Chapter 18

2083 Words
MIKAYLA'S POV' It's been a week na hindi ako kinakausap ni Chachi. If only she knew the real reason why Jimin and I are communicating. Hindi ko naman talaga inaagaw sa kanya si Jimin. Kung hindi lang talaga ako pinagsabihan ni Jimin na wag sabihin kay Chachi na cinocontact niya ako para malaman ang ginagawa ni Chachi at kung saan nagpupunta o kung sino ang kasama niya eh. Yup! Totoo. I think Jimin is just denial pero nagkakagusto na din siya sa bestfriend ko. Hindi ko din alam kung bakit nagustuhan niya si Minah eh, sa aura palang ng babae na yun halata namang mukhang materialistic at namemera. Naaalala ko nung 1st concert na pinuntahan namin ni Chachi. Flashback "Huy! Mikayla! Dalian mo tae ka! Pag ako di ko nakita pagmumuka ni Jimin sinasabe ko sayo!." "Sandali naman kasi ang dami kayang tao." First time ko talagang makipag slam-an at makipag bungguan sa mga tao makasiksik lang at makapunta sa pinakaharap ng VIP Standing. Nagsimula ang concert nila sa kantang Dope, kaya napatingin naman ako kay Chachi na may hawak na light stick habang naiiyak na pinagmamasdan si Jimin. "Bottled water na ininuman lang ni Jimin masaya na ako. Kahit maging mahirap pa ako." Natawa naman ako sa sinabe niya. Napaka fangirl talaga. Well di ko naman siya masisisi, lahat naman ng fangirls hinihiling na sana naging bottled water nalang sila o mic sa panahon ng concerts hahahaha. "Sana naging mic nalang ako para nadadampi labi ni Jimin sa akin. Huhuhuhu." Naiiyak na sabi niya. Tawa nalang ako ng tawa sa kanya dahil kung makikita lang ng BTS ang pagfafangirl ng babaitang to, ewan ko lang talaga. End of Flashback Ang sarap kaya magka jowa ng fangirl! Ewan ko ba dyan kay Jimin kung sa dinami dami ng mukhang matino na Kpop Idol eh sa Minah pa na yun nagkagusto. "Hey, have you seen Chachi?" Tanong ni Taehyung habang umiinom ng tubig. Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na umiinom sa harap ko ang Bangtan. "Ani. How should I know?" Matapang na tanong ko. "Hindi pa din ba kayo nagkakaayos? Ano ba kasing nangyare?" Tanong niya saka niya nilapag ang baso niya sa lababo at nagpunas ng bibig. Sumandal siya sa may ref saka humarap saakin. "Wala. Normal na samin to." Sabi ko saka umiwas ng tingin. Jusko totoo ngang nakakaloko ang titig ng isang Kim Taehyung. *ehem* "S-sige na. May gagawin pa ako." Takte bakit ba ako nauutal? "Bakit nauutal ka?" Tanong nito kaya naman naglakad ako palayo ng kusina ng hawakan ako ni Taehyung sa wrist kaya nanlaki ang mga mata ko saka napatitig sa kamay niya na nakahawak saakin. "Hey hey. Sana magkaayos na kayo ni Chachi, she needs you right now. She needs a friend. Please." Napakunot noo naman ako sa kanya. "Nandyan ka naman para sa kanya diba?" "Well yes." Binitawan na niya ang kamay ko saka niya nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng sweatpants niya. "Pero iba pa din pag totoong kaibigan na ang kausap niya. She really needs you." Umiwas naman ako ng tingin. "O-okay. I'll try." "Thank you. It's the first thing that I should do for her. Na magkaayos kayo." Napangiti naman ako sa kanya. Oo tama. Ano bang ginagawa ko? Imbis na hindi ko pansinsin si Chachi, bakit hindi ako mag explain sa kanya at ayusin ang misunderstanding na wala naman talagang namamagitan saamin ni Jimin. Kakatok na sana ako ng kwarto niya ng magsalita si Jimin sa likod ko. "What are you doing?" Napataas naman ang dalawang balikat ko sa sobrang gulat. "I should tell Chachi." "What?!" Nanlaki naman ang mga mata ko saka ko hinila papalayo si Jimin sa tapat ng kwarto ni Chachi. Dinala ko siya sa terrace ng living room saka ko siya binitawan. "What now? Why do you need to drag me all the way here?!" Napatakip naman ako sa tenga ko sa lakas ng boses ni Jimin. Bakit nalang ba laging galit at nakasigaw ang isang to? Jusko. Ibang iba sa Jimin na nakikita ko sa videos nila. "Luka ka ba? Pano kung marinig na naman ni Chachi na magkasama tayo? Edi lalong nagalit saakin yun!" Wala pa ding reaksyon sa mukha niya. Napaka misteryoso nga talaga ng isang Park Jimin. "And what do you think you're doing? Anong sasabihin mo sa kanya? Na nagkakausap tayo dahil tinatanong ko siya? *smirk* dream on Mikayla. Tinatanong ko siya sayo dahil pinakiusapan ako ng Lolo niya na bantayan si Chachi at kahit labag daw sa loob ko ipakita ko daw na nagiging concern ako sa kanya. So can you please cut the crap and shut up?" Nanlumo naman ako dun. Akala ko naman all this time kaya niya hinahanap si Chachi at laging tinatanong ay dahil nagkakagusto na siya or nagseselos kay JB. Hayyyy. Kawawa naman bestfriend ko. Ang hirap pala talagang maging fangirl. "S-sige. Pasensya na. Kinausap kasi ako ni Taehyung eh." Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "I'll handle him. So can you just shut up and mind your own business?" "Eh anong sasabihin ko kay Chachi kung bakit tayo nagkakausap?" He shrugged. "Hell I care. Ayoko lang na mag isip na naman ang babaeng yon na hinahanap ko siya. Iisipin pa non may gusto ako sa kanya. Mas magiging kawawa lang siya kung ganon. Aasa lang siya sa wala." Inayos niya naman ang buhok niya saka siya umalis. Napabuntong hininga naman ako. Ang g**o. Hindi ko na alam ang gagawin ko. JIMIN'S POV' Kailangan kong mahanap ang lalakeng yun! Tigas talaga ng mukha niya para mangialam sa mga plano ko. "Where the hell is that fvcking Taeh--" Hindi ko na natuloy ang sinasabe ko ng magkasalubong kami ni Chachi. Kakalabas niya lang ng kwarto niya. Saan na naman kaya pupunta ang babaeng to? I was just about to ask her ng mag iwas siya ng tingin saka siya nagtuloy tuloy lumakad. Tsk. Agad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso kaya napatigil naman siya sa paglalakad. Hindi pa din siya tumitingin saakin. "Where are you going?" Tumingin siya saakin ng nakataas ang isang kilay. "Why do you care?" Wtf?! This is the first time she said that to me. "Oh I don't. But when your Grandpa calls I should know what to say." Sabi ko saka siya napangisi. "May taping ako sa We Got Married with JB bukas and we need to do our last rehearsal. Ako ng bahala sa Lolo ko." Marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya saka siya bumaba ng hagdan. Really Chachi? Magpapanggap ka na cold saakin para lang mapansin kita? Well. It's working. Let's see kung matuloy ang taping mo. CHACHI'S POV' Muling tumulo ang mga luha ko pagkatapos kong kumalas kay Jimin. Aaminin ko bumilis ang t***k ko ng hawakan niya ako pero kailangan kong magpakatatag. Pagod na ako. Ayokong umasa sa wala. Susuportahan ko pa din naman siya at bias ko pa din siya. Pero iiwasan ko lang muna siya habang nag momove on ako. Iniisip ko na muna ang tambak na sched ko at taping. Sumakay ako sa kotse ko saka dumukdok sa manibela. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bakit ba ang hirap mo mahalin?" Napakahirap mong mahalin Jimin. Hindi pa din ako maka move on sa halik niya. Napahawak ako sa labi ko saka naisip ang paghalik niya saakin. *Iling iling* Pinaandar ko na ang kotse saka ako pumunta sa dorm ng Got7. Naisipan kasi namin na duon muna mag practice dahil napakadaming issue sa mansyon at ayokong malaman ni JB pa yun. Nakarating ako sa harap ng dorm nila ng bigla bumukas ang pintuan ko at nakita ko si Jimin na umuusok ang ilong sa galit. P-paanong? "Move." Sabi nito. Pinapausog niya ako sa passenger seat. "I said move!" Sigaw nito. Hindi ko alam kung bakit napausog naman ako agad ng makita ko siyang galit na. Anong nangyayare? JB is waiting for me. "Ano bang ginagawa mo Jimin? Paano moko nasundan?" Tanong ko sa kanya. "Pwede ba wag ka ng madaming tanong?" Papaandarin niya na sana ang kotse ko ng harangin ko ang kamay niya. "Teka! Saan tayo pupunta? Hinihintay ako ni JB!" Sabi ko dito. Kita ko naman ang pag ngisi niya kaya sumandal nalang ako ng padabog. "Do you think I'd let you go there? Sa dorm ng mga lalake? Dream on Chachi." Anong bang sinasabe niya? Dorm ng mga lalake? Eh bakit sila ba? Anong tawag niya sa sarili niya na kasama ko sa mansyon? Ugh! Nakakainis!! "Saan moko dadalhin?" Nag ring naman ang phone ko. Tumatawag si JB, anong sasabihin ko? Sasagutin ko na sana ng hablutin ni Jimin ang phone ko at siya ang sumagot. "What the fvck do you want?" Nanlaki ang mga mata ko sa paraan ng pag usap ni Jimin kay JB. "Are you crazy???" Mahinang tanong ko kay Jimin. Aagawin ko sana ang phone sa kanya pero naalala ko nagmamaneho nga pala siya baka maaksidente pa kami. "She's not coming. Oh and by the way, you won't be her partner anymore. I'll comeback." O_____O O_____O Totoo ba ang sinasabe ni Jimin? Na siya na ang magiging partner ko ulit? Pwede ba yun? Eh may World Tour sila. Nababaliw na ba siya? Binaba niya ang call saka niya ibinulsa ang cellphone ko. Thinking na ang cellphone ko nakabulsa kay Jimin napangiti naman ako at kinilig. Omaygad. Ano ba tong ginagawa ko. Chachi kalma! Akala ko ba moving on ka na? *Iling iling* "Nababaliw ka na ba? Anong iniiling iling mo dyan?" Tanong niya saakin. "Wala! Kinikilig kasi ako kay Taehyung." Pagbibiro ko. *Screeeeeechhhh* Tunog ng preno yan wag kayong ano. "WHAT THE FVCK?!" Buti nalang talaga at naka seatbelt ako kundi tumalsik ako sa windshield kung nagkataon sa sobrang lakas ng preno niya. May mali ba akong nasabi? Napakatakip naman ako sa tenga ko ng sumigaw si Jimin. Daig pa babae sa lakas ng boses grabe. "Bakit ba sumisigaw ka?!" Tanong ko dito. "Bakit hindi ka din ba sumisigaw?!" Sigaw niya ulit pabalik. Isang minutong katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse ng paandarin muli ni Jimin ang kotse. Hindi ako pamilyar sa lugar kung saan niya ako dinala. Nauna siyang bumaba sa kotse kaya sumunod ako kaagad sa kanya. Grabe. Isa din to sa nagustuhan ko kay Jimin, kakaiba ang lakad niya. Alam mo yung parang naglalakad siya palagi sa runway? Ugh! Ano ba tong naiisip ko bakit ba lagi ko nalang siya cinocompliment sa utak ko?! Move on na Chachi! Hindi ka niya gusto okay?! "What the hell are you doing? Hindi ka ba susunod?" Tanong nito kaya naman nagising ako sa ulirat. "H-huh? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Ano bang sabi ko? Diba wala ng madaming tanong?" Nag umpisa na siyang maglakad kaya naman sinundan ko agad siya. Walang tao dito. Hindi ko din alam kung anong lugar to hindi pa ako familiar sa South Korea gaano. "Jimin." Tawag ko sa kanya pero parang wala siyang marinig. Huminto kami sa isang bahay na sobrang antique style. Ang cute! "Kaninong bahay to?" Sinamaan naman niya ako ng tingin pero maya maya ay nagsalita na din siya. "My grandma." Nanlaki naman ang mga mata ko. "G-grandma? Diba sa Bu--" "Yeah. Nagpagawa siya bahay dito sa Seoul para kapag wala akong mapuntuhan dito ko nalang daw siya pupuntahan. 1 month lang siya dito uuwi na siya ng Busan, pero babalik din after 2 weeks." Napatango naman ako. "Pero bakit sinama mo pa ako?" Pwede naman siyang pumunta mag isa dito pero bakit sinama pa niya ako. Enebe. Hindi kaya ipapakilala niya ako sa Lol-- Pinitik naman niya ako sa noo kaya napahawak ako dun. "Kung ano ano na naman iniisip mo dyan. Sinama lang kita para may kotse akong masakyan. Ayokong mag taxi masyadong mabagal." Napa pout naman ako saka siya nag iwas ng tingin. "Psh." Kala ko naman sinama ako dahil gusto niya talaga ako isama dito. Maya maya ay bumukas ang gate at tumambad ang Lola niya na malawak ang ngiti saka naman sinalubong si Jimin ng yakap. "Halmeoni!!" Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang napagtanto na may soft side din pala si Jimin lalo na sa Lola niya. I smiled to that thought. You're really something Jimin. Totoo nga ang kasabihan nila. Once you JimIn you can't JimOut. And that is true...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD