CHACHI'S POV'
"CHACHI! HUY ANO BA! ANDYAN NA SI JB BORLOGS KA PA?! HUYYYY!!!" Napadilat ako ng wala sa oras saka ako biglang napaupo sa kama.
"Oh ano? Tutunganga pa? Kilos na!"
"Oo na sandali. Chillax ka lang." Tumayo na ako sa kama ko saka ako kumuha ng twalya sa may cabinet ko.
"Chillax? Huy Chachi si JB ng Got7 'yun pinag aantay mo? Pero kapag kay Jimin kahit di ka na matulog okay lang? Nasan ang hustisya dun?"
"Iba si Jimin kay JB Mikayla okay? Wag mong isali si Jimin dito." Saka ako pumasok ng banyo habang naririnig kong tumatawa na parang baliw si Mikayla dun sa labas.
Pagkatapos kong maligo nagsuot lang ako ng simpleng damit na presentable naman kahit papano kay JB. Balak ko din kasi siyang ayain na samahan akong mag shopping.
"JB! Sorry kung natagalan ako, napuyat kasi ako kagabi. Sorry talaga." Nakikita ko sa may gilid ni JB ang pagmamake face ni Mikayla kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Anio, it's okay." Sabi niya saka niya ako nginitian kaya napaiwas kaagad ako ng tingin. Shocks! Totoo nga ang sinasabe nila ang lakas maka bias wrecked netong si JB! Chachi kay Jimin ka lang, kay Jimin lang.
"JB, alam ko hindi ito ang tamang oras para sabihin sa'yo 'to pero pwede mo ba akong samahan mag shopping sa Time Square?" Ang seryoso niyang mukha ay biglang napalitan ng ngiti na lalong nakapagpamula saakin.
GRABE! Ano ba naman 'tong karisma ni JB at konting ngiti niya lang eh napapa gwiyomi ako?! Huhuhuhu.
"Sure. Pwede naman tayong mag usap habang namimili ka eh. I'm not really in a hurry tho." Napangiti nalang ako sa kanya saka ako napatingin kay Mikayla na may kausap sa cellphone niya kaya tumayo na ako saka ko binaba ang kamay niya na may hawak na phone.
"Ayy basto--"
"Pfft. Aalis na kami ni JB, maiwan ka nalang ba dyan?"
"Aba sasama ako 'no ano ka katulong dito sa bahay para maiwan? Ikaw Chucks ha sinasabe ko sa'yo!" Saka niya binalik sa tenga niya ang cellphone niya.
Pagkadating namin sa mall syempre lahat kami ay pinagtitinginan, hindi na nga kami nag disguise kasi hindi nila naman maiisip na may namamagitan samin ni JB dahil una sa lahat, I'm with Mikayla and second alam naman nila na siya ang kapartner ko sa WGM na papalit kay Jimin.
"So where do you wanna go first?" Tanong ni JB.
"Siguro dun nalang muna sa Forever 21, may kailangan akong bilin na crop top dun eh." Tumango naman si JB saka kami umakyat ng escalator para pumunta sa Forever 21. Madaming kumukuha ng picture saamin lalo na kay JB, pero buti nalang at wala pang nagtatangkang hatakin si JB.
Kung sabagay kalat nga pala na may attitude daw si JB when it comes to fans.
Pagkatapos kong mamili, naglibot pa kami ng onti para humanap ng maisusuot kong damit at sapatos para sa taping namin ni JB bukas.
"I'm starving. Chachi, Mikayla where do you wanna eat? You want some pasta or rice?"
Waaaaaaah! PASTAAAA!
"Based on your looks it looks like you're craving for some pasta hmm?" Napatango nalang kami bigla ni Mikayla saka namin sinundan si JB.
Hindi ko pa pala nasasabi sainyo na favorite namin ni Mikayla ang pasta, well most likely Pesto or Carbo"nara. Ewan ko ang sarap kasi 'yung bang kahit kumain ako ng isang bandehadong pasta okay lang samin?
Pagkadating namin sa restaurant nakakatuwa naman dahil tatlo palang ang kumakain sa loob pero malas nga lang dahil nakilala kami dahil bigla silang napangiti saka nito tinapik ang mga kapatid niya.
"WAAAAAAAA! JB OPPAAAAAAA!" Hindi naman sila mukang sasaeng fans dahil hindi naman nila sinugod si JB. Nadako ang tingin nila sakin saka nila ako nginitian.
"Omo Chachi unnie! Annyeong haseyo."
"Annyeong." Bati ko saka ko sinundan si JB na maupo sa may couch sa VIP area.
"You want to take pictures with your fans?" Tanong bigla ni JB kaya siniko ako ni Mikayla.
"Anio, fans mo 'yun no ikaw nga ang unang binati eh." Sabi ko.
May pumuntang waiter saamin saka kinuha ang mga order namin ng biglang mag ring ang phone ni Mikayla. Seriously kanina pa 'to may ka telebabad sa cellphone. Yung totoo kumekerengkeng na ba ang bestfriend ko ng hindi ko nalalaman?
"Excuse me lang ha?"
"Go on." Sabi ni JB kaya napa pout nalang ako. "Waeyo?"
"Wala lately kasi napapansin ko na laging may kausap si Mikayla sa phone, eh wala lang nacucurious lang ako." Tumango tango naman siya.
"Don't worry about it, she's your bestfriend after all."
"Yeah."
Matapos kaming kumain napag isipan na naming umuwi dahil napagod din kami kakalakad, oo nga pala si JB ang nagbitbit ng mga pinamili ko, nakakakaba dahil hindi ko man lang naisip na bala ma dispatch kami dahil siya ang nagbitbit ng bagahe ko eh alam naman ang showbiz ngayon kahit na hindi naman totoo papalabasin nilang totoo kumita lang sila.
Nakapag usap na din kami tungkol sa mga gagawin namin sa taping bukas, hindi na din kami awkward sa isa't isa dahil mabilis naman kaming nagkasundo.
Ewan ko nga pero kahit papaano nakalimutan ko sandali si Jimin, pero syempre kahit anong mangyare siya pa din ang laman ng puso ko, hinding hindi magbabago 'yun.
Sa pag uusap namin ni JB, ni hindi man pumasok sa isip ko si Jimin, ngayon nalang ulit ng hindi ko na siya kasama. Tinawagan na din kasi siya ni Jackson dahil may meeting sila sa JYP kaya nauna na din siya.
"Miss ko na si Jungkook." Biglang sabi ni Mikayla kaya napatingin ako sa kanya.
Nasa kwarto na kami ngayon at handa ng matulog pero hindi kami parehas makatulog dahil naghihintay pa ako ng tawag ni Taehyung. Asa naman ako na tawagan ako ni Jimin 'no?
Maya maya ay nakatulog na din si Mikayla samantalang ako ay nanonood pa din ng TV habang hinihintay na tumawag si Kim Taehyung.
*Krrrrringgggg krrrinngggg*
Muntik na akong napatalon sa gulat pero to my disappointment hindi naman pala saakin yung tumutunog kundi kay Mikayla. Kaya sa sobrang curious ko bigla kong kinuha ang cellphone ni Mikayla sa may bedside table niya saka ko sinilip ang caller pero lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pangalan ng caller.
Bangtan Jimin calling...
Bakit siya nagagawang tawagan siya ni Jimin? Bakit ni hindi man lang sinasabe saakin ni Mikayla na si Jimin pala ang lagi niyang katawagan? May nililihim ba sila saakin?
Sa sobrang curious ko pinindot ko kaagad ang answer button, kahit na alam kong pag aawayan namin ni Mikayla 'to.
"Bakit ba napakatagal mong sumagot?!" Nailayo ko pa ng konti ang cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw ni Jimin.
"J-Jimin?" Tumahimik ang kabilang linya pero maya maya ay nagsalita na ulit siya.
"Bakit mo hawak ang cellphone ni Mikayla?" Wow. Just wow.
"A-ah, t-tulog na kasi si M-Mikayla Jimin k-kaya ako na yung sumagot, maingay kasi y-yung phone niya kaya s-sinagot ko nalang. P-pasensya na." Narinig ko nalang siyang nagbuntong hininga tapos bigla nalang nawala ang linya.
Pakiramdam ko binabaan na niya ako. Galit siya saakin.
Naglilihim ang bestfriend ko sakin. What a great day right?
Ayaw ba talaga nila ako patulugin ng maayos?
"Mmmmmm. Chucks?" Napapikit ako ng biglang magising si Mikayla at mukhang napansin niya na hawak ko ang cellphone niya. "Bakit mo hawak ang cellphone ko?"
Ayokong isipin pero may namamagitan na ba sila ni Jimin? Alam kong imposible dahil may Minah si Jimin pero sa boses ni Jimin kanina parang may iba. Ewan ko, hindi ko maisip kung ano pero sigurado ako na lagi silang magkausap.
"Kelan pa 'to?" Napaupo si Mikayla sa kama niya saka niya inayos ang buhok niya.
"Ang alin?"
"Kelan pa kayo nagkakausap ni Jimin?" Nanlaki ang mga mata niya saka niya biglang hinablot sa kamay ko ang cellphone niya. So it means meron nga?
"Kailan ka pa naging pakialamera Chachi?" Wow.
"Ngayon lang, lalo na't si Jimin ang involve dito. May gusto ka ba kay Jimin?" Nagsisisi tuloy ako kung bakit dito ko binalak matulog sa kwarto niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo Chachi? Alam mo kung sino ang gusto ko--"
"Kung ganon bakit mo tinatago sakin 'to? Alam mong baliw na baliw ako dahil hindi tumatawag ang isa sa BTS pero ikaw nagawa mong itago sakin? Ikaw na bestfriend ko? Tapos si Jimin pa? Si Jimin pa Mikayla!" Napayuko naman si Mikayla kaya nakaramdam ako ng awa pero hindi pwedeng ganun ganun nalang.
Para saan pang naging mag bestfriends kami kung maglilihim din siya sakin?
"Kumalma ka nga pwede? Alam mo na ba ang dahilan kung bakit ko nakakausap si Jimin? Hindi pa diba? Kaya bakit ka nag hy-hysterical dyan? Napaghahalataan kang wala kang tiwala sa bestfriend mo eh. Hindi ako mang aagaw at lalong hindi ko gusto si Jimin. Makakalabas ka na ng kwarto ko."
"Fine!" Saka ako lumabas ng kwarto niya. Mataas na ang pride kung mataas.
Walang tiwala? Lahat nga ng tiwala ko nasa kanya eh dahil bestfriend ko siya.
Pero siya ba? Yang nililihim niya sakin na nakakausap niya si Jimin? Hindi ba't nakakasira naman talaga ng tiwala? OA na kung OA pero si Jimin ang pinag uusapan dito.
Binili ko siya, kaya akin lang siya.
Hindi pa ako baliw pero malapit na. Kung kinakailangan kong kalabanin ang sarili kong kaibigan gagawin ko wag lang mapunta sa iba si Jimin. Ganun ko siya kamahal.