Agad akong napatayo nang makita siyang pumasok sa loob ng opisina ko. Julie was there too. Mukhang wala itong nagawa kahit anong pigil niya kay Paulo. I gave Julie a nod, a sign that I will be fine. Tumango naman siya sa akin at lumabas na ng aking opisina. When I saw the door closed ay mabilis akong bumaling kay Paulo. “Anong ginagawa mo rito?” inis na tanong ko sa kaniya. Paulo scoffed which made me confused. What? Hindi man lang ba siya mahihiya sa biglaan niyang pagpasok sa opisina ko nang walang pasabi? “Anong ginagawa ko rito?” he asked while his point finger was pointed on himself. “Ikaw, Rachelle. Anong ginagawa mo rito? You have your classes today.” Now it’s my turn to scoff. I did what he did. Ang tumawa sa harapan niya nang may halong sarkasmo. “Hindi mo ba talaga alam

