Chapter 17

1679 Words
CHACHI'S POV' Pinagmasdan ko si Taehyung na dahan dahan na lumabas ng kwarto ko saka lalong napabagsak ang balikat ko. 'Hayy, ang harsh ko ba masyado sa kanya?' Agad naman akong tumayo para habulin si Taehyung pero napatigil naman ako ng makita ko si Mikayla na palabas ng kwarto. Hindi ko na tinuloy ang paglabas ko ng kwarto saka ko sinara at nilock ang pinto. Bakit ba nagkaganito? Bakit parang lumala pa nung sinabe ko na ibabalik ko na sila sa normal nilang buhay? Hindi ba't yun naman talaga ang gusto nila? "Ang tanga tanga mo talaga Chachi, lagi ka nalang nagpapadalos dalos." Sabi ko sa sarili ko. Napasuklay ako sa buhok ko saka ko ito ginulo g**o. Umupo ako sa dulo ng kama saka ako humiga. Gusto ko lang naman magustuhan ako ni Jimin, pero bakit lumala ng ganito? Napaka selfish ko na ba talaga? Kaya siguro hindi din ako magustuhan ni Jimin dahil sa mga desisyon ko na hindi pinag iisipan ng maayos. "Ugh!!!! AYOKO NAAAAAAA!!!" Pumadyak padyak ako saka ko ginulo lalo ang buhok ko. Di ko na alam ang gagawin ko. Tapos yung.. yung kanina.. yung halik ni Jimin. Waaaaaaa!!! Bwisit talaga!!! Ano bang gusto niya iparating? Okay na nga eh tanggap ko na. Tanggap ko ng hindi niya ako magugustuhan pero bakit kailangan halikan pako? Edi lalo lang ako naguluhan at nahihirapan ngayon??? TAEHYUNG'S POV' "AYOKO NAAAAAAA!!!" Napatigil naman kami sa pag aayos ng gamit sa sala ng mga maleta namin ng marinig namin ang hiyaw ni Miss Chachi. "Si Miss Chachi ba yun?" Tanong ni Jhope hyung. "T-teka nga." Sabi ko sa kanila saka binitawan ang backpack ko at nagmadaling puntahan si Miss Chachi sa kwarto niya. Baka mamaya ano na nangyare dun. Huminga muna ako ng malalim saka kumatok. *knock knock* "M-Miss Chachi?" Nakarinig naman ako ng yabag ng paa saka bigla tumunog ang pinto na para bang naalis ang pagka lock nito kaya binuksan ko naman agad ang pinto. Tumambad saakin si Miss Chachi na nakaupo sa may dulo ng kama at nakatingin saakin na g**o g**o ang buhok at umiiyak kaya lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Hey, hey.. What happened?" Kahit ngayon lang hindi ko muna siya tatawaging Miss Chachi, she needs a friend and a shoulder to cry on. "V, I'm sorry." Tinakpan naman niya ang mukha niya ng dalawang palad niya saka siya humikbi. Nanggigilid ang mga luha ko. Hindi ko siya kayang tingnan na umiiyak. Hinaplos ko ang likod niya para patahanin niya saka ko iniwas ang tingin ko. Nanginginig ako sa sobrang pag pigil ng iyak ko kaya tumingala ako at pumikit pikit. "Napaka selfish ko. Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman niyo simula ng dalhin ko kayo dito na para bang h-hayop na inuutusan at pinapasunod." Huh? Kahit kailan di ko naman naisip yun at hindi ko naman naramdaman na inuutusan niya kami. Tuwang tuwa nga kami dahil nakilala namin siya at lalo kaming nagkaron ng bonding time ng Bangtan. Hindi ko alam san nakuha ni Miss Chachi yung idea na parang nagiging utusan niya kami. "V? Ganun na ba katindi galit sakin ni Jimin para ipamukha niya saakin lagi na wala akong kwentang tao para sa kanya? Na para bang napakasama kong tao dahil sa nagpapaka clingy ako sa kanya? Sorry ha? Fangirl eh. I'm sure everyone who adores him will understand me. At ngayon, gusto ko ng ibalik ang dati sa lahat, gusto ko lang na maging normal na ang lahat pero parang lumala?" Lumala? Hindi na muna ako nagsasalita. Pinapatapos ko muna siya maglabas ng sama ng loob. Napakaswerte mo Jimin. Napakaswerte mo. Hindi mo alam kung gaano kasarap sa feeling ang may taong kasing ganda, kasing bait at kasing loyal ni Miss Chachi ang nagmamahal sayo. Pero hindi ko naman pwede pilitin si Jimin. Hindi ko pwede ipagpilitan na gustuhin niya si Miss Chachi lalo na at may girlfriend siya. Naiintindihan ko naman yung part na yun. Pero hindi ko maintindihan na bakit kailangan pagmalupitan niya? Bakit kailangan magsabi ng masasakit na salita? "V, sabihin mo nga sakin masama ba akong tao?" Agad naman akong napatingin kay Miss Chachi. "W-what? Of course not! Kahit minsan hindi ko naisip yan." Inalis niya ang tingin niya sakin saka siya tumayo. "Thank you for listening Taehyung. And I'm sorry for what happened lalo na kanina. I didn't mean to snob you like that. It's just.. kapag pinagpatuloy ko ang pagiging malapit sainyo lalo lang ako mahihirapan kapag umalis na kayo." And that hit me. Akala ko naman kaya niya ako iniisnob kanina dahil sa galit siya saakin. "So.. you're not mad?" Takhang tanong ko. "Hindi bakit naman ako magagalit sa ultimate bias group ko? At lalo na sa bias wrecker ko?" Napangiti ako. Oo na kinikilig na ko. Masayang masaya ako na bias wrecker pala niya ako. Bias wrecker means kapag nakikita niya ako nakakalimutan niya si Jimin. And it means a lot to me. I don't expect her to like me like I do. I just want to be friends with her or I can be her shoulder to cry on. "Thank you. So.. I-uh.. We need t-to go." Oo nga pala diba pinapaalis na kami ni Miss Chachi. "W-what? Go to where?" Naguguluhang tanong niya. "I-I thought you want us to leave your house." Saka ko kumunot noo. Lalo naman siyang umiyak ng malakas kaya naman agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa dalawang balikat niya. Oh no. "M-miss Chachi? Bakit? May nasabi ba akong masama?" Pag aalalang tanong ko. "Alam kong maling magpaka selfish na, pero kasi huhuhuhu. Mamimiss ko kayo. Huhuhu. Akala ko naman pag iisipan niyo muna. Di ko alam na susundin niyo pala talaga sinabe ko huhuhu. Edi lalo ko napagtanto na talagang nagiging sunud sunuran kayo sakin huhuhu." Shit. Oo nga. Pakshet talaga, bakit ba hindi ko naisip yun? I need to stop this. I don't want to see her cry anymore. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa saka ako nagchat sa gc namin. To All: Unpack na, we're not going to leave. Rinig ko ang hiyawan ni Jhope sa baba saka ni Suga kaya naman napangiti ako. "A-ano yun?" Tanong ni Miss Chachi. "Hindi na kami aalis. We will stay here. With you Miss Chachi." Nanlaki naman ang mga mata niya saka ito tumitig saakin. dug dug dug dug Napaiwas naman ako agad ng tingin. Grabe impact talaga niya sakin. "T-talaga?" Tanong nito saka nagpahid ng luha gamit ang dulo ng sweater niya. "Omg!!!! Thank you V!!" Tumango ako. Lalong nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumalon si Miss Chachi saka ito yumakap sakin kaya naman natumba ako at ngayon nakahiga ako sa kama si Miss Chachi naman ay nakapatong saakin. Kasabay naman nito ang pagbukas ng pinto na siyang kinagulat namin. "Yah! Taehyung ano bang--" Napatingin kami ni Miss Chachi kay Jimin na nakakunot ang noo habang papalit palit ang tingin niya saamin ni Miss Chachi. Mas lalo akong nagulat ng pumunta siya kay Miss Chachi at inalis sa taas ko. "What the hell is going on?!" Tanong nito kaya naman dahan dahan akong tumayo at inayos ang damit ko. "What?" Walang reaksyon kong tanong. "What's with the--" "What is it to you anyway Jimin? Ano naman kung makita mo kami ni Miss Chachi sa ganung posisyon? Kung ano ano na naman bang masasakit na salita ang sasabihin mo sa kanya?" Agad naman akong hinawakan ni Jimin sa damit habang nag iigting ang panga niya. "Wala kang pakialam kung ano at gusto kong sasabihin sa kanya!" Hinawakan ko din siya sa kwelyo kaya naman pumagitna na si Miss Chachi. At mas nagulat ako ng itulak niya si Jimin. "PWEDE BA?! TAMA NA?! Jimin. Lumabas ka na please. Labas!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabe ni Miss Chachi. Hindi ko talaga inasahan na ako ang kakampihan niya at palalabasin niya si Jimin. Hindi din maipinta ang mukha ni Jimin ngayon halata din sa kanya na hindi siya makapaniwala na sinigawan siya ni Miss Chachi. "W--" "Save it Jimin. Ayoko ng marinig ang explanation mo. Lumabas ka na." Mahinang sabi ni Miss Chachi saka ito yumuko. Kitang kita ang galit sa mukha ni Jimin kasabay nito ang malakas na kalabog ng pinto saka naman napaupo si Miss Chachi sa sahig. "I can't do it. Sumasakit ang puso ko. Hindi ko kayang magalit sa kanya." Naiiyak na sabi niya. She really loves Jimin. How I wish na ako nalang yun. Sana ako nalang nasa posisyon ni Jimin. He's so lucky. JIMIN'S POV' HUH! What the fvck was that? Did she just fvcking yell at me and told me to leave?! Bakit ano bang ginagawa nila ni Taehyung don para paalisin ako?! At yung posi-- fvck it! Kinuha ko naman ang phone ko saka ko tinext si Minah. To Minah: Where are you? Can we meet up? Wala pang dalawang minuto ng magreply siya. From Minah: Sure! Where to? I need to tell her that hindi na kami natuloy maalis sa mansion. I don't want her to think na ako ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pag alis sa mansyon. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko saka ako aalis ng hawakan ako ni Taehyung sa braso. "Mag usap tayo." Marahas ko namang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya. "What do you want?" Matigas kong sabi. "I want you to stay out of Chachi's life." Chachi? Wala ng Miss Chachi? Napangisi naman ako sa kanya. "Bakit? Ano bang ginawa niyo kanina para magkaron ka ng lakas ng loob para sabihin sakin ngayon yan?" Tinulak ko siya gamit ang isang kamay ko saka niya hinawi ang kamay ko. "Kung ayaw mo sa kanya so be it. Pero hindi mo kailangan magsalita ng kung ano ano sa kanya. I will be the one who will replace you in her heart." Napakuyom naman ako ng kamao sa sobrang galit. Sino ba siya sa tingin niya? Well let's see if you could do that...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD