Chapter 9

2549 Words
CHACHI'S POV' Maaga akong nagising dahil ngayon na ang simula ng taping namin ni Jimin, well actually mamaya pang 8am pero nagising na ako ng 3am hehehe. Ganun talaga pag excited. Naligo na ako at bumaba para magkape at gumawa ng sandwich ng makita ko si Jimin na natutulog sa may sofa sa baba. Bakit ba ang hilig niyang matulog dito? Meron naman siyang sariling kwarto pero ang hilig niyang matulog dito. Pagkatapos kong magtimpla pumunta na ako sa sala kung saan natutulog si Jimin saka ko siya pinagmasdan. Umupo ako sa may carpet saka ko tinrace ang hugis ng mukha niya. "Bakit ba kahit anong pagtataboy mo sakin at kahit anong pang iinsulto mo ikaw pa din ang tinitibok ng puso ko? Ganun na ba talaga kita kamahal?" Bulong ko sa kanya. Alam ko namang hindi ako naririnig nito dahil sa mahimbing na pagtulog niya. "Wag kang mag alala, wala naman akong balak agawin ka sa kanya. Kung saan ka masaya hahayaan kita basta nandito ka lang sa tabi ko masaya na ako. Saranghae Oppa." Saka ko siya ninakawan ng halik sa labi. Oo tama kayo sa labi ko siya hinalikan. Say it as a "STOLEN KISS FROM A SASAENG FAN." Hahahaha! Nakakatawa pero seryoso ako. Kahit man lang halik ang makuha ko sa kanya okay na. Sinabe kasi saakin ni Taehyung na sa pagkakaalam daw niya eh wala pang first kiss si Jimin. Hindi ko na namalayan ang susunod na nangyare dahil nakaramdam ako ng antok. JIMIN'S POV' I heard someone's footsteps that's why I acted sleeping. Kanina pa talaga ako gising dahil sa nareceive kong message galing kay Minah. Ang sabi niya para saakin daw talaga 'yun pero bakit iba ang pagkakatext? "Honey, you know I love you right? Just give me more time please." Anong ibig sabihin nito? Honey? Eh baby ang tawagan namin. Niloloko ba niya ako? Pero malabo 'yun, kilala ako ng pamilya ni Minah at nangako na kami sa isa't isa na balang araw ay magsasalita na kami tungkol sa relasyon namin. Naramdaman ko ang pag upo ng kung sinuman. At sa amoy palang niya alam ko ng si Chachi 'yun. Pagpapantasyahan na naman ako nito malamang. "Bakit ba kahit anong pagtataboy mo sakin at kahit anong pang iinsulto mo ikaw pa din ang tinitibok ng puso ko? Ganun na ba talaga kita kamahal?" Gusto kong harapin siya at gisingin siya sa katotohanan pero hindi ko magawa. Hindi ako makakilos na parang napako ang katawan ko sa hinihigaan ko. "Wag kang mag alala, wala naman akong balak agawin ka sa kanya. Kung saan ka masaya hahayaan kita basta nandito ka lang sa tabi ko masaya na ako. Saranghae Oppa." For a moment there natuwa ako dahil wala naman pala siyang planong paghiwalayin kami pero may parte din saakin na nalungkot. Ewan ko ba! Nababaliw na naman 'tong babae na 'to. At bakit gising pa siya? Magigising na sana ako ng maramdaman ko ang napakabango at napakalambot na labi sa labi ko. O____O S-she stole my first kiss. I don't know pero nakaramdam ako ng tuwa dahil sa kanya nanggaling ang first kiss ko. Naguguluhan ako. Fvck this life! Why did she fvcking kiss me? Is it true that she loves me? Akala ko gusto niya lang ako. I didn't know na mahal na pala niya ako. Naramdaman ko ang hindi na niya paggalaw at ang katahimikan na bumalot sa sala kaya napadilat ako at nakita ko siyang nakaupo sa may carpet habang nakaharap saakin at nakapatong ang ulo niya sa may sofa na tinutulugan ko. Pinagmasdan ko ang napakaamo niyang mukha at ang morena niyang kutis. Ang totoo nyan isa siyang perpektong babae, maganda, talented, matalino at napaka bait na babae pero iba kasi talaga ang tinitibok ng puso ko. Walang iba kundi kay Minah. Ang babaeng MINAHmahal ko. Hindi ko ma explain kung gaano ko siya kamahal basta alam ko sa sarili ko na siya lang at wala ng iba. CHACHI'S POV' "Hoy babae! Dalian mo na at baka malate pa tayo sa taping, ayokong ma bad shot sakin ang mga direktor." Sambit ni Jimin saka inatsa ni V ang susi ng kotse sa kanya. Tumango nalang ako kay Jimin saka ako tumingin kay V na nakatitig pala saakin. "Sigurado ka bang ayaw mong sumama?" Tanong ko dito. "Okay lang ako Miss Chachi. Goodluck ah!" Saka niya hinaplos ang balikat ko atsaka siya umakyat sa taas. Sinundan ko na si Jimin sa kotse niya hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan kami magtataping. Maganda yung bahay na pag tataping-an namin at sigurado akong magwawala na naman ang buong laman loob ko sa kilig. "Wow. Look at these two dazzling couples. Sa tingin ko kayo na ang pinaka bagay na couples dito sa WGM." Pagbibigay ng compliment saamin nung direktor kaya napangiti nalang ako at si Jimin naman eh halata ang ngiti. Kanina pa din siya pasilip silip sa cellphone niya na parang may hinihintay at hindi naman ako tanga para hindi isipin na si Minah ang hinihintay niya diba? Pagkatapos kaming ayusan naka pwesto na kami kung saan magpopropose na saakin si Jimin sa may napakalaking park malapit sa bahay na punong puno ng roses sa sahig at mga kandila. "And... Action!" Sigaw ng direktor kaya naging seryoso na kaming parehas ni Jimin. Napatitig ako sa mga mata niyang nang aakit at ramdam ko ang napakalakas ng kabog ng dibdib ko ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Good! Keep going Jimin. Chachi pagpatuloy mo lang yang shocked face mo." Sabi ng direktor saamin. "Babe listen, you are the only one who understands me even more than myself. You are the only one with whom I can share everything, even my personal secrets. I want you to be with me always. The day I will love another woman in my life is the day you become the mother of our lovely daughter. Will you want to share this feeling with me? Will you marry me?" Napanganga naman ako sa sinabe ni Jimin at hindi ko alam kung anong irereact ko sa susunod. Masyado kong dinamdam ang mga sinasabe niya saakin na parang totoo kaya naman hindi ko napigilang hindi maiyak. Oo oa na kung oa pero naiyak talaga ako. Napatingin ako dito kay Jimin ng mapansin ko ang pagkairita sa mukha niya kaya napatitig ako sa mga tuhod niyang matagal ng nakaluhod saakin at may nakalahad pang singsing sa harap ko kaya agad akong nagpahid ng luha at sumigaw. "Yes yes yes! From the bottom of my eyebags and the power of my sweet saliva! Yes Jimin babe!" Sabay taas ng kamay ko. *krruuu krruuu kruuu* Eh? Bakit ang tahimik? "BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Eh? May nakakatawa ba? Anong nakakatawa dun sa sinabe ko? Eh nag yes lang naman ako with feelings. Nakita ko ang pagngiti ni Jimin saka niya kinuha ang kamay ko at isinukbit ang singsing saakin kaya tiningnan ko ito ng bigla akong yakapin ni Jimin ng mahigpit sabay sabi ng.. "Saranghae." "Nado saranghae Jiminnie pabo." Saka kami nagtawanan parehas. Oo actingan lang 'to para sa kanya pero para saakin totoo. "Aaaaaand... Cut! That was fabulous Chachi and Jimin. Hindi talaga nagkamali si Bang PD nim sa pagpili sainyo. Break muna then next scene tayo." Agad binitawan ni Jimin ang kamay ko saka siya nagmadaling pumunta sa dressing room kaya napabuntong hininga nalang ako. Siguro kakausapin na naman niya si Minah. Pumunta na din ako sa kaparehas naming dressing room ni Jimin saka ko siya nakitang nakaupo sa may malapit sa aircon habang nagtetext. *krrinngg krriinngg* Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag saka ko nakita na tumatawag si V kaya agad ko itong sinagot. "Miss Chachi! Kamusta ang taping niyo?" Napangiti naman ako sa pagkakamusta ni V saamin. Napakabait talaga niya. "Okay naman. Masaya." Or ako lang ata ang masaya. "May problema ba Miss Chachi? Nag away na naman ba kayo ni hyung?" "Hindi hindi. Masaya nga eh, nakakakilig." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya napatawa na din ako. "Sige Miss Chachi kumain ka muna or magpahinga. Tatawag nalang ulit ako mamaya. Annyeong!" "Mmm annyeong." Saka ko narinig ang pag toot toot kaya napatingin ulit ako kay Jimin na nakangiti sa phone niya. *sigh* How I wish na sana ako nalang ang nagpapangiti sa kanya. Pagkatapos namin magpahinga. Nag take kami sa part na namimili kami ng mga wedding gowns, cakes or whatsoever, hindi naman bongga ang wedding namin pero medyo formal lang siya. Pero ang gusto ko talaga ikasal sa beach wedding, wala lang parang maganda lang. "Okay cut!" Nawala ang ngiti saakin ni Jimin ng sumigaw ang direktor saka ito agad binitawan ang kamay ko at agad na lumayo saakin. "Tomorrow kailangan niyo pang galingan so I want you two to have a good sleep. Lalo ka na Jimin, alam kong nagkakasabay ang comeback niyo at ang taping kaya magpahinga ka." "Ne." Sagot lang nito saka dumiretso ng dressing room. Nagpaalam na ako sa mga direktor saka ako pumunta ng dressing room para kuhanin ang mga gamit ko. "Chim chim sabay na ta--" "Cut it out. I have a date with Minah. May driver naman dun ka nalang sumakay." Sinukbit niya ang backpack niya sa isang balikat niya. "P-pero ang sabi ni Direk kailangan mo daw magpahinga hindi ba pwedeng sa ibang araw mo nalang siy--" "Don't meddle with my business Chachi. You're just my partner in taping, remember that." Saka ito umalis leaving me crying. Nakita ko ang mga miscall saakin ni V pero hindi ko nalang pinansin. Nagpababa ako sa malapit na restaurant saka ako umorder ng tacos at pineapple juice. Unique ang restaurant na 'to dahil hindi magkakadikit ang mga table, para siyang per room ganun. Alam kong wala sa bokabularyo ko ang sumuko pero hindi ko mapigilang hindi mag isip isip, hindi naman ako ganito dati. Masyado na akong na o-obsess kay Jimin at hindi magandang pakinggan 'yun lalo na't babae ako. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatulala saka ko naisipang itext si Jimin. To My Chimchim: Chim, anong oras ka uuwi? Akala ko hindi siya magrereply pero nagulat ako ng makita ko ang name niya sa screen ko na ikina-disappoint ko naman. From My Chimchim: Who's this please? Stop texting my boyfriend you s**t! Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko kay Minah kaya hindi ko mapigilang hindi manggigil. Tama! I should tell Jimin ang panloloko niya. Ako pa talagang tinawag niyang s**t? Eh ano pa siya? JIMIN'S POV' Pagkatapos ng date namin ni Minah napag isipan ko ng umuwi dahil mag 12am na din. Maaga ang taping namin bukas kaya kailangan kong makatulog ng maaga. Milagro hindi nagtetext ang makulit na babaeng 'yun? Pagkatapak ko palang sa mansion napansin ko silang lahat na nakakumpol sa sala at nakatingin saakin. "What the?" "Nasan si Miss Chachi? Bakit hindi mo siya kasama?" Tanong ni V hyung. "What? Nauna siyang umuwi ah?" Napasabunot sa buhok si V saka ko nakitang hindi mapakali si Rapmon hyung. "Wait, don't tell me wala pa siya?" "Wala pa siya Jimin." Malungkot na sabi ni Mikayla. "Kanina pa tumatawag ang Lolo niya at hinahanap siya." Fvck! Where the fvcking hell is she?! I dialled her number but she's not answering damn it! "Bakit ba kasi hindi mo siya sinabay umuwi?" Tanong ni Jin hyung. "I have a date with Minah alanganamang isama ko pa siya?" "What?! Inuna mo pa ang date mo sa lintik na babaeng 'yun kaysa sa apo ni Bang PD nim?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasuntok ko na si V hyung na ikinausok ng ilong ni Jungkook. "Back off Jimin, I don't want to hurt you." Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit saakin si Jungkook and I don't like it. "Insultuhin mo na lahat ng babae wag lang si Minah Taehyung. I'm warning you." Banta ko dito. "Tss." Rinig kong sabi ni Suga saka siya nagkabit ng headphones nito. Si Jhope naman na nakahawak sa braso ko at si Jin hyung na inaalalayan si Taehyung. "Ganito na ba tayo? Nag aaway away ng dahil lang sa maliit na bagay? Jimin sa susunod uunahin mo muna si Miss Chachi bago ang iba. Tandaan mo binilin saatin si Miss Chachi kaya marunong kang tumupad sa usapan." Bigla akong nakaramdam ng konsensya sa sinabi ni Rapmon hyung kaya agad akong lumabas ng mansion at sinimulang hanapin si Chachi. Paikot ikot ako sa may lugar namin ng may matanaw akong babae na nakaupo sa may gitna ng basketball court habang dinidribol ang bola. "Chachi." Bulong ko pero nagulat ako ng marinig niya ako saka siya napaharap saakin. "Chim?" Lumapit ako sa kanya saka siya tumayo at nagpagpag ng damit. "What the hell are you doing here?! Hindi mo ba alam na nag alala kami sa'yo?!" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya na napalitan kaagad ng ngiti. "Nag alala ka din sakin?" "W-what? Of course not. Sila pala not me! Inutusan lang ako ni Rapmon na sunduin ka!" Nakita ko ang mapang asar niyang ngiti kaya napakunot noo ako. "What now?!" "Wala hahaha. Tara na uwi na tayo. Okay na ako." Tingnan mo 'tong baliw na babae na 'to, hindi naman ako tanga para hindi mapansin na umiyak siya dahil sa namumula nitong mukha at namumugto niyang mata. Hindi ko alam pero kumikirot ang puso ko kapag nakikita ko ang reaksyon sa mukha niya na may pagkalungkot. Sumakay na siya sa kotse ko at katahimikan lang ang maririnig mo. Napag isipan kong buksan ang radio saka ako napatitig sa kanya na nakatingin lang sa bintana habang nanginginig ang mga kamay nito. Bakit ba 'yun pa ang tumugtog? "Hey." I called her but I didn't get a response from her. "You're shaki--" napatigil ako ng humarap siya saakin saka nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang umiiyak. "Chim huhuhuhu." She sobbed then she hugged me and cried loudly. I don't know what to do, basta alam ko sa sarili ko it hurts to see her crying because of me. Alam ko naman na dahil saakin 'yun dahil kanina pa siya nagsasalita at sinasabi niyang "Bakit siya pa? Bakit hindi nalang ako?" I feel sorry for her. Hindi naman siya mahirap mahalin at magustuhan. She's perfect but I don't love her. I love Minah at hindi na magbabago ang isip ko. Minah loves me and I love her too. Sana maintindihan niya din 'yun. "Iiyak mo lang yan." Sabi ko sa kanya saka ko siya ginantihan ng yakap. Sana kahit ito man lang makabawi ako sa kanya at maibsan ang hinanakit sa puso niya. MINAH'S POV' "Hahahaha! Ang tanga niya! Grabe!" Tumawa ako ng napakalakas saka ako uminom ng alak. "That's why I love you." He kissed me on my lips and I just can't resist him. "Maybe you should just break up with him." "Na-uh. I'm still using him." Niyakap ko siya sa leeg saka ako umupo sa may lap niya. "For how long? I want you to be mine completely." Saka niya ako hinalikan ng hinalikan sa leeg leaving hickeys on it. "Just watch love. That can wait." Napangisi nalang ako saka ko tiningnan ang litrato naming magkasama kanina. How pathetic you are Park Jimin, you think you're hot but you're not that hot. My love is still hotter than you. Just wait for your heartbreak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD