Kabanata 7

2160 Words
“Salamat ulit sa pagtulong mo sa akin.” sabi ko kay Hiro nang tumayo ito. Tumayo na rin si Kate at mukhang plano namang sumabay kay Hiro papalabas ng clinic kaya nagpasalamat na rin ako sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at chineck kung mayroong mga messages doon. Habang nagbabasa ako ng mga text messages galing kay Julie ay saktong namang tumawag si Manong Arthur. Mabilis ko naman itong sinagot. Tinanong nito kung nasaan daw ako. Sinabi ko naman ang kalagayan ko. Hindi ako puwedeng lumabas agad ng clinic kung walang guidance ng guardian kaya pinakiusapan ko si Manong Arthur kung puwede ay pumasok siya sa loob para tulungan ako sa pag- fill out ng mga details para makalabas ako agad. “Bakit hindi po kayo tumawag agad Miss Rachelle?” tanong nito saka bumuntong-hininga. Bakas sa hitsura nito na nag-aalala ito sa akin. Ang totoo niyan, hindi naman kailangan dahil sa tingin ko ay kaya ko pa naman. “Gusto niyo po bang dalhin ko kayo sa hospital?” Mabilis akong umiling. Hindi na. Hindi puwede. Ayokong maabala si Julie o hindi kaya ang mga kamag-anak ko. Lalong-lalo na sina Tito Helix at Tita Ce. “Sa bahay na lang po ako magpapahinga, naroon naman po si Ate Fatima.” saad ko na ang tinutukoy ang housemaid nina Paulo na mabait kung makitungo sa akin. “Sure po ba kayo, Ma’am?” Tumango ako kay Manong Arthur. Tahimik lang ang naging biyahe namin hanggang makarating kami sa bahay nina Paulo. Sinalubong agad ako ni Ate Fatima at inalalayan ako papasok ng bahay. Si Manong Arthur naman ang nagdala ng gamit ko sa loob. Nagkasalubong naman kami ni Paulo sa living room. Agad siyang lumapit sa akin para i-check ang temperature ng katawan ko. “Ininom mo ba yung gamot na binigay ko sa’yo kanina?” nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako. “Sir, iaakyat ko po muna si Ma’am Rachelle sa taas.” Umiling si Paulo. “Ako na ate, pakisunod na lang ang gamit niya sa taas.” Nang maramdaman kong binuhat niya ako at nagsimula siyang maglakad ay mabilis akong napahawak sa suot niyang uniform. “Dapat hindi ka na nag-abala. Male-late ka pa sa ginagawa mo.” Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Si Ate Fatima na ang nagbukas ng pinto ng kuwarto. Pagkaiwan niya ng mga gamit ko sa couch sa kuwarto ko ay tinawag ito ni Paulo. Hindi ko na narinig kung ano ang inutos ni Pau, basta narinig ko na lang na sumagot si Ate Fatima ng “sige po, Sir.” “Rachelle, magbihis ka muna.” dinig kong bulong niya sa akin. “Paulo, pakipatay ang ilaw ng kuwarto.” Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Tumayo siya at pinatay ang ilaw pero maliwanag pa rin dahil sa pumapasok na liwanag sa bintana ng kuwarto. Muli kong naramdaman ang pag-upo ni Pau sa gilid ng kama ko. Hinawakan niyang muli ang noo ko. “Rachelle, magbihis ka muna.” Umiling ako at hinila ang kumot pataas para matakpan ang katawan ko. Alam kong hindi bukas ang aircon, pero nilalamig ako. “Mamaya na lang.” bahagya pa akong pumiyok nang sabihin ko iyon. Pakiramdam ko talaga ay pagod na pagod ako. Bago kasi magsimula ang UAAP Season ay halos palagi akong nagpupuyat, tapos noong mismong UAAP Season, talagang magdamag akong gising. I’m taking the chance to advance study all of our lessons para kung sakaling maging abala ako sa pag-aasikaso ng mga documents sa kompanya ay hindi ako mahihirapang mag-catch up sa mga lessons dahil na-aral ko na rin naman na. “Matulog ka rin kasi.” Bakas sa boses niya ang pagkainis. Kung wala lang akong sakit ngayon, baka tinawanan ko na siya. Kaso bukod sa masama na ang pakiramdam ko, masakit pa ang ulo ko. Pumipintig pa ito kaya mas lalong kumikirot. “Pumasok ka na roon. Nandito naman si Ate Fatima.” saad ko saka sinubukan siyang itulak. Hindi pa man siya nakakaalis, gusot na ang damit niya dahil sa pagbubuhat niya sa akin. “Hindi na ako papasok.” Pilit akong nagmulat at kinuha ang maliit na unan ko at buong lakas na ibinato sa mukha niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Lecture lang naman kami ngayon. Walang quiz or unit tests.” I sighed heavily and waved him off. Kaya naiinis ako sa kaniya kasi bukod sa pagiging pakialamero niya, makulit pa siya. Sinabi nang umalis na eh. “Ewan ko sa’yo, bahala kang manigas diyan.” Muli siyang tumawa. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagpasok ni Ate Fatima sa loob ng kuwarto ko. “Pakitulungan pong magbihis si Rachelle. Magpapalit lang po ako ng damit.” “Sir! Hindi na po kayo papasok?” gulat na tanong ni Ate Fatima. “Absent muna ako ngayon. Kailangan ng bantay ng mahal na Reyna.” I scoffed inwardly. Pasalamat talaga siya at tinatamad akong patulan ang pang-aasar niya ngayon. Sa edad kong ‘to mukha pa bang kailangan ko ng bantay? Matanda na ako. I’m already seventeen. Ilang buwan na lang ay eighteen na ako at makakaalis na rin dito. “Sige po.” Sagot naman ng katulong. Pagsarado ng pinto ay mabilis na lumapit sa akin si Ate Fatima at inalalayan akong umupo sa kama. “Grabe Ma’am Rachelle. Ang taas po ng lagnat niyo. Teka po at kukuha ako ng damit na pamalit niyo.” Mabilis itong naglakad patungong cabinet ko. I barely see her. Nanlalabo kasi ang mata ko at antok na antok ako. “Plain white shirt at pajama na grey na lang ate Fatima.” Habang binibihisan ako ni Ate Fatima ay ginaw na ginaw ako. “Ate ang lamig.” “Ma’am, ang init po ng panahon ngayon at nakapatay pa ang aircon sa kuwarto niyo.” Hindi ko na pinansin ang iba pa niyang sinabi. Humiga akong muli sa kama ay ibinalot ang sarili sa makapal na blanket hanggang sa tuluyan akong makatulog. Malamig na dampi ng bimpo ang nagpagising sa akin sa aking pagkakaidlip. Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang nakaupo sa tabi ko si Paulo. Naramdaman kong nanunuyo ang lalamunan ko kaya humawak ako sa braso niya. Huminto naman siya sa kaniyang ginagawa. “Pau…tubig.” Inalalayan niya akong umupo sa kama. Hilong-hilo ako. Pag-abot niya sa akin ng baso ay dahan-dahan kong ininom ang laman niyon. “Ang sabi sa akin ni Manong Arthur ay dinala ka raw sa Clinic ng NU kanina sa first floor.” Hindi ako sumagot. Ipinikit kong muli ang aking mata at ang ulo ay isinandal sa headboard ng aking kama. “Dapat kasi talaga hindi ka na pumasok.” Nagmulat ako at bumaling sa kaniya. Magkatabi lang kami at amoy na amoy ko ang pabango niya. “Perfect ko yung quiz namin.” Muli niyang idinampi sa noo ko ang basang bimpo. “At may gana ka pang magyabang.” Napanguso ako. Hindi naman ako nagyayabang. Sinasabi ko lang naman. Kung hindi ako pumasok at nag-take ng quiz kanina, baka hindi ko na iyon na-perfect kung sakaling sa ibang pagkakataon ko ni-take. “Mukha ba akong nagyayabang?” inis na tanong ko sa kaniya. Tumawa siya. “I’m just kidding.” “Dapat pumasok ka. Magkaka-absent ka pa dahil sa akin.” “Okay lang magkaroon ng absent sa attendance sheets ng mga prof ko. Ayokong iiwan ka rito, baka pagbalik ko ay patay ka na dahil sa katigasan ng ulo mo.” Sinamaan ko siya nang tingin. “Huwag ka ngang gumanyan. Nagmumukha kang pusa dahil sa liit ng mata mo.” Napalabi naman ako at napahawak ako sa aking mata. Kung sabagay, hindi lang naman siya ang nakapagsabi niyon sa akin. Kaya ako nagmumukhang maldita dahil na rin sa mata ko. Namana ko ang pagiging chinita ng Mommy ko. Nasobrahan iyong sa akin dahil kapag nagagalit o nakangiti man ako ay halos mawala ito. “Nagluto ako ng lugaw. Kumain ka na. Hindi ka puwedeng matulog nang hindi kumakain ng tanghalian.” Muli akong humiga sa kama. “Wala akong gana.” “Rachell, kapag nag-inarte ka pa, hindi ka gagaling. Gusto mo bang hindi ka na naman makapasok bukas? Kung kailan malapit na mag-final term.” Bumangon ako agad. Kailangan kong pumasok bukas. Ayokong maka-miss ng panibagong lesson. Nang inabot niya sa akin ang kutsara ay kinuha ko naman iyon. Pero dahil walang lakas ang kamay ko ay nahulog iyon sa ibabaw ng kumot ko. Mabuti na lang at wala pa iyong laman. Bumuntong-hininga si Paulo at kinuha ang kutsara. “Ako na ang magpapakain sa’yo.” Habang iniihipan niya ang lugaw na nasa kutsara ay napatitig ako sa kaniya. Since I grew up with Paulo, na-realize ko na marami siyang alam tungkol sa akin habang ako naman ay walang pakialam sa kaniya. He knows when I’m sad. He knows when something is bothering me. He knows when I am angry. He knows the food that I like and dislike. He’s like my Dad, so caring and annoying at times. “Huwag mo akong titigan, baka isipin kong crush mo ako.” Tumawa ako. “Parang ikaw yata ang maysakit dahil kung anu-anong sinasabi mo.” Tiningnan niya ako sa mga mata at ngumisi. “Never mo akong naging crush?” “Paano naman ako magkaka-crush sa taong walang ginawa kundi guluhin ako. Kung masama ang ugali ko, mas masama ang ugali mo. Pakialamero ka pa.” Pumikit naman siya at umarte na para bang nasasaktan. “Grabe ka, Rachelle. Ang harsh mong magsalita.” Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Ngayon mo lang nalaman?” Napailing-iling siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Maya-maya ay isinubo niya na sa akin ang lugaw. Napatingin ako sa kaniya nang malasahan ko iyon. “Wow.” Nasabi ko. “Wala na yatang mas sasama pa sa lasa nitong luto mo.” Sinimangutan niya ako. “Sorry at hindi ko forte ang pagluluto ng lugaw.” Gayunpaman, kahit na hindi kaaya-aya ang lasa niyon ay sinubukan ko pa ring ubusin. Sana lang ay walang lason iyon. “Tubig.” utos ko sa kaniya pagkatapos kong lunukin ang huling kutsara ng lugaw na isinubo niya sa akin. “Grabe para akong kumain ng…” napahinto agad ako sa sasabihin ko nang makita ko siyang nakatitig sa akin at naniningkit ang mga mata. “… ng pagkain sa restaurant.” pagpapatuloy ko. “Pero yung reject na pagkain.” saad ko sabay talukbong ng kumot. Mabilis niya namang hinila ang kumot ko kaya napatili ako. “Paulo ano ba!” Pero parang wala siyang narinig at patuloy na hinila iyon. “Reject pala ha.” “Hindi na, binabawi ko na. Masarap talaga. Promise.” Pumasok siya sa loob ng blanket at kinurot ako sa tagiliran. Ang nasa isip ko lang ay gusto kong tumakbo palayo sa kaniya. Hindi ko alam kung maiiyak ako o tatawa dahil sa ginagawa niya. “Pau, ayoko na!” sigaw ko sa kaniya. Huminto naman siya agad. Mabilis niya inalis ang blanket na nakabalot sa amin para makahinga kami nang maayos. Pareho kaming humihingal dahil sa nangyari. “Dapat talaga pumasok ka ngayon.” Lumingon siya sa akin at ngumiti. He tapped the space beside him. Kumunot ang noo ko. “Bakit?” “Usod ka rito. Higa ka sa tabi ko.” At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi ako sanay na mayroong nakakatabi sa kama at nakakatabing lalaki. “Dali na.” pamimilit pa niya. “Ayoko, hindi ako tumatabi sa lalaki.” Saad ko. Akmang tatayo na ako sa kama nang bigla niyang hilahin ang braso ko dahilan para matumba ako ulit. Siya na ang lumapit sa akin at humiga sa tabi ko. “Bakit ka ba dikit nang dikit sa akin?” inis na tanong ko. “Nilalamig ka ‘di ba? My body is warm, feel free to hug me.” I smirked at him. “Gusto mo lang yata akong tsansingan.” Humalakhak siya sa sinabi ko. Halatang aliw na aliw ang kaniyang hitsura. My eyes widened nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya at ipinulupot ang kaniyang braso sa katawan ko. Muli kong naamoy ang pamilyar niyang pabango. Hindi ito matapang kaya masarap na amuyin. “Let’s sleep.” Aniya saka marahang tinapik-tapik ang balikat ko. Nakahara ang mukha ko sa kaniyang dibdib habang ang kaniyang labi ay tumatama sa aking noo. “Pau…” pagtawag ko sa kaniya. “Hmmm.” Sa pagkakataong iyon, nag-isip ako ng kahit anong puwedeng sabihin sa kaniya. Kaso ay walang pumapasok na kahit anong salita sa isip ko. Dalawa lang ang alam ko ngayon. Yakap niya ako at gusto ko ang amoy ng kaniyang pabango. “Pau…” muling pagtawag ko sa pangalan niya. “Hmmm.” Nag-angat ako ng tingin. Sinalubong naman niya ang mga mata ko. “Puwede kitang yakapin?” He smiled at me and nodded. “Of course.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD