It took us exact one hour to finally reach the house I am currently living. How I wish I could stay at our old house where I and my parents used to live. Ang kaso, magmula ng mamatay ang mga magulang ko noong 12 years old ako, ay kinailangan kong tumira sa bahay ng bestfriend ng mga magulang ko na si Attorney Helix Janairo. The surnames pretty much familiar right? Yes. Attorney Helix Janairo is Paulo’s Dad. It’s as if my parents knew already that they were going to die that is why they have a written contract stating that once they’re gone, I will live in their best friend’s house until I reach eighteen. I once asked my Tita Beatrice, Raella’s Mom about it. Kung bakit hindi ako puwedeng sa kanila na lang tumuloy. I still remember her reply to me. Because I respect your dad’s wishes.
Dad was her older brother. And knowing my Dad’s family, they all follow what he likes and wants because they trust my Dad on his decisions.
“Miss Rachelle, susunduin ko po ba kayo bukas nang maaga para maihatid ko po kayo sa school o kay Sir Paulo na lang po kayo sasabay?” tanong ni Manong Arthur.
Mabilis naman akong tumango.
“Yes, Manong. Puwede po bang before seven in the morning? Marami po kasi akong gagawin sa school kaya kailangan ko pong maaga bukas.”
The old man smiled and gave me a salute. Mabilis ko namang kinuha ang gamit ko saka bumaba ng sasakyan. I was about to open the gate when I saw one of the house maids run towards me.
“Miss Rachelle.” Bati nito sa akin.
Ngumiti ako agad.
“Ate Fatima.”
Mabilis nitong binuksan ang gate. Pagkapasok ko ay agad nitong kinuha ang bag na dala ko.
“Kaya ko naman po.”
Ngumiti ito at pinaningkitan ako ng mata.
“Alam mo namang trabaho ko ang pagsilbihan ka.”
Pabiro ko siya hinampas sa braso.
“Huwag mo akong binobola Ate Fatima, alam kong mas loyal ka kay Paulo.”
Bumungisngis ito at nagmadaling pumasok sa loob. Bumuntong-hininga muna ako sandali bago inilibot ang aking paningin sa mga halaman na maayos na nakasalansan sa garden ng Mommy ni Paulo. Tita Cecilia really takes good care of her garden. Naalala ko noon, malawak din ang hardin namin sa dating bahay namin. Kaming dalawa ni Mama ang palaging nagdidilig ng halaman. And dad always bought her new species of flower as monthsary gift. Nakakatuwa nga eh. Kahit na mag-asawa na sila, nagce-celebrate pa rin sila ng monthsary. At ang result, halos mapuno ng halaman ang garden ni Mom.
“Rachelle.”
Napabaling ako agad kay Paulo nang marinig ang kaniyang boses. He was walking towards me. Ang kaniyang mga kamay ay nasa bulsa ng kaniyang suot na shorts.
“Ginabi ka.”
Umayos ako sa pagkakatayo.
“May inasikaso lang sa kompanya.”
Tumango naman siya. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pareho na lang naming pinagmasdan ang mga dahon ng halaman na gumagalaw dahil sa mabining pag-ihip ng hangin. Malamig na ang panahon ngayon lalo na kapag madaling araw. Nakakatuksong matulog nang matagal. Ang kaso, hindi puwede dahil kailangan kong bumangon sa madaling araw para mag-advance study at mag-review para pagdating ko sa school ay handa ako. I’m on my second year of studying Marketing Management in NU at ako ang top student sa klase namin. Sinisikap kong mapanatili iyon dahil gusto kong makapag-master’s sa New York pagkatapos kong makagraduate. And knowing schools in New York, tumitingin sa grades at sa educational attainment ng estudyanteng tatanggapin nila.
“Sorry.”
Napaangat ako ng tingin kay Paulo nang marinig ang kaniyang sinabi. Did he just say sorry?
“Anong sinabi mo?” curious na tanong ko. Tinitigan ko pa nang mabuti ang kaniyang mukha para tingnan kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Knowing Paulo, magaling lang siyang mangialam pero hindi niya ugali ang mag-sorry.
“I said sorry.”
Humakbang ako palapit sa kaniya at iniangat ang kaniyang baba gamit ang aking palad. Mabilis niya namang tinampal ang kamay ko. Nang makita ko ang hitsura niya ay hindi ko maiwasang mapangisi. Nakasimangot ito at halatang labag sa kaniyang loob ang sinasabi.
Napailing na lang ako.
“Huwag mo nang ipilit. Hindi bagay sa’yo.” Saad ko saka naglakad papasok sa loob ng bahay.
“Hija, you’re here na. Sakto at kahahanda ko lang ng pagkain sa mesa.”
Ngumiti ako nang makita si Tita Cecilia.
“Sakto po, gutom na rin ako.”
Naglakad ito palapit sa akin saka mabilis na yumakap.
“Oh my, amoy ulam pa pala ako.”
Ngumiti ako.
“Ako nga po amoy pawis.”
Nagtawanan kami ni Tita. Inayos ko pa ang pagkakatali ng kaniyang apron. Nang marinig namin ang yabag ni Paulo ay pareho kaming napatingin ni Tita sa kaniya.
“Ma, mamaya na kayo magkuwentuhan. I get it that you missed each other dahil minsan ka lang umuwi rito dahil sa trabaho mo sa opisina, pero puwede bang maligo muna kayong dalawa para makakain na tayo?”
Tumango naman agad at sumaludo si Tita Cecilia sa kaniyang anak.
“Right, copy that boss.” sabi sa kaniya ng kaniyang ina.
Sinamaan ko naman siya nang tingin at umambang hahampasin siya sa balikat kaya naman mabilis siyang lumayo sa akin.
“So bossy.” bulong ko.
Napanganga naman siya.
“Nagsalita ang maldita at masama ang ugali.”
Napasimangot ako sa sinabi niya. He really has a point. At alam ko namang maldita at masama ang ugali ko, pero kailangan ba niyang sabihin iyon sa harap ko? Para namang masyado siyang namemersonal. Walang pasabing mabilis akong naglakad patungo sa second floor kung saan naroon ang kuwarto ko. Pagkarating ko sa taas ay huminto ako at hinawakan ang dibdib ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Para akong binaril sa dibdib dahil sa sinabi ni Paulo.
Mabilis akong naglakad sa kabilang side ng second floor para magtungo sa kuwarto niya. Pagkatapat ko ng pinto nang kuwarto niya ay inis na pinagsisipa ko ito. Hindi pa man ako nagtatagal sa pagsipa roon ay narinig ko agad ang pag-akyat niya sa hagdan.
“What are you doing?” masama ang tingin na tanong niya. Hinihingal pa ito dahil sa pagmamadali.
“Can’t you see? Sinisipa ko ang door mo.” balewalang sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Iyong poster pa na nakadikit sa labas nito ay hinablot ko at pinagpupunit.
“Rachelle, sobra ka na.”
Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Para akong bingi at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Mabilis siyang naglakad palapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang kaliwang braso ko at pilit na iniharap ako sa kaniya.
“Ano ba!” sigaw ko.
“Stop ruining my things.” galit niyang sigaw.
Marahas kong binawi sa pagkakahawak niya ang kamay ko.
“Bakit? Hindi ba masama ang ugali ko?” nakangising tanong ko sa kaniya.
I tried to keep my cool, pero pakiramdam ko anytime masasaktan ko siya.
“Pinapatunayan ko lang sa’yo.”
Natigilan naman siya nang marinig ang sinabi ko. Iyong tipong para siyang natauhan at nagising sa mahabang pagkakahimbing.
“Celestine…”
Napaatras ako sa kaniya nang marinig kong binanggit niya ako sa pangalang tanging mga magulang ko lang ang tumatawag sa akin. Iyon din ang tawag niya sa akin noong mga bata pa lang kami. I let him call me that before because I thought he’ll treat me right.
“Don’t call me Celestine again.” mahina ngunit mariin kong sambit.
Mabilis akong tumalikod sa kaniya at naglakad patungo sa kuwarto ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang makita sina Tito Helix at Tita Cecilia na tahimik na nakatayo sa may hagdan. Marahan kong inayos ang hitsura ko. Ang pinipigilan kong luha ay bigla na ring tumulo. Pinahid ko iyon gamit ang aking palad.
“Sorry po.” Saad ko saka yumuko.
“Sorry po kung naaabala ko kayo. Sorry po kung hindi maganda yung ugali ko. Sorry po sa lahat.” Saad ko saka mabilis na tumakbo papasok ng kuwarto ko.
Pagkapasok ko ay ini-lock ko agad ang pinto ng kuwarto ko. Doon na ako tahimik na umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang palad ko para pigilan ang aking mga hikbi.
“Rachelle open up.” dinig ko mula sa labas ng pinto ang boses ni Tita Cecilia.
Tumayo ako sandali para patayin ang ilaw ng kuwarto ko. Nanghihinang naglakad ako papunta ng aking kama at humiga roon.
Ayos lang naman sa akin na sabihan ako ng ibang tao na masama ang ugali ko, okay lang na sabihin sa akin na maldita ako at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Tanggap ko iyon. Masakit, oo. Pero hindi ko na lang pinapansin. Habang tumatagal naman ay nakakasanayan ko na rin kaya natuto akong balewalain iyon.
But hearing that word to someone you once treasure and treat as your friend, pakiramdam ko may pumukpok sa ulo ko. Akala yata ni Paulo ay hindi ako nasasaktan. Akala yata niya porke matatag na persona ang pinapakita ko sa ibang tao, ay ganoon na rin ako. Kung nandito lang sina Mom at Dad, I’m sure they wouldn’t say those things to me. Alam kong kahit pa sobrang complicated ng ugali ko, I know they’ll understand me.
Kung bakit ba naman kasi ang aga nilang nawala. Five years na. Five years na akong nagtitiis. Five years na akong nagluluksa sa pagkawala nila.
“Rachelle. Open up.”
Boses iyon ni Tito Helix.
“Rachelle, open up. We’ll talk.”
Ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko nahulog ako sa bubong at sa sahig ako bumagsak. Ilang beses ko pang narinig ang pagtawag nina Tito Helix sa pangalan ko pero wala na akong lakas ng katawan para tumayo. Naramdaman ko rin ang init ng hininga ko at unti-unting pagpikit ng mata ko. Inaantok na ako.
Isang marahang paghawi sa aking buhok ang nagpagising sa akin sa pagkakahimbing.
“Ang lamig…” tanging sambit ko at mahigpit na hinila pataas ang blanket para matakpan ang katawan ko.
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Talagang inaantok pa ako at ang bigat ng pakiramdam ko. Napapitlag ako nang maramdaman ang malamig na towel na dumampi sa noo ko.
Sinubukan kong gumalaw pero nakakaramdam ako ng kirot sa bahagi ng katawan ko. Hindi ko alam kung normal ba ito? I tried my best to open my eyes and when I finally did, bumungad sa akin ang mukha ni Tita Cecilia.
“Tita…”
“Ssshh. Don’t speak a word, Rachelle.”
Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas sa akin. Sa bigat ng pakiramdam ko, alam ko na kung anong mayroon ako ngayon, trangkaso. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-raming pagkakataon na puwede akong trangkasuhin ay ngayon pa.
“Anong oras na po?” tanong ko sa mahinang boses.
“Alas dos pa lang ng madaling araw, anak. Matulog ka pa.”
Napailing ako agad. No! Kailangan kong bumangon para mag-review.
“Tita, kailangan ko pong mag-aral.”
Agad akong pinigilan ni Tita sa pagtatangkang bumangon.
“May sakit ka Rachelle.”
I gave her a small smile.
“Sakit lang po iyan Tita. Hindi po ako puwedeng umabsent bukas dahil may quiz po kami sa economics.” pagpapaliwanag ko.
Sinubukan kong tumayo at sa pagkakataong ito ay hindi na ako pinigilan ni Tita Cecilia. Nahihilo man ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na maglakad patungo sa aking study table kung saan naroon ang aking mga libro.
“Anak, hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo.” nag-aalalang sambit nito.
“Alas dos pa lang po, matulog pa po kayo.”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Tumayo na si Tita mula sa pagkakaupo sa monoblock chair na katabi ng kama ko.
“Rachelle.”
Humarap ako sa kaniya at ngumiti.
“I can take care of myself, Tita.”
“Sorry sa sinabi ni Paulo. I’m sure pinagsisisihan niya na iyon ngayon. We saw his reaction. He’s totally dumbfounded when he saw what you did. Pinagsabihan din siya ng kaniyang Daddy.”
Umiling ako.
“Tama naman po si Paulo. Masama naman po talaga ang ugali ko. Tanggap ko na po iyon.”
“That’s not true hija. You’ve never disrespected us. You’re one of the sweetest person I know. Pasensiya ka na sa anak namin.”
Imbes na magsalita pa ay tumango na lang ako.
“Iiwan ko ang towel at plastic bowl na may cold water. Kapag nararamdaman mong mainit ang katawan mo, magpunas ka agad. And please get some more sleep Rachelle.”
Once again, I nodded. Nang makalabas nang tuluyan si Tita Cecilia ay napasandal ako sa backrest ng upuan ko. Inilapat ko ang aking palad sa aking noo at napagtantong mataas nga talaga ang lagnat ko. But it’s not important right now. Kailangan kong mag-aral. Kailangan ma-perfect ko ang quiz namin sa economics bukas.