Ilang minuto kong pinagmasdan si Paulo habang nakasakay kami sa taxi. Bago pa kami lumabas ay nagising na siya, pero nang maisakay siya sa taxi, muli siyang nakatulog. Umusod ako papalapit sa kaniya, para ayusin ang posisyon ng kaniyang ulo dahil baka mangalay siya. The moment I held his head ay bigla siya umikot at umusod palapit sa akin. He rested his head on my neck and his hands are now on my waist. “Celestine…” mahina niyang bulong. Napatingin ako sa kaniya para tingnan kung gising na siya. But he’s not. Tulog na tulog pa rin siya. Was he sleep talking? Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi. “This is bad. Sa susunod, hindi na kita papayagang uminom.” bulong ko sa kaniya saka marahang tinapik-tapik ang kaniyang likuran. Pagdating namin sa bahay, kinailangan kong gawin lahat

