Kabanata 34

1984 Words

Pakiramdam ko sa pagkakataong iyon, lahat ng inis at sama ng loob na inipon ko sa loob ng ilang linggo ay sasabog na. Sino ba namang hindi magagalit kapag nakita mo ang boyfriend mo na nakahiga sa couch, katabi ang babaeng kinaiinisan mo? Tulog na tulog na si Paulo habang si Laila ay humahagikgik nang tawa sa kaniyang tabi, halatang lasing na rin. Nakaunan ang ulo nito sa kaniyang braso at marahan nitong hinahaplos pataas-baba ang dibdib ni Paulo. Nang makita ako ng ibang kasama ni Paulo ay nanlaki ang mga mata nito, bakas ang pagkagulat. Dinaig pa nilang binuhusan nang malamig na tubig at napabangon ang mga ito nang wala sa oras. Umayos sila sa pagtayo at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Paulo. “R-rachelle.” nauutal na sambit ng isang lalaki sa pangalan ko. Hindi ako tumingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD