Kabanata 6

2143 Words
Hindi ko pinansin ang lalaking nasa tabi ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagrereview dahil ilang minuto na lang ay darating na ang Subject teacher namin sa Economics. “Hi, I said my name is Nikolai.” Nag-angat ako nang tingin sa kaniya at pinagtaasan ko siya ng kilay. “I heard it.” Ngumisi siya sa akin. “You heard it yet you didn’t reply.” Kalmado akong humarap sa kaniya kahit deep inside gusto ko na siyang tirisin sa sobrang inis ko. Parang responsibilidad ko pa na kausapin siya. “Hindi ako na-inform na kailangang kong magreply sa sinabi mo.” walang ganang sambit ko sa kaniya. Pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Bilang tao na ngayon ko lang nakita at nakausap, it was a very rude act to do it. “You seemed like pa-hard to get.” Napalingon sa amin ang ibang mga kaklase ko nang marinig ang sinabi niya. “Pa-hard to get? Excuse me?” hindi makapaniwalang tanong ko. How could he say that? Ngayon pa nga lang kami nagkakilala eh. Masyado yatang feeling itong lalaking ito. Bigla-biglang nagsasalita sa tabi ko tapos hindi lang sinagot, magco conclude agad na pa-hard to get ako? Is he blind or blind or what? Baliw yata ‘tong lalaking ‘to eh. “Hindi ba? Ako nga nga lumalapit sa iyo at nagpapakilala, umaayaw ka pa?” Tumawa ako sa sinabi niya. “I don’t even care about who you are. Bulag ka yata eh. Hindi mo ba nakikitang busy ako at may ginagawa? Stop being such a nuisance.” pagkasabi ko niyon ay mabilis akong tumayo. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at naghanap ng upuan na puwedeng lipatan. I ended up sitting in the last row. Hindi na ako nag-aksayang lingunin pa ang lalaking iyon. Parang kulang sa pansin. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang teacher namin. Marami itong dala at kabilang na ang question sheets para sa quiz namin ngayong araw. “Hi, Rachelle.” Napalingon ako sa katabi kong babaeng may suot na eyeglasses. “Yes, why?” tanong ko sa kaniya. “Do you have an extra pencil?” Agad naman akong napatingin sa pencil case ko. Of course I have, palagi naman akong may mga extrang gamit. Kinuha ko ang extra pencil ko at iniabot sa kaniya na agad naman niyang tinanggap. “Thank you. Iingatan ko ito promise.” Umiling ako sa kaniya. “Hindi na. Sa’yo na iyan.” sabi ko na lang at muling nag-focus sa pag-scan ng reviewers ko. Through my peripheral ay nakita ko itong ngumiti. Napahinto ako sa ginagawa ko at bumaling dito. Kung ako ang kinakainisan ng mga kaklase ko dahil masama ang ugali ko, siya naman ay kinaiinisan dahil sa hitsura niya. She looks like a weak person. Parang isang tulak lang sa kaniya ay tutumba na siya. Matalino siya pero balewala iyon sa mga kaklase naming walang ibang ginawa kundi asarin siya at tawaging pangit. I’ve never talked to her since then. Napapansin ko siya pero hindi nagtatagal nang minuto ang tingin ko sa kaniya, ngayon lang. “Good luck.” nakangiting sambit niya nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya. I just gave her a small nod before I focus on my notebook again. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula nang mag-abot ang teacher namin ng mga questionnaire. “You only have fifty minutes to answer those questions. Time starts now.” Humugot muna ako nang malalim na hininga bago nagsimulang buklatin ang questionnaire na nasa harapan ko. Unang tanong pa lang ay napangiti agad ako. The first type of questions are identifications. When I scanned it, nakita kong lahat ng ni-review ko kanina ang lumabas doon. Mabilis kong sinagutan ang first part at nagproceed sa second part na fill in the blanks naman. Gaya ng nauna ay alam ko rin halos ang tanong doon. “After you answer your quiz, puwede na kayong lumabas ng room or mag-take ng early break.” Bumuntong-hininga ako nang marinig ang sinabi ng teacher. Nahahati sa apat na part ang quiz namin. It’s more like a unit test before our final term examination. Dahil nga naging madali para sa akin ang quiz ay mabilis ko iyong natapos. “You’re already done?” tanong ng katabi ko. What weird is, malapit nang matapos ang taon namin bilang first year students dito sa NU pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Wala rin kasi kaming suot na ID. Name plate ang uso rito. Medyo malabo ang mata ko at hindi ko na makita ang pangalan na naka-engrave sa name plate niya. “Ah, I’m Kate Lopez.” pagpapakilala niya. Nginitian ko siya. “Yes, I’m done already.” sagot ko naman sa kaniya. Inilagay ko ang mga gamit ko sa aking bag at mabilis na isinukbit iyon sa likuran ko bago ako tumayo at naglakad patungo sa teacher’s table. Ngumiti sa akin ang teacher nang iabot ko sa kaniya ang sheets na sinagutan ko. “Do you want me to check this already para malaman moa ng score mo bago ka lumabas?” Sandali akong nag-isip. Kung sabagay, mas okay na rin na alam ko ang score ko kaysa naman mag-overthink pa ako kapag uwi ko sa bahay. “Yes, Ma’am.” The teacher smiled. “Upo ka muna.” saad niya sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ng lalaking nagngangalang Nikolai na ngayon ay nakatingin lang sa akin. Tumingin din ang teacher sa kaniya. Mukhang nagulat pa ang guro nang makita ito. “You’re new here?” Ngumiti ang lalaki at saka tumayo. “Good morning Ma’am. My name is Nikolai Santos. I am their new classmate.” Napatigil lahat ng mga kaklase ko sa kani-kanilang ginagawa at bumaling sa nakatayo naming bagong kaklase. “Hi, I am Miss Diaz. Their subject teacher in Economics.” Tumango naman ang lalaki saka umupo. Hindi nito inalis ang tingin sa akin. May kakaiba sa paraan niya nang pagtingin sa akin. The more I look at him, the more he looks creepy to me. Hindi ako umupo sa tabi niya. Bumalik na lang ako sa likuran upang umupo habang hinihintay na matapos ni Miss Diaz na check-an ang papel ko. Sumunod namang nagpasa si Alicia sa teacher namin. Pagkatapos ay si Kate naman. Mukhang maging siya ay nadalian sa quiz namin. “If it’s okay, sabay-sabay ko na lang na ia-annouce ang score niyong tatlo. Give me fifteen minutes.” Napabuntong-hininga ako saka napatingin ng oras sa aking suot na wristwatch. My head feels heavy. At ang katawan ko ay bumibigat na rin. Wala na rin naman kaming ibang klase pagkatapos nito dahil ang ibang teachers ay on-leave pa at bukas o sa mga susunod pa na araw ang balik sa school. “Do you think papasa ka sa quiz?” Kumunot ang noo ko sa tanong ni Kate. “Feeling ko naman papasa ako.” Nagreview ako and I did my best in answering the questions. “Sa tingin mo perfect ang score mo?” She’s weird. I don’t know why she’s asking me questions as if we were close. “Ah, I’m not sure.” Tumango-tango naman siya. Nagulat pa ako nang ikuwento niya na nagpuyat siya kagabi para lang mag-review. Nakailang tasa raw siya ng kape para hindi tuluyang makatulog. She kept on telling me stories I don’t even want to hear. Pero dahil ayokong magmukhang masama, nagpapanggap na lang ako na nakikinig ako sa sinasabi niya. Ang goal ko lang naman ngayon ay makauwi nang maaga para magpahinga. “I have the results of your quiz. Miss Rachelle Celestine Dela Luna got perfect score. Miss Alicia Festin got 45 over 50 and Miss Kate Cruz got 48 over 50.” Biglang natahimik sa tabi ko si Kate. Bakas din ang pagkabigla niya nang malaman ang result ng kaniyang quiz. Mukhang hindi niya tanggap base sa reaksiyon niya. “48 is not bad at all.” I said before I stood up. Lumapit ako sa teacher’s table para kunin ang papel ko na may mark nab ago nagpaalam kay Miss Dizon. Nagmadali akong lumabas ng classroom. Habang naglalakad at kinuha ko ang phone sa bulsa ko para i-text si Manong Arthur na sunduin ako. Bakit nga ba naman kasi nakalimutan kong sabihin na sunduin niya ako. Napapahawak ako sa ulo ko kapag nararamdaman kong kumikirot ito. “Rachelle!” Napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. I waited for seconds at nang makitang si Kate ito ay napanbuntong-hininga na lang ako. “Yes kate, why?” Umayos ito sa pagkakatayo at ngumiti sa akin. What’s wrong with her at bakit siya lumalapit sa akin ngayon? “Puwede ba akong sumabay sa’yo?” “Sumabay?” balik-tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango. “I mean, sumabay bumaba?” Walang gana akong tumango at nagpatuloy na sa paglalakad patungong elevator. Pagkarating namin doon ay bumukas ito kaagad. Mabilis akong pumasok sa loob at pinindot ang close button nito. “Wait!” Inis na bumaling ako sa taong tumatakbo patungo sa elevator. Mukhang nagmamadali ito kaya pinindot ko na lang uli ang button para muling bumukas ang pinto. “Thank you.” Saad ng lalaki sa akin nang makapasok siya sa loob. Siya na ang pumindot ng button dahil umatras ako para makasandal sandali sa elevator wall dahil nahihilo na talaga ako. “Are you okay? You look pale.” tanong ng lalaki na kasabay namin. I nodded at him and waved my left hand as a gesture that I was okay. Kahit ang totoo ay hindi naman ako okay. Pakiramdam ko, konting-konti na lang mabubuwal na ako sa pagkakatayo. “I’m fine, don’t mind me.” “You’re sweating a lot.” Lumapit pa siya sa akin at marahang inilapat ang kaniyang palad sa noo ko. Paglapat na paglapat ng kaniyang kamay ay agad niya ring inalis ito na para bang napaso siya. “Ang init mo.” sambit ng lalaki. Umiling ako at pinilit na umayos sa pagtayo. “Don’t mind me.” The moment the elevator door opens ay doon na ako tuluyang bumigay. Ang akala ko ay sa sahig ako nang elevator tutumba, hindi ko inasahan na may sasalo sa akin. Dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay hindi ko na gaanong nakita ang mukha ng lalaki. I heard Kate’s voice asking the guy if I was okay. My eyes are closed at buhat-buhat ako ng lalaki. As much as I want to get down, hindi ko magawa dahil ang sakit-sakit ng katawan ko. I kept on hearing Kate’s voice. She kept on asking the guy but there was no response from him. I tried opening my eyes pero hindi ko na magawa. Hanggang sa tuluyan akong hinila ng antok. Isang marahang haplos sa buhok ang gumising sa aking mula sa pagkakatulog. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasilaw agad ako sa liwanag mula sa fluorescent light na nakakabit sa kisame. “Is she awake?” The voice that I heard is familiar to me. Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Kate. “She’s waking up.” But the guy’s voice isn’t familiar. Hindi rin naman iyon boses ni Paulo. “Nasaan ako?” that’s the first question I asked to them. “Nasa clinic ka ng NU dito sa first floor.” Pinilit kong bumangon kahit masakit pa rin ang katawan ko. Doon ko lang din napansin na may nakakabit na IV sa bantang pulso ko. Nang tuluyang luminaw ang paningin ko ay bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Sa kaniyang tabi naman ay naroon si Kate. “Hi. Thank you for bringing me here. But do I know you?” diretsahang tanong ko sa lalaki. The guy smiled. Umiling ito. “No and I don’t know you either.” Maang akong napatingin sa kaniya. “Then why did you—“ “Dahil kailangan mo ng tulong.” agap niya sa tanong ko. “I brought you here because I feel like you need to be brought in here. Hindi naman ako nagkamali sa hinala ko.” Natahimik naman ako. “Do you two know each other?” Sabay naman na umiling silang dalawa. “I’m Hiro Cabrera, an engineering student here in NU.” aniya saka inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ko. I scanned his face. He looks okay. No. Let me change that. He’s handsome and tall. Maamo rin ang kaniyang mukha at makinis ang kaniyang balat. Maputi rin siya. We have the same complexion. Nang marahan siyang tumawa ay napatingin ako sa kaniyang mga mata. “Hinuhusgahan mo ba ako?” nakangiting tanong niya. Kahit masakit ang ulo ko ay hindi ko napigilang hindi matawa. Napangiti ako sa kaniya saka umiling. “I’m Rachelle Celestine Dela Luna.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD