Nang malapit na ang oras ng aming klase, nagmadali na kami ni Kate na bumalik sa classroom. Muntik pa kaming maunahan ng professor namin na pumasok sa classroom. Mabuti na lang at mabilis ako maglakad. Kinailangan ko pa siyang kaladkarin para bilisan niya. Inis na sinamaan ko siya nang tingin pagkaupo namin sa upuan namin sa likuran. “Sorry na, mabagal talaga ako maglakad.” aniya sa mahinang boses. Inirapan ko lang siya. Ito ang ayaw ko sa tao, yung mabagal kumilos. Dahil sa ginawa niya, muntik pa kaming ma-late. Medyo terror pa naman itong prof naming lalaki at strict sa pagche-check ng attendance. “I wasn’t aware that we have new student in this class.” panimula ni Prof. Romualdez habang nakatingin kay Nikolai. I can sense that he’s scrutinizing by looking at his look. Ito rin kasi an

