13 The Promotion

1527 Words
"Sam, tawag ka ni Boss," sabi ni Rachel na ka-workmate niya. Malapit lang ito sa office ni Sir Miguel, ang Manager nila, kaya madalas itong mapag-utusan. "Bakit daw?" tanong niya habang nagta-type sa computer. Nag-umpisa siyang magtrabaho simula noong first year college pa siya. Nagsubok lang siyang mag-apply noon. Hindi niya akalain na matatanggap siya. May non-discrimination policy kasi ang kumpanya niya kaya kahit bata siya at hindi pa nakakapagtapos ng kolehiyo ay natanggap siya. Malaki ang naitulong ng sweldo niya sa kumpanya upang maitaguyod ang pag-aaral niya at kahit paano ay makaabot ng pera sa pang-araw-araw nilang gastusin. Tumatanda na rin kasi ang ama niya at kanyang lola kaya naisip niya na napapanahon na para tumulong sa mga ito. "Hindi ko rin alam, eh. Balitaan mo ako kung anong sinabi niya sa iyo," ani ng kaibigan niyang si Rachel. "Sige, babalitaan kita kung ano ang sasabihin ni Sir sa'kin." Sabay silang naglakad ni Rachel papunta sa office. Nang pumasok siya sa loob ay umupo na rin ito sa cubicle nito. Kinakabahan siya kung anong pag-uusapan nila ng boss niya. Bihira kasi itong magtawag sa opisina. Iniisip niya tuloy kung may palpak siyang nagawa sa trabaho niya. "Please sit down Sam," sabi nito at inilahad ang kanang kamay para umupo siya. "Thank you Sir," sagot naman niya habang umuupo sa katapat nitong upuan. "I called you to discuss your promotion." Walang paligoy-ligoy na sabi nito. Direct to the point ang boss niyang si Sir Miguel. Marami kasi itong intindihin kaya importante palagi ang oras nito. "P-po?" nagulat siya sa magandang balita. "Mag-o-open kasi tayo ng bagong account. Pumayag si Cielo na kunin ang new account at ikaw naman dito sa luma." Speechless siya sa narinig. Marami ang mas tenured sa kanya kaya nagtataka siya kung bakit siya ang pinili. Nakita naman nito ang confusion sa mukha niya. "Hindi ka dapat magtaka kung bakit ikaw ang napili ko. Unang-una, perfect ang metrics mo. Pangalawa, madalas kang magvolunteer sa mga adhoc tasks. At pangatlo, recommended ka ni Cielo dahil ikaw ang nag-train ng mga bago noong naka-leave siya." "Hindi pa rin ako makapaniwala, Sir." "Ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong nito. Wala na kasing right fit sa position kung hindi siya. "Gusto ko po!" mabilis niyang sagot kahit hindi pa niya naiisip ang magiging consequence nito lalo pa at nag-aaral pa siya. Napangiti naman ito sa excitement niya. "I know you're still studying. Ang concern ko lang ay baka mahirapan kang magbalance ng time mo. Are you up for the challenge?" "K-kaya ko po! Thank you po Sir for this wonderful opportunity." "Opportunity only knocks once. Grab it or you will lose it." Ito ang katagang paulit-ulit na sumasagi sa isipan niya kaya kahit alam niyang mahirap ang pagiging trainer ay tinanggap niya pa rin. Magtatatlong taon na siya sa kumpanya as a Data Analyst at kahit hirap siya sa pag-aaral ay ibinigay niya ang best niya para mamaster ang proseso ng account nila. Sabi niya kasi sa sarili noon, kapag natanggap siya sa trabaho ay tatanawin niyang isang malaking utang na loob yun. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay nagpursige siya para makatulong din sa kumpanya. Madalas siyang bigyan ni Cielo, ang kanilang trainer, ng mga special tasks na related sa training kaya naman laking tuwa niya talaga na nakita ng manager niya ang potential niya. Batid niyang malaki ang responsibilidad ng pagiging trainer pero mas nakita niya ang benefits nito pagdating sa maitutulong nito financially sa kaniyang pamilya. Sa susunod na taon ay magcocollege na si Yon-Yon at highschool naman si Buchoy. Alam niyang di kakayanin ng ama ang mapag-aral ang dalawa dahil may kalakihan na ang matrikula sa panahon ngayon. Nalulungkot siyang isipin na mahinto sa pag-aaral ang mga kapatid niya samantalang siya ay nakakapagkolehiyo. Kaya naman malaking blessing itong promotion na ito lalo na sa pamilya nila. *** "Papatayin mo ba sarili mo?" nag-aalalang tanong ni Rachel sa kanya. Kalalabas lang niya galing sa opisina ng boss. Inaya na niya kaagad si Rachel para magbreak at para Ibinalita na rin niya kaagad sa kaibigan ang magandang balita. 'May "big why" ako Rachel. Kailangan ako ng pamilya ko,' depensa niya dito. "Kahit na.. Tignan mo nga halos wala ka ng tulog dahil nag-aaral ka pa sa umaga. Wag kang masyadong martyr at baka bumigay na lang bigla ang katawan mo." "Malakas ito noh? Mana kaya ako sa tatay ko," pagbibiro niya dito. Simula pa bata siya ay idolo na niya ang ama sa pagiging masipag. Kung bumiyahe ito ay halos kain na lang ang pahinga. Mapa-gabi o umaga ay bumibiyahe ito kaya naman nabili nito ang pangarap na sariling jeep. Malaki ang naitutulong na may sarili silang jeep na binabiyahe ng ama dahil wala na itong kahati sa pinapasada nito. "Ewan ko sa iyo Sam. Basta wag mong kalimutan na binalaan kita diyan," pag-aalala nito. "Wag kang mag-alala kakayanin ko 'to," positibo niyang sagot. *** Pag-uwing pag-uwi niya ay ibinalita niya sa pamilya niya ang magandang balita pero maging ang mga ito ay nag-alala sa kanya. Naabutan niyang kumakain ng breakfast ang pamilya niya kaya sumabay na rin siya. "Ikaw bata ka! Masyado mong pinapagod ang sarili mo!" galit na pahayag ng Lola Ising niya. "Oo nga, Ate. Next year pa naman ako magco-college." "Daig ng maagap ang masipag," katwiran niya. "Mas mabuti nang makapag-ipon na ako ngayon para hindi tayo mamroblema next year." "Pero ikaw ate maagap na nga sobrang sipag pa," sabi ni Buchoy. Ginulo niya ang buhok ng dalawang kapatid. "Gagawin ko ang lahat para matulungan ko si Itay na mapagtapos kayo ng pag-aaral. Kaya instead na ako ang isipin niyo mas isipin niyo na galingan sa pag-aaral. Ok ba tayo?" "Okey!" sigaw ni Buchoy. "Hayaan mo Ate pag nagcollege ako hahanap din ako ng part-time," pangako naman ni Yon-Yon. Napangiti siya dahil lumalaki ang mga kapatid na responsable. Gusto niyang maging role-model siya ng mga kapatid. Sa sinabi ni Yon-Yon, alam niyang nagtagumpay siya sa plano niya. *** Dalawang oras lang siya natulog. Pagkagising ay agad naman siyang nagprepare para pumasok sa kolehiyo kasabay ni Gabby. Sinabi niya din dito ang promotion. "Aware ka ba na matigas ang ulo mo?" "Bakit mo naman sinabi yan?" "E kasi lahat ng tao sa paligid mo kahit ako against diyan sa promotion mo tapos sige ka pa rin. Haay naku!" naiiling na sambit nito. Kasalukuyan silang bumibiyahe papunta sa UST. "Para sa ekonomiya ito Gabby," pabiro na lang niyang sagot. "Bahala ka na nga diyan! Basta ito lang ang irerequest ko sa iyo.." "Ano yun?" "Wag kang oo ng oo. Tama na yang promotion mo. Pero kung bibigyan ka pa ng boss mo ng ibang gagawin learn to say "No." Inekis pa nito ang mga braso na parang si April Boy Regino. "Ok promise," natatawa niyang sabi dito habang nakataas ang kanang kamay para mangako. *** Pagbaba nila ng jeep ay nagpaalam na siya sa kaibigan na tatakbuhin ang building papasok. Alam niyang mahihirapan si Gabby na sumabay sa pagtakbo niya kaya minabuti niyang iwanan muna ito. Kailangan pa kasi niyang magreview sa exam para sa subject niyang Accounting. Nasa loob na siya ng building at naisip niyang habang tumatakbo ay kunin na niya ang libro para di masayang ang oras niya. Pagkuha niya ng kanyang libro ay di niya napansin ang lalake na nasa harapan niya kaya nabangga niya ito at nahulog ang dalang libro. "S-sorry," ani niya dito. Pupulutin niya sana ang libro pero maagap nitong dinampot ito at ibinigay sa kanya. "I should be the one who should say sorry," sabi ng lalake habang iniabot sa kanya ang librong nahulog. Napansin niyang mas matangkad ito sa kanya. Malinis itong tignan at maputi. Semi-calbo ang buhok nito at tantiya niya ay isa itong athlete. Napansin din niya na parehas sila ng kurso. "Thank you," sabi niya dito habang inaabot sa kanya ang libro. "Hi Sam. I'm Oliver." Nagulat siya at bakit alam nito ang pangalan niya. Nakita nito ang pagtataka niya. "Oh sorry. I'm Mark's teammate. I remember you yesterday. Ikaw yung dinala ni Mark sa clinic," pagsisinungaling nito. Ang totoo ay matagal na nitong alam ang pangalan niya bago pa sabihin ni Mark na girlfriend nito ang dalaga. "Nice to meet you Oliver" Kinamayan niya ito ng mabilis. "Sabi ni Mark girlfriend ka daw niy--" Nakita niya ang oras sa relo niya. "Oh no! Wala na akong oras magreview." "Sorry got to go Oliver. I have an accounting exam today. I badly need to study." Hindi na nito naitanong kung totoo ba na girlfriend siya ni Mark dahil dali-dali na siyang tumakbo papalayo dito. "Good luck on your exam! If you need help on your studies just let me know," pahabol nitong sambit habang tumatakbo na siya. "Thank you Oliver!" pagpapasalamat niya habang kumakaway dito. *** Oliver's Point of View "Ang bilis niya talaga," nasabi na lang niya habang pinapanood niya si Sam na tumatakbo papalayo sa kanya. Napangiti siya dahil sa wakas ay nakapagpakilala na siya sa dalaga. Yun nga lang taken na ito at mismong teammate niya ang boyfriend nito. "Pero di pa rin ako susuko. The moment na malaman ko na break na kayo ni Mark, liligawan kita kaagad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD