Chapter 3

2130 Words
CHACHI'S POV' The next day maaga akong nagising dahil nakareceive ako ng tawag sa secretary ni Lolo na kailangan daw niya ako sa office. Siguro pag uusapan namin yung usapan namin kahapon. Excited nako! Alam ko namang hindi ako matitiis nun ni Lolo eh. Hihihihi! Napansin kong tulog pa si Mikayla kaya kinumutan ko siya saglit saka ako lumabas ng kwarto na nakapantulog pa din. Pagkapasok ko sa office ni Lolo ay napansin kong may isang pigura ng lalake sa loob kaya halos laglag panga ako ng mapansin kong si Jimin pala 'yun kasama si V. Ano ba yan, hindi man lang ako ininform de sana nakapag paganda muna ako diba? "Oh apo nandyan ka na pala, umupo ka dito." Nakakatampo lang, si Jimin ang gusto ko pero bakit pati si V nandito? Napatingin ako kay Jimin pero mukhang masama ang aura niya at hindi siya mapakali sa cellphone. "Anong meron lo?" Tanong ko. "I decided na duon ko patirahin ang BTS sa mansion natin dito sa Seoul kasama ka at ang bestfriend mo. Masyado ng masikip ang dorm nila dahil sa sobrang dami na ng naipundar nilang gamit." Nagningning naman ang mga mata ko sa narinig ko kaya napatayo kaagad ako at niyakap si Lolo. Kyaaaaah! I'm so happy. "Sunbae, okay naman po kami dun sa dorm at baka makaistorbo lang kami kay Cha- kay Mam Chachi." Wow! Concern si Jimin sakin ang saya saya ko. "A-ani Jagiya! Okay na okay lang sakin. Approve!" Nag thumbs ako sa kanya saka siya biglang umirap kaya napa pout nalang ako. Sungit ni Chimchim. "Makakalabas na kayo mga iho, mag umpisa na kayong mag impake ng gamit. Ipapatawag ko nalang kayo." Nag bow lang silang dalawa saka sila lumabas ng room. "Lolo naman sabi ko si Jimin lang bakit kailangan sila pang lahat?" Napasimangot ako kaya bigla akong kinurot sa pisngi ni Lolo. Lalawlaw na naman pisngi ko neto. "Just trust me on this apo, ayokong biglain yung bata. Basta sumunod ka sa usapan natin apo, na magiging solo artist ka dito sakin." Napabuntong hininga nalang ako saka tumango. May magagawa pa ba ako? Wala naman diba? Hayy. "Go back to your room and fix your things. We'll be leaving at exactly 9am. Arraseo?" "Ne." Tumayo na ako at tumakbo papunta sa room ko pero laking gulat ko ng may humila sa braso ko. "Aray!" "Ano bang pinaplano mo ha?!" Laking gulat ko ng makita ko na si Jimin pala 'yun na sobrang sama ng aura at mukhang papatay na sa galit. "A-ano ba 'yun Jagiya?" "What the?! Could you please stop calling me Jagiya? Nakakakilabot! I just received millions of money in my bank account at naging special treatment ako sa BTS. May kinalaman ka ba dito?" Eto na ba yung sinasabe ni Lolo na I should trust him on this? Well tama nga siya, I should trust him. "Wala akong kinalaman dyan." Depensa ko. "Malaman ko lang na may kinalaman ka dito, aalis ako sa grupo. Tandaan mo yan! Kahit na apo ka pa ni Sunbae wala akong pakialam!" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko kasabay ng pagtulak niya sakin sa sahig saka siya naglakad palayo. Tatayo na sana ako ng may biglang nag alok ng kamay niya sakin at napansin kong si V pala 'yun. "Need a hand?" Nginitian ko nalang siya saka ko kinuha ang kamay niya at tumayo. "Salamat. Sige na may gagawin pa ako." Sabay takbo ko palayo. Hindi ko dapat iniisip ang sinasabe ni Jimin pero hindi ko mapigilang hindi isipin lalo na at galit na galit siya sakin. JIMIN'S POV' Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yun, porket apo siya ng may ari ng pinagtatrabahuhan ko, bibilhin na niya ako? Oo alam ko na binili niya ako dahil kaninang wala pa siya sinabe na saakin ng Lolo niya. Kaya nung dumating siya sa room, kulang nalang eh suntukin ko siya sa sobrang galit ko. Ano nalang sasabihin sakin ni Minah neto? Hindi niya pwedeng malaman 'to dahil baka hindi na niya ako kibuin. Papahirapan ko talaga ang babaeng 'yun. Hindi ko naman talaga kayang umalis sa BTS dahil una, ako ang bread winner saamin, pangalawa napamahal na sakin sila hyung at pangatlo ayokong madisappoint ang mga fans ko. Kaya gagawa nalang ako ng paraan para ang babaeng 'yun mismo ang magtulak sakin palayo. "Yah! Jimin. Hindi ka ba mag aayos ng gamit mo? Aayusin ko na 'to." Tanong ni Jhope. Tiningnan ko lang siya pati na din ang hawak niyang mga maleta, naka ready na pala silang lahat. "Aish! Bwisit na buhay 'to!" Napakamot ako sa ulo saka nagmadaling mag ayos ng gamit. "Chill ka lang. Maganda naman si Miss Chachi ah? Mas maganda pa nga siya kay Minah." Sinamaan ko naman ng tingin si Jhope kaya napa zipper siya sa bibig niya. "Si Minah lang ang maganda sa paningin ko. At gagawin ko ang lahat mawala lang sa landas ko ang bwisit na Chachi na 'yun." Sabi ko saka ako pumasok sa kwarto at kinuha ang iba kong gamit. CHACHI'S POV' Nauna na kami ni Mikayla at Lolo sa mansion, pero sinundo na ng driver namin ang BTS kaya nakaramdam ako ng excitement. Nandito kami sa kusina para ipagluto ng masarap na masarap na pagkain ang BTS bilang pasasalamat sa kanila, well dapat kay Jimin lang naman pero okay na din 'yun. The more the merrier diba? "Okay na chucks. Ilalagay ko na 'to dun sa lamesa ha?" Sabi ni Mikayla kaya tumango nalang ako at tumungo sa sala. "Oh apo, mukhang masarap ang niluluto niyo ni Mikayla ha? Gustuhin ko mang tikman yan hindi pwede dahil nagmamadali ako para ayusin ang first show up mo." Oo nga pala kailangan ko na ding mag ready para sa first show up ko. Ano ba yan, wala naman akong balak maging Kpop Idol eh, ang gusto ko lang naman eh pagsilbihan si Jimin sa buong buhay ko. "Okay lo. Malapit na pala ang Halloween kaya mas maganda kung yung concept ng live performance ko eh halloween. Pero lo, yung music video ko ayoko ng masyadong sexy ha? Alam mo naman baka mandiri sakin si Jimin." Natawa si Lolo sa sinabe ko sabay tayo niya at tinapik ako sa ulo. "Gustong gusto mo talaga si Jimin apo ah? Nagdadalaga na talaga ang apo ko at magkakaron na din sa wakas ng first boyfriend." Napangiti naman ako kay Lolo, pero ang totoo naiimagine ko na nga ang sarili ko na maging girlfriend si Jimin. Yiiiii! *beep beep* Omo! Nandyan na sila! Nagmadali akong nag ayos ng buhok saka tumakbo sa labas para salubungin sila at agad bumungad sakin ang nakasimangot na mukha ni Jimin. "Hi Jimin!" Agad naman siyang napatigil sa pagkuha ng gamit niya saka siya tumingin sakin at umirap kaya napa pout nalang ako. Sungit talaga. "Ayy amina yan tulungan na kita." Sabi ko sabay kuha ng gamit niya pero agad naman niyang hinawi ang kamay ko kasabay ng pagbagsak ko sa sahig. Nataranta naman ang ibang miyembro ng BTS at akmang tutulungan akong tumayo pero agad na akong tumayo at pinagpag ang pang upo ko. "Hehehe ang clumsy ko talaga. Sorry Jimin oppa, ah pasok nalang kayo sa loob ha? Nagluto kami ni Mikayla ng masasarap na pagkain." Masayang sabi ko sa kanila sabay pasok ko sa loob. "Oh apo tutal nandito na din ang BTS mauuna na ako ha? Behave." Sabay halik ni Lolo sa noo ko. "At kayo BTS alagaan niyo ang nag iisang apo ko ha? Mauna nako." Nag bow ang BTS kay Lolo kasabay ng paglabas ni Lolo sa mansion. Kaya eto kami kami nalang. Nag umpisa ng umakyat ang BTS para pumunta sa kani kanilang mga kwarto, pero syempre pinaka maganda ang kwarto ni Jimin. Inayos ko pa 'yun. Nilagyan ko na din ng mga pangalan nila ang bawat kwarto para hindi na sila maligaw. "Chucks, sigurado ka bang aangkinin mo talaga si Jimin? Remember buong mundo makakalaban mo kapag nalaman nila ang pagbili mo kay Jimin." Nakaramdam naman ako ng konsensya pero anong magagawa ko? Die hard fan eh. Hindi ko kakayanin na mapunta siya sa iba. "Hayaan mo na chucks. I'm ready to face the consequences para lang kay Jimin. Ganun ako ka desperadang makuha siya." Tumayo na ako at pumunta sa may system kung saan kapag nagsalita ka eh maririnig sa mga kwarto kwarto. "BTS baba na handa na ang dinner." Mga ilang sandali ay nakarinig na ako ng ingay kaya alam kong sila na 'yun. Pinaghandaan ko talaga 'tong pagkain nila kaya sana ma appreciate nila ang effort ko. Agad naman silang nagsiupo sa mga silya at tinitigan ang mga pagkain. Magaling at sikat akong chef sa US kaya alam kong hindi sila madidisappoint. 'Yun nga lang hindi ko alam lutuin ang mga korean foods kaya puro American foods muna ang ipapakain ko sa kanila. "Wow Miss Chachi! Chef ka ba? Pano mo naluto 'to?" Manghang tanong ni Jungkook. "Ah oo chef ako sa US. 'Yun din ang tinapos kong course. Kain na kayo." Nagliwanag naman ang mukha nila kaya agad na silang kumain. Pwera kay Jimin na pa easy lang at cool na cool na sumasandok ng pagkain. "Miss Chachi, dito na ba talaga kami titira? Hindi ba nakakahiya?" Tanong ni Jhope kaya agad siyang binatukan ni V. "May hiya ka pala hyung?" "Malamang! Ikaw kasi walang hiya kaya ganun!" "Hala sige! Mabilaukan ka sana!" Sigaw naman pabalik ni V. Kaya ayun nabulunan nga si Jhope kaya agad naman siyang inabutan ng tubig ni Jimin. "Hahahahaha! Bilis ng karma." Natatawang sabi ni V. "Walanghiya ka talagang alien ka! Lagot ka sakin mamaya!" Binelatan naman ni V si Jhope kaya akmang tutusukin ni Jhope si V ng tinidor ng tumikhim si Rapmon. Si Jin naman at Suga na busy lang na kumakain. "Tumahimik na kayo at nasa harap kayo ng pagkain." Suway ni Rapmon na nakapag patigil sa kanila. Napapangiti nalang ako ng patago dahil hindi ko akalain na ang Ultimate Bias group ko ay kasama ko sa iisang bubong at iisang hangin na hinihingahan. Napakasarap sa pakiramdam ng ganito, yung dati kong kinababaliwan na si Jimin, ay kasama ko na. Kahit na hindi maganda ang samahan namin, masasabi ko na ang swerte ko dahil ang pinapangarap ng lahat ay nasa puder ko. Wag kang mag alala Jimin, dahil hinding hindi ako titigil hanggat hindi ka nagkakagusto sakin. *tik!* Nakaramdam ako ng malakas na pitik sa noo ko kaya agad akong nabalik sa katinuan ko at bumungad sakin ang seryosong mukha ni Jimin. "W-waeyo?" Tanong ko sa kanya. "Hugasan mo na ang pinagkainan namin, tapos na kami at gusto ko ng magpahinga." Huh? Eh may katulong kaya ako dito. "May maids naman sila ng bahala magligpit kailangan ko pa kasing maghanda para sa--" "Wala na mga maids mo dahil pinaalis na ng Lolo mo. Sinabi ko na ayoko ng may ibang tao dito kaya wala kang choice kundi ang gawin ang naiwan nilang trabaho dito. Arraseo?" Tumango nalang ako kasabay ng pag akyat niya papunta sa kwarto. Okay lang na utusan niya ako, mahal ko siya eh. Okay nga 'yun eh para napag sisilbihan ko siya. Balang araw matututunan din niya akong mahalin, at sa panahong 'yun. Masasabi kong successful ang lahat ng paghihirap ko. "Chucks tulungan na kita." Sabi ni Mikayla ng makita niya akong nagliligpit ng pinagkainan ng BTS. "Ako na chucks. Baka magalit si Jimin, ako ang inutusan niya eh. Kumain na din tayo pagkatapos." Sabi ko sa kanya saka ko nag umpisang hinugasan ang pinagkainan ng BTS. Madami pa namang natirang pagkain kaya kinain na namin lahat 'yun. Kailangan kong matulog ng maaga dahil mahaba habang ensayo ang gagawin ko bukas. Papasok na sana ako ng kwarto ng makita ko si Jimin na lumabas ng kwarto niya. "J-Jimin? Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ako makatulog sa sobrang dumi ng kwarto ko. Pwedeng paki linis?" Seryosong sabi niya. For real? 11pm maglilinis ng kwarto? Pero wala akong choice kundi sundin ang mga sinasabi niya kaya agad akong tumungo sa cleaning room at kinuha ang mga vacuum at iba pa. Pinapunta ko muna si Jimin sa AVR para hindi siya maalikabukan kaya nag umpisa na akong maglinis. 1am ng matapos akong maglinis ng kwarto ni Jimin. Ang alam ko nilinis na ng dating maids ang mga kwarto lalo na kay Jimin pero bakit parang dinaanan ng bagyo? "Malinis na Jimin. Matutulog nako ha?" Hindi nalang niya ako pinansin saka siya padabog na pumasok sa kwarto niya at nilock ang pinto. First time kong maglinis ng ganun sa buong buhay ko at pakiramdam ko isang malaking achievement sakin 'yun dahil madami akong first na nagawa para kay Jimin at masaya ako dun. Sana balang araw pagkagising ko, mahal na din ako ni Jimin. Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD