CHACHI'S POV'
*yawn*
"Good morning Korea! Good morning Jimin hubby!" Sigaw ko habang nag iinat.
Ang sarap ng tulog ko, grabe bawing bawi ako ah. Time check? Oops! 1pm na grabe naman yung tulog ko, kaya pala ang sakit ng ulo ko.
"Chucks ang ingay mo. May pa Jimin hubby ka pa dyan, eh hindi ka naman niya naririnig." Napansin ko na naglalaptop si Mikayla sa kama niya kaya napakibit balikat nalang ako.
Oo nga naman! Pero kahit na 'no, daily routine ko ata ang batiin siya pagkagising ko at bago matulog. Lagi ko nga siyang sinasama sa prayers ko eh.
"Chucks, maganda naman ako diba? Sexy at mayaman?" Tanong ko sa kanya.
"Pfft. Oo naman, bakit?"
"Bakit nung first time kong nakita si Jimin parang hindi man lang siya nagulat sakin kagaya ng mga ka grupo niya?" Hindi ba niya ako nagustuhan?
Pero imposible, kung sila Jungkook at V nga nagustuhan ako siya pa kaya?
"Ewan ko lang chucks. Wala naman ako dun eh. Baka may iba na siyang gusto?" Napailing naman ako sa kanya.
Hindi pwede 'no! Akin lang si Jimin. Hindi ako papayag.
"I won't let it happen."
Tumayo na ako sa kama ko saka naligo at nagpalit ng damit. Gusto ko sanang makita mag rehearse ang BTS ngayon.
"Chucks, sama ka dali!" Sigaw ko kay Mikayla habang nagmamadaling nagpupusod ako ng buhok.
"Huh? Where to?"
"Sa dance studio ng BTS. Wanna see Jungkook?" Ngumisi ako sa kanya ng nakakaloko at nakita ko ang pamumula ng mukha niya.
"Psh! Oo na." Sabi niya saka siya pumasok ng banyo at naligo.
**
Dance Studio...
Ng makarating kami sa pinto ng dance studio ay napalitan naman ng kaba ang naramdaman ko. Narinig ko kasi na nagrerehearse sila ng Dope kaya baka magalit sila at bigla kaming palayasin.
Pero imposible naman 'yun dahil apo ako ng may ari dito 'no.
Pinihit ko na ang door knob kaya pumasok na kami ni Mikayla.
O____O Reaksyon nila.
Naramdaman ko ang pagsiko sakin ni Mikayla sa tagiliran kaya siniko ko din siya pabalik.
"M-Miss Chachi. A-ano pong ginagawa niyo dito?" Nauutal na tanong ni V.
Ngumiti naman ako ng malapad saka ko hinawakan si Mikayla sa kamay at hinatak palapit sa kanila. Nakita ko na napatingin din sila kay Mikayla kaya napangiti nalang ako.
"BTS, I want you to meet my bestfriend Mikayla Williams. American citizen din kagaya ko. Don't worry nakakapagsalita din yan ng Korean." Nag bow naman sila kay Mikayla saka sila nakipag kamay.
Ang bruha pinipigilan ang kilig.
"Mautot ka nyan uy." Bulong ko sa kanya ng abutin niya ang kamay ni Jungkook.
O/////O Mukha niya.
Bwahahaha!
"Grabe Miss Chachi ang ganda niyong magkaibigan. Iba pala talaga kapag Amerikana hahaha." Sabi ni JHope kaya tumawa nalang din kami.
Nadako ang tingin ko kay Jimin na nakaupo lang sa sulok at busy sa katext niya kaya lumapit ako sa kanya at nag indian seat. Halatang nagulat sila sa ginawa ko, but I don't care. Jimin is mine.
"Annyeong Jagiya!" Masiglang bati ko sa kanya na ikinalaki ng mata niya. Omo! Kyeoptaaaa~
"What do you want?" Sarkastiko niyang sabi. Amp sungit ni hubby! O.O/
"YOU." Nakangiting sabi ko sa kanya kaya napakunot noo naman siya sakin at biglang ngumisi.
Why so perfect Jimin? Wala na bang paraan para ma turn off ako sa'yo? Gosh! Kahit siguro makita ko siyang mag CR, macucute-an pa din ako sa kanya eh.
"You can't have me. I'm taken." Huh??! Taken nino??!
"Huh? Nino?" Tanong ko.
"Tsk. Why do you care? Hindi porket apo ka ng may ari ng kumpanya na 'to ay papakialaman mo na ang personal na buhay ko. Tell me, do you like me?" Aba oo naman! Grabe naman 'tong si hubby Jimin ko, ang sungit! Hehehe.
"Oo naman, mahal na kaya kita." Diretsang sagot ko sa kanya kaya napailing nalang siya, hindi ba siya naniniwala? Lahat kaya kong gawin makuha ko lang siya. Kahit bilhin ko pa siya, gagawin ko.
"Trust me, American girls are not my type." Napa pout naman ako sa sinabe niya. Singkit na nga siya gusto pa niya ng singkit? Ayaw niya bang maiba.
Ah basta! Wala akong pakialam kahit na ayawan niya ako, he's mine! Mine and mine alone!
"Why so harsh Chimchim? Swerte mo nga nagustuhan ka ni Miss Chachi eh, kung ako yan nako." Sabi ni V. Napairap nalang ako. Sorry Taehyung but you're not my type.
Loyal ako kay Jimin. Infact, nakaisip na ako ng paraan para mapasakin si Jimin. Hihihihi! Para saan pa at naging apo ako ng may ari ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Jimin diba?
"Will you fvck off?? I can't concentrate with my lines so please. Get the fvck out!" Sigaw ni Jimin sakin sabay tulak pero nginitian ko lang siya at kinindatan.
Sorry Jimin pero kahit anong gawin mong pagtataboy sakin hindi mo mababago ang desisyon ko sa gagawin ko. You're just making me obsessed to you.
"Miss Chachi dito ka nalang. Samin walang problema kahit makita ka namin maghapon." Pabirong sabi ni Suga kaya nag thumbs up ako sa kanya. Buti pa 'tong mga 'to na aappreciate presence ko samantalang yung Jimin ko dedma.
Napansin ko din na magkatabi si Jungkook at Mikayla at halatang nagkakailangan sila kaya napapangiti ako ng patago. I smell something fishy!
"Err.. Guys! Announcement lang, sabi ni Manager I Need U plus Dope daw ang ipeperform natin sa Seoul Music Awards so bale 10 mins ang dapat nating maipractice kabilang na ang intro performance. Miss Chachi nood po kayo ni Mikayla." Sabi ni Rapmon. Aba masaya 'yun!
Kami pa ba ang mawawala??
"Sure/NO WAY!" Nagkatinginan naman kami ni Jimin sa sabay naming pagsagot, kaya biniletan ko nalang siya.
"Sure I'll go. Sino bang artists na nandun at magpeperform?" Nakita kong napakamot sa buhok si Jimin at halatang naiirita kaya pinabayaan ko nalang siya.
I told you Jimin, you can't let go off me.
"Err.. Kami po, EXO, Bigbang, Got7, Infinite, SNSD, Apink.. Hyung ano pa ba?" Tanong ni Rapmon kay Jin.
"Teka.." Nakita kong nag iiscan si Jin sa cellphone niya. "Girls Day, Ailee, IU, Vixx atsaka iKON." Woooow! Ang dami pala.
Ang bibigat pala ng mga makakasabay nila. Sana madaming mapalanunan ang BTS.
"Chucks!" Natauhan naman ako bigla sa pagsigaw ni Mikayla kaya napatingin ako sa kanila at nakita kong nakatitig silang lahat sakin kabilang na din si Jimin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Tinatanong nila sino daw mga bias mo sa mga binanggit nilang grupo." Hmmm...
Sasabihin ko ba? Baka magselos si Jimin! Ayyy! Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit nga ba magseselos si Jimin eh hindi naman niya ako gusto. Tama tama! *tango tango*
"So?"
"Well sa BTS obvious naman si Jimin, sa EXO si Kai, sa Bigbang si GD, sa Got7 si JB, sa Infinite si Woohyun. Sa girl group SNSD lang meron akong bias eh. Si Yuri." Napanganga naman silang lahat sa sinabe ko. Ano namang nakakagulat dun?
"Wooow! Bigatin pala ng mga bias mo Miss Chachi. Pero ultimate bias mo si Jimin?" Tumango naman ako kay V kaya napa 'oh' nalang sila.
Of course! Hindi magbabago 'yun. Jimin lang mabubuhay na ang Kpop. Naeexcite akong makita abs niya. Yiiii! Kilig akoooo.
"Miss Chachi, bakit naman si Jimin ang nagustuhan mo sa BTS?" Tanong ni Jin. Oo nga bakit nga ba si Jimin?
Ah alam ko na.
JIMIN'S POV'
"Miss Chachi, bakit naman si Jimin ang nagustuhan mo sa BTS?" Natanggal ko ang focus ko sa nilalaro ko sa cellphone ko at naging interesado ako sa tanong ni V kay Miss stalker.
Malamang sasabihin niya dahil sa itsura ko, sa abs. Psh! Ganyan naman ang mga babae eh, binabase ang lahat sa panlabas na anyo basta mayaman, sikat at gwapo kahit na hindi mahal, papatulan na. Tch!
"Bakit si Jimin? Simple lang." Sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Oo maganda si Chachi, mas maganda at sexy siya sa lahat ng nakilala kong girl groups sa Kpop. Amerikana eh pero ewan ko ba ang init ng dugo ko sa kanya.
"Alam niyo ba believe it or not, haters niyo ako dati dahil solid iGot7 ako? Oo totoo 'yun, lagi kong cinocompare ang Got7 sa inyo kahit hindi ko pa napapanood ang mga MV niyo at hindi ko pa nakikita mga itsura niyo. But then, ewan ko ba. Sa tuwing manonood ako ng MV ng Got7 hindi mawawala sa comment section ang BTS is better, mga ganun. Tapos sa mga reaction videos na napapanood ko puro sinusuggest nila BTS daw. Kaya ayun one time sinearch ko tapos agad lumabas yung Dope." Kwento niya.
Nakatingin lang kami sa kanya at hinihintay ang mga susunod niyang kwento. Bigla akong naging interesado sa kwento niya dahil tungkol sa grupo namin ang pinag uusapan eh. So solid iGot7 pala siya? Akala ko una palang ARMY na siya.
"Ayun nga. Napanood ko yung Dope na MV sabi ko sa sarili ko. Sheeeet! Sino yung pula yung buhok I wanna know him, he looks mysterious." Sabi niya habang nakangiti. So una palang ako na nagustuhan niya sa grupo? Wow. Lakas talaga ng dating ko. *ehem*
"Nakanang! Chimchim! Lakas ng dating!" Biro ni Jhope kaya inirapan ko lang siya.
"Edi si Jimin na. Hahaha!" Sabi naman ni Suga.
"After nun, tinry ko panoorin yung Bangtan Bomb niyo and then ayun natutuwa ako sa kalokohan niyo lalo na sa beat app ni Jimin at V. Grabe! Tapos yung touch my body ni Jimin at Jhope. Something ni Jimin at Jungkook. Nakakatawa grabe! Naging interesado na tuloy ako sa inyo nun lalo na kay Jimin. Wala naman akong pakialam sa looks eh, but the thought na pinapakita ni Jimin ang totoong ugali niya on cam? Duon ako nagsimulang mainlove sa kanya." I frozed there.
So akala ko gusto niya lang ako dahil sa itsura ko? Wow she's something. But that doesn't change the fact that I still hate and despise her. Loyal ako kay Minah.
"Sabi ko sa sarili ko, why didn't I knew about the new rookie group my grandpa built. Masyado kasi akong nabaliw kay JB sa Got7 siguro nun kaya hindi na ako nag abalang tanungin si Lolo about sa new artist niya." Napatango tango naman sila ako naman napapailing.
Ibang klase.
*bzzt bzzt*
Agad kong kinuha ang phone ko sa sahig ng makita ko na nagtext si Minah na mahal ko. Ang babaeng balak kong pakasalan balang araw.
From Minah: Jimin baby? I missed you already. Can't wait for the Seoul Music Awards na to see you.
Napangiti ako ng malapad ng mabasa ko ang text niya. Sh*t! Isang text niya lang napapangiti na niya ako. Ang lakas ng tama ko sa kanya. Hindi ko na naririnig ang mga pinagkukwentuhan nila dahil busy ako at imporante 'tong katext ko.
"Pero Miss Chachi sabi mo nauna mong nagustuhan si JB kaysa kay Jimin, ibig sabihin ba nun eh.. Ayaw mo na ngayon kay JB dahil mas gusto mo na si Jimin?" Grabe naman 'tong mga hyung ko i kumpara ba ako kay JB eh ang gwapo nun at ang laki ng katawan.
"I like JB, I love Jimin. See the difference? Oops gotta go, tawag ako ni Lolo. See you when I see you." Sabay kaway niya samin pero hindi ko nalang siya pinansin.
Napailing nalang ako.
"I like JB, I love Jimin. See the difference?"
Tsssk. THAT WOMAN!
Sorry nalang siya but I won't fall for her. She's not my type. Walang wala siya kay Minah 'no.
CHACHI'S POV'
Nandito kami ngayon ni Mikayla sa office ni Lolo dahil bigla akong tinext ni Lolo na kailangan daw niya ako sa office ko.
Bakit naman kaya?
"Lolo? What do you want?" Tanong ko kay Lolo sabay upo ko sa couch na kaharap ng table niya. Busy sa pag cecellphone si Mikayla kaya hindi ko nalang siya pinansin.
"I'm going straight to the point apo. We need new solo artist dahil magreresign na si Lee Changnim. Unti unting malulugi ang kumpanya kapag nawala pa siya. So I want to ask a favor apo." Mukhang alam ko na ang sasabihin ni Lolo.
Tsk.
"No." Agad kong sagot kay Lolo. Ayokong maging artista, mawawala ako sa focus kay Jimin. Hindi ako papayag.
"But apo.."
"No buts Lo. I'm sorry. I have to go." Akmang lalabas na ako ng office ni Lolo ng maalala ko ang sinabe sakin ni Jimin kanina sa studio.
"You can't have me. I'm taken."
"Tsk. Why do you care? Hindi porket apo ka ng may ari ng kumpanya na 'to ay papakialaman mo na ang personal na buhay ko. Tell me, do you like me?"
Ting!
"Oh apo bakit ka bumalik?" Tanong ni Lolo saka niya binitawan ang papeles na hawak niya.
"I have a condition." Seryosong sabi ko kay Lolo.
"Anything apo."
"Hal-abeoji, tinatanggap ko na ang alok mo sakin, pero sa isang kundisyon. Bilhin mo si Park Jimin ng BTS. Gawin mo ang lahat mapasakin lang siya. I hope you won't disappoint me on this hal-abeoji." Nakita kong nanigas sa upuan si Lolo at alam kong hindi niya inaasahan ang sasabihin ko.
Seryoso ako sa sinasabe ko at gusto kong angkinin si Jimin.
Agad na akong lumabas ng office niya na hila hila si Mikayla saka na ako dumiretso sa kwarto namin.
Wait for me Park Jimin, you'll fall for me too. I won't let you fall in love to other girls. Malaman ko lang kung sino at pababagsakin ko ang babaeng 'yun.