Kabanata 5

2121 Words
Pinilit kong hindi makatulog para maipagpatuloy ang pag-rereview ko. Ayokong maging mababa ang result ng quiz ko mamaya sa subject na iyon dahil mataas palagi ang expectations sa akin ng mga prof ko. Most of my classmates hate me as well at sigurado akong naghihintay lang sila na bumaba ako sa mga quizzes at examinations ko para may mapag-usapan na naman sila tungkol sa akin. Aware naman ako sa ginagawa nila. Noon, nahihirapan pa akong mag-adjust. I always ask myself, what’s wrong with me. Anong mali kung ayaw kong maging katulad nila? Anong mali kung gusto ko lang mag-aral at mapag-isa? Ang hirap kasi sa mga tao, kapag hindi ka sumabay sa kagustuhan nila at nakasanayan nila, maiinis na sila sa’yo kahit wala ka namang ginagawang masama. It took me almost three months to finally realize that nothing will change. Magbago man ako o hindi, ganoon pa rin ang magiging pakikitungo nila sa akin. I was being hated because of my attitude. I was being misunderstood because I chose to be alone. Ano bang masama sa pagiging mapag-isa kung doon ako komportable? Hindi ba iyon naman ang mahalaga? Ang mahanap mo kung saan ka komportable? After my parents died, nahirapan akong makisama sa ibang tao. Parang lahat ng nasa paligid ko ay bago. Para akong nangangapa. Para akong sanggol na sinusubukang kilalanin isa-isa ang mga tao sa paligid ko. Mahirap. Hindi ko alam kung sino ang mga taong dapat kong pagkatiwalaan. Hindi kasama sa mga priorities ko ang pakikisama sa ibang tao, lalo na sa mga kapwa ko estudyante. It took me some time to master the art of not giving a f*ck. Hindi na baleng magmukhang masama ang ugali basta totoo ang pinapakita at hindi nagpapanggap. Pagkatapos kong basahin ang huling pahina ng reviewers ko ay napasandal ako sa sandalan ng upuan ko. Nilingon ko ang iniwang towel ni Tita Cecilia kanina. Paulo’s parents are great in so many aspects. Tito Helix is a good lawyer while Tita Ce is a great prosecutor. Magmula ng mamatay ang mga magulang ko ay sila na ang nag-alaga sa akin. Sa murang edad ay sibukan kong hindi maging pabigat sa kanila. Kaya lahat ng bagay ay sinubukan kong aralin. Ang paghuhugas ng pinggan, ang paglalaba ng sarili kong damit, ang pagluluto. Siyempre sa unang pagsubok ko, hindi naging perpekto iyon. Pero habang tumatagal ay natututo ako. Tita Ce always telling me that I don’t have to learn it that fast. May mga katulong naman daw sa bahay para trabahuhin ang mga bagay na iyon. But that’s not the reason why I’m doing it. Pinag-aaralan ko iyon para pagdating ng araw na puwede na akong umalis sa bahay na ito, marunong na ako sa mga gawaing bahay. Hindi na ako mahihirapan kapag mag-isa na lang ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko para kunin ang towel. Nang bumaling ako sa bintana ng aking kuwarto ay napabuntong-hininga ako. Sumisilay na ang konting-liwanag sa labas ng bintana. Hindi rin kasi gaanong makapal ang kurtina ng kuwarto ko kaya nakikita ko rin kung ano ang nasa labas lalo na at transparent ito. Inilapat ko ang aking palad sa aking noo. Mainit pa rin ang temperature ko pero hindi na ito importante sa ngayon. Humiga lang ako sandali at ipinatong sa aking noo ang medyo basang towel. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang balikan sa isip ko ang mga inaral ko kaninang madaling araw. Hindi ako nagtagal sa paghiga dahil baka mapasarap ako at hindi na ako makabangon. Pagbangon ko ay binuksan ko na ang ilaw sa kuwarto at niligpit ang aking higaan. Pati mga gamit na nasa study table ko ay niligpit ko na rin at inilagay sa backpack na ginagamit ko kapag papasok sa school. Kinuha ko na ang tuwalya na nakasampay sa hanger stand at mabilis na nagtungo sa banyo para maligo. Nagdalawang-isip pa ako kung maliligo ba ako dahil nga may sakit ako. Sa bandang huli ay itinuloy ko na. Hindi naman kasi ako sanay na pumasok nang hindi naliligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng aking uniporme. Hinayaan ko lang na nalugay ang buhok ko dahil basa pa ito. Isinuot ko na ang bag ko at muling tumingin sa salamin para tingnan kung ayos lang baa ng hitsura ko. “Ang aga mong nagising.” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Paulo. Hindi ko namalayan na nasa living room pala siya. Kung hindi pa siya nagsalita ay talagang hindi ko siya mapapansing naroon siya. Wala ako sa mood na kausapin siya ngayon, masama pa rin ang loob ko dahil sa sinabi niya sa akin kagabi. Naalala ko na hindi rin pala ako nakapaghapunan dahil sa nangyari. Nang marinig kong tumunog ang tiyan ko ay napahawak ako rito. “It’s my fault that you haven’t eaten dinner last night, kaya bumangon ako nang maaga para ipagluto ka.” Nanatili akong tahimik habang nakatayo roon. “Hindi ko sinasadyang sabihin ‘yon kagabi. Sorry.” Sa pagkakataong iyon ay tumingin na ako sa kaniya. Tinitigan kong mabuti ang kaniyang mukha at pinagmasdang mabuti ang reaksiyon nito. “Nagso-sorry ka ngayon sa akin dahil pinagalitan ka ng Daddy mo.” I said as-a-matter-of-fact. He sighed heavily and walk towards me. “Part of. Pero aminado talaga akong mali ako roon.” Umiling ako. “Tama ka naman sa sinabi mo. Hindi ko lang matanggap na bilang kaibigan ko noong bata pa tayo, nasabi mo ‘yon sa akin. I’m pretty much aware with my attitude, Pau. Iba ako sa school, iba rin ako pagdating dito sa bahay. I’m trying my best to be respectful especially when it comes to your parents.” Tumango siya. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. Napatingin ako roon. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Napatingin siya sa akin nang tuluyang mahawakan ang kamay ko. “Ang init mo.” “Humans are warm-blooded.” Umiling siya at binitawan ang kamay ko. Inilapat niya ang kamay niya sa noo ko. Ilang sandali pa ay inilapat niya rin iyon sa leeg ko. “You have a high fever, Rachelle.” Marahan kong tinampal ang kaniyang kamay. “Lagnat lang ‘yan, may quiz ako ngayon. Hindi ako puwede umabsent.” agad kong sambit. Alam ko na kasi ang susunod niyang sasabihin kaya inunahan ko na siya. “Papasok ka talaga sa ganiyang lagay mo?” tanong niya. Tumango naman ako agad. “I have to. Pag umabsent ako, hindi ako makakapag-take ng quiz.” “But you have a valid reason. May sakit ka.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Ang sabi mo nagluto ka ng pagkain para sa akin.” Pag-iiba ko ng usapan. Pinaningkitan niya naman ako ng mata. Ngumiti lang ako sa kaniya. Well if you think that I always hate him, nagkakamali kayo. May mga pagkakataon din naman na nagkakasundo kami. Katulad ngayon. Walang rason para tanggihan ang pagkaing niluto niya. He’s a great cook at lahat ng niluluto niya ay masasarap. Proven and tested na iyan. Mukhang namana niya kay Tita Ce ang pagiging natural pagdating sa pagluluto. “Walang lason ‘to?” pabirong tanong ko nang makita ang niluto niyang Caldereta. Caldereta is one of my favorite dishes. Palaging niluluto ito sa akin ni Mommy noong bata ako. Magmula ng mawala sila hindi na ako ulit kumain ng caldereta maliban na lang kung si Paulo ang magluluto. “Kung balak kitang patayin dapat noon pa.” sagot naman niya. Ngumuso naman ako. Siya na rin ang nagsandok ng kanin at nilagyan niya na rin ng sapat na amount na ulam sa gilid nito. “Kumain ka na.” saad niya nang mailapag ang pinggan sa harapan ko. Tumingin ako sa kaniya. “Ikaw, hindi ka kakain?” Umiling naman siya. “Mamaya na. Sasabay ako kina Dad. Babalik na kasi ulit si Mom sa opisina ngayon. Baka next week ulit kami magkita. Gusto ko silang makasabay kumain ngayong umaga.” Pinagmasdan ko siyang mabuti. “Baka ma-late ka kung hihintayin mo pa sila.” Umiling naman siya. “Afternoon ang simula ng klase ko, Rachelle. Hanggang ngayon ba hindi mo pa alam ang schedule ko?” Ngumiwi ako. “Dapat ba alam ko ang class schedule mo? Hindi naman kita anak.” Tumawa siya at tumango na lang. Umalis ito sa kusina at hindi ko alam kung saan nagtungo. Kumain na lang ako nang mabuti. Inubos ko ang pagkaing inilagay niya sa pinggan ko. Makabubuti ito sa akin lalo na at masama ang pakiramdam ko. Sana lang hindi tuluyang sumama ang pakiramdam ko. Akmang tatayo na ako para ilagay sa sink ang pinagkainan ko nang makitang naglalakad patungo sa akin si Paulo. “Inumin mo ito.” Aniya saka inilahad sa akin ang isang tablet ng gamot. “Bioflu?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay at nagpasalamat. “Galingan mo sa quiz.” aniya sabay kuha ng pinggan sa kamay ko. Siya na ang naglagay noon sa sink. Napatingin naman ako ng oras sa wristwatch ko at napagtantong 6:30 na. Kumuha agad ako ng tubig at mabilis na ininom ang gamot na ibinigay ni Paulo. “Alis na ako.” saad ko saka mabilis na naglakad palabas ng kusina. Nakasalubong ko pa si Tita Cecilia sa living room. Huminto naman ako sandali para bumati at magmano. “Okay na ba ang pakiramdam mo, hija?” Umiling ako. “Hindi pa po. Tatapusin ko lang po ang quiz ko ngayong umaga pagkatapos po ay uuwi po ako agad para magpahinga.” Bumuntong-hininga si Tita Ce bago tumango. “Kapag kailangan mo ng tulong, magsabi ka kay Fatima.” Ngumiti ako at mabilis na tumango. “Teka, kumain ka na ba?” tanong pa niya. “Opo. Pinagluto po ako ni Paulo.” Sagot ko naman. Nang marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas ay nagpaalam na ako kay Tita Cecilia. “Good morning Miss Rachelle.” Nakangiting bati sa akin ni Manong Arthur. Ngiti lang ang iginanti ko sa kaniya. “Oh, mukhang maputla ka ngayon, masama ba ang pakiramdam mo?” Tipid akong ngumiti at tumango. “Medyo po. Pero uminom na po ako ng gamot.” Hindi na nagsalita pa si Manong Arthur nang makita niyang abala na ako sa pagbabasa ng notes na nakasulat sa notebook ko. Eksaktong alas siete nang makarating ako sa school. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng school. Wala pang gaanong estudyante sa lobby. Sumakay na ako ng elevator para hindi na ako mahirapang maglakad. Sa third floor kasi matatagpuan ang classroom namin. “Hi, Rachelle. Nakapag-review ka?” tanong agad ng classmate kong si Alicia pagkapasok ko pa lang sa loob ng aming classroom. As expected, maaga siyang pumasok. Alicia is one of my classmates na competitive rin pagdating sa acads. “Ah, oo.” Tipid kong sagot saka umupo na sa upuan ko. “Sana all nakapag-review. Ako kasi naging busy sa pag-aasikaso ng regalo ko sa anniversary ng parents ko. Anniversary nila today.” Hindi ko alam kung bakit niya ikinukuwento ito ngayon sa akin eh hindi ko naman tinatanong. We’re not even close to start a conversation like this. Tipid na lang ako na ngumiti. Kinuha kong muli ang notebook ko sa aking bag para muling magbasa. Sumasakit ang ulo ko at ramdam ko ang antok dahil napipikit-pikit pa ang mga mata ko pero pilit kong nilabanan ito. Nang magsidatingan ang aming mga kaklase ay nagsimula nang umingay sa classroom. Naririnig ko ang kanilang mga tanungan tungkol sa posibleng tanong na ibigay ni Miss Diaz para sa quiz mamaya. “Balita ko may bago tayong classmate.” Sabi ng isa sa mga kaklase ko. “Eh? Kung kailan nangangalahati na ang first semester saka tayo magkakaroon ng kaklase?” Nagkibit-balikat ang babaeng unang nagsalita. “Eh anak daw ng kaibigan ng Presidente ng NU eh.” “Ah kaya pala.” Hindi ko na pinakinggan ang iba pang pinag-usapan ng mga kaklase ko. Nakatuon ang atensiyon ko sa pagbabasa nang may biglang umupo sa tabi ko. Napaangat ako nang tingin para tingnan kung sino iyon. Isang lalaking nakangisi ang bumungad sa akin. “Hi, I am Nikolai Santos.” Hindi ko siya pinansin, bagkus ay ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa pagbabasa. Kung ito man ang sinasabi nilang bagong classmate namin, ang malas ko naman dahil sa akin pa siya tumabi. “Bakit naman kay Rachelle pa siya tumabi?” Dinig kong bulong ng kaklase ko. Iyon din ang tanong ko. Sa dinami-raming bakanteng upuan sa buong classroom, bakit sa akin pa siya tumabi? Ang lakas din ng trip niya huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD