TAEHYUNG'S POV'
"Mikayla ikaw na kayang kumatok dun baka ano na nangyare dun kay Miss Chachi eh." Pinagsaklop ko naman ang kamay ko saka ako napahilamos sa mukha ko.
Simula kasi nung umalis si Jimin hyung nagkulong na kaagad sa kwarto si Miss Chachi.
"H-ha? Eh diba nga ako pa unang kumatok kanina, tapos pinaalis lang din ako? Hayaan niyo muna ganyan talaga si Chachi kapag masama ang loob." Napatango nalang kami saka sila nagpatuloy sa panonood ng mga comeback namin sa youtube.
Tama kayo ng hula may gusto ako kay Miss Chachi, masyado nalang siguro siyang focus kay Jimin kaya hindi niya halata yung paraan ng pagtitig ko sa kanya.
*vrooom vrooom*
Nandito na siya.
"Act normal guys!" Sigaw samin ni Rapmon.
"Pfft." Napatawa si Jhope kaya napatawa na din ako. Nakakahawa naman kasi tawa niya eh.
Maya maya ay nakarinig na kami ng yabag ng paa kaya napatingin kami sa pinto at bumungad saamin si Jimin na...
GOOD MOOD?!!!!
Anong nangyare?! Parang kanina lang eh galit na galit ah?
"Oh! Makatingin kayo ng ganyan sakin?" Pagsusungit niya saka siya napatingin saming lahat. Mukhang may hinahanap. "Milagro wala yata yung babaeng stalker?" Nagkatinginan naman kami kaya napilitan na akong magsalita.
"Simula ng umalis ka hindi na lumabas ng kwarto si Miss Chachi, hindi pa din siya kumakain." Walang reaksyon na sabi ko. Naiinis pa din ako kay Jimin hyung.
Hindi ba niya napapansin na napaka swerte na niya kay Miss Chachi?! Mabait, maganda, talented, maalaga at loyal sa kanya! Higit na mas better kay Minah. Ano bang nakita ni Jimin hyung sa babaeng 'yun at nabaliw siya ng ganyan.
"Hayaan niyo siya, bababa din yan kapag gusto niya." Napatingin ako sa relo ko at nakita kong mag 12am na kaya napagpasyahan kong umakyat ulit at subukang katukin si Miss Chachi.
"Oh hyung san ka pupunta? Matutulog ka na?" Umiling naman ako sa kanila saka ako nagpatuloy na umakyat. Pagkarating ko sa pinto ni Miss Chachi kumatok na kaagad ako saka ko hinawakan ang door knob.
"Miss Chachi? Si Taehyung 'to." Wala pa ding sumasagot sa loob kaya binuksan ko na ang pinto at nagulat ako ng tumambad saakin si Miss Chachi na nagsusulat sa may study table niya at may nakapasak na earphones.
Napansin niya ata ang presensya ko kaya napatingin siya sa gawi ko.
"Oh! Andyan ka pala V. Sara mo yung pinto." Sabi niya kaya sinara ko naman kaagad. T-teka! Pero naka lock kanina yung pinto ah.
"Paanong?"
"Ah nabukas?" Tumango naman ako sa kanya. "De remote kasi yung pinto ko kaya kapag tinamad ako pipindutin ko lang 'to saka yan kusang mag uunlock. Bakit kanina pa ba kayo kumakatok?" Napabuntong hininga naman ako saka ko siya tinabihan.
Akala ko naman kung ano na nangyare sa kanya.
"Oo eh. Akala namin nagkukulong ka dahil kay Jimin hyung." Napakunot noo siya sa sinabe ko. "Hindi ka pa kasi kumakain."
"Ahhh! Yun ba? Hahaha sira!" Saka niya ako hinampas ng mahina sa braso kaya napangiti ako. "Hindi ko kasi kayo naririnig dahil naka earphones ako at sumusulat ng kanta. Tapos nag di-diet ako! Baka kasi kaya ayaw sakin ni Jimin dahil masyado akong malaman."
Malaman? Si Miss Chachi? Eh hindi naman ah! Ang sexy sexy kaya niya.
"Nasa baba na nga pala si Jimin." Mahinang sabi ko kaya biglang nagningning ang mga mata niya.
"Ahh.. Good mood na siya no?" Nagtatakhang tumango ako sa kanya. "Hehehe pano ko nalaman?" Tinuro niya yung malaking screen na TV sa may likod niya at saka niya in-on 'yun at tumambad saakin ang secret CCTV cameras na nakapalibot sa buong mansyon.
Takte! Ganito pala talaga kayaman sila Miss Chachi!
"Kanina nung pagkapasok niya alam ko ng good mood siya kaya nag unlock ako ng pinto, baka kasi maisipan niyang pumasok at mag sorry sakin hihihihi."
Seryoso ba talaga siya sa sinasabe niya? Wala lang sa kanya yung masasakit na salita sa kanya ni Jimin hyung? Aba matinde!
Ibang klaseng babae talaga siya, hindi madaling mag give up.
Tumayo na ako saka ko siya nginitian.
"Sigurado ka bang hindi ka na kakain?" Tanong ko sa kanya.
"Hehehe oo matutulog na din ako dahil papakita ko kay Lolo yung bago kong kanta." Natatawa niyang sabe.
"Sige Miss Chachi baba na ako." Tumango nalang siya saka nag earphones ulit. "Sana mapansin mo din ako balang araw." Sabi ko sa kanya, alam ko naman na hindi niya naririnig dahil ang lakas ng tugtog niya sa earphones.
Rinig na rinig ko pa nga na tumutugtog yung kanta namin na Fun Boys. Madami kasing part si Jimin dun kaya siguro yun ang napili niya.
Pagkababa ko puro tanong na ang inabot ko sa kanila.
"Op! Teka mahina ang kalaban! Alam kong gwapo ako pero isa isa lang!" Pigil ko sa kanila.
"Aish! Wala ka talagang kwentang kausap!" Sabay bato sakin ng couch pillow ni Suga.
"Hindi naman siya nagkulong, gumagawa siya ng kanta at may nakapasak na earphones sa tenga niya. At wengya! May CCTV pala dito! Hindi ko alam!" Napanganga sila saakin.
"Bakit?"
"Pano mong nalaman lahat yan hyung? Close na kayo ni Miss Chachi?" Manghang tanong ni Jungkook.
"Pabo ya? Malamang kaya nga ako umakyat para kumustuhin siya diba? Malamang nagkwento na din siya at nakita ko yung TV screen niya na kitang kita lahat ng ginagawa dito." Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Jimin kaya hindi ko na siya hinayaang magsalita.
"Kung iniisip mo na pati sa kwarto meron, wala. Sa labas lang, garahe, kusina at sala ang meron." Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag kaya napailing nalang ako. Ayaw na ayaw niya talaga kay Miss Chachi.
Pero nakakasiguro ako na kung wala lang mahal tong si Jimin, sigurado ako na magugustuhan niya din si Miss Chachi.
CHACHI'S POV'
Maaga akong nagising dahil kailangan kong pumunta kaagad sa office at ipakita kay Lolo ang winowork kong bagong kanta. Hindi pa ako nakakaisip ng title pero para kay Jimin yung kanta ko na 'to.
Sa mga masasakit na salitang binibitawan kasi sakin ni Jimin napag isip isip ko na idaan nalang sa paggawa ng kanta kahit na first time ko kesa naman magmukmok. Papanget lang ako no! Atsaka kahit magmukmok ako hindi pa din ako magugustuhan ni Jimin ko. Edi gagawa nalang ako ng ikatutuwa niya diba?
Napatingin ako sa relo ko at 5am na, alam kong gising na si Lolo dahil may binubuo kasing bagong new boy group si Lolo at kailangan niyang asikasuhin.
Bumaba na ako at nagulat ako ng may marinig akong mga naghihilik sa may sala. Hala! Dito ba sila natulog?!
Pagkakita ko halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang mga bote ng beer sa may coffee table at naka bulagta silang lahat. Pati pala si Mikayla andito din. Uminom pala sila kagabi? Bakit hindi ko alam? Pffft.
Nag tiptoe ako ng madaanan ko sila kaya lang nagulat ako ng biglang may humawak sa pulsuhan ko saka niya ako pinaharap sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Nanlaki ang mga mata ko kay Jimin saka dumako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko kaya mabilis niyang inalis 'yun. Waaaaa! Bakit niya inalis?
"A-ah.. S-sa office."
"At this hour?" Mabilis akong tumango sa kanya.
"You must be kidding me."
"Hindi naman ako nag jojokijoki Jimin, may ipapasa kasi akong kanta ko kay Lolo ipapakita ko, lately kasi naging busy siya dahil sa new boy group na trainees." Napakunot noo naman siya sa sinabe ko.
"Pupunta ka dun ng ganito kaaga para lang ipasa yan? Tapos puro lalake pa ang nandun?!" Bakit? Puro lalake din naman silang BTS. Ayy sabagay kasama ko nga naman si Mikayla.
"Ano ka ba wag ka ngang sumigaw dyan baka magising sila. Sige na matulog ka na dun, mabilis lang naman ako." Paalis na sana ako ng hawakan na naman niya ako sa braso.
"Sasama ako. Delikado sa labas baka pagalitan pa ako ni Bang PD nim sabihin eh alam ko ng umalis ka di pa kita sinamahan." Napangiti naman ako ng tago. Yiiii! Concern din pala siya sakin kahit papano. "Wag kang kiligin dyan hindi kita pinapakilig atsaka ginagawa ko lang yung mga dapat." Saka niya inagaw ang susi ng kotse ko sa kamay saka niya kinuha ang sapatos niya sa may gilid ng sofa at sinuot 'yun.
Kahit pala bagong gising siya at wala pang ligo napakabango pa din niya. Hayyy! Kaya bias ko siya eh.
Nang makasakay kami sa kotse ko bigla namang kumulo ang tyan ko na narinig naman ata ni Jimin kaya bigla siyang napatingin saakin.
"You hungry?"
"A-ah.. M-medyo? Hehe." Napailing nalang siya saka siya tumingin tingin sa mga nadadaanan naming drive thru na fast foods.
"Okay lang ba sa'yo yung mcdo?"
"Oo naman." Ano akala niya sakin maselan sa pagkain? Hindi no! Lalo na at si Jimin pa nag alok hehehe. Kahit yung ampalaya pa yan na hindi ko kinakain eh kakainin ko.
Pumili kami sa drive thru saka niya sinuot ang cap at shades niya, disguise nga naman. Ayy ako din pala! Kinuha ko ang mask ko sa bag saka ko sinuot.
"Annyeong! Welcome to Mcdonalds may I take your order?" Sabi nung babae sa window.
"Pancake 2 pcs then hot cholocate." Sabi niya sa babae saka siya tumingin sakin. "Ikaw?"
"A-ah g-ganun na din po hehe." Hayy bakit ba ako nauutal lagi kapag nakatingin sakin si Jimin?
Pagkatapos naming umorder nakarating na din kami sa wakas sa Big Hit. Pumarada kami kanina sa may parking ng Mcdo para dun kumain tapos dumiretso na kami kaagad dito.
"Good Morning Mam Chachi."
"Good Morning Mam."
"Good Morning Mam Chachi."
Kinawayan ko lang ang mga staffs sa Big Hit at eto namang kasama ko parang walang kibo lang na naglalakad. Ang gwapo pa din niya.
Kumatok na ako nang makarating kami sa office ni Lolo at narinig ko naman na pinapapasok niya ako kaya pumasok na kami ni Jimin. Nagulat pa si Lolo at yung mga bagong trainees kaya naman napatayo kaagad sila at nag bow.
"Oh apo, Jimin ijo, anung kailangan niyo ng ganito kaaga?"
"Ah Lo, ako lang hehe sinamahan niya lang ako." Pumunta kaagad ako sa may lamesa ni Lolo saka ko nilagay dun yung notebook ko na may sulat ng kanta. "Ginawa ko yan kanina Lo, pinagpuyatan ko hehe." Lumapit ako kay Lolo saka ako bumulong sa kanya.
"Hehehe lolo quiet ka lang, kanta ko yan para kay Jimin." Napatawa naman si Lolo kaya napatingin samin lahat ng trainees pati si Jimin.
"Ikaw talaga apo, oo makakaasa ka. Gusto kong marinig 'to apo. Maganda ang pagkaka litanya ng kanta mo." Napangiti naman ako kay Lolo.
"Talaga lo? Hehehe gusto ko sanang kantahin yan sa awards."
"Saang awards apo?"
"Hehehe yung 6th Gaon Kpop Chart Awards lo yun na yung pinakamalapit eh." Napatango naman si Lolo kaya umupo muna ako sa tabi ni Jimin. Nakita ko siyang humikab kaya nakaramdam ako ng awa.
Hala! Puyat nga pala siya pero dahil sakin naputol yung tulog niya.
"A-ah. J-Jimin kung gusto mo mauna ka na sa mansion eh kasi inaan--"
"Don't mind me, gawin mo ang dapat mong gawin. Pwede naman akong umiglip dito." Saka niya sinandal ang ulo niya sa may pader.
"Ang ganda pala sa malapitan ni Miss Chachi 'no?"
"Ang swerte ng makakatuluyan niyang idol o kaya naman actor."
"Takte ka umiiral na naman pag shiship mo sa mga idols."
Napansin ata nilang nakatingin ako sa kanila kaya naman bigla sila natahimik.
"Goodluck sa debut niyo ha? Galingan niyo." Lumiwanag naman ang mga mukha nila kaya napangiti ako.
"Tss." Napa pout nalang ako kay Jimin. Akala ko pa naman tulog na siya.
**
Pagkatapos naming mag usap ni Lolo, ipinasa na niya sa organizer at producer yung sulat ko at sila na bahala sa tugtog at sa melody. Napagpasyahan ko na ding bumalik sa mansion dahil kailangang magpahinga ni Jimin.
Malapit na din yung taping namin sa We Got Married.
9am na ng makarating kami sa mansion kaya naabutan naming naghaharutan sa sala ang BTS at si Mikayla. Malinis na din ang sala.
"Oh! Chucks!" Niyakap naman ako ni Mikayla saka kami pumunta sa sala. Mabilis na humiga sa sofa si Jimin saka pumikit. "Magkasama kayo?"
"Ah oo." Ngumiti naman siya ng pang asar sakin saka niya ako siniko kaya naman namula kaagad ako.
"Miss Chachi pano kaya kung gumawa ka ng cover mo? Para naman dumami pa fans mo at makita nila yung hidden talent mo." Huwaaaaaa! Ayokoooo nakakahiya!
"Oo nga Miss Chachi." Pag sang ayon ni Suga sa sinabe ni Jin.
"P-pero n-ngayon na ba?" Agad silang tumango.
"Ipost natin sa V App tapos ipopost din namin sa BANGTANTV para naman agad kumalat." Sabi ni Rapmon. Mukhang magandang ideya 'yun pero nakakahiya talaga.
"Ano bang icocover mo Miss Chachi?" Tanong naman ni Jhope.
"Ammm I'll try Emotions by Mariah Carey. Matagal ko ng kinakanta 'to since I was a kid kaya gamay ko na din. Pero hindi ako marunong mag record ng kanta." Hindi ko pala napakita sainyo yung recording room ko. Matagal tagal na kasing hindi nagagamit 'yun kaya hindi ko na ipinakita.
"Woooow!" Manghang mangha si Jungkook. Oo nga pala siya yung mabilis na humanga pagdating sa kantahan.
Tinawagan naman nila yung kakilala nilang magaling mag record kaya naghintay kami ng isang oras bago ito makadating.
Ano bang meron at kailangan pa ng vlog. Hahaha! Eh kasi naman nahihiya ako, baka pagtawanan na naman ako ni Jimin.
Pumunta na kami sa recording room ko kaya naman manghang mangha na naman sila sa laki at ganda.
Andito na kaming lahat kaya pinaupo ko na sila dun sa may loob, jusme nakakahiya talaga. Rinig na rinig nila huhuhu!
"Ako nga pala si Jinyoung Miss Chachi, kaibigan ako ng BTS. Ako yung tutulong sa'yo sa recording mo." Binati ko naman siya saka ko nakita si Taehyung na busy sa pag aayos ng camera.
"Aish! Amina nga yan! Magtatagal tayo nyan eh." Natawa ako kay Jhope ng hablutin niya ang camera kay V kaya napakamot nalang sa ulo si V.
"Okay ready?" Narinig kong sabi ni Jinyoung sa headset. Nag thumbs up naman ako sa kanya kaya nakita kong kumaway kaway si Mikayla sa labas.
Nakasandal lang si Jimin sa may pader at nakapikit. *pout*
Narinig ko ng tumugtog ang kanta kaya naman nag focus nalang muna ako. Para sa first cover ko gagalingan ko. I need to impress my Jimin para iwan na niya si Minah hehehe jokijoki lang.
**
Pagkatapos kong kumanta nakita kong nakanganga ang BTS pero si Mikayla pumapalakpak lang. Alam naman niya kasi talaga na marunong akong kumanta.
Lumabas na ako sa recording room saka ko sila sinalubong. Nakatulala pa din sila pati si Jimin kaya napatawa ako.
Si Jinyoung naman na nabilib din base sa expression ng mukha niya. Iniwan na namin siya sa recording room para ayusin yung kanta at ipost sa BANGTANTV kaya naman gumawa nalang muna si Mikayla ng makakain para kay Jinyoung.
"Omo! Miss Chachi boses mo ba talaga 'yun?" Sabi ni Jungkook.
"Ikaw na ata pinakamagaling na singer sa lahat ng idols. Wooow!" Sabi naman ni Rapmon.
"Oo nga tapos dadagdag fans mo nyan tiwala ka lang Miss Chachi, mahihigitan mo si Ailee." Napangiti naman ako kay Suga saka ako nakatingin kay Jimin na naka earphones.
Ano kayang pinapakinggan niya? Mukhang busy kasi siya eh.
Baka naman Something ng Girls Day o kaya Expectation. Pssh!
Maya maya ay bumaba na din si Jinyoung na may bitbit na laptop at ipinakita saamin ang kinalabasan ng cover ko.
Wala pang 5 minutes na naka post at mahigit 60,000 views na.
"Woooow!"
"Miss Chachi ang galing mo talaga."
"Mas maganda pa sa original."
Nag scroll down naman kami para magbasa ng comments. Pinaka madami ang mga good comments na nabasa ko.
"Huwaaa! Nakakainggit si Chachi."
"Kyaaaa! Pinost ng BTS to?! Sabi sa description guys si Hoseok daw at Taehyung ang kumuha nito kyaaaaah!"
"Omg! Better than the original."
"Dati ayoko sa kanya ngayon siya na ultimate bias ko sa babae."
"Ship ko sila ni Taehyung
Nanlaki ang mga mata ko dun sa last comment. Ship talaga kay Taehyung? Hahaha.
Nakita kong namula si V tapos bigla siyang nag iwas ng tingin sakin.
"Oy si Jimin viniview yung kanta ni Miss Chachi!" Pang aasar ni Jungkook kaya napatingin kaming lahat kay Jimin.
"Tss. Malamang pinost ng channel natin 'to. Binabasa ko yung mga comments. Mamaya pati tayo ma bash sa kalokohan niyo." Napatango nalang kami pero deep inside kinikilig ako. Atleast narinig niya yung kanta ko diba? Hehehe.
Binasa naman namin yung mga mababaw na bad comments. Mababaw lang naman hindi naman yung grabe.
"Ayoko sa kanya kasi kasama niya BTS sa isang company." Sabi nung babaeng fan tapos may mga nagreply sa comment niya na kesyo naiinggit lang daw siya at pinapaalis sa video na 'to.
"Nothing special, mas magaling pa din si Ailee."
"Yun na yun?"
"Bakit pinost ng BTS 'to?"
"Lipsync lang yan eh di naman siya ata kumanta talaga."
Natawa nalang kami sa mga hate comments kaya naman sinara na namin ang laptop. Binayaran ko si Jinyoung bilang pasasalamat kahit na ayaw niya ng bayad pero pinilit ko pa din.
"Wag mong pakinggan yung mga hate comments nila Miss Chachi inggit lang sila kasi hindi nila kaya yung whistle mo." Pagpapagaan ng loob na sabi ni Jin.
"Oo nga Miss Chachi basta para saamin ikaw na pinaka magaling." Napangiti naman ako sa kanila.
Pagkatapos ng recording moments namin, umakyat na sa kwarto yung iba at kami naman ni Jimin ang natira sa kusina dahil nag rock paper scissors sila kung sino ang tutulong sa pagluto ng lunch ngayon.
"Hey." Narinig kong tawag sakin ni Jimin. "Pass the onions and the cabbage." Mabilis naman na sinunod ko si Jimin tapos dumikit ako sa kanya.
"Umusog ka nga ang sikip oh." Napa pout nalang ako saka ko siya pinanood mag hiwa ng sibuyas at cabbage. Ayaw niya akong pakilusin dahil baka masira lang daw yung effort niya sa pagluto.
"Oo nga pala, bukas na yung taping sa We Got Married, ayusin mo ah! Wag mokong ipapahiya." Ipapahiya daw, gagalingan ko pa nga eh hehehe.
"Ayokong may marinig akong hate comments sa fans at sa mga nag shiship samin ni Minah." Minah na naman hayyy.
Kailan mo ba ako mapapansin Jimin?
Hindi pa ba obvious na mahal na kita? Puro nalang ba si Minah ang makikita mo? Na hindi naman nagpapakita ng effort magpapansin sayo?
"Bakit ka umiiyak?" Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni Jimin kaya naman agad na pinahid ko yung luha sa pisngi ko at mabilis na pumunta sa lababo at maghugas ng mukha.
Umiiyak na pala ako? Bakit di ko alam?
"I'm asking you, bakit ka umiiyak?"
"W-wala 'to. Malapit kasi yung mata ko sa sibuyas kaya naiyak ako." Sabi ko nalang. Mukha namang naniwala siya dahil bumalik siya sa paghihiwa.
"Pasensya na Chachi pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo sakin. May nagmamay ari na ng puso ko at hindi ko na pwedeng ibigay pa sa iba." Seryoso niyang sabi.
Ouch.
Alam ko naman 'yun Jimin hindi mo naman kailangan pang sabihin sakin harap harapan. Alam ko namang hindi ko mapapalitan sa puso mo si Minah kahit naman na hindi ka naman niya talaga mahal.
Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang totoo na niloloko lang siya ni Minah? Pero wala akong ebidensya. Maniniwala kaya siya?