Malaki ang pasasalamat ko kay Paulo sa pag-aasikaso niya sa akin kagabi. Nagising ako ng bandang alas singko nang walang nararamdaman na sakit sa katawan. Ang huli kong natatandaan ay magkatabi kaming nakatulog. Nang magising ako ay wala na siya. Marahil ay bumalik na siya sa sariling silid para doon ipagpatuloy ang pagtulog dahil maaga pa naman.
Nag-inat muna ako ng aking katawan bago naglakad patungo sa aking study table upang i-check kung ano ang mga klaseng kailangan kong attend-an ngayong araw. Awtomatiko namang nag-arko ang dalawang kilay ko nang makita roon ang subject na Taxation. Ibig sabihin ay magkikita ulit kami ni Shane pagkalipas ng ilang araw. Doon ko lang naman siya kaklase dahil ahead siya sa akin ng isang taon at binalikan niya lang ang subject na iyon dahil bumagsak siya at walang choice kundi kunin ulit.
Napapikit ako nang mariin nang maalala ang stress na ibinigay niya sa akin sa labas ng Arena. Sinubukan ko iyong alisin sa aking isipan. Kinuha ko ang aking phone upang tingnan ang mga unread messages. Mostly ay galing kay Julie. I’ve decided to set it aside dahil pupunta rin naman ako mamaya ng kompanya. Binasa ko lang. Karamihan ay mga reminders lang at mga papel na kailangan kong pirmahan.
I checked my social medias too. Walang gaanong ganap sa intagram, ganoon din sa twitter but when I opened my f*******: account, halos sumabog ang notifications ko sa dami ng tagged at mention sa akin sa isang post na posted kahapon. It was a photo of me na buhat ni Hiro. Iyong lalaking tumulong sa akin para makarating ng clinic. Sa mismong photo, may naka-caption na.
Rachelle Celestine binuhat ni Hiro Cabrera. Wala na, finish na.
Umano ng samu’t saring reaksiyon ang photo na iyon. In my defense, hindi ko naman alam na mangyayari ang bagay na iyon. At mas lalong wala akong alam na kilala pala ng karamihan ng estudyante sa NU si Hiro Cabrera.
I scrolled through the comments and read several of it. Doon ko lang nalaman na dati pala siyang estudyante from La Salle. Another thing is, captain siya ng basketball team doon. But he had to transfer for a private reason no one knows. Hindi ko naman alam na hearthrob pala iyong lalaking iyon. Napaupo na lang ako sa aking swivel chair at tinype ang pangalan nito sa f*******:. This is the very first time a guy caught my interest not because I like him but because I was curious. Yes, hindi ako mahilig sa lalaki. I had bad experiences from them. Ang iba ay nanliligaw lang for popularity. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa akin sila lumalapit pag tungkol sa popularidad ang usapan.
Bumuntong-hininga ako sandali bago itinabi ang phone at binuksan naman ang laptop para mag-check ng mga emails na company-related. Tungkol dito, hindi pa talaga ako dapat na nag-aasikaso nito at nagmomonitor ng mga important messages regarding the company. Pero ang sabi ng Mommy ni Claudine, mas makakabuti raw kung habang maaga ay alam ko na ang nas-screen ko nang mabuti ang mga emails na pumapasok sa kumpanya. Hindi naman required na aralin ko ito agad. Kahit simpleng pasadahan ko lang ito ay ayos na.
Pagpatak ng alas sais ay nagdesisyon na akong maligo at mag-asikaso ng mga gagamitin ko. Dahil tatlong klase lang mayroon ako, konting gamit lang din ang dadalhin ko. Nagbihis ako agad at pagkatapos mag-ayos ng konti ay lumabas na rin ng kuwarto.
Nasa sala pa lang ako nang maamoy ko ang pamilyar na aroma ng bacon na niluluto ng kung sino sa kusina. At first I thought it was Paulo pero nang makapasok ako sa loob ay nakita kong si Ate Fatima iyon kasama ang isang helper na nag-aasikaso ng pagkain.
“Ang aga niyo po, Miss Rachelle.” bungad sa akin ng isang helper.
Humarap sa akin si Ate Fatima at ngumiti.
“Pero mas maaga pa rin si Sir Paulo.”
Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi nito.
“Gising na ho si Paulo?” curious na tanong ko.
Tumawa naman si Ate Fatima. Inilagay muna niya sa pinggan ang nilutong itlog at bacon bago sumagot.
“Oo. Mga alas kuwatro siya lumabas, nakasuot ng damit pang-work out.”
Ahh, nag-work out naman pala. Akala ko naman pumasok na siya sa school ng ganitong oras.
“Kain ka na Miss Rachelle. Maaga kaming gumising ngayon dahil pinagbilin nina Ma’am Cecilia at Sir Helix na hindi sila makakauwi dahil marami silang gawain sa opisina.”
Tumango naman ako at marahang umupo at nagsandok ng pagkain sa aking pinggan.
“Siya nga po pala. Okay na po ba ang pakiramdam niyo?”
“Opo, ate. Okay na po ako ngayon.”
Ngumiti si Ate Fatima.
“Mabuti naman. Malaki po siguro talaga ang tulong ng body heat kapag giniginaw po kayo ano?”
Kumunot ako dahil hindi ko siya na-gets sa part na iyon. Anong ibig niyang sabihin? Nang makita niya ang reaction ko ay napatitig siya sa akin.
“Ah, kumatok po kasi ako sa kuwarto niyo para sana kumustahin yung pakiramdam niyo kaninang bandang alas tres ng madaling araw. Hindi naman po naka-lock ang pinto ng kuwarto niyo kaya po pumasok ako. Nakita kong mahimbing ang tulog niyo ni Sir Paulo na…”
Bigla siyang huminto at alanganing tumingin sa akin. Hinihintay ko naman ang kaniyang sasabihin.
“Na?”
She smiled at me meaningfully.
“Magkayakap.”
Nang ma-realize ko ang paraan ng kaniyang pagkakasabi ay agad akong napangiwi. Mukha yatang binigyan niya ng malisya iyong nakita niya. Hindi na ako umimik pa. Ipinagpatuloy ko na lang pagkain at pagkatapos ay nagpaalam na sa dalawa na lalabas na ako. Hindi pa man ako nagtatagal sa labas ay dumating na si Manong Arthur.
“Magandang umaga, Miss Rachelle.” bungad nito sa akin paglabas ng driver’s seat para umikot at pagbuksan ako ng pinto.
“Good morning po.”
“Okay na po ba ang pakiramdam niyo ngayon?” tanong nito sa akin.
“Okay na po ako.”
Ngumiti naman ito at umikot muli pabalik sa kaniyang puwesto. Tahimik lang ako sa buong biyahe namin. I can’t help but to think of what I would do if I see Shane later. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin ako sa kaniya.
“Ma’am wait lang ha, itatabi ko lang itong sasakyan sandali.”
Napabaling ako kay Manong Arthur nang marinig ang kaniyang sinabi.
“Bakit po?” tanong ko naman sa kaniya.
Napatingin ako sa labas at nakita ko ang isang sasakyan na nakahinto sa tabing-daan papalabas ng village. Mukhang nasiraan ito. My eyes widened when I saw Hiro Cabrera walked out the backseat. Lukot ang mukha nito dahil sa nangyari.
Out of curiosity ay ibinaba ko ang bintana ng backseat at dumungaw mula roon.
“Hiro.”
The guy’s face immediately lightened when she saw me.
“Rachelle? Your name is Rachelle, right?”
Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.
“Magkaklase kayo?” tanong ni Manong Arthur habang nagpapalipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Hiro.
Umiling naman ako.
“Schoolmate po.” Sagot ko naman.
Napatingin si Manong Arthur sa gulong ng sasakyan nina Hiro na kasalukuyang pinapalitan.
“Mukhang matatagalan pa bago maayos iyan. Miss Rachelle, okay lang ba kung isabay na natin itong schoolmate mo?”
Nagkatinginan kami ni Hiro nang marinig ang suggestion ni Manong Arthur. At dahil wala naman sa plano ko ang tumanggi, isang mabilis na pagtango ang naging sagot ko.