"Mark Lester!"
"Mark Lester!"
"Mark Lester!"
Sigaw ng mga tao sa gym.
"Bro, mukhang pinalitan na ni Mark ang pangalan mo. Siya na ngayon ang tinitilian ng mga girls." Sabi ni Michael habang pinapasa ang tuwalya sa pawisang si Oliver, ang team captain ng STU Basketball Team.
Noong wala pa kasi si Mark sa team ay si Oliver ang madalas tilian ng mga kolehiyala.
"Ok lang dude. Ang mahalaga madala natin ang Team sa Championship. Di ba Mark?" Natatawa nitong sambit sabay tapik sa balikat niya.
Pagdating sa basketball ay kakikitaan ng sportsmanship si Oliver. Hindi ito mabilis mapikon pag nacocompare ang talent nito sa ibang manlalaro lalo na sa kateammate.
Mas priority nito ang team kaysa ang sarili kaya naman inassign ito ni Coach Joel bilang Team Captain ng team.
"Yes, Cap." Sabi ni Mark habang pinupunasan din ang mukha ng tuwalya.
Kakatapos lang ng 3rd quarter ng practice game nila at nagreready na sila para sa 4th quarter.
Mahigpit ang laban nila. Lamang sila ng 5 points sa kalaban. Si Mark ay may nakolektang 16 na points habang 14 points naman si Oliver.
"Wala akong masabi sa iyo. Down to earth ka talaga." Sabi ni Michael na napapailing na lang dahil di umubra ang panunukso niya kay Oliver.
Isang malakas na tunog ng bell ang narinig sa gym hudyat na maguumpisa na ang 4th quarter.
Papasok na si Mark sa court nang may biglang nahagip ang tingin niya. Parang pamilyar sa kanya ang magandang babae na papasok palang sa gym.
Nalipat ang tingin niya sa referee ng pumito ulit ito para ibigay ang bola sa team niya.
Babalikan sana niya ng tingin ang babae kaya lang ipinasa na sa kanya ng kateammate ang bola.
'Hindi maaaring si Sam yun.' Ani niya na tinutukoy ang kababata na matagal na niyang hinahanap.
Ang huling balita niya kasi dito ay di muna ito makakapagcollege dahil sa financial problem ng pamilya nito.
Hawak palang niya ang bola ay naghihiyawan na ang mga kababaihan. Dinig niya ang pangalan niya pero di niya ito pinapansin.
Tulad ni Oliver, mas mahalaga sa kanya na maipanalo ang Team sa Collegiate Basketball Conference o CBC kaysa kasikatan.
Napakaimportante sa kanya ang maging isang Varsity Scholar. Ito lang ang paraan para makatulong siya sa mga magulang niya.
Simple lang ang pamumuhay ng pamilya niya dahil pangkaraniwang government worker ang tatay niya habang nagtatrabaho naman sa salon ang ina niya.
Kung hindi dahil sa scholarship di siya makakapasok ng college sa kursong pinapangarap niya.
Nag-umpisa ang paglalaro niya ng basketball nung highschool. Sumasali ang school niya sa Little Olympics at madalas niyang maipanalo ang team niya bilang star player nito.
Isang araw ay ipinakilala ng coach niya sa kanya si Coach Joel, ang coach ng STU college. Nakakitaan daw siya nito ng husay sa paglalaro kaya inoffer sa kanya ang varsity scholarship na lubos naman niyang ikinatuwa.
Nung first year and second year ay hindi siya sinasama ni Coach Joel sa first five line-up. Nagsusubstitue lang siya sa mga players pag gustong magpahinga.
Pinaghusay niya ang sarili. Araw-araw niyang pinractice ang three point shooting niya dahil mababa ang percentage ng team nila sa three point shooting.
Araw-araw din siyang pumupunta ng gym para palakasin ang endurance and strength niya kaya mas lalong lumaki ang mga muscles niya sa katawan.
Nakita ni Coach Joel ang pagbabago sa kanyang laro. Sinubukan nitong dagdagan ang playing time niya sa court at di naman ito nabigo. Kaya nung isinama na siya sa first five line-up ay nagtuloy tuloy na ang panalo nila.
"Dude, yung crush mo dumating." Ani ni Michael kay Oliver habang dinidribble ang bola.
"Magfocus ka muna sa laro Michael!" Galit na pagsita dito ni Oliver.
Si Michael ang point guard ng team. Maaasahan ito sa fastbreak at sa paghanap kung sino ang libre or walang bantay para makascore.
"Yes Cap! Pero mamaya puntahan natin. Papakilala kita. Kaklase ko yung kasama niyang mataba." sabi nito at nagawa pang ituro ang direction ng sinasabi nito habang hawak ang bola.
"Focus!" Ulit ni Oliver na halatang nakukulitan na sa kausap.
Business Administration student si Oliver Mendoza at consistent na dean's lister. Ipinagmamalaki palagi ng mga kateammate nito na kahit di maging varsity scholar ito ay kaya nitong maging academic scholar.
Mestisuhin ito at halatang nasa mayamang angkan. Kilalang kilala ang pamilya nito sa Cebu dahil malaki ang sakop nilang lupain at marami sa mga kamag-anak nito ay nasa politika o di kaya'y may malalaking negosyo.
Nagmamay-ari ng isang malaking BPO company ang pamilya nila Oliver. Ito lang ang kaisa-isang anak kaya siguradong ito na ang magmamana ng kumpanya.
Lahat na yata ng katangian na hinahanap ng isang babae ay nandito na. Kaya naman madalas tawagin itong si "Mr. Perfect."
Kung may kapintasan ito ay siguro ang pagiging lapitin sa babae. Para itong namimili lang ng damit kung magpalit ng girlfriends.
Hindi pa daw kasi nito mahanap-hanap ang babaeng maituturing niyang "The One".
Sa kasalukuyan ay single pa ito dahil kakabreak lang sa pang-anim na girlfriend. Gusto muna nitong maipanalo ang Team sa nalalapit na tournament bago magfocus sa babae.
Pero isang araw ay masaya nitong ibinalita sa buong team na nahanap na daw nito si "The One".
Nung una daw nitong nakita ang babae sa college building ay nalove at first sight na siya.
Ito lang ang kaisa-isang babaeng dinadaan daanan lang siya sa corridor ng building. Madalas kasing magpapansin ang mga girls kay Oliver pag naglalakad ito.
Pero ito kakaiba dahil imbes na sa kanya tumingin ay palagi itong nakafocus sa binabasang libro habang naglalakad.
Sobrang busy nito sa pag-aaral kaya naman di makakuha ng chance si Oliver na kausapin ito at magpakilala.
"Yes Cap." Sabi ni Michael. "Ikaw din Cap galingan mo kasi nanonood si "The One" mo nasa dulo ng court sa malapit sa ring."
Nacurious si Mark sa tinutukoy ni Michael. Habang abala siyang magbantay sa kalaban papunta sa kabilang court ay nagawa niyang tumingin sa itinuturong lugar ni Michael.
At dun nga sa malapit sa ring nakatayo ang babaeng tinutukoy na agaw pansin ang kagandahan at kilalang kilala niya mula pagkabata.
'Di maari.'
Tanggi niya sa sarili. habang dumedepensa sa kalaban.
'Di maaaring siya yung crush ni Cap.'
Pero nawalan siya ng focus nang makita niyang hawak hawak nito ang bilbil ng matabang katabi. Naalala niya yung sinabi ni Michael kanina. "Kaklase ko yung kasama niyang mataba."
Nakatakas ang kalaban niya at nakashoot ng two points papunta sa basket. Napasigaw siya sa galit sa kapabayaan niya.
"Ok lang yan Mark. Rebound!" Sabi ni Oliver.
Pagkuha ni Mark ng bola mula sa ilalim ng ring ay muli niya ulit tinignan ang kababata.
Gusto niyang mapansin siya nito. Kaya naman nagpakawala siya ng isang malayong tres para magpaimpress dito.
Dumadagungdong ang hiyawan ng gym nung naipasok niya na ang tres. Napaganda pa dahil nafoul siya ng kalaban sa pagbitaw ng bola niya papunta sa ring.
Kaya naman naging malakas pa lalo ang naging hiyawan ng mga kababaihan.
Pagkatapos makapuntos ay tinignan niya si Sam kung nakita nito ang ginawa niya ngunit abala itong makipag-usap sa isa pang katabing babae na parang nakikipagtalo.
Tinawag siya ng referee para magfreethrow ng isang basket at nagawa niya ulit itong maipasok. Lamang na ulit sila ng five points sa San Beda.
Umugong na naman ang tili ng mga kababaihan pero naagaw ang attention ng lahat ng biglang may bumagsak at humiyaw na babae sa kabilang court. Pumito ang referee para itigil muna ang laban.
"Cap. Yung crush mo siya yung nahulog sa sahig." Sabi ni Michael kay Oliver na rinig na rinig naman ni Mark.
'Hindi pwede. Si Sam nga yung "The One" ni Cap.'
Alam niyang Ito na ang pagkakataon ng Team Captain nila na makilala si Sam at sigurado siya na mabibighani pa lalo ito pag nakilala ang dalaga.
Hindi rin maaaring makilala ni Sam si Oliver dahil alam niyang wala siyang panama kay Mr. Perfect.
End-game na pag nagkita ang dalawa. Talagang may nanalo na.
Kaya naman kahit nasa kalagitnaan na ng court si Oliver papunta kay Sam ay mas mabilis niyang tinakbo ang court para ungusan ito.
At nagtagumpay nga siya. Dahil nauna siya kay Oliver na makarating sa dalaga. Biglang napahinto si Oliver sa pagtakbo at piniling maglakad na lang marahil dahil sa pagkapahiya.
Kita niya sa gilid ng mata niya ang pagtataka ng Team Captain kung bakit inunahan niya ito.
Lumuhod siya sa harap ni Sam at tinawag ito sa pangalan. Pagtaas ng mukha nito ay napamangha siya dahil mas lalo itong gumanda.
Nakatitig ang brown eyes nito sa kanya at halatang nagulat nung nakita siya.
Sinubukan nitong tumayo pero natumba din kaagad. Marahil ay masakit pa ang tuhod sa pagkakatama sa sahig.
Mabilis niyang sinalo ito sa likod. Her delicate hands held his arms.
Muling nanumbalik ang bilis ng t***k ng puso niya.
Hindi mapantayan ang kaligayahan niya ngayon dahil sa wakas nakita na niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
Nagwagi man siyang maunang makarating kay Sam, alam niyang di pa tapos dito ang problema niya dahil pag nalaman ni Oliver na single pa si Sam ay alam niyang magpupursige itong ligawan ang dalaga.
Wala ng choice. Palapit na sa kanila si Oliver. Kaya binuhat niya si Sam at idineklara niya sa lahat ng tao sa gym na girlfriend niya ito.