Chapter 19

1888 Words
NARRATOR'S POV' Busy-ng pinagluluto ng Lola ni Jimin si Jimin at Chachi kaya naman nag gala gala sa loob ng bahay si Chachi na sinusundan naman agad ng tingin ni Jimin. Hindi alam ngayon ni Chachi na sinusundan siya ng tingin ni Jimin. May earphones kasi na nakapasak sa tenga nito at pinapakinggan ng paulit ulit ang Lie na kanta ni Jimin. Napangiti naman ng patago si Jimin dahil naririnig niya ito sa sobrang lakas ng tugtog ni Chachi kahit na naka earphones pa ito. Binato naman ni Jimin ng throw pillow si Chachi kaya napatingin si Chachi dito at tinanggal ang isang earphone. "What are you listening at? You don't even hear me talking. Tss." Pagsisinungaling nito. "A-ah.. Epiphany ni Jin pinapakinggan ko." Saka niya ito ulit sinuot sa tenga. Lalong napangiti si Jimin ng patago. "Epiphany huh?" Mahinang bulong nito sa sarili. Tumayo si Jimin saka nito pinuntahan si Chachi na pinagmamasdan ang mga photo albums ng biglang tanggalin ni Jimin ang isang earphones nito tsaka nilagay sa tenga niya at tumango tango. "So Epiphany pala ang title nito?" Nagulat naman si Chachi sa ginawa ni Jimin kaya naman inagaw niya ang earphones saka pinatay ang tugtog. "N-natapos na kasi yung Epiphany, Lie yung kasunod." Tumango tango naman si Jimin na natatawa. Hinablot ni Jimin ang cellphone ni Chachi saka tiningnan ang buong music playlist nito. Puro solo songs lang ni Jimin ang nandun at ang Stigma ni V. "Tss. You're a great liar. You know that?" Tumitig ito kay Chachi. "But I like it. In a good way though." Hindi mapigilan ni Chachi ang kiligin sa kaloob looban niya.  Hindi niya akalain na nag uusap na sila ni Jimin ngayon, na para bang walang nangyare nung mga nakaraang araw. Naisip tuloy niya kung nagiging mabait lang ba to ngayon dahil ba nandito lang sila sa bahay ng Lola ni Jimin. "So what do you think of the song?" Pang aasar pa neto. "Maganda. Lahat naman ng kanta mo maganda." Naisip ni Chachi na kahit na nagpapanggap lang na mabait si Jimin sa kanya, okay na para sa kanya yun. Kaysa laging pinag iinitan siya mas gugustuhin nalang niya na okay sila kahit na hindi totoo para kay Jimin. Hindi mapigilan ni Jimin na tumitig kay Chachi. Hindi niya alam kung bakit pero para sa kanya napapangiti siya nito at hindi niya maalis ang mga tingin niya dito. "Why are you looking at me like that?" Tanong ni Chachi pero hindi naman pinansin ni Jimin yun saka siya nag iwas ng tingin at tumayo. "I'll just go to Grandma. Dyan ka lang muna." Walang reaksyon na sabi ni Jimin saka ito nag ayos ng damit at pumunta sa Lola niya. TAEHYUNG'S POV' Napaupo ako sa may bato malapit sa gate ng mansyon. Hanggang ngayon hindi pa din ako umaalis dito dahil sa mga pangyayare na napagmasdan ko kanina. Kitang kita ko kung paano sundan ni Jimin si Miss Chachi na papunta sa kotse, pinagmamasdan niya kung paano umiyak si Miss Chachi sa sasakyan habang nakadukdok ang ulo nito sa manibela. Nakatago si Jimin sa may puno malapit sa gate kaya kitang kita ko kung paano niya ito titigan. Akala ko ba hindi niya gusto si Miss Chachi? Anong nangyayare? Palabas ba lahat ng yun? Pagkatapos umandar ng sasakyan ni Miss Chachi, kitang kita ko kung paano pumara ng taxi si Jimin saka sinundan si Miss Chachi. Nagseselos ako. Napayuko ako, hindi ko alam bakit bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Ugh! Pota! Bakit ba ako umiiyak dito? Mukha naman akong kaawa awa dito. Hindi naman ako susuko agad, alam kong nagsisimula palang. Fvck! I love her. Alam ko masyadong mabilis pero yun agad ang naramdaman ko ng una ko palang siya makita. At gagawin ko lahat para lang mahalin ako ni Miss Chachi. "Yah, Taehyung. Ginagawa mo dyan?" Pinahid ko naman agad ang luha ko ng makita ko si Jin hyung na palapit. "Kanina ka pa namin hinahanap. Asan si Jimin?" I shrugged. "Umalis na naman ba ng walang paalam? Tsk." Tumayo na ako saka pumasok sa loob. "Ano bang ginagawa mo dyan? Okay ka lang ba?" Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa saka ako yumuko. "Yeah. Nagpapahangin lang." Binilisan ko ang lakad ko papunta sa kwarto ko. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Pero nakakasiguro ako na magkasama sila ngayon. May announcement kanina na lumabas sa article na hindi na tuloy ang pagiging partner ni Miss Chachi at JB dahil, walang sinabe kung ano ang dahilan pero nakakasiguro ako na si Jimin ang may pakana ng lahat ng yun. Napakuyom ako ng kamao saka kinuha ang phone ko. CHACHI'S POV' Agad kong sinagot ang phone ko ng makita kong tumatawag si Taehyung. Napangiti naman ako. "Hi V!" Kumaway kaway pa ako na para bang nakikita naman ako nito. "Hahaha, hi M-no. Hi Chachi. Napag isipan ko na hindi na kita tatawaging Miss Chachi." Napakunot noo naman ako sa sinabe ni V saka ko tinabingi ang ulo ko. "Oo naman, ewan ko ba sainyo bakit may Miss pa eh magkakasing edad lang naman tayo." Masayang sabi nito. "Anong ginagawa niyo?"  "Wala nga eh. Kakatapos lang kanina mag browse ng articles sa Twitter. By the way.. Totoo bang hindi na si JB ang partner mo sa We Got Married?"  "Oo. Jusko ewan ko ba kay Jimin bigla bigla nalang sasabihin sa Lolo ko na siya nalang daw ulit ang partner ko. Ipostpone na muna daw ang World Tour niyo." Napatingin naman ako kay Jimin na papalapit saakin. "Really? W-wow. I-is that great news?" Masama ang tingin ni Jimin saakin ewan ko kung bakit. Balik balik ang tingin niya saakin atsaka sa phone ko kaya tinakpan ko naman ang mouthpiece ng phone ko. "Si V to." Sabi ko kay Jimin. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hablutin ang phone ko saka kinausap si V. Nawiwili tong si Jimin na hablutin lagi phone ko ah. Baka may sasabihin siguro kay V yun. Pinagmasdan ko lang si Jimin na palabas ng pinto para kausapin si V ng makita kong dala dala ni Lola ang isang tray na may lamang juice at pagkain. Agad naman akong tumayo at tinulungan si Lola. "A-ay thank you iha. Napakabait mo naman." Saka niya hinawakan ang buhok ko at ngumiti ng malapad saakin. "W-wala po yun. Ang ganda po ng bahay niyo." Napatawa naman si Lola. "Nako iha, walang wala daw ito sa bahay niyo sabi ng apo ko. Kamusta naman ba ang apo ko? Mabait ba?" Pagbibiro nito. "O-opo sobrang bait po." Ayoko namang sabihin kay Lola ang lahat dahil ayokong ma stress si Lola at baka mapano pa siya. "Ilang taon na ba kayong mag noby--" "HALMEONI!!!!" Nagulat kami ng bigla nalang sumigaw si Jimin na nagmamadali pumasok. "Ano ka ba namang bata ka! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Pinalo naman ng mahina ni Lola si Jimin sa balikat saka ko nakita na hingal na hingal si Jimin. "Tinatanong ko lang kay Chachi kung--" "Halmeoni. Jebal." Napahawak si Jimin sa sentido niya. Ano ba yung itatanong ni Lola? "Eh diba kasi sabi mo kanina--" "We'll talk about this tomorrow halmeoni."  Inumpisahan na namin ang pagkain, wooow! Grabe sobrang sarap huhuhuhu. Best Tteokbokki at Kimchi ever! "Pasensya ka na iha, biglaan naman kasi ang dating niyo kaya hindi man lang ako nakapamili. Hayaan mo next time, gagawin kong espesyal ang luto ko." Hindi ko mapigilang mapatitig kay Lola, dapat kay Lola namamahinga nalang. Nalungkot ako dahil isang katulong lang ang kasama niya dito.  Hindi ko mapigilang maluha, naalala ko tuloy si Lola nung nabubuhay pa siya. Lagi akong pinagluluto tuwing umuuwi kami sa kanila. Lagi din kaming pinag gogrocery kahit na hindi na niya kaya masyado maglakad. Grandma's are the best talaga. "Iha okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Napatingin din saakin si Jimin na gulat na gulat. "P-po? Wala po napuwing lang po ako siguro. Hehehe. Ah L-lola okay lang po yun, hindi niyo naman po kami kailangang pagsilbihan dapat nga po eh namamasyal nalang kayo at nagbobonding kasama si Jimin. Hehehe." Tinaas taas ko naman ang kilay ko kay Jimin kaya napairap naman siya. Psh sungit. "Alright. That's enough halmeoni. We should go, may rehearsal pa kami."  Napatingin ako sa relo ko, 6pm na pala ang bilis talaga ng oras. Pero sana lagi nalang ganto. Sana laging kaming magkasama ni Jimin. Sana hindi na siya bumalik sa dating trato niya saakin. Kahit ganito lang kami ngayon masaya na ako, kahit na may Minah pa siya. Lumabas na kami sa bahay ng Lola ni Jimin nauna ako dito sa kotse dahil pinagbalot pa ni Lola si Jimin ng kimchi at mga side dish. Di ko talaga mapigilan luha ko. Naaawa ako sa Lola ni Jimin, gusto ko siya dalawin araw araw pero baka magalit si Jimin saakin. Baka sabihin niya na masyado ng makapal ang mukha ko. Gusto ko siyang tanungin kung nanggaling na dito si Minah pero wag nalang siguro, for sure naman nakapunta na yun dito. Kung ako nga na hate ni Jimin nakapunta, girlfriend pa kaya niya. Maya maya pumasok na din si Jimin sa kotse at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Kahit kelan talaga magmaneho tong lalake na to. Daig pa nasa Fast and Furious. TAEHYUNG'S POV' The nerve of that guy. Simula ngayon kakalimutan ko ng kagrupo ko siya. Taluhan pala ah? Sige pagbibigyan kita. Flashback "Oo. Jusko ewan ko ba kay Jimin bigla bigla nalang sasabihin sa Lolo ko na siya nalang daw ulit ang partner ko. Ipostpone na muna daw ang World Tour niyo." Huh. I knew it.  Sabi ko na eh si Jimin talaga ang dahilan kung bakit nag cancel yung kay JB. "Really? W-wow. I-is that great news?" Tanong ko sa kanya pero gustong gusto ko ng ibaba ang phone dahil sa naririnig kong masaya ang boses niya. Call me selfish, pero sinasarili ko. Okay na saakin na masaya siya dahil kahit papaano nag iiba ang pakikitungo ni Jimin sa kanya. Pero malaman ko lang talaga na sasaktan siya ulit ni Jimin makakatikim na talaga siya saakin. Kahit makarating pa ng media to. Hindi ko na narinig ang sagot niya ng bigla nalang may saglit na katahimikan. "Hello? Chachi?" Napaupo na ako sa kama. "What the fvck do you want Taehyung?" Napakuyom ako ng kamao saka ako tumayo.  "Bakit nasayo ang phone niya? Siya ang kausap ko hindi ikaw Jimin." Rinig ko ang pag ngisi niya sa kabilang linya. Wag ka lang babalik dito Jimin tingnan ko lang kung maka ngisi ka pa. "Hmm. Am I asking for your fvcking opinion fvcking moron?" Hindi ko na alam kung anong pag mamake face ang gagawin ko sa sobrang gigil ko kay Jimin. "Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Ano na naman bang trip mo? Pwede ba kung man titrip ka tigilan mo si Chachi. May Minah ka na!" Sigaw ko dito. Pero lalo lang siyang tumawa. "Anong magagawa mo? She's mine. Chachi's mine. SO BACK OFF!" Call ended. End of Flashback Naitsa ko ang phone ko sa sobrang gigil pagkatapos ng tawag na yun. He doesn't deserve Chachi. Masyadong perfect si Chachi para sa isang basura na kagaya niya! Makita lang kita Jimin, hinding hindi ko na palalampasin to. Tatapusin ko yang kalokohan mo. Chachi's yours? Well. I'll make her mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD