CHACHI'S POV'
Nagising ako sa napakalakas na tunog ng alarm ko. Pinalitan ko kasi ang ringtone ko ng Not Today kaya sobrang lakas at magugulat ka talaga. Lumipas din ang tatlong araw na hindi ko nakakausap ang BTS kahit sino sa kanila.
Lagi lang kasi sila nasa studio para mag rehearsal tapos may mga schedule din sila sa Weekly Idol at Show Music Core.
Pero ngayon, rest day nila. Rest day ko din kaya panigurado ako na hinihintay nila ako sa baba. Mag aalas dose na din pala.
Dumiretso na ako sa banyo para maligo saka nagsuot ng pambahay na damit pagkatapos ay napag isipan ko ng bumaba.
Tama nga ako, dahil nasa sala silang lahat at busy sa panonood ng mga videos nila.
"Oh! Noona!!" Sigaw ni Jungkook kaya napatingin silang lahat saakin.
Napansin ko sa peripheral vision ko ang pagtingin ni Jimin sakin pero hindi ko nalang pinansin at hindi ko na siya tiningnan. Baka magbago pa ang isip ko at lalo akong hindi maka move on kapag tiningnan ko pa siya.
Nilapitan ko silang lahat saka ako umupo sa couch na bakante. Hobby na talaga nila ang maupo sa carpet ewan ko kung bakit. Mas komportable siguro sila dun.
"Noona, namiss ka namin." Pagmamaktol ni Jhope.
"Oo nga Miss Chachi, alam mo ba tong si V lagi nalang badtrip sa rehearsal kaya lagi napapagalitan ni PD Nim. Pano kasi miss na miss--" Nanlaki naman ang mata ko ng biglang takpan ni V ang bibig ni Rapmon kaya napangiti ako sa kanila.
Masakit man sa loob ko pero kailangan ko na silang ibalik sa dati nila.
"Ammm...Guys..." Napatingin ako kay Jin na pinatay ang TV saka ko binalik ang tingin ko sa kanilang lahat.
"M-may sasabihin ako sainyo." Napansin ko ang malawak na ngiti ni V saakin kaya lalo akong ninerbyos.
Matutuwa kaya sila na babalik na sila sa dati?
"Ano yun noona?" Tanong ni Jungkook.
"May bago ka bang comeback? Suportahan ka namin dyan." Sabi naman ni Suga sabay sila nag apir ni Jin.
"Ha? Hindi yon. Ano kasi.." Narinig ko na may pababa ng hagdan kaya napatingin kaming lahat kay Mikayla saka nalang ako napairap at binalik ang tingin sa BTS.
"Parang kinakabahan naman ako dyan." Pagsingit ni V.
"Ibabalik ko na kayo sa dati. I mean sa dating buhay niyo, nung wala pa ako at nung hindi niyo pa ako nakikilala. Wag kayong mag alala nagpahanap na si Lolo ng bago niyong tutuluyan na mas maganda. Ngayon ko lang kasi narealize na nagiging unfair na pala ako sainyo, masyado akong naging selfish at nag bulag bulagan sa pag ibig. Masyado kong na focus ang sarili ko sa isang tao na may iba ng gusto at wala namang balak na gustuhin ako. Kaya pasensya na kayo kung na istorbo ko kayo." Dere deretsong sabi ko.
Naging tahimik ang paligid.
Isa isa ko silang tiningnan at nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko ang luha na lumabas sa mata ni V. Para naman akong nakonsensya dahil don.
Napatingin naman ako sa ibang members na nakayuko at kay Rapmon na nakanganga.
And lastly napatingin ako kay Jimin na nakatitig sakin.
Oo tama, titig na titig saakin. Na para bang minememorize niya yung mukha ko.
"N-noona."
"M-Miss Chachi seryoso ka ba dyan?" Tanong ni V.
"Oo V. Seryoso ako. Ayoko ng guluhin kayo, gusto ko maging masaya kayo. At alam kong hindi kayo magiging masaya kung palagi akong nakabuntot sainyo." Napaiwas naman ng tingin si V.
"Bakit tinanong mo ba kami? Tinanong mo ba kami kung naiistorbo mo ba kami? Kung natutuwa kami? Muka ba kaming naiinis na nandito kami? Hindi naman diba?"
"Hyung!"
"V! Respeto!" Sigaw ni Rapmon.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabe ni V. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit saakin. Maski si Jimin ay gulat na gulat ang ekspresyon sa mukha.
"Miss Chachi okay kami dito. Masaya kami dahil kasama ka namin, kung iniisip mo na napipilitan lang kami dito nasasayo nalang yon!" Sabay tayo niya saka siya dere deretsong umakyat.
Napayuko ako.
Mukang na offend ko sila sa sinabe ko. Kung sabagay tama sila, bakit nga ba hindi ko sila tinanong muna. Masyado ko ba silang minaliit?
"Hyung!" Sigaw ni Jungkook saka niya sinundan si V sa taas.
Lumapit naman saakin si Jin at Rapmon.
"Miss Chachi pagpasensyahan mo na si V. Gusto ka kasi non, hindi lang niya matanggap na aalis na kami dito which means na hindi ka na niya makikita." Ano? Gusto ako ni V?
Ganun na ba ako ka focus kay Jimin para hindi mahalata na gusto ako ni V?
"Noona, masaya kami dito sayo. Ayaw na namin umalis dito. Wag ka na mag isip ng kung ano ha?" Napatingin ako kay Jhope saka niya ako nginitian.
"Talaga bang ibabalik mo kami sa dati dahil pakiramdam mo naiistorbo mo kami o baka naman dahil ayaw mo nako makita?" Napabitaw si Rapmon sa paghawak niya sa balikat ko saka kami napatingin lahat kay Jimin.
"Wag mong isipin na sayo lang nag rerevolve ang mundo ko Jimin. Matagal nakong sumuko sayo." Matigas na sabi ko. Napangisi naman siya saka siya tumayo at tumingin saakin.
"Talaga ba?" Napaiwas ako ng tingin dahil biglang naging seryoso ang tingin niya.
"Jimin. Tumigil ka na at baka san pa mapunta usapan na 'to. Miss Chachi mabuti pa umakyat ka muna ipapadala nalang namin pagkain mo." Sabi ni Jin pero hindi ako pumayag.
"Kayo nalang muna ang umakyat. I think Jimin and I need some talking." Nagkatinginan naman silang lahat pero maya maya ay umakyat na din sila kaya natira kami ni Jimin sa sala.
Umakyat din si Mikayla na gulat na gulat din sa pangyayare.
"Tama naman ang sinabe ko kanina diba? Kaya mo kami pinababalik sa dati dahil sakin? Bakit? Selos na selos ka na ba samin ni Minah?" Naningkit ang mga mata ko kay Jimin.
Oo selos na selos ako Jimin. Hindi mo ba napapansin? Nasasaktan ako!
Hindi ako manhid!!
Hindi ako ordinaryong fangirl mo lang!
Hindi porket na mayaman ako eh hindi ako nasasaktan sa mga binibitawan mong salita sakin!
Gusto kong isigaw sa kanya yan pero nanatili akong tahimik.
"Cat got your tongue now are you?" Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Wag kang masyadong proud sa sarili mo. Hindi na kita gusto." Saka ako tumayo.
Tumayo naman si Jimin saka siya lumapit sakin kaya napaatras naman ako.
"Bakit ka napapaatras? Akala ko ba hindi mo nako gusto? Bakit parang affected ka pa din sa presensya ko?" Napalunok naman ako ng lalo siyang lumapit sakin at napapikit ako ng mapansin ko na nasa pader na pala ako.
"H-hindi ako affected. W-wag kang mag assume." Napadilat naman ako saka ko nakitang nakangiti siya saakin.
"Then try to forget me." Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong halikan.
Oo tama kayo.
Hinahalikan lang naman ako ng isang PARK JIMIN!
Natapos ang halik niya ng halos 10 seconds din nakalapat ang labi niya sa labi ko.
Oo bilang ko! Bilang na bilang ko. Kahit na tapos na niya akong halikan ramdam ko pa din sa labi ko ang labi niya kaya bigla akong napahawak dun.
