School-bahay-work-bahay-school, ito ang araw-araw na routine niya from Monday to Friday.
Maswerte na siya kung makatulog siya ng limang oras.
Madalas paputol-putol ang tulog niya dahil pagkagaling sa trabaho ay dalawang oras lang ang pahinga niya tapos aalis na siya papunta sa university.
Pagkagling naman sa UST ay tatlong oras naman ang tulog niya kung suswertihin at di siya abutin ng traffic.
Mabuti alam ng Manager niya ang pagiging part-time student kaya kapag maaga siyang natapos sa trabaho ay pumapayag itong matulog siya sa quarters.
"Aalis na po ako!" Paalam niya sa Lola at Itay niya.
Sinarado niya ang gate at akmang maglalakad na nang bigla siyang nagulat sa lalakeng nasa gilid ng kanilang bahay.
"Susmaryosep!" Pati ang madalas sabihin ng Lola niya pag nagugulat ay nagaya din niya.
Natawa si Mark sa naging reaction niya.
"Bakit ka nandito?" Di niya maiwasang hindi magtaray dahil automatic na niya yata niya yung reaction kapag kausap niya si Mark.
Hinawakan niya ito sa braso at hinila niya palayo sa kanilang bahay.
Natatakot siya na baka makita silang dalawa ng tatay at lola niya.
"Ihahatid ka papunta sa trabaho saka kukunin ko rin yung sagot mo sa tanong ko kung pwede akong manligaw."
"Ibig sabihin umuwi ka sa bahay niyo tapos bumalik ka pa dito para ihatid lang ako?" Hindi niya pinansin ang huling tanong nito.
Umiling ito.
"Naghintay ako diyan sa may tindahan," tinuro nito ang tindahan sa tapat ng bahay nila.
Napanganga siya nang marealize na apat na oras itong naghintay.
"Bakit mo ginawa yun?"
"Nagpapaimpress ba 'to sa akin?"
"Delikado sa babae ang bumibiyahe mag-isa sa gabi lalo na kung kasing ganda mo."
"Umuwi ka na." Kunwari'y di niya napansin ang compliment nito.
"Ayoko nga."
"Umuwi ka na sabi e!"
"Ayoko nga sabi e!" panggagaya nito sa kanya habang natatawa.
"Pag di ka umuwi di na ako papayag na makipagkita sa iyo," sinabi niya dito para tumigil.
"Ok. Uuwi na ako," mabilis na sagot nito.
"Good. Alis na!" Pangtataboy niya dito.
Natuwa siya dahil madali naman pala itong pakiusapan.
Nakita niyang umalis na ito kaya tumuloy na siyang maglakad papunta sa sakayan ng bus.
Habang naglalakad ay nangiti siya sa kakulitan nito.
Nagbago din ang ugali nito simula elementary. Dati seryoso ito at puro subject lang nila ang madalas napag-uusapan nila noon. Ngayon, parang kumulit ito at naging pabiro.
Hanggang makasakay siya ng bus ay natatawa siya dahil madali niyang nauto si Mark kanina.
***
"Cubao! Sinong bababa ng Cubao next stop na po?!"
Nagising siya sa sigaw ng conductor. Nahiya siya sa katabi niya dahil natulugan niya pala ang balikat nito.
"Ganito ka ba palagi pagsumasakay ng bus? Natutulog sa balikat ng katabi?" tanong sa kanya ng taong nasandalan niya kanina.
Napatayo siya nang makita niyang si Mark pala ang katabi niya. Nauntog tuloy ang ulo niya sa taas ng aircon ng bus.
Napaaray siya sa sakit at napahawak sa ulo niya.
"O, dahan dahan.." pag-aalala nito.
Nagulat siya nang hawakan nito ang ulo niya at dahan dahan na hinimas himas. Hinipan din nito ang ulo niya na parang ginagawa sa bata pag nasaktan.
"Akala ko umalis ka na?"
Hindi niya pinansin ang kiliting dulot ng ginagawa nito sa kanya.
"Shhh... quiet ginagamot ko yung bukol mo."
"Bakit ba ang kulit mo? Hindi ka nakikinig?"
Hindi siya sinagot nito sa halip ay hinalikan nito ang bahagi ng ulo niyang nauntog.
"O yan, wala ng sakit nahalikan ko na."
Para siyang naging istatwa sa ginawa nito. Hindi niya akalain na hahalikan siya nito sa ulo niya. Ito lang ang kauna-unahang tao na gumawa nun sa kanya.
Naconscious siya sa mga tao sa bus kaya tinulak niya kaagad si Mark.
"May kuryente na naman ba?" natatawa nitong tanong sa kanya.
"Nakakainis ka talaga! Grrrr!" para siyang tigre na akmang kakalmutin si Mark.
"Ang cute mo talagang magtaray!" Pinisil nito ng dalawang kamay ang mukha niya at inilapit sa mukha nito.
Namula bigla ang pisngi niya sa ginawa nitong paglalapit ng kanilang mga mukha.
"Cubao! Sino pong bababa ng Cubao?!"
Narinig niyang sigaw ng konduktor.
"Ako po manong!"
Napatayo siya kaagad para di mapansin ni Mark ang pamumula ng mukha niya.
Mauuna na sana siyang bumaba pero inunahan siya ni Mark. Hinawakan nito ang kamay niya habang hinahawi ang mga tao sa harapan para makaraan at maiwasan na mabangga siya.
Pagbaba nila ng bus ay bigla niyang kinalas ang kamay niya sa kamay nito.
"Saan ang work mo?"
Napabuntonghininga siya.
"Sasabihin ko ba kung saan ako nagtatrabaho?"
"Kung sasabihin ko sa iyo pwede ka bang mangako na hindi mo na ako sasabayan sa bus bukas?"
"Promise!"
Para itong batang sumagot sa kanya na nakataas pa ang kanang kamay.
"Sige papayag akong samahan mo ako ngayon."
"Paano mo pala nalaman na nagttrabaho ako sa gabi?"
"Sinabi ni.."
"Never mind. Kilala ko na kung sinong matabang madaldal ang nagsabi sa iyo."
***
"Pwede ko na bang hingin yung sagot mo?"
"Saan?"
Patay malisya niyang tanong. Talagang persistent ito sa gusto.
"Doon sa tanong ko kung pwede akong manligaw."
"Ang kulit niya talaga. Kung hindi ko sasagutin ito malamang di ako nito tatantanan."
Habang naglalakad sila ay bigla niyang naalala ang pag-uusap nila ni Coach Joel.
Biglang may nabuong plano sa isip niya.
"I'll make him fall head over heels at pagkatapos ng UAAP, paaasahin ko siya sa wala. I'll make him pay sa mga ginawa niya sa akin noon."
"Oo na."
"Oo. Sinasagot mo na ako?"
Hinawakan siya nito sa balikat at niyugyug.
"Hoy lalake! Masyado kang advance mag-isip!" Nagulat siya sa biglang reaction nito. "Oo, ibig sabihin pumapayag na 'ko na ligawan mo."
Niyakap siya nito kaya namula na naman ang mukha niya.
"Parehas lang yun para sa akin, dahil dun din naman mauuwi yun."
Kumawala siya dito at pinalo sa balikat.
"Alam mo? Masyado kang over confident. Paano ka naman makakasigurong sasagutin kita?"
"Kasi gagawin ko ang lahat para ma-fall ka sa akin."
Niyakap siya ulit nito ng mahigpit.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Sam. Para akong nakajackpot sa lotto sa sinabi mo."
Parang gusto niyang magbago ng isip sa una niyang plano dahil sa nakitang sinceridad sa mga mata nito.
Parang hinahabol ang puso niya sa sobrang bilis ng pintig nito.
"Kalma ka lang Sam." Sabi niya sa sarili. "Hindi dapat manaig ang puso sa isipan. Remember sasaktan ka lang nito. Isasama ka lang niya sa mga collection niyang babae."
***
Nasa loob na sila ng building nang biglang lumabas ang mga kasamahan niya mula sa elevator.
Bigla niyang hinila ang collar nito para magtago sa gilid ng pader.
"Bakit?"
Nilagay niya ang isang daliri sa bibig nito.
"Wag kang maingay."
Nung nakaalis na ang mga kasamahan niya ay saka na lang niya narealize na nakadagan pala siya dito.
Bigla siyang napatayo ng maayos at inayos ang nagusot na damit.
"Ang bigat.." Biro nito sa kanya.
"Nakakainis ka talaga!" habang mahinang pinagpapalo ang kanang balikat nito.
"Aray..." Nagngalay-ngalayan ang mga balikat nito na parang na-injured.
Hindi niya napigilang matawa sa ginawa nito.
"Uy napatawa si Miss Sungit.."
Sasagutin niya sana ito nang biglang bumalik si Rachel "Saglit may kukunin lang ako!"
Hinila niya ulit si Mark sa collar at napapasok sila sa kabubukas lang na elevator para muling magtago.
Nung nagsara na ang pinto, saka niya lang nalaman na sila lang palang dalawa sa elevator.
"Hindi ako masungit noh."
"Sige nga kung hindi ka si Miss Sungit halikan mo ako dito," tinuro nito ang kanang pisngi at tawang-tawa sa pagbibiro.
"Ngayon ako naman ang gaganti."
Naalala niya ang ginawa nito dati sa kanya sa clinic nang paasahin siya nito sa halik.
"Kunwari ilalapit ko ang labi ko sa pisngi niya pero di ko itutuloy."
"Sige," sabi niya dito.
Natulala ito bigla sa kanya at sumeryoso ang mukha.
"S-seryoso ka?"
"Oo. Bakit ayaw mo?"
"G-gusto," nauutal nitong sagot.
"Ready ka na?"
"Ready na."
Unti-unting nilapit niya ang labi sa mukha nito. Ito naman ngayon ang napapikit.
Pigil ang tawa niya nang ihinto ang paglapit dahil kitang kita niya kay Mark na nag-e-expect ito at naghihintay sa halik niya.
Matagal niyang tinitigan ang itsura nito na nakapikit.
Pero agad din siyang nakarma sa sumunod na ginawa ni Mark. Hinarap nito ang mukha kaya naman aksidenteng nagdikit ang kanilang mga labi.
Uminit bigla ang kanyang pisngi.
Hindi niya napansin na siya naman ngayon ang napapikit sa nangyari.
Agad niyang naitulak si Mark nang biglang bumukas ulit ang elevator.
"Sorry Sam. Akala ko kasi nagbibiro ka kaya humarap ako."
Hanggang ngayon ay tulala pa rin siya at wala sa isip na napahipo sa bibig.
"Sam?"
Speechless pa rin siya.
Bigla itong nag-alala nang hindi pa rin siya kumikilos.
"First kiss mo yun?"
Hindi niya ito pinansin.
"P-pasok na ako Mark. Salamat sa paghatid."
Pag-alis nito palabas ng elevator ay napahawak siya sa kanyang dibdib at napaupo sa sahig.
Hindi siya makapaniwala na naibigay niya ang first kiss niya sa mortal niyang kaaway! Pero bakit sa halip na mainis siya ay iba ang nararamdaman ng puso niya?
Sa kabilang banda, pagsara na pagsara naman ng elevator ay bakas naman sa binata ang di maipaliwanag na kaligayan dahil siya ang unang 'First Kiss' ng dalaga.
Napatalon pa ito at napashoot sa ere sa sobrang saya.