako, kaya hindi na ako nag-expect na may magtatanggol sa akin. That’s not new to me at all. Actually, ma-a amaze pa ako kapag mayroong nag-stood up para sa akin. “I heard it also sa isa sa mga friends kong nanuod ng game.” “But I also heard na si Paulo Janairo raw ang sumalo ng sampal na dapat ay para kay Rachelle, totoo ba yon?” Sandali namang natahimik si Shane. Akala ko hindi na siya magsasalita kaya umayos na ako nang tayo pero muli akong napahinto nang marinig ang sinabi niya. “I feel like there’s something going on between the two of them.” Kumunot ang noo ko. Ang iba ko namang mga kaklase ay nagpalitan ng kuro-kuro. “If that’s the case, Paulo is too good for her. Duh. Hindi sila bagay ‘no. Even though She’s rich, wala pa rin siyang match sa ibang mga babae, kagaya na lang ni Alicia.” Hindi ko alam kung tatawa ako o maiiyak nang marinig ang sinabi ng isa kong kaklase. Really huh? Pasimple akong naglakad patungo sa classroom at sumandal sa hamba ng pintuan. Hindi pa rin nila ako nakikita kaya patuloy pa rin sila sa pagkukuwento patungkol sa akin at kung gaano raw mas bagay si Alicia at Paulo. “Pero may mas mainit-init na balita ngayon tungkol naman sa transferee from La Salle na si Hiro Cabrera at kay Rachelle.” Most of my classmates gasp. Yung tipong parang sa TV na sabay-sabay talaga silang nagulat. Nakakaaliw nga eh. Hindi ko alam na kaya naman pala nilang maging synchronize. “Sabay pa raw sila pumasok ng school ngayong umaga.” dagdag pa nang isa. “Kaya ayoko sa kaniya eh, andami niyang issue sa buhay.” sabi ni Shane. Tumawa ako habang nakasandal sa pinto. Gulat silang napatingin sa akin. Ang iba pa sa mga kaklase ko ay napabalik sa kani-kanilang upuan nang makita ako. Bakas sa kanilang mga mukha na guilty sila. May iba ring umiiwas sa akin nang tingin. Nakangiti naman akong bumaling kay Shane na bahagyang namumutla at kay Alicia na nakatingin lang sa akin. Mukhang hindi man lang ito apektado sa pagdating ko. Kung sabagay, Alicia is really good at that. Napakagaling niyang magpanggap. “Sino kaya sa atin ang ma-issue, Shane?” simpleng tanong ko saka dumaan sa kaniyang harapan. Dumiretso akong umupo sa tabi ni Kate na tahimik lang na nakayuko. Ayoko nang umupo muli doon sa dati kong puwesto dahil paniguradong guguluhin lang ako noong lalaking transferee na nakalimutan ko na ang pangalan. What’s that again, Niko? I’m not even sure. Ganoon ako kapag walang interes sa mga bagay at tao, madaling kong nakakalimutan. “Totoo naman yung mga sinabi ko ah. Hindi ba issue mo yon?” Tumawa ako. “You think issue na yon para sa akin? Eh hindi ba mas issue yung ginagawa mong issue yung mga bagay tungkol sa akin? Aminin mo nga, fan ba kita at lahat ng galaw ko ay alam mo?” Dahil sa sinabi ko ay namula ang kaniyang mukha. Halatang galit na siya. Ang mga kaklase naman namin ay nagpapalipat-lipat na lamang ng tingin sa aming dalawa. “Why? Do you think I’m looking up to you?” Tumaas ang kilay ko. “Wala akong pakialam kung fan kita o stalker. At wala rin akong pakialam kung ano man ang tingin mo sa akin. Grow up, Shane. College na tayo, ang immature mong mag-isip.” She scoffed in front of me. “Ako? Immature? Wow lang, Rachelle ha.” Nginitian ko siya. “Bakit hindi ba?” Umupo na ako at inayos ang gamit ko sa upuan. She was still standing there until someone entered the room. Kung kanina tahimik ang classroom, ngayon naman ay mas lalo itong naging tahimik. It was the transferee guy. Dahan-dahang napalingon sa kaniya si Shane. At dahil nga unang beses siyang nakita ni Shane sa klase, bakas sa mukha nito ang pagkamangha. “Ikaw ba ang new seatmate ko?” tanong ng lalaki sa kaniya, bahagyang nakakunot ang noo nito bago dahan-dahang inikot ang paningin sa buong classroom. Nang makita ako nito ay huminto siya sa pag-scan nang tingin. “Bakit ikaw ang seatmate ko?” tanong niya at muling bumaling kay Shane. Naguguguluhan namang tumingin sa kaniya si Shane. “What did you just say?” Shane asked the guy. Pabagsak na inilagay ng lalaki ang kaniyang bag sa upuan at lumapit pa kay Shane. “Bakit ikaw ang seatmate ko?” Shane laughed. Bakas sa boses niya na naguguluhan siya at nag-aalangan. “I don’t want you to be my seatmate.” diretsahang sabi ng lalaki kay Shane. Nagulat din ako, pero hindi ko iyon pinahalata. Alanganing tumawa si Shane para pagtakpan ang pagkapahiya. “Bakit naman ayaw mo? I’m a good seatmate though.” Hindi makapaniwalang tumawa ang lalaki sa kaniya. “But I like her better than you.” saad nito sabay turo sa akin. Napaturo naman agad ako sa sarili ko. Bakit pati ako nadamay? And why the hell he would say that? Siraulo yata yung lalaking ‘yon eh. “You mean, Rachelle Dela Luna?” The guy nodded. “Exactly.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD