Chapter 15

1452 Words
CHACHI'S POV' Alam ko ngayon na ang araw na uuwi ang BTS para magpahinga bago sila pumunta ng Japan para sa kanilang Asia Tour. Pero bakit parang hindi ako excited? Parang wala akong nararamdamang excitement sa katawan ko? Bakit puro duda, galit, selos ang nararamdaman ko ngayon? Alam ko nagiging unfair ako dahil una hindi naman porket binili ko si Jimin ay pagmamay ari ko na siya, pero hindi ko pa din maiwasan magalit sa bestfriend ko lalo na't naitago niya saakin na may komunikasyon sila ni Jimin ng hindi ko alam. Nakarinig ako ng tunog ng pinto sa baba at ingay kaya alam kong nandito na sila, pero wala akong lakas para tumayo at puntahan sila. Mas mabuti na sigurong dito muna ako sa kwarto ko at baka bumigay na naman ako kapag nakita ko si Jimin. *Knock Knock* "Miss Chachi? Si Taehyung 'to. Nandyan ka ba sa loob?" Gustuhin kong pagbuksan si Taehyung pero mas mabuti ng wala muna akong makausap sa kanila. Tutal naman aalis na sila ulit at kailangan ko na naman sanayin ang sarili ko na wala sila. Pero may taping nga pala kami ni JB mamayang hapon. Pano ako lalabas kung makikita ko din sila? "Miss Chachi?" "Oh Taehyung? Nandyan ka pala. Hindi ka pagbubuksan nyan ni Chachi." Rinig kong sabi ni Mikayla kaya napairap nalang ako saka ko sinuklay ang buhok ko. "Bakit naman?" "Basta." Saka nalang ako nakarinig ng kalampag sa labas. Siguro umalis na sila. TAEHYUNG'S POV' Ano kayang problema ni Miss Chachi at ayaw niya akong pagbuksan ng pinto? Galit ba siya? Pero wala naman akong matandaan na kasalanan na ginawa ko para magalit siya? Hindi kaya badtrip lang? "Taehyung, kakain na tawagin mo na si Noona." Sabi ni Rapmon. Tumayo na ako para puntahan si Miss Chachi ng makita ko siyang pababa ng hagdan habang may bitbit na bag at bihis na bihis. "Miss Chachi, kakain--" "Duon na ako kakain. Mauna na ako." Malamig na sabi ni Miss Chachi. Hindi na kami nakapag salita dahil sa lamig ng boses ni Miss Chachi kaya ng makalabas siya ng bahay nagkatinginan nalang kaming lahat maliban kay Jimin na mukhang malalim ang iniisip. "Chim okay ka lang?" Tanong ni Jin. "Yeah." Sagot naman niya saka siya nag umpisang kumain ulit. Hindi kaya may kinalaman si Jimin sa pagiging cold ni Miss Chachi? "Saan pupunta si Noona?" Tanong ni Jhope. "May taping sila ni JB diba?" Sagot ni Mikayla. "Huh? Ngayon na ba 'yun? Diba hindi pa sigurado 'yun?" "Eh hindi pwede ma delay 'yun dahil aasikasuhin din ni PD nim ang comeback ni Chachi eh." Comeback? May comeback ulit si Miss Chachi? Hindi ba siya mapapagod nun? "Pero ang sabi kasi--MMMMP!" Pinasakan naman ni Jimin ng chicken si Jhope sa bibig ng magsalita ulit siya. "ASSGHDHDJSKSKSJFKJ" Napatawa nalang kami ng hindi makapag salita si Jhope saka siya napasimangot nalang at inunti unting nguyain ang chicken na pinasak ni Jimin sa bibig niya. Pagkatapos naming kumain, napag isipan naming manood nalang ng TV at kung suswertihin ka nga naman, replay ng Music Core nung last last week at si Miss Chachi ang mag peperform. Sayang di namin naabutan yung performance namin. "Waaaah daebak daebak. Anong kanta ni Miss Chachi yan? Bago ba?" Tanong ni Suga. "Problem yan. Kasama sa album niya." Napatango naman kaming lahat at tutok na tutok kami dahil sa sobrang galing ni Miss Chachi na kumanta at sumayaw. Nadaig niya pa si Ailee sa performance level. Iba na talaga si Miss Chachi. Kayang kaya ng talunin ang YG. Ewan ko ba dito kay Jimin at nagbubulag bulagan para ireject ng ireject si Miss Chachi, samantalang lahat na ng katangian ng perfect na babae eh nakay Miss Chachi na. "V hyung bat ang tahimik mo? Baka naman mainlove ka na nyan kay Miss Chachi ha?" Pang aasar ni Jungkook kaya napunta kay Jungkook ang atensyon ko. "Bakit hindi pa ba?" Biglang singit naman ni Jin. "Hahahaha. Yan tayo eh. Akala ko ba Taehyung sabi mo samin hindi ka magkakagusto sa foreigner?" Totoo ang sinabe ni Jungkook sinabe ko sa kanila na hindi ako magkakagusto sa isang foreigner dahil pakiramdam ko hindi kami compatible sa isa't isa at pakiramdam ko ako palagi ang mag aadjust saamin. Not until I met Chachi, ang kauna unahang babae na nakapag patibok ng puso ko. "It's not that bad to break some of your rules right?" Tanong ko sa kanila saka ko binalik ang tingin ko sa TV. Alam kong kahit na hindi ko sila nakikita ay alam kong nakanganga saakin ang mga 'yun. Why? Tahimik sila eh, kilala ko na ang mga 'yun. Natapos ang hapon na wala kaming nagawa, ang hirap pala kapag walang schedule, nakakatamad. Sumasakit na ang mga mata namin kakanood at kaka cellphone. "Ang tagal naman ni Noona, namimiss ko na siya." Malungkot na sabi ni Jhope. "Ako din hyung." Dugtong ni Jungkook. "Mamaya pa dadating 'yun." Sabi ni Mikayla. "Bakit? San siya pupunta pa? May iba pa ba siyang sched ngayon?" Tanong ni Jimin kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Bat naman biglang na curious ang isang 'to? "Ewan ko lang, nagtext kasi si JB kani kanina lang sabi niya mag dinner daw sila ni Chachi sa restaurant niya kaya medyo gagabihin lang siya ng uwi." Nakakaselos naman yang si JB. Alam ko namang mahal na mahal ni Chachi si Jimin pero hindi ko pa din maiwasan magselos lalo na gwapo din si JB at napakalakas ng dating sa babae. "Nagpunta na ba si JB dito Noona?" Tanong ni Rapmon. Oo nga naman, buti nalang at natanong ni Rapmon hyung dahil matagal ko ng gustong itanong yan eh. "Oo naman dalawang beses na, una nong pinakilala siya ni PD nim kay Chachi tapos pangalawa yung kahapon dahil nag shopping kaming tatlo sa mall." Natatawang sabi ni Mikayla. "Mall? Shopping?" Sabay sabay na tanong namin pwera kay Jimin na busy sa cellphone niya. Panigurado naman na si Minah na naman ang katext. "Oo, bait nga ni JB eh todo alalay kay Chachi tapos nanlibre pa ng lunch." Nakakapanselos na talaga. Iniisip ko palang na nagdidinner sila ngayon, sa tingin ko date na 'yun. Hindi naman imposibleng hindi magkagusto si Miss Chachi kay JB dahil sa paulit ulit na pagtataboy ni Jimin sa kanya ay malamang, susuko na din si Miss Chachi at may chance na si JB ang magustuhan niya. Lalo na't sila pang dalawa ang magka partner sa We Got Married. CHACHI'S POV' Mag aalas nuwebe na at kakatapos lang namin kumain ni JB dito sa restaurant na pinatayo niya 2 years ago. "So did you like the food?" "Oo naman no. Sarap kaya, medyo maanghang lang pero masarap talaga. Promise!" Napatawa naman si JB kaya natawa nalang din ako. "So let's go?" Tumayo na din ako ng mag aya si JB. "Mag gagabi na at baka nag aalala na ang BTS sa'yo lalo na bestfriend mo." Napairap naman ako. She's not my bestfriend anymore. Wala akong bestfriend na taksil. Nakarating kami sa bahay ng walang kumikibo sa aming dalawa, siguro dahil naalala ko na naman ang paglilihim ni Mikayla saakin kaya nawala na naman ako sa mood. "I'll pick you up tomorrow at exactly 10am. Okay?" Tumango naman ako kay JB saka ako lumabas ng kotse niya. "Thank you for the dinner, bye." Hinintay ko muna siya makalabas ng gate namin bago ako pumasok ng bahay. Naabutan ko ang BTS na nanonood ng TV, kaya naman napatingin silang lahat saakin ng makita nila ako. "Noona!" Napatayo sila saka nila ako nilapitan. "Namiss ka namin." Nakakapanlata dahil nasungitan ko sila kanina. "Pasensya na kayo kanina, masama lang pakiramdam ko." Sabi ko sa kanila. "Wala 'yun Noona, naiintindihan ka naman namin." Ngumiti nalang ako saka ako humiwalay sa kanila at nag umpisang umakyat. Nakakapagod na araw at nakakapanlata. Siguro kinukulang na ako sa tulog at kain kaya ganito. "Okay ka lang ba Noona?" Tanong ni Taehyung. "Oo naman." Saka ko sila nginitian bago ako umakyat papunta sa kwarto ko. Yeah maybe I should just give up. Hindi na tama ang makisawsaw ako kay Jimin at kay Minah, nagmumukha lang akong talunan, mang aagaw at obsessed. Mahirap kalaban ang babaeng mahal na mahal ng lalakeng mahal mo. Ayoko ng makigulo. Ayoko ng sirain ang pagmamahalan na meron sila. Tama, eto ang dapat kong gawin. I should give up Jimin. Kahit na mahirap, masakit at hindi ko kaya, siguro kailangan ko ng harapin ang katotohanan, ayoko na ng ganito. Masyado na din akong nanghihina sa kakaisip. I need some rest too. Itutuloy ko pa din ang pagtatrabaho ko bilang idol pero ibabalik ko na ang BTS sa dati nila. Alam ko namang napilitan lang sila dito kaya kailangan ko ng itama ang mga pagkakamali ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD