Pagpasok na pagpasok palang niya sa klase ay sumalubong na kaagad ang mga kaklase niya sa kanya.
"Congratz!!!" sabay-sabay na sabi ng mga ito.
Nagtataka siya bakit alam na ng mga ito ang promotion niya ganung wala naman siyang kaklase na pinagsabihan nito.
"Sikat ka na, Sam! Nasa varsity newspaper ka!"
"Ano?!"
Hinablot niya kay Mikaela ang college newspaper na libre lang nakukuha sa Main Building. Dito nakalagay ang latest events and updates ng STU.
Hinampas siya ni Mikaela sa balikat.
"Ikaw, ha, pahumble ka pa. Bakit di mo sinabi na girlfriend ka pala ng isa sa mga basketball heartthrob natin?"
Muntik na siyang mahulog sa pagkakaupo nang makita niya na nasa front page siya at buhat buhat ni Mark.
Ang caption ng newsletter ay "Mark Lester Rodriguez Saves the Day".
"Basahin mo yung umpisa." Pag e-encourage pa nito habang kinikilig.
"Mark Lester Rodriguez not only saves his team from losing against its opponent but also saves his girlfriend from injury." Binasa niya sa utak ang pahina. Nanginginig ang mga kamay niya dahil sa kahihiyan. Hindi niya lubos akalain na dahil sa announcement ni Mark ay magiging main attraction siya sa buong campus.
Ang masaklap pa nun ay napakasweet ng pagkakakuha sa kanila. Nakunan kasi ng litrato ang mahigpit na pagkakayakap niya sa leeg ng binata habang nakatitig sila sa isa't-isa.
"Ang sweet! Nakakakilig!" ani ni Mikaela.Titig na titig ito sa unang pahina ng newspaper.
Napatungo siya sa lamesa ng upuan at paulit-ulit na inuuntog sa kamay ang ulo niya.
"Bakit nangyayari sa akin ang kamalasang ito?" sabi niya sa sarili.
"Uy friend ok ka lang?" nagtatakang tanong sa kaniya nito.
Nagtataka ito dahil imbes na maging masaya siya ay mukhang namomroblema pa siya.
Hindi na siya nito natanong dahil pumasok na ang professor sa klase.
"Good morning, Class," bati ng kanilang professor sa Accounting habang bitbit ang kanilang test papers.
"Kung minamalas-malas nga naman. Hindi na nga ako nakapagreview dahil nadistract ako sa balita, ang aga pang dumating ni Prof!"
"We will now start the exam. Please sit properly and pass the paper," sabi nito habang isa-isang dinidistribute ang exam papers sa mga estudyante na nasa harapan.
"As for you Miss Chavez."
Biglang sabi nito kaya napatuwid ang pagkakaupo niya.
"P-po?"
"Bukas ka na magexam sa akin at pinapatawag ka ngayon ni Dean."
"Po?"
"Sabi ko pumunta ka na ngayon sa office ni Dean at bukas ka na lang magexam sa akin." Dahan-dahan nitong inulit ang sinabi kanina.
"S-sige po."
Agad naman siyang tumalima dito.
"Matutuwa na sana ako na bukas na ako mage-exam kaya lang bakit naman ako pinapatawag ni Dean?"
Mas lalo tuloy siyang kinabahan dahil baka nakita nito ang news sa Varsitarian.
Pagpasok niya sa Dean's office ay nakita niyang may kausap itong lalake sa table. Nakilala niya kaagad ito na coach ng basketball team.
"Pero bakit naman ito kausap ni Dean? Siguro kakausapin ako ni Coach dahil hindi nito nagustuhan yung ginawa ni Mark kahapon. Baka kakausapin niya ako na hiwalayan ko si Mark dahil baka madistract sa laro."
Napangiti siya sa naisip. Sa wakas may pipigil na kay Mark na lapitan siya.
"Good morning Dean. Tinawag niyo raw po ako?"
"Yes Sam. Please sit down. I'd like you to meet Coach Joel, he's the basketball team's coach."
"Nice to meet you po," sabi niya habang dahan-dahang umupo sa tapat nito.
"Maiwan ko muna kayo para mag-usap," ani ni Dean at umalis na sa office nito.
"Ano pong maipaglilingkod ko?" tanong niya na medyo kinakabahan.
"First of all. I would like to say thank you sa time mo. I know may exam ka and sorry to disturb you."
"Wala po yun."
"About kay Mark..."
"Coach di po niya ako totoong girlfriend.."
"Alam ko."
"A-alam niyo po? Sinabi ni Mark?"
"Walang sinabi si Mark pero I know a true relationship when I see one. Nakita ko ang reaction mo nung inannounce ni Mark na girlfriend ka niya."
"Huwag po kayong mag-alala Coach. Ngayon palang po iiwasan ko na siya para di makaapekto sa laro niya."
Natawa ito ng malakas sa sinabi niya na ipinagtaka naman niya.
"Actually, baligtad ang hihilingin ko sanang favor."
"A-ano pong ibig sabihin niyo?"
"This year, malaki ang chance ng team natin para makuha ang championship." paguumpisa nito.
"Si Mark ang isa sa nakikita kong magdadala sa team sa championship."
"Magaling nga po siya sa basketball pero ano naman po ang kinalaman ko dun?" tanong niya. Hindi pa rin niya maintindihan kung ano talaga ang gusto nitong sabihin.
"Kahapon, dun ko lang nakita na inspired siya sa laro. Mas marami siyang nagawang points kaysa sa ibang seniors niya dahil yun sa presensya mo."
"Baka po nagkakamali kayo ng hinala. Impossible po na dahil sa akin kaya gumanda ang laro ni Mark. Nagkita lang po kami nung nahulog na ako sa gitna ng court e. Patapos na nun yung laro."
"Mali ka." Natatawa ulit nitong sagot. "Hindi mo ba napansin na every time na nakakascore siya tumitingin siya sa direction mo? Ibig sabihin alam na niya kung nasaan ka bago ka pa natulak sa court."
Namula siya sa sinabi nito. "Ibig sabihin, all along nakita na niya ako? Para ba talaga sa akin yung mga nagawa niyang scores?"
Wala siyang mahagilap na salita sa nalaman. Kaya nagpatuloy ulit ito sa sinasabi.
"Kaya naman humihiling ako sa iyo na wag mo siyang iwanan at suportahan siya para di masira ang laro niya."
Parang lumulutang ang utak niya habang pinakikinggan ang coach.
'Learn to say "No"' naalala niyang sabi sa kanya ni Gabby.
"Pasensya na po pero.."
"Sana maintindihan mo na hindi ko nirerequest ito para kay Mark or para sa team namin. Hinihiling ko ito para sa ikararangal ng buong university natin."
"Ang hiling ko lang sana ay pagbigyan mo siyang ligawan ka. Nasa iyo pa rin naman kung sasagutin siya o hindi pero sana kung tatanggihan mo siya ay pagkatapos na lang ng UAAP mo gawin."
"Paano ko na ngayon iiwasan si Mark? Una nalaman na ng kateammate niya kung anong course ko. Tapos itong si Coach gusto iaccept ko siyang manliligaw para sa UST Team."
"So paano? Maaasahan ba kita dito?"
"Parang wala naman yata akong choice."
"S-sige po," yun na lang ang nasabi niya dito.
Pagkatapos na pagkatapos ng pag-uusap nila ay parang tulala siyang nagtungo sa banyo.
"Ano itong ginawa ko?" sabi niya sa sarili.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase niya ay pinuntahan niya kaagad si Gabby sa Nursing Building kung saan ito nag-aaral para sabay na silang umuwi.
"Ha ha ha ha ha"
Tawang tawa ito nang ibinalita niya ang tungkol sa Varsitariam at kay Coach Joel.
"Bakit ka naman natatawa diyan?" pagtataka niya.
"E kasi parang nag-align ang mga stars ninyo ni Mr. Pogi."
"Ewan ko sa iyo!" inis niyang pahayag dito.
"Saka friend, yung sinabi ko sa iyong "No" mali ka ng pagkakaintindi."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ganito kasi. Pag seryosong bagay yung tipong nakakapagod "No" pero pag lovelife or something na pampahappy "Yes". Intiyende?"
"E hindi nga ako happy." kaila niya.
"Naku maniwala ako sa iyo. Pagdating kay Mark iba ang sinasabi mo sa ikinikilos mo e." sabi nito.
Para pa siya lalong tinutukso ng araw nang paglakad nila palabas ng UST Gate ay nakasalubong nila si Mark.
Sa sobrang kilig ni Gabby ay napakanta pa ito ng "Baby your my destiny... You and I were meant to be... With all my heart and soul..."
Naalala niya tuloy ang sinabi nito noon na kapag nagkita sila ni Mark ay kakanta ito ng "My Destiny".
"Pauwi ka na?" tanong nito sa kanya.
"Yes pauwi na kami. Bakit ihahatid mo b kami?" tanong ni Gabby dito.
Kinurot niya ng madiin ang bilbil ni Gabby. "Aray ang taba ko!" napatagilid ito sa sakit.
"Oo sana. Pwede ba?"
"Pwedeng-pwede," sagot ulit ni Gabby.
"Tamang-tama ngayon sasabihin sa akin ni Sam ang sagot niya."
"Excited ka na ba?" tanong ni Gabby na halatang nang-aasar sa kanya.
"Oo excited na excited na ako!"
"Kayong dalawa na lang kaya ang umuwi." sabi niya dito.
"Ito naman ang KJ! Tara na nga Mark!" sabi ni Gabby at hinila na si Mark.
Wala siyang magawa kung hindi sumunod sa dalawa.
Nagpasalamat siya at hindi siksikan ang jeep.
Magkakalayo ngunit magkakahilera silang umupo. Si Gabby ang nasa dulo ng jeep, siya sa tabi nito at sa di kalayuan ay si Mark.
Para hindi siya maconscious ay umupo ang binata isang metro ang layo sa kaniya.
Hindi niya alam pero parang denumero ang bawat kilos niya. Hindi siya makapagsalita at makakilos ng maayos sa presensya ni Mark.
Ang tulin ng jeep na nasakyan nila at maya maya ay pumreno ito ng malakas. Dahil synthetic ang leather na inuupuan nila ay dumulas siya papunta sa kinauupuan nito.
Napasandal siya tuloy sa binata. Habang si Gabby ay napakapit naman sa dulong hawakan ng jeep.
Lalo tuloy siyang naconscious kay Mark dahil magkadikit na ang katawan nila.
Babalik na sana siya sa dating pagkakaupo nang pumreno na naman ang jeep. This time, napayakap sa kanya ang binata para di siya mahulog.
Kaya lang nakita niyang si Gabby ay padulas din papunta sa kanya. Sa takot na madaganan ng kaibigan ay napatayo siya at napaupo sa kandungan ni Mark. Napahawak pa siya sa likod ng leeg nito.
Pati ito ay nashock sa ginawa niya.
"Manong dahan dahan naman!" patay malisyang sinabi nito sa driver habang nakaupo siya dito.
"Pasensya na boss." napapakamot sa batok na sabi ni manong driver.
"Okey ka lang?" nagaalalang tanong nito.
"Okey lang..." Pulang pula ang mukha niyang bumalik sa dating pagkakaupo.
"Baby your my destiny.. You and I were meant to be.." pabulong ulit na kumanta si Gabby at halatang nag-eenjoy sa dalawa.
Mauuna ang bahay niya bago kay Gabby. Pagdating niya sa tapat ng bahay ay agad na siyang pumasok sa loob.
"Sige na pasok na ako."
"Sandali. Paano yung sagot mo?" Habol ni Mark sa kanya.
Kunwari di niya ito narinig kaya dali-dali niyang isinara ang pinto pagkapasok niya.
"Tignan mo ito. Di man lang mag-ayang magpapasok." Naiiling si Gabby sa inasta ng kaibigan.
"Pasensya ka na Mark ha. Ito talagang si Sam!"
Nung nakalayo na ang dalawa ay saka niya lang tinanaw ng tingin ang binata.
Napasapo siya sa dibdib niya dahil kanina pa malakas ang kabog nito.
"Sam, umayos ka." pangaral niya sa sarili niya.