"Now. Nakikita mo ba ang itsura mo? Yan ba ang nag give up? Akala ko ba hindi mo nako gusto? Eh bakit parang iba yung sinasabe ng mukha mo?" Saka siya ngumisi at umakyat sa taas.
Hindi pa din ako maka get over sa ginawa niyang paghalik saakin.
Hindi naman totoong naka move on na ko sa kanya pero paano ako makaka move on talaga kung hinalikan niya ako!!!
Ha?!
Paano?!!!
"Noona? Okay ka lang?" Bigla naman ako napaayos ng tayo saka ako napatingin kay Jungkook na worried ang itsura.
"Bakit parang nakakita ka ng multo? Nasan si Jimin hyung?" Saka siya tumingin tingin sa paligid.
"H-ha? Nasa taas yata."
"Yata? Eh sabi ni Jin hyung nag uusap daw kayo dito." Saka siya napakamot sa ulo niya.
"Aakyat lang ako saglit." Tinawag ni Jungkook ang pangalan ko pero hindi ko na nagawang lingunin sa sobrang kilig ko.
Bakit ako kinikilig? Hindi naman dapat ako kiligin kaso nag give up nako kay Jimin pero bakit natutuwa ako?
Nang dahil sa halik bumalik na naman ang feelings ko sa kanya kahit na hindi naman nawala.
Hayyy Chachi. Isa ka talagang malaking tanga.
TAEHYUNG'S POV'
Naiinis ako!!
Oo naiinis ako! Naiinis ako kay Miss Chachi dahil pinapaalis na niya kami dito sa mansion. Ayaw na ba niya kami makita?
Nakahanap na ba siya ng ibang fandom?!
"V hyung hindi talaga tama yung ginawa mong pagsigaw at pagsermon kay Miss Chachi kanina. Alam mo naman na depressed na yung tao tapos sisigawan mo pa. Naging concern lang naman siya satin." Sabi sakin ni Rapmon.
"Oo nga maling mali." Sabi naman ni Suga.
"Beri wrong Taehyung." Sabi naman ni Jhope kaya napairap ako.
Teka. Depressed?
Si Miss Chachi?
O____O
Oo nga no! Bakit hindi ko naisip yun?!
"T-teka nasan si Miss Chachi ngayon? Diba kayo yung nahuli sa baba?" Tanong ko kay Rapmon.
"Nag usap sila ni Jimin sa baba pero sabi ni Jungkook kanina tulala si Miss Chachi habang papunta sa kwarto eh." Kwarto?
Fvck!
Hindi kaya may nasabi na naman si Jimin hyung kay Miss Chachi?!!!
Napatayo naman ako kaagad saka nagmadali lumabas ng kwarto ko saka ako nagmadali pumunta sa kwarto ni Miss Chachi.
"Oh hyung." Sabi ni Jungkook habang dala dala ang pagkain ni Miss Chachi.
"Okay lang ba siya?" Tanong ko.
"Hindi ata eh. Tulala kanina nung nakita ko siya eh tapos nagmamadali siyang umakyat dyan sa kwarto." Napayuko naman ako.
Maling mali ang ginawa kong pagsigaw kay Miss Chachi. Dapat hindi ko siya sinigawan. Bakit ko ba kasi naisipan na sigawan siya?
Hayy.
"Ikaw nalang ba mag aabot sa kanya nito?" Pagtukoy ni Jungkook sa pagkain ni Miss Chachi.
"Amina." Kinuha ko naman ang tray na hawak ni Jungkook saka siya umalis pumunta na ata sa kwarto niya.
Pakatok na sana ako sa kwarto ni Miss Chachi ng biglang bumukas ang kwarto niya.
Nanlaki ang mga mata namin parehas saka siya napatingin sa tray na hawak ko.
"Y-yung ano nga pala. Ano... P-pagkain m--"
"Ibaba mo nalang hindi ako nagugutom." Napanganga ako sa sobrang cold ng boses ni Miss Chachi sakin.
Ang tanga mo V.
Isa kang malaking tanga.
Ngayon galit sayo ang kaisa isang babae na nagustuhan mo. Malamang ekis ka na sa kanya. Tanga! Tanga!!
Aish!!!