CHACHI'S POV'
The next day, maaga akong nagising dahil may rehearsal ngayon ang BTS para sa comeback nila for Run music video. Excited na nga kami ni Mikayla kagabi pa, dahil kami din ang sasama sa BTS para makapag pakulay sila ngayon.
Sinuggest ko nga ang kulay orange na buhok para kay Jimin dahil sa tingin ko bagay sa kanya. Well lahat naman ata bagay sa kanya.
Nakapag prepare na din ako ng breakfast nila at ng babaunin nila para mamaya sa rehearsal kaya hinihintay ko nalang sila bumaba at alam kong nag aayos na ang mga 'yun.
*kring kring*
Oh! May tumatawag pala sakin.
"He.."
"Apo, buti naman at gising ka na. I just want to say na maghanda ka na din dahil isasabay ko ang debut mo sa comeback ng BTS. May schedule ka ngayon para sa rehearsal mo at recording kaya mag ayos ka na."
What?! Paano ko mababantayan niyan si Jimin?! Huhuhu. Sabi ko na nga ba eh, magiging sagabal lang 'tong pagiging Idol ko kay Jimin eh. Hayyy.
"O-okay lo, san ba ang rehearsal ko?"
"Sa Big hit lang din apo, nandun na ang mga magtuturo sa'yo. Sige na apo, goodluck."
*toot toot*
Ughh! Nakakainis naman! Pano na nyan 'to? Pano ko maaasikaso si Jimin? Pano kapag napawisan siya walang mag aabot ng tubig at twalya sa kanya? Tsk!
Nagdadabog ako sa inis at hindi ko nalang namalayan na nakababa na pala ang BTS at nakatitig lang sila sakin.
"Noona okay ka lang? Bakit mukang badtrip ka?" Tanong ni Jungkook. Ang bait talaga ng lalake na 'to kahit kailan. Kailan kaya magiging ganito sakin si Jimin? Wish ko lang.
"H-ha? Wala naman. Okay na kayo? Tara na." Nasan na ba si Mikayla napakatagal namang bumaba nun.
Nakarinig naman kami ng yabag ng paa sa may hagdanan kaya naman napatingin kami lahat dun, well speaking of.
"Tagal mo chucks!" Sigaw ko.
"Luh! High blood siya oh, BTS nga di nagrereklamo eh. Leggo!" Sabi niya sabay hablot sa kamay ko at tinangay na ako palabas.
"T-teka lang ilolock ko lang yung pinto." Napa 'ay' naman siya kaya binitawan na niya ako, pero agad naman hinablot ni V ang susi saka niya ako nginitian. Kyeoptaaaa~
"Ayus ah, mukang may naamoy ako sainyo ni Taehyung ha." Bulong ni Mikayla sakin kaya naman napatingin ako kayla Jimin pero ang loko inirapan lang ako kaya naman siniko ko sa tagiliran si Mikayla.
Pasakay na din sila sa van pati na din si V kaya naman pinanlakihan ko muna ng mata si Mikayla bago kami sumakay.
"Hahaha pikon." Sabi nalang niya kaya hindi ko nalang siya pinansin.
May kanya kanyang business kami ngayon sa van, si Jungkook at V na busy sa earphones nila habang kumakanta. Si Rapmon, Jhope at Suga na busy sa pag memorize ng rap, si Jimin na busy sa cellphone as usual. Si Jin na tahimik lang at nakatingin sa may bintana.
Excited na ako sa comeback nila, sana naman bigyan nila ng madaming lines si Jimin, ang galing kaya ni Jimin 'no. Mahiyain lang talaga.
Nang makarating kami sa parlor ng big hit, syempre excited na ako dahil gusto kong makita ang bagong look nila.
"Jimin! Anong kulay papakulay mo?" Tanong ni Jhope.
"Syempre yung request ni Minah sa kanya, kulay orange." Sabat naman ni V.
Napasimangot naman ako dun, akala ko naman ako lang ang nagrequest sa kanya nun hindi pala. T-teka nga..
Ano daw??? Minah?!
Sinong Minah? Minah ng Girls Day?!
"A-ano V.."
"Oh sinong mauuna sainyo? V ikaw muna mauna." Sabi ng stylist nila kaya napa pout nalang ako. Ano ba yan, wrong timing. Sino naman kayang Minah 'yun at napapasunod niya si Jimin ng ganun kabilis.
"Chucks, magpaayos ka na din! Diba malapit na debut mo? Anong kulay gusto mo? Bagay sa'yo pink o kaya white!" Tss. Okay na sakin 'tong ganitong style ko 'no, may tiwala ako sa karisma ko.
Umiling nalang ako sa kanya saka ko pinagmasdan si Jimin habang kausap ang stylist. Napaka gwapo talaga niya. Hayyy.
"Jinja?! Noona? Magiging idol ka na din?!" Tanong ni Jin kaya naman napatingin na din silang lahat saakin. Hindi ko ba nabanggit sa kanila 'yun?
"A-ano si Lolo kasi eh gusto niya akong maging solo artist sa company namin kaya umoo nalang ako." Napangiti naman sila sakin, except kay Jimin na napailing nalang at nag focus ulit sa cellphone niya.
Hindi kaya agad nalolowbatt cellphone ni Jimin at lagi niyang gamit? Nakakacurious naman yan, kahit sa BangtanTV lagi niyang hawak phone niya eh.
Hindi kaya.
*iling iling*
Malabo pa sa malabo. Walang babae si Jimin, tama tama.
"Nababaliw ka na naman." Bulong ni Mikayla sakin habang hawak hawak niya ang magazine at nagtitingin ng style.
"May balak ka bang magpaayos Chucks?" Tanong ko sa kanya.
"H-huh? W-wala naman, ano kasi... Ang totoo nyan.."
"Naghahanap ka ng magandang hair style kay Jungkook? Ganun ba?" Bigla naman siyang napaiwas ng tingin kaya naman napangiti nalang ako ng tago, parehas talaga kami ng sitwasyon ni Mikayla kaya lang hindi naman siya sinusungitan ni Jungkook.
"Yah! Jungkook, iniistalk mo na naman si IU ha!" Sinamaan naman ng tingin ni Jungkook si Jhope kaya nagtaas nalang ng dalawang kamay si Jhope bilang pagsuko.
Nagulat naman ako ng biglang isara ng padabog ni Mikayla yung magazine na hawak niya saka siya lumabas ng parlor kaya natahimik ang lahat at napatingin sa gawi namin.
"Oh anyare kay Mik mik?" Tanong ni Jhope.
"A-ano, baka naiihi lang siya." Gumana ka please.
"May cr dito oh!" Turo niya kaya napatampal nalang ako sa noo ko.
"Mas gusto niya kasi yung CR sa loob ng company. Mauna na din ako ha? May rehearsal din kasi ako. Annyeong!" Pinasadahan ko muna ng tingin si Jimin pero hindi man lang niya ako tiningnan kaya napasimangot nalang ako. Kailan kaya niya ako mapapansin?
Nakita ko naman na nag wave sila sakin pero hindi ko nalang pinansin at kanina ko pa nararamdaman ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng company pero hindi ko man lang nakita si Mikayla, saan naman kaya nagsususuot 'yun?
Napatigil naman ako sa pagtakbo ng makita ko si Mikayla na papasok sa loob ng office ni Lolo, kaya napakibit balikat nalang ako at tinuloy ang paglakad ko papunta sa studio.
Baka naman kakausapin lang niya si Lolo, magtetext nalang ako sa kanya.
To Chucks: Bakla! Nandito na ko sa studio sunod ka ha! Mwaa!
Napatayo naman ang mga magtuturo sakin, saka sila isa isang nag bow sakin.
JIMIN'S POV'
Magiging idol pala si Chachi? Balak ba niya kaming agawan ng pwesto sa countdown? Pwes hindi siya magtatagumpay.
"Woow, hindi talaga ako maka recover, magiging idol na din si Noona Chachi, pag nagkataon kabog niya lahat ng girl group." Todo naman sa compliment tong si V pagdating sa feelingerang babae na 'yun.
"Oo nga eh, kalaban niya pa si IU. Kinakabahan tuloy ako." Oo nga pala solo artist ang gusto ni Jungkook. Bakit kasi umeepal pa yung babae na 'yun? Kahit ba ka company namin siya, hindi naman ata tama na bigla nalang siyang magiging idol.
Para ano? Para mapansin ko siya? Please lang, si Minah lang ang nagmamay ari ng mata, puso at isip ko.
"Lalim ng iniisip mo Chimchim ah. Siguro iniimagine mo si Miss Chachi na nagpeperform no? Ayiiii!" Wtf?!
Lalo akong nainis kay Suga ng tusok tusukin niya pa ako sa tagiliran kaya naman sinaway siya ng stylist na nag aayos ng buhok ko.
"What the hell are you talking about? Malabo pa sa malabo na isipin ko ang babaeng 'yun. Ayoko sa clingy alam mo yan." Napakibit balikat nalang si Suga tsaka niya tinuon ang pansin niya sa cellphone niya at naglagay ng earphone sa tenga niya.
"Balang araw kakainin mo din yang sinabe mo." Hindi ko narinig ang sinabe niya dahil sa ingay ng blower na pinampapatuyo sa buhok ko kaya napailing nalang ako at tinuloy ang naudlot naming pagpapalitan ng text ni Minah.
After 6 hours...
Sa wakas! Tapos na din ang rehearsal namin. Maganda ganda din ang magiging comeback namin kaya sana magustuhan ng fans, lalo na ang choreography namin sa Run.
"Nakakamiss naman si Miss Chachi, nasan na kaya 'yun?" Tanong ni Rapmon.
Eesh! Bakit ba nila laging hinahanap 'yun? Hindi ba sila naaasiwa sa itsura ng babaeng 'yun? Tsk.
"Oh! Jimin may bisita ka." Agad naman akong napatingin kay Jungkook na nakatayo sa may pintuan at laking gulat ko ng makita ang babaeng mahal na mahal ko na malapad ang ngiti saakin.
What is she doing here?
"Ayun eh alive and kicking na naman si Chimchim. May energizer na ulit!" Sigaw ni V kaya naman sinamaan ko siya ng tingin pero wala pa din siyang humpay kakatawa.
Agad naman akong tumayo saka nag ayos ng buhok, bago ko lapitan si Minah na nakatayo sa may pintuan.
"Pasok ka." Sabi ko sabay hila ko sa kamay niya saka ko siya ikinuha ng upuan at pinaupo duon. Napakaganda talaga niya. Hindi ko maiwasang tingnan ang maamo at napakinis niyang mukha.
"What brings you here?" Tanong ko sa kanya.
"Wala kasi kaming magawa, kaya nagkanya kanyang lakad kami. Tinawagan ko manager niyo then ayun sabi niya nagrerehearse daw kayo at inaya akong manuod sa inyo." Wow buti naman at walang nakakitang reporter sa kanya, lagot siya sa fans kapag nagkataon. Ayokong masira ang image ni Minah ng dahil sakin, at ayokong awayin siya ng mga sasaeng.
"I'm glad at ako ang naisipan mong puntahan. Ah.. C-can I ask you something.." Sh*t! Pano ko ba itatanong sa kanya 'to.
Okay kalma Jimin. Kaya mo yan.
Nakakunot noo lang siya sakin kaya hindi ko maiwasang hindi mailang at mapatulala sa mga mata niya. Ngayon ko lang napansin may hawig pala siya kay Kei ng Lovelyz, pero mas maganda pa din si Minah ko 'no!
Natauhan naman ako ng pumitik siya sa harapan ko kaya nag iwas kaagad ako ng tingin saka napatikhim.
"Ano yung itatanong mo?"
"C-can I ask you out? I-I mean.. Can I ask you out on a date with.. with me??" Halata namang nagulat siya sa tinanong ko pero agad naman yun napalitan ng ngiti kaya napangiti na din ako.
Alam kong papayag siya.
"Su--"
"HINDI PWEDE!" Nagulat naman kaming dalawa ni Minah sa biglang sumigaw at laking gulat ko ng makita ang babaeng ayaw na ayaw kong makita.
What the hell is she doing here?!
"Hindi kayo pwedeng mag date dahil busy ang BTS." Nakita ko naman na napataas ang kilay ni Minah sa sinabe ni Chachi kaya naman napatayo kaagad siya at akmang susugod ng pumagitna na ako.
Naalarma din ang mga ka miyembro ko kaya naman hinawakan na nila si Chachi at inilayo saamin.
Malapit ko ng masapak ang babaeng 'to.
"And who are you to decide what Jimin wants?" Mataray na tanong ni Minah. Nagulat ako, hindi ko expect na lalaban si Minah. I never saw this side of her, napangiti nalang ako ng patago.
That's my girl. Show that Chachi what she deserves.
"I'm the granddaughter of the owner of this company, got a problem with that?" Sheez! I almost forgot amerikana nga pala 'tong kinakalaban ni Minah.
Sinamaan ko naman ng tingin si Chachi kaya nakita ko ang biglang pagbago ng expression niya sa mukha. And I can see pain in her eyes..
Those eyes..
*iling iling*
Focus Jimin! Focus!
"So what kung ikaw ang apo ng may ari ng kumpanya na 'to? Eh hindi naman ako ang nagtatrabaho dito." Sabay tingin niya kay Chachi mula ulo hanggang paa.
"Like I care. You know what, why don't you just go back to your company and mind your own business, hindi yung mabubulabog ka dito sa big hit." Sabi naman ni Chachi. That's it! I've had enough, hindi ko na hahayaang bastos-bastusin ng babaeng 'to ang mahal ko.
"Could you please shut up?!" Napaatras naman sa takot si Chachi sa pagsigaw ko kabilang na din ang mga hyung kaya medyo nakaramdam ako ng konsensya. Pero hindi na tama 'to, masyado na niya kaming pinapakialaman ni Minah.
"J-Jimin.."
"Please Chachi, will you just please shut your mouth. And don't you dare raise your voice at Minah. Ako na ang makakalaban mo." Mahinahong sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang panggigilid ng luha niya sa mata kaya napaiwas kaagad ako ng tingin.
Kahit naman na hate ko siya, I hate seeing crying girls. Parang hindi kasi nila deserve, pero ibang usapan na 'to eh.
"Jimin! Wag mo namang takutin si Miss Chachi, alalahanin mo kung sino ang kinakausap mo." Banta ni V kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Stay out of this, kung ayaw mong pati tayo ay mag away." Sabi ko nalang saka ko hinablot ang wrist ni Minah at nagmadaling lumabas ng magsalita ulit si V.
"Wala na akong pakialam kahit mag away pa tayo kung si Chachi na ang usapan dito." Napatigil ako sa paglalakad sa narinig ko.
Tama ba ang rinig ko? Okay lang kay V na mag away kami basta si Chachi na ang usapan?
May gusto ba siya kay Chachi?
"Kaya wag kang magkakamaling saktan siya at ako na ang makakalaban mo." Hindi ko nalang namalayan na napakuyom ako sa kamao saka ko hinablot si Minah at lumabas sa pesteng lugar na 'yun.
Simula ng dumating yang Chachi na yan, nagkanda g**o g**o na ang buhay ko! Hindi pa tayo tapos.