Chapter 1

2221 Words
CHACHI'S POV' Hello Korea! Kakarating ko lang dito sa Incheon Airport kaya hinahanap ko na si Lolo at ang kanyang mga body guards. Napagpasyahan ko kasi na sa BH Entertainment muna ako titira, syempre nanduon namamalagi ang idol ko kaya kailangan lagi ko siyang nakikita at mababantayan. Hindi ko first time sa Korea, pero first time kong magstay dito for good, ngayon lang din ako makakapasok sa kumpanya ni Lolo kaya excited na ako. Nasaan na ba si Lolo? >.> "Hal-abeoji (Grandpa)!!!" Agad namang tinapon ni Lolo ang kanyang sigarilyo saka ko siya sinunggaban ng yakap at halik sa pisngi. Kinuha naman ng mga body guards niya ang mga maleta at balikbayan box ko kaya sumakay na kami ni Lolo. "Wooow. Napakalaki mo na Chachi, natutuwa ako at maganda ang pagpapalaki sa iyo ng Mama mo." Sumiksik naman ako sa dibdib ni Lolo saka ako lihim na ngumiti. Si Mama nalang kasi ang nagaalaga sakin, namatay si Papa nung 6 years old ako. Miyembro kasi ng ARMY si Papa na anak ni Lolo kaya naisipan ni Lolo na gamitin ang ARMY na concept sa BTS. Oh diba? "I missed you Lo." Sabay yakap ko ulit kay Lolo. "Mas miss kita Apo." Natulog muna ako sa byahe dahil hindi ako masyadong nakatulog sa byahe sa eroplano. Masyadong malikot ang nasakyan naming eroplano eh, cloudy siguro kaya ganun. Naramdaman ko nalang ang pagtapik ni Lolo sa pisngi ko kaya napabangon kaagad ako at agad na tumakbo papasok ng BH Ent. "Waaaaaa! Ang ganda dito! Yiiii. Lolo, excited na akong makita mga artists mo." Syempre lalo na ang BTS. Jimin my loves, makikita na din kita sa personal finally! Ano kayang first impression niya sakin? Hmm.. Sa tingin ko magugustuhan kagad niya ko kasi wala naman siyang nakaka link diba? Tsaka dun sa Elevator Prank na Bangtan Bomb na napanood ko, todo sulyap siya dun sa babaeng nakasabay niya sa elevator. It means mataas ang chance na mapansin niya ko. Yiiiiii. "Dahan dahan apo at baka naman ikaw eh matapilok, naka heels ka pa man din." Sanay naman akong magtatakbo ng naka heels pero susundin ko nalang si Lolo. "Omg Lolo! Can I see your artists now? Hmm? Hmm??" Sabay hawak ko sa laylayan ng damit ni Lolo. Napatawa naman si Lolo kaya napa pout nalang ako, hindi ba pwede? Hmp. Tampo nako. :( "Okay lang naman sakin 'yun apo, kaya lang gusto kong magpahinga ka na muna at alam kong jetlag ka pa." Naku! 'Yun lang pala ang iniisip ni Lolo, eh basta kay Jimin okay lang sakin kahit may jetlag ako 'no! "Sige na nga po *frown*" Matamlay akong naglalakad patungo sa private room ko na pagstay-an dito sa BH Entertainment at ramdam ko ang pagsunod ng ibang body guards sakin kabilang na din si Lolo. Malakas pa naman si Lolo, 63 years old palang naman siya kaya malakas pa at nakakatakbo pa yan. "Pfft. Ang apo ko talaga, matampuhin pa din sa Lolo kahit kailan. Osige, tatawagan ko ang mga artists ko pero gusto ko umiglip ka muna. Mag aayos pa ang mga 'yun at maghahanda ng dance performance." Nice naman! Makikita ko ng sumayaw ang BTS ng live. Hihihi! "Gusto ko din namang makilala ka nila, proud ako sa apo ko dahil napakaganda mo at napaka bait. Manang mana ka talaga sa Mama mo." Napangiti nalang ako kay Lolo. Nang makarating kami sa room ko eh pinababa ko nalang ang mga gamit ko sa may gilid atsaka ako bumagsak sa kama, at ngayon ko palang naramdaman ang pagod ko at ang jetlag ko. "Sige na apo, mamaya nalang ha? Papa gising nalang kita. Get some rest. I love you apo." Naramdaman ko pa ang paghalik ni Lolo sa noo ko kasabay ng pagbagsak ng talukap ko. BTS' POV' *Phone Ringing* "Woy! Yung malapit sa telephone dyan oh pakisagot naman!" Sigaw ni JHope sa kanyang mga kapwa member. "Aba! Bakit hindi ikaw, ikaw ang nakaisip?!" Sagot naman pabalik sa kanya ni Jungkook. "Aba'y bwisit mga 'to!" Sigaw ni JHope sa utak niya. "Can't you see?! Nagtatanggal ako ng ingrown dito?!" Padabog namang tumayo si Jungkook tsaka nito sinagot ang phone. Busy naman sa panonood ng movie si Suga at V, samantalang si Jimin at Rapmon naman ay busy-ng naglilinis ng kanilang dorm. "Hoy Jhope pagkatapos mo dyan, walisin mo yang pinagkalatan mo ng mga kuko dyan ha?!" Sigaw ni Jimin. Tumango lang si Jhope kay Jimin, dahil hindi naman niya kayang asarin si Jimin at alam niyang madaling mapikon ito. "Oy! Maghanda daw tayo ng dance performance, nakauwi na daw ang nag iisang apo ni Sunbae Bang Si-Hyuk." Nagmistula namang estatwa ang mga ka miyembro ni Jungkook sa sinabe nito. "Ano?! Bakit kailangan pang mag sayaw? Kakagaling lang natin sa Dream Concert, sasayaw na naman?!" Reklamo ni Jimin. "May apo pala si Sunbae? Lalake siguro at gusto makita ang performance natin kaya pinapasayaw tayo." Sagot naman ni Jin kaya sumang ayon naman ang lahat sa kanya. "Osya yung bagong kanta nalang natin na Dope ang gagawin natin." Pagpapasya ni Jungkook. "Hindi ba mas maganda ang I Need U?" Sabi naman ni Rapmon. "Ikaw leader, ano bang gusto mo?" Tanong ni Suga. "I Need U nalang. Osige magsiligo na kayo at konting oras nalang para makapag practice pa tayo." Nagsikilos naman sila at nakapag ensayo na din kaya hinihintay nalang ang pagtawag sa kanila na pumunta na sa BH Ent. "BTS please proceed to the lobby now." Rinig nilang sabi sa telepono. Nandyan na kasi ang sundo nila. ** At Big Hit Entertainment.. CHACHI'S POV' Yiiiiii! Nandito na daw sa BH Entertainment ang BTS at ang Homme. Ano naman kayang sasayawin nila? Sana yung I Need U, nakakainlove kasi si Jimin dun eh. Naku bibigyan ko talaga siya ng special treatment. [A/N: Outfit of Chachi at the top. Imagine niyo nalang na hindi kita yung tyan niya ha? Basta white sando hindi kita yung tyan. Nandyan din yung performance ng BTS ng I Need U sa taas.] Naglalakad na ako papunta sa dance studio ng makasalubong ko si Lolo kasama na ang kanyang mga bodyguards. "Oh apo, hindi ka ba giniginaw sa suot mo? Nasa Korea tayo apo wala sa America hahaha." Napa pout naman ako kay Lolo kasabay ng pagtingin ko sa suot ko. Eh magpeperform din kaya ako kaya ganito ang suot ko. "Anyway, tara na? Dapat ipakita mo talent mo sa kanila apo, para naman malaman nila na magaling din ang apo ko." Napangiti naman ako kay Lolo. "Prepared ako dyan lo." Sabi ko. Huminga muna ako ng malalim ng makarating kami sa pinto ng Dance studio. Rinig ko pa ang harutan nila sa loob at nangunguna si JHope dun panigurado. Pfffft! "Tara na apo, ipapakilala kita." Tumango naman ako kay Lolo saka ko inayos ang buhok ko kasabay ng pagpihit niya ng door knob. O_____O Mga mukha nila. ( _ _ ) Ako naman ganyan. Eh kasi naman bigla akong nakaramdam ng hiya. Napaka gwapo nilang lahat lalo na si Jimin. *gulp* Naku goodluck nalang sa bestfriend ko kapag nakita niya ang mahal niyang si Jungkook. Hahaha! Maglalaway din siya panigurado. "*ehem* BTS, Homme, Lee Hyun and Lee Changnim, ito nga pala ang nag iisa kong apo. Apo pakilala ka." Pagpapakilala sakin ni Lolo. *gulp* Ano ba yan! Bakit ba hindi ako makatingin ng diretso kay Jimin? Hayyy! Kaya ko 'to. "A-Annyeong! Ako nga pala si Chachi Mariah Dawson, fresh from USA." Wew! Sa wakas! Natapos din haha. Yiii kung tatanungin niyo kung ilan taon na ako. 20 of course, NBSB. Ka edad ko lang si Jimin kaya nagdiwang ako ng malaman ko 'yun. "Apo maiwan ko na muna kayo. Boys kayo ng bahala sa apo ko ha? Be nice. Apo mauna na ako at may meeting pa kami." Sabay halik sakin ni Lolo sa noo at tuluyan na silang lumabas ng studio. "A-ah.. *ehem* s-sino unang magpeperform?" Nauutal na tanong ni Jungkook. Pinagmamasdan ko lang sila, at si Jimin hindi siya makatingin ng diretso sakin. Shy eh? Ang cute lang. "M-Miss Chachi. Kami na po ang mauuna." Sambit ni Lee Changnim. Kumanta siya tapos ay si Lee Hyun. Sunod ang Homme and last but not the least. Ang BTS. Pinalabas ko na din sila dahil may gagawin pa daw sila, at halata mong namumula ang mga mukha nilang lahat. Ganda kong 'to? Hahaha joke. "So BTS, anong hinanda niyo ngayong sayaw para sakin?" Napapikit pikit naman sila saka sila nagsikuhan kaya napatikhim nalang si Rapmon. "I-I need u miss Chachi." Natutuwa naman ako at ginagalang nila ako. Napakabait pala nila talaga. No wonder kung bakit ang dami nilang supporters. "Then impress me." Maiksi kong sagot saka sila tumayo at halata mong nahihiya. Hihihihi! My Jimin why so squeeshy? Now Playing: I Need U. Ng matapos ang sayaw nila pinaupo ko na sila ulit, kaya ako naman ang magpapa impress sa kanila. Ewan ko ba kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magpa impress sa kanila lalo na soon to be husband kong si Jimin. "My turn!" Masiglang sabi ko sabay tayo ko at kalikot sa stereo. "M-miss Chachi, a-anong gagawin niyo?" Tanong ni V. Lumapit naman ako sa kanila at nag indian seat. Napalunok pa silang lahat dahil napakalapit ko sa kanila. "Magpapa impress *smiles* lalo na kay Chim chim. Hi Jimin!" Nanlaki naman ang mga mata ni Jimin kasabay na mapait niyang ngiti. Naku mahiyain talaga, de bale love pa din kita kahit inosente ka hahaha. Now Playing: One Last Time by Ariana Grande. "Hey. Ano? Nagustuhan niyo ba?" Pumitik naman ako sa harapan nila dahil para silang statwa na hindi gumagalaw, nakatitig lang sila sakin. See? Ang galing galing ko. Hehehe. "Jimin Oppa! Nagustuhan mo ba?" Tanong ko kay Jimin saka siya biglang natauhan sa pagkakatulala niya. "H-ha? Ah oo." Napangiti naman ako ng malapad sa kanya pati na din sa kanila. "Oops. Time's up! I need luxury. Papunta na kasi dito ang bestfriend ko kakauwi niya lang din dito galing Monte Carlo. Oh siya, kita kits nalang ulit. Pai paii! ^^" Tumayo na ako kaagad saka ako tumakbo papunta sa kwarto ko. Yiiii! Nakakatuwa naman at nagustuhan nila yung kanta ko lalo na si Jimin my hubby. Mapapasakin ka din Park Jimin. Yiiiii! Kinikilig ako. OMG! *Phone Ringing* "Hello?" "Chuuucks! Hello! Nandito ako sa lobby ng BHEnt. Ayaw ako papasukin ng mga eksaheradang mga babae dito!" Oooh! Nandito na pala si Chucks. Tawagan namin yan magbestfriend. Nakakaulirat na kasi yung ibang mga eanderments, masyadong common. "On my way." Sagot ko sa kanya saka ko binaba ang tawag at dali daling tumakbo sa lobby. May mga bumabati sakin kaya nginingitian ko nalang sila. Nakasalubong ko din ang mga ibang staff na gulat na gulat. Kilala na nila ako dahil siguro sa picture na malaki ko sa office ni Lolo kaya ganun. Ako nagpalagay nun eh, hehehe. "Chuuucks!" Sigaw ko kay Mikayla sabay yakap ko sa kanya. *POINK!* "Aww! What was that for?!" Sigaw ko sabay himas sa ulo ko na kinonyatan niya. "Nasa BH Ent ka na punong puno ng artista, tapos makasigaw ka dyan. Halika na nga." Tinawag ko ang mga ibang bodyguards saka ako nagpatulong na dalhin ang mga gamit ni Mikayla papunta sa kwarto namin. Napagpasyahan ko kasi na dalawa kami sa kwarto dahil natatakot ako at namamahay, kaya mas maganda kung magkasama nalang kami. Dagdag gastos pa sa kanya kapag nag rent siya ng apartment. Inayos na muna namin ang mga gamit namin habang nagkukwentuhan, wala pa din daw siyang nagiging boyfriend sa Monte Carlo kaya ang lungkot ng bruha. "Eh ikaw? May bf ka na?" Tanong niya sakin. "Wala, at hindi ako magkakaron ng boyfriend kung hindi lang naman si Jimin ang magiging boyfriend ko 'no!" Sabay higa ko sa kama. Inaantok pa ako, I need to sleep. Naramdaman ko naman ang paghiga niya sa kama kaya pumikit nalang ako at nakaramdam ng antok. JIMIN'S POV' Bakit ba lahat sila dito sa dorm hindi mapakali? Hindi sila maka move on sa pagkaka kanta nung Chachi na 'yun? Well honestly nakakabilib nga ang boses niya, dahil kahit si Ailee kaya niyang tapatan sa boses niya, pero wala eh. Hindi ako tinamaan. Kung sila nabaliw ako wala normal lang. She's nothing special compared to her. Walang iba kundi si Bang Minah ng Girls Day. Oo tama kayo, siya lang ang gusto ko at wala ng iba. Iba siya sa lahat ng nakilala ko, simple but classy. Maganda ang boses at higit sa lahat maganda. We're not in a relationship but going there na rin. I've been courting her since the day they debuted, wala pang nakakaalam ng sikreto namin bukod sa mga hyung ko. "Takte! Hindi ako maka move on kay Miss Chachi! Iba siya hyung! Iba!" Ayan ganyan si Jungkook kanina pa. Asarin ko nga. "Hoy Kookie! Tigilan mo nga si Chachi akala ko ba si IU Sunbae ang gusto mo? Sumbong kita eh." Nag pout lang siya saka padabog na umupo sa sofa. "Eh talaga naman kasing nakaka inlove boses ni Chachi eh." Rinig kong bulong niya kaya napailing nalang ako. Ah basta ako? Focus lang kay Minah, balang araw mapapasaakin din siya. I love her so much. At hinding hindi ako mahuhulog sa ibang babae lalo na sa Chachi na 'yun na halatang baliw na baliw sakin. Itatak niyo yan sa buwan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD